Si Ye Sha na nagbabantay sa labas ay napabuntong-hininga nang marinig iyon, wala sa sarili na
nagpakawala siya ng munting Ink Snake.
Lihim niyang hinimas nang tahimik ang kaniyang mukha sa labas ng bintana.
"Lord Jue, kailangan mo na magmadaling bumalik dito."
…
Napapalibutan ng malinaw at malinis na tubig sa isang luma at sinaunang Buddhist Temple,
sariwang dugo ang nagdungis sa payapa at tahimik na lugar na iyon.
Sa loob ng Buddhist temple, mga patay na katawan ang nakakalat sa sahig ng templo. Ang
sariwang dugo ay binalot ang sahig ng templo at ang amoy ng patay ay kumalat sa bawat sulok
ng payapa at tahimik na lugar na iyon.
Sa gitna ng lawa ng dugo, isang matangkad at balingkinitang anyo ang nakatayo. Sa ibaba ng
paa ng lalaki ay nakasalansan ang bundok ng mga patay na katawan sa sahig, tila isang bulkan
na nagsabog ng kumukulong putik habang ang sapa ng dugo ay umaagos sa mga braso at hita
ng mga patay na katawan at naging isang lawa ng dugo sa ibaba.
"Lord Jue!" tumatakbo palabas si Ye Mei mula sa isang silid sa loob ng templo, tangan nito sa
kaniyang kamay ang isang brokadong kahon.
"Nahanap mo?" nakatayo sa ibabaw ng malabundok na mga patay na katawan ay ang matagal
ng hinahanap na si Jun Wu Yao! Sa makinis at kaakit-akit na mukhang iyon ay ang hindi
mapapawi na paghka-uhaw sa dugo na ngiti. Ang pares ng lilang mga mata na tila ibinabad sa
dugo ay nagniningning sa kasiyahan matapos ang madugong patayan. Sa isang magaan na
padyak ng kaniyang paa, si Jun Wu Yao ay umangat sa ere at matikas na dumulas sa tumpok
ng mga bangkay.
"Oo, milord!" tango ni Ye Mei.
Isang bahagyang ngiti ang bumakas sa mukha ni Jun Wu Yao habang tinitingnan ang paligid ng
tahimik at sinaunang Buddhist temple, ang mata niya ay nabakasan ng dismaya at pag-
aalipusta.
"Kahit ang isang libong taon na Buddhist temple ay nahulog na sa kamay ng mga taong iyon.
Dinungisan na ang kabanalan ng sagradong lupain ng Buddha." itinaas ni Jun Wu Yao ng
bahagya ang kaniyang kamay at ang hindi mabilang na mga katawan na nakakalat sa
sinaunang Buddhist temple ay biglang nabalutan ng dugong ulap. Ang dugong ulap ay kumalat
at lahat ng mga bangkay ay bumagsak sa lupa at nagsimulang yumugyog at manginig ng
kakaiba at salitan. Lahat ng dugo sa mga katawan na iyon at ang tumapon sa lupa ay nahatak
patungo sa ulap na dugo, bawat patak ay unti-unting nagsama-sama!
Ang malabnaw na kulay ng ulap na dugo maya-maya pa'y napuno ng dugo, na lumabas at
naging isang makapal at matinding kulay, tila isang dagat ng dugo ay inangat sa ere!
Lahat ng dugo na nasa sahig ay nawala at walang iniwan na kahit anong bakas sa isang iglap,
at ang hindi mabilang na mga bangkay na nakakalat sa buong templo ay natuyo habang
nakahiga doon at hindi gumagalaw.
At ilang sandali ay sinara ni Jun Wu Yao ang palad na bahagya niyang itinaas!
Ang dugong ulap ay lumiit at naging isang bola! Hanggang sa maging isang patak na lamang
iyon na kasing-laki ng kuko hanggang sa unti-unti iyong lumipad patungo sa kamay ni Jun Wu
Yao.
Pinaglaruan ni Jun Wu Yao ang munting patak ng dugo, ang lila niyang mga mata ay
bahagyang naningkit. Itinaas niya ang kaniyang baba at sa sulok ng kaniyang mga mata ay
sinulyapan ang tambak ng natuyot na mga bangkay na nasa lupa. Pinitik niya ng magaan ang
kaniyang manggas at isang malinaw na hangin ang umihip, humapyaw sa buong templo.
bawat natuyong bangkay na nadaanan ng hangin na iyon ay naging abo at tuluyang nawala sa
hangin.
"Tch, kung malalamn ito ni Little Xie, siguradong maiinis siya." pinaglaruan ni Jun Wu Yao ang
patak ng dugo sa pagitan ng kaniyang mga daliri ng ilang sandali pa bago siya napangiti. Bigla
niyang inilagay sa bibig ang patak ng dugo at nilunok iyon!
Matapos lunukin ni Jun Wu Yao ang patak ng dugo na sa katunayan ay mga naipong dugo ng
hindi mabiliang na mga bangkay na naroon, isang kakaibang kislap ang bumakas sa kaniyang
lilang mata.
"Abo sa abo, alikabok sa alikabok." umangat si Jun Wu Ayo sa hangin at winasiwas niya ang
nakataas na kamay. Ang libong taon na Buddhist temple ay biglang gumuho sa isang iglap!
Si Ye Mei ay nakatayo sa labas ng nasirang sinaunang Buddhis temple at ligtas na inilayo ang
brokadong kahon. Matapos ng lahat ng iyon ay nakita niya ang isang pamilyar na Ink Snake na
gumagapang palabas sa kagubatan na nasa tabi niya at yumuko upang damputin ang Ink
Snake at inilagay sa kaniyang palad. Pinindot ng daliri niya ng bahagya ang tiyan ng Ink Snake
at ang Ink Snake ay isinuka ang isang bola sa bibig nito!
Dinurog ni Yei Mei ang bola at kinuha ang sulat na nasa loob. Hindi ito nangahas na sulyapan
iyon at mabilis na sinabi kay Jun Wu Yao na nananatili pa rin sa ere: "Lord Jue. Nagpadala ng
balita si Ye Sha."
Madaling bumaba si Jun Wu Yao at lumapag sa harapan ni Ye Mei at mabilis na kinuha ang
sulat sa kamay ni Ye Mei ng walang salita.
Ang balita mula kay Ye Sha, ay walang iba kungdi tungkol sa kaniya.