webnovel

Empress Dowager (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Habang nakatingin sa kaakit-akit at munting bata na nasa kaniyang harapan, ang tingin ng

Empress ay natuon sa Ring ng Imperial Fire na nasa kamay ni Jun Xie.

"Ano ang iyong kaugnayan kay Lei Qian?" marahang tanong ni Empress Dowager.

Umiling si Jun Wu Xie.

Nagtanong muli ang Empress Dowager: "Ang singsing ay pagmamay-ari ng Elder Brother ng

First Emperor, ang Emperor ng Fire Country sa kaniyang panahon, si Lei Qian."

"Dahil sa nasa saiyo ang singsing, maaaring may kaugnayan ka sa kaniya. Anupaman, ang

Imperial Decree ng First Emperor ay nandito, at dahil ikaw ang nagmamay-ari ng Ring ng

Imperial Fire, simula sa araw na ito, ikaw na Emperor ng Fir Conutry."

Mgsasalita sana si Jun Wu Xie.

Ngunit nagpatuloy sa pagsasalita ang Empress Dowager: "Alam kong ang Emperor ay

nagkasala sa ilang mga bagay na nagawa niya, at nauunawaan ko kung ikaw ay may poot sa

kaniya. Hindi ako hihingi ng anuman sa iyo liban sa hayaan siyang mabuhay. Magtiwala ka na

mula ngayon, dadalhin ko siya sa aking palasyo at aking didisiplinahin, at hindi ko hahayaan na

ika'y muli pa niyang guluhin."

Ang Empress Dowager ay sumunod sa kautusan ng First Emperor, ngunit hindi niya kayang

makita na hanggang doon na lamang ang buhay ng kaniyang apo. Kasama niya si Wen Yu at

Qu Ling Yue sa lihim na silid sa likod ng malaking bulwagan ng may katagalan at bawat salita

ay malinaw na narinig ng Empress kanina.

"Sige." sang-ayon ni Jun Wu Xie. Ang patayin sinuman ay madali lamang para sa kanila, higit

pa roon hindi niya intensyon na kunin ang buhay ng Emperor. Kaysa hiwain ang lalamunan

niya, mas mabuting ikulong siya sa loob ng Imperial Palace, at makita niya na ang trono ng

pagiging Emperor na kaniyang iniingatan ay mapupunta sa kamay ng pinaka inaayawan niyang

tao, si Lei Chen. Ang makadurog-puso na pagpapahirap at ang nag-aapoy na inggit, ay ilang

daang mas mahirap sa kaniya!

"Ngunit may kailangan muna siyang ibigay sa akin." naningkit ang mata ni Jun Wu Xie.

"Ano iyon?" tanong ni Empress Dowager.

"Isang piraso ng mapa na mula sa balat ng tao." sagot ni Jun Wu Xie.

Ang malungkot at nanlulumong Emperor ay biglang nanigas nang marinig ang sinabi ni Jun Wu

Xie, bakas sa mata ang gulat at pag-aalinlangan.

At kahit si Wen Yu na nakatayo sa isang sulok, isang kakaibang kislap ang nagliwanag sa

kaniyang mga mata.

"Mapa na mula sa balat ng tao?" ang Empress Dowager ay maliwanag na walang alam sa

bagay na iyon habang siya ay tumingin sa Emperor at nagtanong. "Na sa iyo ba? Kung oo,

ibigay mo na."

Matindi ang pag-iling ng Emperor at ang takot na kanina ay makikita sa kaniya ay mas tumindi

pa ngayon.

"Imperial Grandmother… ang iyong Grandson ay hindi… hindi maaaring ibigay ang mapa

kanino man! Dahil kung iyon ay aking gagawin, mamamatay ako! Ang mga taong iyon ay

kununin ang buhay ng iyong apo!" ang boses ng Emperor ay biglang namilipit.

"Mga taong iyon?" hindi pa rin naiintindihan ni Empress Dowager.

Humihikbing sumagot ang Emperor: "Imperial Grandmother, naaalala mo pa ba kung paano

nawala ang Elder Brother ng First Emperor?"

Sumagot si Empress Dowager: "Si Elder Brother Lei Qian ay bigla-biglang nagnais na magdala

ng mga tao sa isang lugar sa labas ng Fire Country, ngunit walang nabanggit kung saan siya

tutungo. Ano ang kauganayan ng bagay na yun dito?"

Sumagot ang Emperor: "Dahil iyon sa mapa! Iyon ang dahilan kung bakit nawawala si Lei Qian!

Ang mapa na iyon ay nakita ng iyong Grandson habang inaayos ko ang mga gamit na naiwan ni

Ama. Ngunit hindi nagtagal ng makita ng iyong Grandson ang mapa, ilang misteryosong mga

lalaki ang biglang nagpakita. Mayroon silang kakaibang mga kapangyarihan at lahat sila ay

nagtataglay ng Purple Spirits. Sinabi nila s aiyong apo na ibinbigay nila ang mapa na iyon kay

Lei Qian ilang taon na ang nakakaraan ngunit ang mapa ay hindi buo. Nais nila na gamitin ni

Lei Qian ang ang lakas ng Fire Country upang tulungan sila na mabuo ang mapa at dahil doon

kaya umalis si Lei Qian upang hanapin ang lugar na nakasaad sa mapa kaya siya ay nawala…"

Lalong natakot ang Emperor dahil sa dami ng kaniyang sinasabi. Sa ilalim ng kalangitan, ang

mga bagay na magdadala ng takot sa isang pinuno ng pinakamalakas na bansa ay kaunti

lamang. Ngunit ang kagila-gilalas na kapangyarihan ng mga lalaking iyon ay nagdulot sa

Emperor ng matinding takot sa isipin lamang na sumuway sa mga ito!