webnovel

Ang Mundo sa Gitna ng Kaguluhan (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Qiao Chu. Sa nangyari noon sa Capital City ng Condor Country, iyon ang bagay na hindi nila makakalimutan hanggang ngayon.

"Siguro ay kakagawan iyon ng Soul Return Palace! Ano ba ang gusto nilang mangyari at nag-uumpisa sila ng gulo!? Wala bang pakialam ang ibang palace?" Nagtatagis ang mga bagang na saad ni Qiao Chu. Malinaw na malinaw ang linyang humahati sa Middle Realm at Lower Realm. Nang hinahanap ng Twelve Palaces ang Dark Emperor's tomb, maingat sila sa kanilang mga galaw para hindi sila mapansin sa Lower Realm.

"Pakialam? Naniniwala ka bang ang Poison Men ay kagagawan ng Soul Return Palace lang?" Naiinis na sagot ni Hua Yao.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Qiao Chu.

Doon pa lang sumali si Jun Wu Xie sa usapan at sinabing: "Hindi na nagtitimpi ang Twelve Palaces ngayon."

Huh?" Naguguluhan pa rin si Qiao Chu.

"Hindi ba't malaking oprtunidad ito sa kanila? Nararapat lang talagang patikimin natin sila ng ating lakas! Ang tagal kong hinintay ito." Sabi naman ni Fei Yan na nagbabaga ang mga mata. Malaki ang galit na kanilang kinikimkim para sa Twelve Palaces.

"Little Xie, anong plano mo?" Tanong ni Rong Ruo na nakatitig kay Jun Wu Xie.

Agad namang sumagot si Jun Wu Xie: "Kumilos na tayo agad."

Mayroon nang ideya si Jun Wu Xie ng tunay na sitwasyon.

Hindi pa gumagalaw ang Twelve Palaces na tulad ng nangyayari ngayon. Naniniwala si Jun Wu Xie na mayroong dahilan ang mga ito kung bakit bigla na lang silang lumantad sa Lower Realm.

Marahil ay nadiskubre nila na ang mapang hawak ng bawat palace ay nawala kaya naman nagsimula sila ng gulo sa Lower Realm. Kung bakit, hindi pa alam ni Jun Wu Xie. Anong gusto nilang mangyari sa Lower Realm? Anong makukuha nila?

Nabalot ng pag-aalala ang puso ni Jun Wu Xie sa mga oras na iyon. Base sa sinabi ng waiter kanina, mukhang ang Fire Country ang lumalaban sa Poison Men at katulong nito ang Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom. Malapit ang mga bansang ito kay Jun Wu Xie.

Kung mangangahas ang Twelve Palaces na galawin ang mga taong malapit kay Jun Wu Xie, lalabanan niya ang mga ito hanggang kamatayan!

Sa mga sandaling iyon ay hindi na mapalagay si Jun Wu Xie. Agad siyang tumayo at bumalik sa karwahe. Mabilis namang sumunod sina Qiao Chu dito. Ang bawat segundo ay mahalaga.

Sinamahan ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie sa loob ng karwahe. Pinagdaupan niya ang kanilang palad ni Jun Wu Xie habang matamang nakatingin sa dalaga.

"Mas malakas sila kaysa sa inaakala mo. Huwag kang mag-alala." Alam ni Jun Wu Yao kung ano ang pinag-aalala ni Jun Wu Xie sa mga oras na iyon. Malayo ang pagkakaiba ng lakas ng Middle Realm kumpara sa Lower Realm. Kaya paanong hindi mag-aalala si Jun Wu Xie?

Huminga ng malalim si Jun Wu Xie. "Heto sila ngayon at kumakatok saking pintuan."

Kahit ilan pang kabilang sa Twelve Palaces ang kasama sa insidenteng ito, wala siyang palalagpasin kahit isa. Wala siyang pakialam kahit gaano pa ka-makapangyarihan ang Middle Realm. Ang mahalaga sa kaniya ay mapanatili ang seguridad sa Lower Realm, lalo na at ang kaniyang pamilya at mga kasamahan ay naririto. Hindi siya makakapayag na magkalat at mamuno ang Middle Realm dito sa Lower Realm!

"Huwag ka nang magalit, Little Xie. Mga tuta lamang sila, madali lang para saiyo ang patayan." Nakangising saad ni Jun Wu Yao.

Matalim ang tingin sa mga mata ni Jun Wu Xie.

"Tama 'yan. Durugin mo lang sila at matatapos na ang lahat."

Tirik na tirik na ang araw habang sila ay naglalakbay patungong silangan. Mabilis ang ginawa nilang paglalakbay. Wala silang oras na dapat sayangin sa mga oras na ito.