webnovel

Ang Soaring Serpent (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang Soaring Serpent ay ang unang ring spirit na kaniyang nakuha at iyon ang dahilan na dapat

ang kaniyang kaluluwa ay tuluyan ng naglaho ngayon.

"Ano ba talaga ang nais mo sabihin?" pinakita ni Jun Wu Xie na siya ay kalmado sa pakikipag-

usap sa Soaring Serpent ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay naghahanap siya ng

anumang nakatagong palatandaan mula sa mga salita ng Soaring Serpent upang malaman ang

dahilan ng kakaibang pangyayaring iyon.

Sinabi ng Soaring Serpent na ang dahilan kung bakit ang spirit nito ay hindi tuluyang nawala ay

dahil sa natatanging kayamanan na ibinigay sa kaniya ni Jun Wu Yao…

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie, sa isip niya ay iniisip niyang maigi upang malaman kung ano

ang sinasabi nitong kayamanan.

Bigla!

May naisip siyang isang bagay!

Noon, nang hindi siya nag-atubili na isakripisyo ang kaniyang sariling spirit sa Cloudy Peaks

upang patayin ang taong mula sa Twelve Palaces ay kinaladkad siya palayo sa lugar na iyon.

Bagama't nagawa pa rin niyang mabuhay noon, ang kaniyang spirit ay nagdusa sa labis na

pinsala. Nang mga panahon na iyon, si Jun Wu Yao aymay ibinigay sa kaniya na munting

gintong buto, at iyon naging bahagi ng kaniyang katawan.

Sinabi noon ni Jun Wu Yao…

Ang buto na iyon ay magagawang ayusin ang kaniyang napinsalang spirit!

Sa wakas ay naintindihan na ni Jun Wu Xie. Ang gintong buto na iyon ay isang bagay na

magagawang pagalingin ang napinsalang spirit at dahil sa ang Soaring Serpent ang kaniyang

unang nahigop na ring spirit, iyon din ang pinakamahalagang bahagi ng pondasyon, ayos sa

nalalaman niya tungkol kay Jun Wu Yao, ang Soaring Serpent ang magiging pinakalamakas na

nilalang!

Sa buong panahon na ang Soaring Serpent ay pinigilan at sumanib sa kaniyang katawan,

maaring ang spirit nito ay unti-unting nagiging parte ng kaniyang katawan tulad ng ibang ring

spirits. Ngunit dahil sa ang Soaring Serpent ang pinakamalakas na ring spirit, ang haba ng

panahon na makatagal ay nasa ibang antas kumpara sa ibang ring spirits!

Nang ipunla ni Jun Wu Yao ang butong iyon sa kaniya, maaring ang Soaring Serpent ay hindi pa

lubusang nahihigop at ng ang gintong buto ay pinapagaling siya ay nagawa rin nito pagalingin

ang Soaring Serpent!

Hindi iyon magandang balita para sa kaniya.

Bagama't ang Soaring Serpent ay ginagawa ang lahat upang hindi ipakita iyon, napapansin pa

rin ni Jun Wu Xie ang matinding poot na nasa ilalim ng tingin ng Soaring Serpent.

Sa pagsasaalang-alang sa katotohanan na ito ay nakakulong at nilalamon niya, ang Soaring

Serpent sa mga oras na iyon siguro ay walang ibang hinihiling kungdi ang kamatayan niya.

Pinipigilan nito ang kaniyang galit at poot ng mga sandaling iyon dahil wala itong ibang

pagpipilian.

"Bata, bagama't naglaban na tayo noon ng isang beses ngunit ngayon ang aking spirit ay

nakahalo na sa iyo. Kahit gaano pa ako namumuhi sa iyo, ay hindi kita maaring saktan, dahil

ikaw pa rin ang pangunahing tirahan ng spirit. Kung papatayin kita ngayon, ang iyong katawan

ay mawawala ngunit ang aking spirit ay hindi pa rin magagawang bumalik kung saan ako

nagmula." saad ng Soaring Serpent sa nagtatagis na bagang, diretsong nakatingin kay Jun Wu

Xie. Tulad ng nahulaan ni Jun Wu Xie, ang Soaring Serpent ay mayrron pa ring matinding

pagkamuhi laban sa kaniya.

Ngunit ang magawang mabuhay pa sa kabila ng matinding hirap, ang Soaring Serpent ay hindi

nagpadalus-dalos sa kaniyang kilos.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang Soaring Serpent. Hindi siya nagdalawang isip sa salita ng Soaring

Serpent.

Ang konsepto ng pagsasanib ng mga kaluluwa ay isang bagay na pamilyar na sa kaniya dahil sa

ang pusang itim ay parte rin ng kaniyang pinagsanib na kaluluwa. Hindi alintana kung ang

pusang itim man iyon o ang Soaring Serpent, ang mga iyon ay parte na ng spirit ni Jun Wu Xie

at sa oras na mamatay si Jun Wu Xie, ang dalawang kaluluwa ay hindi rin makakaligtas. At sa

parehong dahilan, hangga't siya ay nabubuhay, ang dalawang kaluluwa ay magpapatuloy ang

buhay kasama siya!

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ni Jun Wu Xie na nakatitig sa Soaring Serpent. Matindi

ang pagkamuhi ng Soaring Serpent sa kaniya ngunit wala itong mapagpipilian kungdi ang

sumunod dito. Isa iyong kumplikadong sitwasyon at iyon ay maingat na binabalanse.

"May kailangan akong sabihin sa iyo?" sagot ng Soaring Serpent.

"Oh?"

"Ang aking kaluluwa ay napakahina pa rin at hindi sapat ang isang butong iyon upang tuluyan

akong gumaling. Kailangan ko ng ibang bagay. Kung matutulungan mo akong hanapin ang mga

iyon ay pumapayag akong gamitin mo ako. Siguradong kilala mo na ako sa ngayon, matapos

magsama ng ating mga kaluluwa, ay hindi ko na magagawa na saktan ka." mahinang sabi ng

Soaring Serpent.