webnovel

Covert Strike 2

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang Empress ay nakaupo sa tabi ng kama at walang magawa habang pinagmamasdan si Lei Fan na umiiyak at kinausap niya ito upang kumalma.

"Lei Fan huwag ka nang umiyak. Ano ba talaga ang nangyari? Hindi ba't binigyan ka ng gamot nang Imperial Physician?Bakit biglang bumalik ang dati mong mukha?

Sinabi ni Lei Fan na may panggigitil: " Ang iyong anak ay hindi sigurado kung ano ang nangyari. Ang nalalaman ko lamang ay ang halimaw sa Imperial Garden ay bigla na lang nagsaboy ng kung ano sa aking mukha at nang ako ay magsasalita, ako ay nakaramdam na ng simtomas nang mawala ang bisa ng gamot."

" May nakakita ba ng mukha mo sa mga oras na iyon?" Ang Empress ay natakot. Kung may nakakita sa mukha ni Lei Fan sa mga oras na iyon, marahil ito na ang kanilang katapusan!

Agad na sinabi ni Lei Fan: "Si Jun Xie lamang!"

Ang empress ay tumahimik habang pinagiisipan ang pangyayari at sinabi niya:" Ang Jun Xie na iyong sinasabi ay parehong tao na gusto ng iyong Ama upang siya ay matalo mo.

Tumango si Lei Fan, ang kaniyang mga mata ay namumula sa kakaiyak at ngayon ay nagaapoy sa galit. ""Siya nga! Maraming beses siyang inimbitahan ng iyong anak ngunit paulit ulit niya itong tinanggihan. Maaaring nakipagsabwatan siya sa Crown Prince! At ngayon nakita na niya ang totoong mukha ng iyong anak, Paniguradong sasabihin niya ito kay Lei Chen! Kapag nalaman ni Lei Chen ang tungkol ditto, hindi siya magdadalawang isip na sabihin ito sa Ama! ..Ina! Ina!, kailangan mong iligtas ang iyong anak!"

Ang Empress ay nagulat. Ang ganitong pangyayari ay hindi niya inaasahan. Sa una ay naisip niyang ipagpalit ang tunay na prinsipe ngunit maaaring malagay ang kaniyang sariling buhay sa panganib. Kung malaman ang katotohanan tungkol dito, kamatayan ang naghihintay sa kanila.

" Lei Fan", Sinisigurado ko na magagawan ko ito ng paraan. Walang dahilan upang magalala. Lubos na ang iyong paghihirap at ang kailangan mo ngayon ay magpahinga. Sinabi ng Empress". Makikita ang dalamhati sa mga mata ng Empress habang nakatingin kay Lei Fan. Sa mga taon na nakalipas, si Lei Fan ay lubos na nkaramdam ng pagmamahal ng Emperor at nagsisimula nang tanggalin ang kasalukuyang Crown Prince at ito ay ilipat kay Lei Fan bilang tagapagmana. Sa isang mahalagang pagpapasiya, hindi niya hahayaang masira ng isang bata ang plano na kaniyang isinagawa ng maraming taon.!

Si lei Fan ay nakatingin ng lumuluha sa Empress at bumalik sa higaan upang magpahinga. Ngunit ang kaniyang puso ay nababalot ng takot at kagustuhan na paslangin si Jun Xie.

Matapos mapakalma ng Empree si Lei Fan, Siya ay madaling sumulat ng liham na nagsasaad ng mga nangyari sa araw na iyon. Pagkatapos ay ibinigay niya ang nakaselyong sulat sa isang pinagkakatiwalaang tagapagbantay.

"Magmadali kang magpunta sa tirahan ng Prime Minister at ibigay mo itong sulat sa kaniya. Sabihin mo ito sa kaniya. Upang maiwasan ang masamang pangyayari, kinakailangan na malutas ito ng wasto at hindi dapat ito magiiwan ng anumang bakas, at walang makikitang pagkakamali!"

Mabilis na sumunod ang tagabantay at siya ay nagpalit ng damit na itim bago siya magmadaling lumabas sa palasyo.

Pinukaw ng sunud sunod na kaguluhan ang state banquet sa nasasakupan ng Fire Country, at ang mga pangkaraniwang mga tao sa Imperial Capital ay hindi inaasahan na masaksihan ang malaking pagbabago na darating sa kanila!

Sa tirahan ng Immortal, si Jun Xie at ang kaniyang mga kasama ay umuwi at nagpunta sa kanilang silid upang hugasan ang alingasaw ng alak, hindi na nila pinagusapan ang mga nangyari sa gabing iyon. Sila ay nagpahinga at natulog na.

Tanging si Jun Xie na lamang ang gising habang nakahiga. Paulit- ulit niyang naaalala ang mga pagnyayari sa piging nang gabing iyon.

Napapaisp siya sa naging reaksyion ng Emperor at Wen Yu. Itinaas niya ang kaniyang kamay at pinagmasdan ang silver ring sa kaniyang daliri.

Ang singsing na ito ay napulot mula sa tahanang bato sa ilalim ng Heaven's End Cliff. Anong sikreto ang bumabalot dito upang mapukaw ang pansin ng Emperor ng Fire Country at Grand Adviser?

Ipinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata, at inaalala ang mga salitang nakasulat sa pader ng tahanang bato.

At iminulatang kaniyang mga mata. Ang silver coloured ring na kaniyang nakita sa sandaling iyon ay umaaninag sa ilaw na nagmumula sa kandila!