webnovel

Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa loob ng kampo, tumitig si Long Qi sa sulat na nasa kaniyang nanginginig na kamay. Bakas ang emosyon sa mukha nito.

"Chief General..." Nag-aalalang tumingin kay Long Qi ang mga sundalo.

Ilang sandaling tahimik si Long Qi bago tumayo. Ipinatong niya ang sulat sa mesa at kinuha ang kaniyang kapa. Kinuha niya rin ang kaniyang espada saka sumakay sa kabayo at nagtungo kung saan naggigiyera!

Gulat na gulat ang sundalong nasa loob ng kampo. Nahagip ng kaniyang tingin ang sulat na nasa mesa. Kinuha niya iyon at binasa ang sulat!

Ganon na lamang ang gulat ng sundalo ng mabasa niya ang nilalaman ng sulat!

[Para kay: Long Qi, aking anak]

[Ang iyong ama ay binawain ng kalasag at itinapon sa isang malayong lugsog. Sa wakas, isang giyera ang naganap kaya naman pagkakataon ko itong bumalik sa pakikipaglaban. Ngayon, ako ay kasapi ng Panginoon ng Siyudad sa giyera, ipaglalaban ko ang Qi Kingdom hanggang kamatayan. Kapag natanggap mo ang sulat na ito, ibig sabihin ay nakabalik na ako, huwag kang malulungkot. Alam mong ang pamilya Long ay mag-aalay ng dugo at pawis. Nakatatak ang ating mga espiritu sa Rui Lin Army! Sana ay makita kita anak na maraming maitutumbang kalaban at protektahan ang Qi Kigdom sa mga kaaway!]

Long Zhan.

"Iyon ang Senior General...Siya ang Senior General..." Natumba sa lupa ang sundalo dahil sa sobrang gulat. Isa pang sundalo ang nakakita dito. Sa itsura niya ay para siyang nakakita ng multo kung kaya naman agad itong pumasok.

"Anong nangyari?"

Ang itsura ng unang sundalo ay puno ng takot habang mahigpit na nakakapit sa manggas ng sundalong kakapasok lang!

"Nitong nakaraang araw, pumutok ang balitang ang Green City ay nawasak. Naaalala mo ba 'yon?!"

Agad namang tumango ang sundalo.

Ang labanan sa Green City ay nasabing malala. Ang isang lungsod na dapat ay naabanduna ay biglang nagkaroon ng isang malakas na pwersa!

Ayon sa mga bali-balita, ang mga taong nakipaglaban ay hindi lang ang Panginoon ng Green City at kaniyang mga sundalo, kundi mayroong malakas na grupo ang nakisanib sa kanila. Sa huli, maging ang mga kalalakihan sa Green City na dapat ay lilikas ay nakisali na sa pakikipaglaban!

Isang Green City lang ay nagawang pigilan ng tatlong araw at tatlong gabi ang Condor Country!

Noong pinasok ang siyudad, naging dagat na puno ng bangkay ng kaaway ang lugar na iyon. Wala ni isang natirang buhay!

"Iyon ay dahil kay Senior General! Ang pwersang iyon ay pinangunahan ng Senior General! Argh!" Hindi pa rin nakakabawi ang sundalo.

Nanigas sa kaniyang kinatatayuan ang pangalawang sundalo. Gulat na gulat din siya sa kaniyang narinig. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman.

"Puntahan niyo si Chief General! Pigilan niyo siya! Plano niyang patumbahin mag-isa ang kaaway!"

Sa gitna ng giyera, bakas sa mga mata ni Long Qi ang tapang at determinasyon. Walang ni isang kaaway ang nagtagumpay na makalapit man lang dito!

Para itong mamamatay tao sa gitna ng giyera. Ang lahat ng matatamaan ng espada nito ay paniguradong patay!

Dugo't pawis ang binubuhos ng pamilya Long...

Alam niyang noong araw na pinaalis ang kaniyang ama sa army, umaasa itong isang araw ay makakabalik ito sa pakikipaglaban. Nanguna ang kaniyang ama sa giyera noon. Ang dugo ng isang matapang na sundalo ay nakatatak na sa dugo nito. 

[Ipinanganak si Papa para maging sundalo, ang mamuno sa gitna ng giyera at ang mamatay para dito...]

Tumingala si Long Qi sa kalangitan isang sigaw ang pinakawalan nito. Sigaw na nagmula sa kaniyang puso!

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa sibat, kumalat sa lupa ang dugong nasa dulo ng sandata!

"Ako, si Long Qi, nangangakong hangga't mayroong natitirang! buhay sa Rui Lin Army, walang maaaring sumakop ng kalupaang ito!" Sigaw ni Long Qi saka sumakay sa kaniyang matangkad na kabayo. Inilibot nito ang tingin sa mga kaaway!