webnovel

Ang Inaakalang Maamong Tupa (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nagpipigil naman ng tawa si Qiao Chu na tumawa ng malakas dahil sa kaniyang mga narinig.

Iniisip pa rin ni Mu Chen na si Jun Xie ay isang tupang inimpluwensyahan ni "Ke Cang Ju"!? Diyos ko! Gumising ka at idilat mo ang mga mata mo! Ang tupang iyan ay kayang lunukin ng buo ang kaniyang kaaway!

Hindi naman pinansin ni Jun Wu Xie ang intensyon ni Mu Chen na hikayatin siya. Matalim nitong tinignan ni Qiao Chu na hirap na hirap nang magpigil ng tawa. Agad namang inilabas ni Qiao Chu ang kaniyang patalim at itinutok iyon sa leeg ng walang malay na disipulo.

"Ngayon, isara mo ang pinto." Mas nasalubong naman ang mga mata ni Jun Xie nang kaniyang utusan si Mu Chen.

Malungkot na napabuntong-hininga si Mu Chen,sumunod ito at sinara ang pinto. Hindi pa rin siya nakakapaniwala kay Jun Wu Xie.

"Upo." Muling utos ni Jun Wu Xie.

Nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Mu Chen nang mapadako ang tingin nito sa nananahimik na si Hua Yao. Sa kaniyang mga mata, ang pinapakita ng ugali ni Jun Wu Xie ay dahil sa kagagawan ni "Ke Cang Ju."

"Ke Cang Ju, palayain mo na ang aking disipulo. Ako ang pagbuntunan mo ng iyong galit."

"..." Nagkibit-balikat lang si Hua Yao at hindi sumagot.

"Mu Chen, kinasusuklaman mo ba si Qin Yue?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie.

Nanlamig ang mga titig ni Mu Chen sabay na kinagat nito ang pang-iba bang labi.

"Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumanti sa kaniya para sa walang awang pagpatay sa iyong ama, anong gagawin mo?" Patuloy ni Jun Wu Xie.

Bumakas naman ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ni Mu Chen. Wala siyang ideya kung saan patungo ang mga sinasabi ni Jun Wu Xie. May masamang binabalak ba si Ke Cang Ju? Ano talaga ang gusto nitong mangyari?

"Ke Cang Ju! Sabihin mo na, anong balak mo!? Hindi ako nakikipaglaro sa'yo!" Galit na saad ni Mu Chen.

"..." Iniwas naman ni Hua Yao ang kaniyang tingin kay Mu Chen. Tumatangging magbigay ng sagot dito.

Bakit siya ang sinisisi nito samantalang si Jun Wu Xie ang nagsasalita!?

"Ke Cang Ju!" Padabog na tumayo si Mu Chen. "Alam kong gustong-gusto ni Qin Yue na mawala ako. Tinulungan mo siyang patayin ang aking ama. Kung pinasugod mo ako rito para kay Qin Yue, ako ang harapin mo! Hindi ako tatakbo, pero huwag mong idamay ang aking disipulo! Pakawalan mo siya!"

Humugot ng malalim na hininga si Hua Yao at tumingin sa galit na galit na si Mu Chen. Hindi na ito nagpalit ng boses at nagsalita na ito: "Tanga, hindi mo pa rin ba naiintindihan?"

"Ano???" Natigilan si Mu Chen. Ang boses ni Ke Cang Ju ay ibang-iba. Malinaw at malinis ang boses nito na parang hindi matanda ang may-ari non, bagkus ay isang batang puno ng sigla.

"Hindi sa aking ideya ang pasugurin ka dito at hindi rin kay Qin Yue, kundi sa lalaking nasa iyong harapan!" Itinaas ni Hua Yao ang kaniyang kamay at itinuro si Jun Xie.

Nanatili namang nakatayo si Jun Wu Xie saka tumango.

Mas lalong nagulat si Mu Chen at naguguluhang tinignan si Jun Xie. Hindi niya mapagtagpi-tagpi ang mga pangyayari, ang pagdating ng batang lalaki sa Qing Yun Clan wala pang isang buwan ang nakalilipas.

Ang lalaking ito ang nasa likod ng pagdakip sa kaniyang disipulo?

Ang lalaking ito ang nagpasugod sa kaniya sa Hidden Cloud Peak?

Ngunit bakit?

Hindi maisip ni Mu Chen ang dahilan nito. Bakit ginawa ni Jun Xie ang lahat ng ito? Isang beses niya lang nakita ang lalaking ito. Bakit gumagawa ng eksena si Jun Xie?

Ang mas lalo pang gumulo sa isip niya ay...Kailan pa naging sunud-sunuran si "Ke Cang Ju" sa isang disipulo at hinayaan nitong gumawa ito ng ingay?

"Anong nangyayari?" Wala pa ring ideya si Mu Chen sa mga nangyayari.

"Gusto kong mabura ang Qing Yun Clan." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mu Chen. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig. Iniisip niya kung tama ba ang kaniyang narinig.

Gustong burahin ng batang lalaking ito ang Qing Yun Clan!?