webnovel

Good Samaritan (1)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nagikot-ikot pa si Jun Wu Xie at iilan lang ang refugees na kaniyang nakita. Malayong-malayo sa kaniyang inaasahan.

Habang nag-oobserba si Jun Wu Xie sa sitwasyon sa lungsod, nadaanan niya ang grupo ng refugees na kakapasok lang sa Clear Breeze City. Sila ay may kasamang mga sundalo at sila ay iginigiya patungo sa mga bahay na maaari nilang tirahan. Ang mga bahay na iyon ay madilim at may mga lumot na. Ang mga nakatira naman doon ay bakas ang pagod sa kanilang mga mukha at ang damit nila ay madudungis.

Nagkubli si Jun Wu Xie at sinubaybayan ang mga ito. Doon niya lubusang naintindihan ang mga bagay na narinig niya.

Ang lugar na iyon ay itinalaga para sa mga refugees na kakarating lang sa lungsod at puro nga sila mga matatanda at mga bata. Dahil wala silang sapat na pera, hindi nila magawang maghanap ng sarili nilang matitirhan kaya naman nakaasa nalang sila sa mga taga-lungsod.

Gayong bakas ang pagod sa mga mukha ng mga refugees, masisilayan rin ang pag-asa sa mukha ng mga ito. Tila ba ang kanilang pagpasok sa Clear Breeze City ay tuluyan na silang maliligtas mula sa kapahamakan. Kahit na hindi gaanong maganda ang lungsod na ito, mas mainam nang naririto sila kaysa sa mamuhay sa labas bitbit ang kaba at takot.

Agad na umalis ang mga sundalo matapos maihatid ang mga refugees. Bago umalis, pinaalalahanan muna nila ang mga refugees na huwag basta-bastang aalis at maghintay ng taong tutulong sa kanila sa paghahanap ng matitirhan sa mga susunod na araw.

Nang nakita ni Jun Wu Xie na paalis na ang mga sundalo, kumuha siya ng uling at iginuhit iyon sa kaniyang mukha at damit bago nakisingit sa mga refugees.

Sa loob ng mga malumot at madilim na mga bahay, ilang tao ang nakatira doon. Ang kwarto nito ay isang malaking higaan lang ang laman at ang mga kumot ay nanlilimahid sa dumi. Ang mga nakatira dito ay puro matatanda, munting mga bata at mga kababaihan na sa wakas ay nakatakas na sa bangungot. Kaya naman hindi na sila nagreklamo sa kanilang kalagayan dito.

Ang totoo niyan, bukod sa grupo ng mga matatanda at kabataang ito, ang iba pang mga refugees na pinayagang makapasok dito sa Clear Breeze City ay ang mga mayayaman na may kakayahang suhulan ang mga guwardiya katulad ng ginawa ni Jun Wu Xie. At dahil nga ang mga taong iyon ay may pera hindi nilang magtiis sa ganitong klaseng lugar.

Bukod sa mga taong pinapasok ngayong araw, mayroon na ring nakatira doon na nauna nang pinapasok. Binati ng mga ito ang bagong pasok ng malapad ang ngiti.

"Huwag kayong mag-aalala, hindi kami magtatagal dito. Baka matagal na ang abutin kami ng isang linggo at bibigyan kami ng maayos-ayos na tirahan ng City Lord. Magkakaroon din kami ng trabaho at pagkain." Dahil sa ilang araw nang namamalagi dito ang matandang babae, nagkwento siya sa mga bagong salta para mabuhayan ang mga ito ng pag-asa.

"Oo, tama ka. Ang Second Aunt mula sa Eastern House ay nagpunta rito dalawang araw na ang nakakalipas at sinabing pinapunta raw siya dito ng City Lord para ipaalam na inaasikaso na ng mga ito ang paglalagyan sa kanila. Bumalik pa nga siya dito kahapon para bigyan kami ng masarap na pagkain. Ilang araw na lang ang kailangan nating tiisin dito at makakalipat din tayo sa mas maayos na tirahan." Sabat naman ng isa pa sa mga matatandang babae.

Marami-rami na rin ang kanilang napagdaanan at inaasam talaga nila ang mamuhay ng payapa.

Ang bagong saltang grupo ay agad na nabuhayan ng pag-asa dahil sa sinabing iyon ng matanda. Naniniwala siyang magiging maayos rin ang kanilang kalagayan.

Nagtatago pa rin si Jun Wu Xie habang nakikinig sa usapan ng mga ito. Nararamdaman niyang may hindi tama sa nangyayari.

Habang siya ay nasa malalim na palaisipan, napansin niya ang pagdating ng ilang mga kalalakihang nakasuot ng magarbo at bakas sa mga ito ang pagiging arogante.

May isang sumigaw mula sa grupo ng mga refugees na ilang araw nang naririto.

"Labas kayong lahat! Naririto na ang Good Samaritan!"

Nagsigawan naman ang mga tao at nagmadaling lumabas. Nagkakandahaba ang kanilang mga leeg para lang makita ang grupo ng kalalakihang iyon.

Nakisingit naman si Jun Wu Xie sa mga tao upang hindi.