Kumalat sa buong katawan ni Jun Wu Xie ang liwanag ng orange level spirit. Gulat na tumingin kay Jun Wu Xie ang siyam na lalaking taga-Qing Yun Clan.
Ang isang orange level spirit ay nailabas ang kaniyang buong kapangyarihan sa sukdulan!?
Imposible!
Ang babae sa kanilang harap ay nagtataglay lamang ng orange spirit. Mas mahina ito kaysa kay Jun Xian at marami pang iba. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, para kang sinusunog sa impyerno kapag ikaw ay tinitigan nito.
Isang orange level spirit ang naisagad ang kaniyang kakayahan, isang ring spirit na hindi matukoy ang level. Ang kombinasyong iyon ay sadyang napakahirap paniwalaan.
Habang nakikipaglaban si Jun Qing, sumulyap ito kay Jun Wu Xie. Sa kaniyang pagkakatanda kakasimula pa lang ng contractual ring spirit nito pero nagawa na agad nitong makarating sa orange level spirit?!
Talagang ikinagulat ito ni Jun Qing!
Naghanda si Jun Wu Xie para sa kaniyang atake at nag-umpisa nang lumapit sa Qing Yun Clan disciples. Isang kidlat na kulay puti ang tumama sa likuran nito.
"Itira niyo sa akin 'yang mahihinang iyan, Mistress. Hindi mo dapat dinudumihan ang kamay mo." Narinig ni Jun Wu Xie ang maliit na boses galing sa kaniyang likuran sabay naamoy niya ang aroma ng wine na kumakalat sa paligid.
Huminto si Jun Wu Xie sa paglalakad at tumingin sa puting pigura habang ito ay nagpapakidlat sa gitna ng gulo.
Drunk Lotus!
Nakasuot ito ng puting roba. at nagpatingkad sa gwapong mukha nito. Ang pisngi nito ay namumula. Ang dinadaanan nito ay nagdudulot ng ipo-ipo. Maging si Jun Xian ay nakaramdam ng pwersang humihila sa kaniya at huli na ng mamalayan nilang wala na sila sa gitna ng labanan!
Ilang sandali lamang pati si Long Qi at mga kasamahan nito ay hinigop na ng buhawi ni Drunk Lotus palayo sa gitna ng giyera.
Tumayo si Drunk Lotus sa gitna ng Qing Yun Clan. Bahagyang nakabukas ang robang suot nito at nakikita ang puting balat nito. Hawak nito sa isang kamay ang wine jar.
Nakayapak si Drunk Lotus sa lupang basa ng dugo. Nag-angat ito ng tingin at nagbaga lalo ang galit sa mata nito sa Qing Yun Clan.
"Lolo! Uncle!" Nang maitilapon sina Jun Xian at Jun Qing ay sinalo ito ni Jun Wu Xie gamit ang kaniyang spiritual energy at maingat itong inilapag sa lupa.
"Wu Xie, sino ang batang iyon?" Inaalalayan ni Jun Qing si Jun Xian sa pagtayo habang sila ay nakatingin kay Drunk Lotus. Hindi niya man lang nga namalayan ang pagdating nito, basta naramdaman na lang niyang nililipad na siya sa ere.
"Iyon ay si Drunk Lotus." Sagot ni Jun Wu Xie. Hindi. pa rin maipinta ang mukha nito dahil sa nakikita niyang sinapit ng mag-ama. Nang makita niya lang na walang sugat mortal ang dalawa, doon lang siya nakahinga ng maluwag. Ngunit muling nagbaga ang kaniyang galit nang makitang may dugo ang damit ng mga ito gawa ng sugat na maliliit sa katawan.
Humarap si Jun Wu Xie kay Drunk Lotus at sa black beast na nasa gitna ng laban. Nagbitaw ito ng utos.
"Huwag kayong magtitira kahit isa."
Sinugatan nila si Jun Xian at Jun Qing!? Magbabayad din sila gamit ang sarili nilang dugo!
"Masusunod!" Isang masamang tingin ang nabuo sa labi ni Drunk Lotus. Inilabas niya ang epekto ng wine at handa na siyang pumatay ng kahit ilan!
"Sino ka!?" Saglit na naawat si Drunk Lotus dahil sa tanong na iyon. Galit na galit ang Qing Yun Clan disciples habang sila ay nakatitig sa batang nasa gitna nila.
Una ay ang maliksing black beast, sumunod naman ay ang batang ito na talaga namang napakalakas. Dahil sa sunod-sunod na pangyayaring hindi nila inaasahan, sila ay nagiging tuso.
Kung ang black beast ay maliksi at mabilis, makikita nila sana iyon. Ngunit kailan at paanong nakarating ang batang ito dito?
Wala ni isa sa kanila ang nakapansin!
Kahit ang indigo spirit user ay napansin lang si Drunk Lotus nang ito ay tumigil at tumayo sa harap nila.
Inilibot ni Drunk Lotus ang tingin niya sa bawat isang nakapalibot sa kaniya. Pagkatapos ay tinungga nito ang dalang wine. Pinunasan niya muna ang kaniyang bibig bago nagsalita: "Tandaan niyo ito. Ngayon, ang isang nilalang na magdadala sa inyo sa impyerno ay walang iba kundi si Lord Drunk Lotus!!"