webnovel

Hindi Kinukulang sa Pera (6)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Akala ni Old Master Liu ay sapat na ang kaniyang pera para kunin si Jun Wu Xie bilang personal assistant niya. Ngunit ngayon, halos lumuwa na ang kaniyang mata sa kaniyang nasasaksihan. Kahit na siya ay maituturing na mayaman, hindi niya kayang magbigay ng halagang binibitawan ngayon ni Jun Wu Xie. Tila sinasampal si Old Master Liu dahil sa ginawang iyon ni Jun Wu Xie.

Habang si Jun Wu Xie naman ay tila walang balak na tumigil. Lahat ng pares ng mata na nasa shop na iyon ay nakatitig lang sa tumataas na gold bar. Umabot pa sa puntong nahuhulog na iyon sa mesa. Ang mga kalansing ng mga gold bar ay kumalabog sa puso ng mga taong naroroon.

Sa wakas ay bumalik na sa sarili ang shopkeeper inangat nito ang kaniyang kamay para awatin si Jun Wu Xie!

"Little Lord! Nabulag na ang aking mata dahil hindi ko nakita ang Mount Tai. Huwag ka sanang magagalit sakin. Kahit...kahit anong gusto mong bilhin sabihin mo lang at malugod ko iyong ihahanda para sa'yo!"

Tila maiiyak na ang shopkeeper sa mga oras na iyon. Hindi niya naman sukat akalain na ganito pala kayaman ang madungis na batang ito! Kung ibato ni Jun Wu Xie ang mga gold bar akala mo nagbabato lang ito ng tinapay. Kung magpapatuloy pa si Jun Wu Xie ay malulunod talaga siya sa limpak ng gold bar na naroroon.

Matindi ang pagsisising nararamdaman ng shopkeeper nang pagkamalan niyang pulubi ang isang taong ganito pala kayaman.

Sa sobrang takot ng shopkeeper na ginalit niya si Jun Wu Xie, sinenyasan niya ang kaniyang mga alalay na nakatayo lang din sa isang tabi at nakatitig sa ginagawa ni Jun Wu Xie.

Nagsilapitan ang mga assistant kay Jun Wu Xie at pinaikutan ito.

"Gusto mo bang bumili ng bahay? Anong klaseng bahay ang gusto mong bilhin?"

"Baka napapagod ka nang tumayo diyan. Umup ka muna para maging komportable ka. Heto ang tsaa!"

Kung umasta ang mga assistant ngayon animo'y sasambahin na nila si Jun Wu Xie. Binigyan nila ito ng tsaa at tubig na rin.

Dahil sa kagustuhang makatabi kay Jun Wu Xie nagsiksikan ang mga assistant patungo kay Jun Wu Xie at hindi na nila napansin si Old Master Liu at ang dalawang magandang assistant.

Si Old Master Liu kanina na nasa kaniya ang lahat ng atensyon, ngayon ay hindi makapagsalita sa nangyayari. Hindi nila maisaboses ang pait na kaniyang nararamdaman. Naitulak na rin ang dalawang assistant na umaalay dito kanina at nagreklamo: "Old Master, tignan mo silang lahat."

"Anong titignan ko!? Tingin mo ba kulang pa ang pamamahiyang naramdaman ko? Aalis na ako dito at ayoko nang magpatuloy ang pagtapak sa sarili ko." Galit na saad ni Old Master Liu, ang kaniyang mukha ay namumula sa inis. Tuwing naaalala niya ang sinabi niya kay Jun Wu Xie kanina, gusto niya na lang lamunin siya ng lupa. Muli niyang tinignan ang mga gold bar na itinapon ni Jun Wu Xie, doon niya napagtantong mas higit pa iyon sa buong yaman niya.

Bigla niyang naramdaman na ayaw niya nang bilhin ang bahay. Walang sabi sabing lumabas si Old Master Liu sa shop na iyon.

Wala rin sa sarili ang shopkeeper para pigilan si Master Liu na umalis. Ang kaniyang likod ay basang-basa ng malamig na pawis. Alanganin ang kaniyang ngiti habang nagpatuloy sa paghingi ng tawad kay Jun Wu Xie.

"Aking Panginoon, nakita ko ang mga album na pinili mo. Maganda nga iyon! Lahat ng iyon ay matatagpuan sa magagandang area dito sa aming lungsod!" Itinaas ng shopkeeper ang kaniyang hinlalaki.

Totoo ngang magaganda ang lokasyon ng mga napili ni Jun Wu Xie at nasa isang distrito lang ang mga iyon. Noon, ang lugar na iyon ay hindi gaanong pinapansin. Pero simula nang magtakbuhan dito ang mga refugee, inayos ang lugar na iyon upang ibenta ang mga bahay sa mataas na presyo.