webnovel

Ikalimang Sampal (5)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Si Jun Wu Xie, na tinanggap ni Ke Cang Ju sa Hidden Cloud Peak upang kutyain lamang si Mu Chen, ay ikinagulat ni Ke Cang Ju.

Singgaling lamang sila sa kanilang kakayahan at tiyak siya sa kanyang paggamit ng mga karayom!

Paano nangyari iyon?

Di hamak na walang makakatalo kay Ke Cang Ju sa kanyang galing sa paggamit niya ng mga karayom na lumilipad. Ang kanyang mga patagong mga atake ay nakatumba na ng mga bihasang eksperto na mataas na lebel sa mga ispirito, ngunit hindi tinablan ang batang na sa kanyang harapan?

Nananatili pa rin ang katotohanan na ito'y nagawa ni Jun Wu Xie!

"Nayayamot ako sa pagmumukha mo." kumunot ang noo ni Jun Wu Xie nang maalala niya ang imahe ni Ke Cang Ju na nakatabi ng kanyang mala-diyablong anyo galing sa kanyang nakaraang buhay. Mga karumaldumal na gawain sa ngalan ng pananaliksik at gumawa ng mga marahas na gawain -- ang mga taong katulad nito ay di nararapat na mabuhay!

Naramdaman ni Ke Cang Ju ang kilabot mula sa kanyang mga paa hangang sa baluktot ng kanyang katawan.

Nainsulto siya sa nagagawang mapangilabot na titig ng isang bata!

"Walang hiya ka! Kay dumi ng iyong bibig! Wala akong pakiaalam kung sino ka man, sa paghantong mo dito sa Hidden Cloud Peak titiyakin kong hindi mo na maiisip pa na makalabas ng buhay!" Tumawa si Ke Cang Ju na nag tatapang-tapangan, hindi siya naniniwala na ang mga batang ito ay may kakayahang manggulo rito!

Sakop niya ang buong Hidden Cloud Peak!

"Ako kaya'y mapipigilan mo?" tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang mukha, dahan-dahang ngumiti.

Ang hindi makilalang mukha na na-iba sa mala-diyablong ngiti ay nagbago at naging isang magandang mukha!

"Subukan mo at iyong makikita! Hayaan mo, ika'y aking ihuhuli upang maramdaman mo ang dahan-dahan kong pagpaparanas ng parusang naghihintay sa iyo!" Ang matining na tawa ni Ke Cang Ju ay sinamahan ng kanyang pagwala nang kanyang nasilayan ang magandang mukha at katangi-tanging ngiti ni Jun Wu Xie.

Ang magagandang bagay ay nararapat lang na sirain!

Nakatayo ang sumimangot na lamang na si Qiao Chu. Nais niyang sumugod at turuan ng leksyon ang dambuhalang halimaw na naroroon.

Ngunit pinigilan siya ni Jun Xie sa pagtaas ni Jun Xie ng kanyang kamay.

"Diyan ka lang" nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie, ang kanyang ngiti mas lumaki pa kaysa sa una.

Nagdalawang isip si Qiao Chu. Hindi niya nakilala ang Jun Xie na nasa kanyang harapan. Siya'y nakangiti, ngunit ang ngiting iyon ay nakakapangilabot. Ito ang tumulak kay Qiao Chu na sumunod sa pasya ni Jun Wu Xie, at siya'y umatras.

"Bata, ika'y mamamatay." Hindi iniisip ni Ke Cang Ju na mapapahamak siya ni Jun Wu Xie. Bata lamang siya at walang bisa ang kanyang mga kakayahan dahil di hamak na mas malakas ang kakayahan ni Ke Cang Ju sa lason!

Lason na pumatay ng di namamalayan ng kanyang mga kalaban!

Walang may mas nakakaalam sa pagpatay ng gamit ng lason. Sa pamamagitan ng lason, siya'y nakakapatay kahit saan, kahit sino nang hindi man lang namamalayan ng tao kung ano ang pumatay sa kanya!

"Dalawa lamang kayo, hindi kayo papalarin dito. Sa loob ng Hidden Cloud Peak, kahit ang mga sundalo ay hindi ako napatutumba. Kamatayan lang ang haharap sa inyo at ito'y inyong matitikman!" Bumaluktot ang mukha ni Ke Cang Ju nang siya'y ngumiti, ang kanyang mukha naging mas lalo pang kasuka-suka, parang isang halimaw na nanggaling sa impyerno!

Ang mga tansong kampana sa laylayan ng kanyang damtan ay nag-ingay at mula rito ay may lumabas na berdeng usok sa kumalat sa silid.

Nang unti-unting napuno ng usok ang silid, si Hua Yao na nakakadena sa pader ay nawalan ng kahinahunan. Siy'ay nataranta at sumigaw "Umalis na kayo! Ang usok na iyan ay Lone Smoke na may lason!"

Ang kuskus-balungos ni Ke Cang Ju ay narinig sa bawat sulok habang dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay.

"Kayong mga dukha ay dapat magpasalamat at kayo'y mamamatay sa aking Lone Smoke!"