Sinunod ni Qiao Chu ang pinagawa ni Jun Xie at ipinasa ang bote sa mga kasama pagkatapos.
Kumportableng himiga na si Jun Xie sa kaniyang sanga samantalang ang kaniyang maliit na itim na pusa ay pumuwesto
naman sa may ulunan niya habang nakabitin ang umuugoy nitong buntot.
"Meow."
[ang kagubatang ito ay halos kaparehas ng lugar na iyon.]
Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie sa alaala. Ginugol niya ang unang sampung taon ng nakaraang buhay niya sa tirahan
ng demonyo na matatagpuan sa gitna ng masukal na gubat, katulad nito na nasa gitna ng kawalan at napapalibutan ng
katahimikan.
Dahan-dahang ipinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata at pilit na ibinabaon sa limot ang nakaraan.
Sa unang sinag ng araw na unti-unting sumasakop sa tuktok ng mga puno, isang malakas na sigaw ang gumising sa
masarap na tulog ng grupo.
Ang mga dahon ng punong pinapagpahingahan nila ay kumakaluskos sa mga sigaw na tila papalapit na sa kanila.
"Spring Beast?" biglang umupo si Fei Yan. Isang matinis na alulong ang pumailanlang sa kanilang mga tainga.
Umupo ng matuwid si Fan Jin habang nakakunot ang noo. " Nasa gilid pa lamang tayo ng gubat, wala pa dapat dito ng
kahit na anong Spirit Beast na may higher grade."
Pagkatapos ni Fan Jin magsalita, biglang may sumulpot na mga nanlilimahid na pigura. Mayroong labing-pito na pigura
ang lumabas sa kasukalan, suot-suot ang uniporme ng Zephyr Academy. Sa puntong iyon, ang dating kakisigan ng
pagiging disipulo ng Zephyr Academy ay hindi na makita sa kanila. Ang kanilang mga mukha ay puno ng dumi at ang
kanilang mga damit ay gulagulanit na. Ang ilan sa kanila ay may mga sugat na patuloy ang pag-agos ng dugo,
minamantiyahan ang suot nilang damit ng pula. Ngunit hindi nila alintana ang kanilang mga sugat dahil sa pagtakbo nila
para sa kanilang buhay.
Ang mga likod nila ay nakalapat sa puno habang habol ang hininga, hinihingal sa mabilisang pagtakbong ginawa na halos
hindi na makagalaw sa sobrang pagod.
Maya-maya, isang malaking kawan ng jackals ang sumulpot, nakasunod sa amoy ng mga duguang disipulo. Kung
bibilangin lahat ay hihigit pa sa tatlumpo ang bilang ng jackals sa kawan!
Ang jackal ay kabilang sa pinakamababang antas ng Spirit Beast. Maliliit ang mga ito kung ikukumpara sa lobo at walang
malakas na kakayahang umatake. Kung ang ring spirit ng isang disipulo ay napukaw, hindi sila mahihirapang kalabanin
ang isang jackal. Ngunit ang mga jackal ay sama-sama kung nanghuhuli ng pagkain at ang kanilang bilang ay hindi bababa
sa tatlo at aabot hanggang daan-daan sa malalaking kawan. Ang bawat kawan ay pinamumunuan ng isang lider sa
paghahanap ng kanilang pagkain.
Madaling talunin ang isang jackal, ngunit habang papalaki ang bilang nito, ang kakayahan nilang umatake ay mas lalong
lumalakas.
Ang malilit na pangangatawan ng mga jackal ay nagbibigay sa kanila ng liksi kung kaya naman magkakatugma ang mga
kilos nila sa pag-atake.
Ang grupo na tumakbo papunta rito ay sadyang minalas. Tila mga bulag silang kumapa sa kadiliman ng gabi sa gitna ng
masukal na gubat at naligaw sila dahil sa halos wala silang makita sa dilim. Dahil sa sobrang pagod nila sa paglalakbay
buong gabi sa masukal at delikadong gubat, hindi nila napansin ang mga jackals na nakasunod nap ala sa kanila.
Karamihan sa kanila ay nataranta at natakot nang inatake na sila ng mga jackals at matulin na tumakbo para sa kanilang
mga buhay. Mabuti at may nakasama sa grupo nila na iilang seniors na siyang gumiya sa kanila dito.
Subalit ang mga senior na iyon ay malubha ang mga sugat na natamo at hindi pa rin tumitigil ang mga jackals sa pag-
atake.
"Ano ba yan! Kung iisipin, isang kawan lang ng mga jackals ang nagpapahirap sa atin ng ganito." Sabi ng isang senior na
nakagat ng isang jackal sa braso, habang ang dugo nito ay malayang umaagos sa apat na malalalim na sugat gawa ng
pangil ng jackal at kaniyang tinatalian ng pinunit na damit.
"Hindi… Hindi ko na kayang tumakbo pa." saad naman ng isa, humihingal habang kumukuha ng suporta sa puno na
sinasandalan.
"Zi Mu! Hindi tayo pwedeng tumigil!" marahas na sigaw ng isang senior na sugatan rin.
Blangko na ang isipan ni Li Zi Mu at ang kaniyang mga binti ay namamanhid na sa sobrang kapaguran sa pagtakbo para
sa kaniyang buhay, ang mukha ay napuno ng kawalan ng pag-asa.