webnovel

Hindi Inaasahang Pangyayari (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Hindi alam ni Yin Yan ang kanyang sasabihin dahil hindi pa niya naiisip iyon.

Habang sila'y naguusap, may nangyari sa unang palapag ng bulwagan.

May isang binatang napalibutan ng maraming tao ang pumasok sa bulwagan. Makikita sa kanyang itsura na bata pa siya, labing-lima hanggang labing-anim na taong gulang.

"Zi Mu, pagkatapos ng kaguluhan, ikaw pala ang napili na pumasok sa pakultad ng mga Spirit Healer?! Sumama ka pa sa amin papunta sa pakultad ng Beast Spirit kaninang umaga. Naisip pa naming baka pwede tayong magsanay sa mga susunod na araw ngunit ikaw pala ang mangiiwan at biglang pupunta sa kabilang pakultad ng mag-isa." Pinalibutan siya ng mga tao at may malakas na pagtawang sumabog sa kabilang grupo.

Ang binata sa gitna ay nahihiya ngunit tinaas parin ang kanyang noo at ngumiti.

"Hindi ko inakala, na ang saglit na daplis ng aming mga balikat ay senyas pala na ako'y pinili ng amo ng pakultad ng mga Spirit Healer." Inalog niya ang kanyang ulo, ngunit kita ang kanyang saya sa kanyang mga mata.

"Hindi ikaw ang responsable a kaguluhan, yung impostor na iyon ang may sala." Isang binatang naglalakad kasama ang grupo ay nagturo gamit ang kanyang panga sa direksyon kung saan nakaupo ng mag-isa si Jun Wu Xie. Nang makitang hindi umimik si Jun Xie, linakasan pa niya ang boses niya para marinig ng buong bulwagan.

"Para sa mga walang kakayahan, wala dapat silang panghawakang mga pangarap na hindi nila maaabot. Sinwerte lang silang nakilala si Senyor Gu ng isang beses noong pagpapalista at inakala nang makakapasok sila sa kanyang pakultad?! Tignan niyo muna ang intsura niyo sa salamin para makita niyo kung importante ba kayo. Pumunta pa sila sa pakultad at hinintay na si Senyor Gu mismo ang magpaalis sa kanila. Naabala pa si Senyor Gu na mag-ayos para mabawi si Zi Mu pabalik sa pakultad ng mga Spirit Healer. Salot ng lipunan."

Malakas ang boses ng binata, at narinig ito ng lahat ng nasa bulwagan.

Tinanggap ng mga disipulong hindi alam ang rason ng pagpapaalis kay Jun Xie mula sa pakultad ng mga Spirit Healer ang mga salitang iyon bilang katotohanan.

Baka nga totoo. Hindi nga talaga si Jun Xue ang pinili ni Gu Li Sheng sa kanyang pakultad. Ibang tao, ngunit makapal ang mukha ni Jun Xie at inakalang siya ang pinili, at nagpunta sa pakultad para nakawin ang pwesto ni Li Zi Mu. Naku, nang makita ni Gu Li Sheng si Jun Xie, nakita na niyang may pagkakamali, at pinaalis agad ito sa pakultad.

Sa mga oras na iyon, ang mga nagnanais lang na magmukmok si Jun Xie, ay tinubuan ng galit at paghamak sa kanilang mga puso, iniisip na ang batang iyon ay may lakas ng loob para mangisda sa mga magugulong tubig, at wala siyang hiya.

Marami sa kanila ang dumura kay Jun Xie sa kanilang mga puso, sinusumpa ang mga katangian niya at na hindi siya marapat na manatili sa akademyang Zephyr. Ninais nilang umalis nalang si Jun Xie.

Nagsasaya si Li Zi Mu sa pagpansin at pagpuri sa kanya. Papatigilin sana niya ang kanyang mga kasama ngunit nagatubili ng mgakita ang pagpuri sa kanilang mga mata.

Kung sasabihin lang ang totohanan, mali ang kanilang mga hula. Nang tinawag ni Gu Li Sheng si Li Zi Mu, pinaliwanag sa kanya na siya ang may pagkakamali sa pagbigay ng detalye ng estudyante sa guro noong unang gabi kung kaya'y mali ang pumuntang estudyante at na walang kasalanan si Jun Xie.

Ngunit si Li Zi Mu lang ang sinabihan ni Gu Li Sheng at may malalim siyang pagseselos nang sabihin ng guro na si Jun Xie lang ang tinanggap. Ngayong nabaligtad ang mga bagay, wala na siyang pakialam kung inosente ba si Jun Xie o hindi. Sa kanyang nakikita, kasalanan ni Jun Xie ang mga pangyayari dahil hindi niya alam ang kanyang mga sariling kakayahan.

At dahil sa pagiisip na iyon, dinagdagan pa ni Li Zi Mu ang kanyang kwento, at nagdagdag ng langis sa apoy.