webnovel

Breakthrough (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Iyon ang spirit energy ng isang unfamiliar spirit, punong-puno ito ng mapanirang pwersa. Nang magsimula si Jun Wu Xie na hilahin papasok sa kaniya ang spirit, ang kaniyang isip ay biglang nagkagulo at parang ang kaniyang mga ugat ay parang mapupunit anumang oras!

Nagbubutil-butil ang kaniyang pawis sa buong katawan at ang kaniyang damit ay pwede nang pigain.

Hindi maipaliwanag ang kaniyang sakit na nararamdaman sa kaniyang kaluluwa, mas masahol pa sa pisikal na sakit.

Hindi sa ayaw ni Jun Wu Xie ang makaramdam ng sakit, ngunit ang pasakit na kaniyang dinadanas ngayon ay nakapagpaputla sa kaniya.

Maaaring mahimatay ang isang tao sa isiang pisikal na sakit, ngunit ang labis na pagpapahirap sa kaniyang kaluluwa ay kabaliktaran ng dulot. Mas lalo siyang nabubuhayan. Sa mga oras na iyon, tumalas ang pandama ni Jun Wu Xie. sa sobrang lakas ng kaniyang pandama ay para damang-dama ng buo niyang katawan ang mahinang kalabit.

Ang maliit na katawan na hawak ni Jun Wu Yao ay nag-iinit at tinakasan na rin ng kulay ang mukha nito. Walang ibang magawa si Jun Wu Yao kundi ang yakapin si Jun Wu Xie.

Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na anumang hawak o dampi sa katawan ni Jun Wu Xie ngayon ay magdudulot lang ng paghihirap kay Jun Wu Xie.

Ang kaniyang kaluluwa ay sumasailalim sa walang awang pag-atake. Nagtatagis ang mga ngipin ni Jun Wu Xie bilang pagsuway sa nangyayari. Maraming tao ang hindi pa nakakaranas nito, ngunit para sa kaniya ay hindi na ito bago.

Noong nakipag-isa sa kaniya ang kaluluwa little black cat, naranasan niya na ang pagpapahirap na ito.

Masyado pa siyang bata noon. Nang lumayo siya sa operating table, nawala sa kaniya ang kaniyang katawang tao. Ngayon na nararamdam niya ulit ang sakit na iyon, hindi na siya nakakaramdam ng takot o pangamba sa kaniyang puso.

Kung hindi siya takot sa kamatayan, wala lang ang lahat ng ito.

Hindi umatras si Jun Wu Xie mas lalo niya pang binilisan na mahigop lahat ang spirit.

Patayin mo ako kung kaya mo,kung hindi, manatili ka at magpasila!

Nagwawala ang kaluluwa ng Soaring Serpent tumatanggi itong magpasakop sa tao. Ngunit ang spirit barrier na ginawa ni Jun Wu Yao ay pinigilan ang layunin nitong makatakas. Sa tulong ng lalaking ito, unti-unti ay nasisila ito ng babae.

Marahas na inatake ng Soaring Serpent ang kaluluwa ni Jun Wu Xie. ang mga normal na tao ay may mas mahinang kaluluwa. Naniwala siyang kapag sinira niya ang kaluluwa ng babaeng ito, Malaya siyang makakatakas!

Ngunit ang kaluluwa ni Jun Wu Xie ay mas malakas kaysa sa kaniyang inaakala. Kahit anong atake niya dito, hindi man lang ito nagpakita ng pagsuko.

Nang tuluyan nang mahigop ni Jun Wu Xie ang kaluluwa ng Soaring Serpent sa kaniyang katawan, nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata.

Nakita niya sa kadiliman ang isang nakakatakot na hayop.

Ito ay halos kasinglaki ng massive dragons of legend. Ang katawan nito ay isang ahas ngunit mayroon itong pakpak at matatalas na kuko. Pumapayagpag ang pakpak nito sa ere.

Simula nang muling nabuhay si Jun Wu Xie, ang Golden Lion ang pinakamalaki niyang nakitang bestial spirit. Ngunit ang Soaring Serpent ngayon sa kaniyang harap, ulo pa lang nito ay di-hamak na mas malaki pa kaysa sa Golden Lion! Nangingibabaw ang presensiya nito.

"Babaeng bastos! Susubukan mong silain ang aking kaluluwa!?" Yumuko ang Soaring Serpent sa kaniya. Masyadong maliit ng kaluluwa ni Jun Wu Xie, sa katunayan ay mas malaki pa ang pangil nito kumpara sa kaniya!

Tumingala si Jun Wu Xie at tinitigan ang Soaring Serpent. Sa kumikinang at itim na itim nitong mata ay bakas ang kapayapaan.