webnovel

Cloudy Brook Academy (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tuwing matatapos ang Battle of Deities of Grand Meet mayroon laging ilang mga kabataan na nagpamalas ng pambihirang kapangyarihan at iyon ang magiging paksa ng usapan. Ngunit ngayon, iba ang nangyayari.

Kadalasan na kanilang pag-uusapan ay kung gaano kalakas ang isang bata o di kaya'y kung gaano kagaling ang Ring Spirit niya. Ngunit ngayon, ang kanilang usapan ay tungkol sa isang bata na inimbitahan ng bawat palasyo sa Twelve Palaces, ngunit sa huli ay wala itong pinili ni isa doon. Sa halip ay pinili nito ang Spirit Jade Palace.

Para sa mga kabataang ito, ang ginawang iyon ni Jun Wu Xie ay isang malaking katangahan!

Umakyat ang isang tao sa pinakataas-taasan habang ang tubig ay umaagos pababa. Ito ang rule na nakatatak sa bawat isipan ng mga kabataang naririto, ngunit mayroong isa na tila nakalimutan iyon. Pinili nitong sirain ang sarili niyang kinabukasan.

Halos lahat ng mga kabataang naroon ang puno ng inggit kay Jun Wu Xie dahil hindi nila nagawang makapasok sa palasyong kanilang ninanais. Bawat isa sa kanila ay hinihiling na sana ay sila na lang si Jun Wu Xie.

Lumalakas na ang bulong-bulungan ngunit nanatili pa ring kalmado ang muka ni Jun Wu Xie. Nanatili siyang nakatayong mag-isa doon. Walang bahid ng anumang reaksyon ang kaniyang mukha na tila ba hindi siya apektado sa mga usap-usapan.

Dahil sa pananahimik niyang iyon, tila sinadya pa ng mga kabataan na lakasan ang kanilang boses para marinig ni Jun Wu Xie.

"Anong Spirit Reinforcement? Kalokohan! Tingin ko ay hindi kayo dapat nagpapaniwala sa mga naririnig niyo. Ako nga, hindi ko magawang maniwala na mayroong isang tangang tatanggihan ang Palace of Flame Demons at sa halip ay pipiliin ang Spirit Jade Palace. Siguro ay alam niya talagang hindi siya magaling kaya ayaw niyang pumasok sa Palace of Flame Demons! Ano naman kung mayroon siyang kakaibang talento? Basura! Para sakin ay wala siyang binatbat dito kay Qiao Chu!" Mabilis na salita ng isang binatilyong naroroon habang nakatingin ng masama kay Jun Wu Xie. Saka ito malapad na ngumiti sa matangkad na binatilyong nasa tabi nito.

Magkasalubong ang mga kilay ni Qiao Chu habang nakatingin sa madaldal na bata. Gustong-gusto niya nang ingudngod sa putik ang batang ito.

Anong karapatan mong matahin ang kakayahan ng aming Little Xie? Saan ba galing ang talipandas na ito?

"Hah!" Pilit na tumawa si Qiao Chu.

"Heh heh! Qiao Chu, sadyang nakakamangha ang ipinakita mo sa Spirit Power Competition! At tanging ang mga katulad mo lang ang nararapat na makapasok sa Palace of Flame Demons. Balita ko anim na palasyo daw ang nagbigay sa'yo ng imbitasyon, totoo ba iyon?" Saad ng madaldal na binatilyo.

Ayaw sana itong patulan ni Qiao Chu subalit naalala niyang kailangan niya palang umarte kaya naman mayabang siyang tumango: "Mm."

"Nasabi ko na dati..."

Nagsisimula nang tuluyang mapikon si Qiao Chu kaya inilibot niya ang kaniyang paningin para maghanap ng kakilala. Bukod sa "agaw-pansin" na si Jun Wu Xie, agad na nahagip ng kaniyang tingin sina Hua Yao. Lihim na ngumiti ang kaniyang mga mata nang makita niya ang mga ito.

Habang nagpatuloy sa pagbubulungan ang mga kabataan, ang disipulo ng Palace of Flame Demons na in-charge sa paghahatid ng mga kabataan sa Cloudy Brook ay lumapit sa mga kabataan. Matigas ang ekspresyon sa mukha nito.

"Tahimik." Mababa ang boses na saad ng lalaki.

Agad na itinikom ng mga kabataan ang kanilang bibig nang kanilang marinig ang lalaki. Bigla silang natakot dito.

"Ang mga bagay na dapat niyong malaman ay malinaw nang sinabi sa inyo kahapon ng Elder kaya hindi na ako mag-aaksaya ng laway para ulitin iyon. May gusto lang akong ipaalala sa inyo. Ang batang iyon na sumali sa Spirit Jade Palace, ayokong gagalawin niyo siya o pagsalitaan ng masama." Malamig na saad ng lalaki.

Agad na natigilan ang mga kabataan dahil sa sinabing iyon ng disipulo ng Palace of Flame Demons.