"Hindi.. hindi ko na kayang humakbang pa." hirap na sabi ni Li Zi Mu, ang kaniyang mukha ay puno ng panaghoy.
Pakiramdam niya ay matatanggal na ang kaniyang mg binti.
Lahat sila ay halos wala nang enerhiya. Walang tigil ang mga jackals sa pag-atake sa kanila sa buong panahon na hinabol
sila ng mga ito. Tumakbo sila sa kasukalan ng gubat ng walang kahit anong liwanag, naghahanap ng daan palabas at
tumatakas sa mga atake ng jackals.
Umungol ang jackal bago ito sumugod kay Li Zi Mu na patuloy na hinahabol ang kaniyang hinihnga. Nasubsob siya sa
lupa sa gulat. Kinuha niya ang bata sa kaniyang tabi at ibinato sa jackal.
Dahil sa liksi ng jackal, naiwasan nito ang lahat ng mga binabato ni Li Zi Mu. Ang mga mata nito ay nakatutok sa kay Li Zi
Mu na siyang susunggaban nito.
Pumakawala ng nakabibinging sigaw si Li Zi Mu habng natatarantang nangangapa sa lupa at nang may nahawakan ang
kaniyang kamay na isang pabilog at malamig na bagay, agad niya itong ibinato sa jackal.
Subalit maging ito ay naiwasan ng maliksing jackal at ang ibinato niyang bagay ay napira-piraso ng bumagsak ito sa lupa
at sumabog mula rito ang puti ulap na humalo sa hangin!
Isang humahaginit na maktol ang pinakawalang ng agresibong jackal nang masinghot nito ang puting tila ulap na humalo
sa hangin. Tumigil ito sa pag-atake at mabilis na tumalikod at tumakbo palayo sa kanila habang ang buntot nito ay nasa
pagitan ng mga paa nito. Nang naamoy na rin ng ibang mga jackal ang kung ano man ang humalo sa hangin ay mabilis na
tumakbo palayo hanggang sa nawala na sa kanilang mga paningin.
Nagulat ang mga pagod na disipulo sa hindi inaasahang kaganapan, lahat ay hindi makapaniwala pati na rin si Li Zi Mu.
"Zi Mu, ano iyong itinpon mo kanina?" tanong ng isang senior kay Li Zi Mu.
"Hi…" nakabuka ang bibig ni Li Zi Mu na katulad ng isang isda at ang kaniyang mga mata ay natuon sa hindi matukoy na
bagay na huli niyang ibinato.
Pira-pirasong puting porcela ang nagkalat sa lupa na may laman ng puting pulbos.
Lumunok si Li Zi Mu at tiningnan ang mga kasamang nakatitig lang din sa kaniya.
Sa katotohanan, siya ang unang nakakuha ng atensiyon ng mga jackal. Naligaw siya at napunta sa teritoryo ng mga
jackal. Siya ang nagdala ng kapahamakan na muntik nang pumatay sa kanilang lahat. Kahit ang nakatatandang disipulo
na siyang nagtuturo sa kaniya ay nakagat ng isang jacka para lang sagipin siya. Nang umatake ang mga jackal, lahat ng
kasamahan niya ay tinawag na ang kani-kaniyang ring spirit. Sinabihan din siya na tawagin ang kaniyang ring spirit ngunit
natulos na siya sa kaniyang kinatatayuan noong nakita niya na maraming jackal ang pumalibot sa kanila.
Habang tumatakbo sila para sa kanilang mga buhay, si Li Zi Mu ay nakabuntot sa iba at siya ang naging dahilan kung
bakit sila inatake ng mga jackal. Kung hindi lamang sa pagiging disipulo niya ng Spirit Healer faculty, malamang matagl na
siyang inabandona ng kasamahan.
Sa puntong iyon, alam niyang binigo niya ang buong pangkat, pati na rin ang nakatatandang disipulo na siyang
nagtuturo sa kaniya kung kaya kailangan niyang mag-isip ng paraan para mapabango ang kaniyang pangalan sa pangkat.
Anim na araw pa silang mananatili sa kagubatan na puno ng panganib at kailangan niya ang proteksiyon ng pangkat para
malampasan ang pagsubok na ito.
"Iyon… Iyon ay isang bagay na bigay ng tatay ko. Naitataboy nito ang mga Spirit Beast palayo. Hindi ako nagkaroon ng
oras kanina na mailabas ito kaagad, humihingi ako ng despensa dahil ako ang dahilan kung bakit nalagay ang mga
nakatatandang disipulo sa panganib." Puno ng pagsisisi ang mukha ni Li Zi Mu na tiningnan ang mga kasamahan at
inangkin na kaniya ang bagay na nakasagip sa kanila sa panganib na sa totoo ay napulot niya lamang sa lupa.
Hindi natuwa ng ibang kasamahang bagong disipulo sa kaalamang si Li Zi Mu ang nakapagtaboy sa mga jackal kung kaya
naman hindi na nila ito tinanong pang muli. Nagkikimkim pa din sila ng pagkayamot kay Li Zi Mu ngunit hindi nila
maikakaila ang katotohanang si Li Zi Mu ay isang disipulo ng Spirit Healer Faculty.
Ayaw nilang sirain ang pakikiugnayan sa posibleng maging Spirit Healer kung kaya naman pinilit ng mga disipulo na
tanggapin ang paghingi ni Li Zi Mu ng paumanhin.