webnovel

Huwag Mong Hilingin Ang Kamatayan at Mabubuhay Ka (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Pagkatapos kumpirmahin ang kanilang pakikianib kay Lei Chen, ang Spirit Battle Tournament ay ang panahon kung saan si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasamahan ay magpapasikat.

Ngunit nang umapak si Jun Wu Xie sa ikaapat na yugto ng palaro, isang hindi inaasahang pangyayari na naman ang naganap. Ang disipulo na dapat niyang kalaban sa kumpetisyon ay umatras katulad ng mga naunang tatlo, ngunit sa pagkakataong ito, higit na seryoso ang nangyari.

Ang disipulo na siyang dapat niyang kalaban ay hindi nlamang sumipot sa laban kung hindi ay pinatay pa sa isang lugar sa Imperial Capital. Ito ang unang pagkaakataon na may naganap na pagkitil ng buhay sa loob ng Spirit Battle Tournament simula ng inilunsad ang palarong ito!

Ang mga naunang pag-atras sa kumpetisyon ay isinisi kay Jun Wu Xie at Lei Chen na siyang pinagdidiskusyunan ng lahat kung ano ang totoong nangyari. Ngunit sa pagkakataong ito, masyado nang naging mapanganib ang nangyari.

May isang tao na nawalan ng buhay!

Ang mga tao ay kuryuso kung ano ang mga susunod na mangyayari. Ang mga disipulo na nanalo sa ikaapat na yugto ng kumpetisyon ay nagagalit na at hindi nila alam kung sino ang susunod na makakalaban ni Jun Wu Xie! Sigurado na sila na si Lei Chen nga ang may gawa nito upang maipanalo lamang si Jun Wu Xie at kumitil pa ng buhay maisakatuparan lamang ito. Hindi ba isang mensahe na iyon sa kanila na kung gusto pa nilang tumuloy sa kumpetisyon, ang tanging patutunguhan lamang nila ay kamatayan?!

At dahil hindi pa rin malinaw sa lahat ang nangyari at dahil may nawalan na ng buhay, ang mga disipulo ay napuno ng takot at kaba. Kung noong una, naiinis lamang sa Zephyr Academy ang mga disipulo mula sa iba't ibang academy dahil sa pabor na ibinibigay ni Lei Chen dito, ngayon ang Zephyr Academy ay kanilang minumura at dinuduraan.

Ang pagkasira sa pangalan ng Zephyr Academy ngayon ay hindi na lamang maliit na bagay dahil sa dito isinisi ang krimen na kung saan isang tao ang namatay, at kahit gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga disipulo ng Zephyr Academy, hindi na ito sapat para maaibalik ang reputasyon ng Zephyr Academy!

Mabilis na pinatawag ni Jun Wu Xie si Lei Chen upang alamin kung ano ang totoong nangyari.

Sa pagkakataong ito, inosente si Lei Chen sa krimen na nangyari. Pagkatapos nilang magpagdesisyonan na magsanid pwersa, alam ni Lei Chen na hindi na siya pwedeng ipagpatuloy ang hindi pantay niyang pamamaraan. Hindi na siya gumawa pa ng kahit anong hakbang para gumawa ng pabor sa Zephyr Acaemy… ni hindi rin siya lumapit sa mga disipulo na siyang makakalaban ni Jun Wu Xie. Sa katotohanan niyan, hindi nga niya alam kung sino ang makakalaban ni Jun Wui Xie!

"Hindi ikaw?" tanong ni Jun Wu Xie at mariing tiningnan si Lei Chen.

Muntik ng murahin Lei Chen ang kalangitan. "Hindi ako ang may kagagawan noon. Kahit may pagkatanga ako, hindi ko pipiliin ang pagkakataong ito para gumawa ng bagay na higit pa sa kaya kong gawin! Hindi ba parang sinilaban ko lang din ang aking sarili kung ginawa ko nga iyon?"

Malalim na nag-isip si Jun Wu Xie. Kung hindi nga iyon si Lei Chen, ang maaaring gumawa na lamang nito ay ang tao na gustong pabagsakin ang pangalan at reputasyon ni Lei Chen, ang emperador ng Yan Country. Tanging ito laman g ang may kakayahan na gumawa nito.

"Wala talaga siyang awa, hindi ba?" naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie. Ang emperador ng Yan Country, para mapuwersa si Lei Chen na bumaba sa puwesto nito bilang tagapagmamanang prinsipe, ay lihim na pumunta rito para patayin ang kalahok na siyang makakalaban ni Jun Wu Xie. Kung ang balitang ito ay kumalat, kalimutan na ng Yan Country ang pagdaos ng mmga susunod na Spirit Battle Tournament.

"Ano na an gating susunod na gagawin? Ang mga academy na kalahok ay nagpoprotesta tungkol sa nangyari ay naioarating na rin sa aking ama. Kung gagamit siya ng puwersa ngayon para sumunod ako sa mga utos niya, kung gayon…" Hindi naituloy ni Lei Chen ang sasabihin dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdaman.

Samantalang si Jun Wu Xie ay nanatiling kalmado. Ang pagiging kalmante ni Jun Wu Xie ay mas ikinabahala ni Lei Chen.

""Hindi ka ba nag-aalala? Ang buong insidente… ay nakakaapekto din sa iyo di ba?" nakatitig lamang si Lei Chen kay Jun Wu Xie at naghihinty ng sagot.

Si Jun Wu Xie ay nanatiling paring walang pakialam, "Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol dito. Ako na ang bahala. Kung ang emperador ay ipipilit na ibuntong sa iyo ang sisi sa pagkamatay ng disipulo, ang tanging magagawa ay hayaan lamang ito at sapat na iyon."