webnovel

Ako ang may Gawa. Ano Ngayon? (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Agad na lumapit si Yan Bu Gui kay Qiao Chu at iniangat ito.

Sa looban, walang nagawa sila Hua Yao kundi ang yumuko. Hindi nila kayang panoorin ang nangyayari.

Nanatiling nakataas ang kamay ni Yan Bu Gui.

Hinawakan nama iyon ni Jun Wu Xie. Ang maliit nitong mukha ay nakatingala kay Yan Bu Gui, ang mga mata nito ay parang nagyeyelo.

"Ako ang may Gawa niyon." Saad niya.

Nag-alinlangan si Yan Bu Gui..

"Kung gusto mong magbigay ng parusa, ako ang dapat mong parusahan." Muling saad ni Jun Wu Xie.

Tinignan ni Yan Bu Gui si Jun Wu Xie at ang kaniyang galit ay Unti-unting humuhupa. Binawi niya ang kaniyang kamay, tumalikod at akmang lalayo na sa kanila. Nakakadalawang hakbang pa lang ito ng muli itong humarap para sana magsalita ngunit hindi niya iyon masabi.

Si Jun Wu Xie ang muling nagsalit.

"Binabawi ko na ang mga sinabi ko." Biglang saad ni Jun Wu Xie.

Nanahimik lang si Yan Bu Gui at hinihintay itong magpatuloy.

"Ang isang Master na katulad mo ay hindi nararapat magkaroon ng isang disipulong katulad ko." Malamig na sabi ni Jun Wu Xie. Malinaw niyang nakita kung ano ang kailangang gawin nina Qiao Chu. Wala pa siyang nagiging Master subalit alam niya na dapat ang Master ay poprotektahan ang kaniyang disipulo. Imbes na hayaan ang mga itong lumaban, gusto pa nitong lunukin ang kanilang dignidad at kahihiyan.

Ibig sabihin lang noon ay hindi siya nararapat maging Master!

Ang Master na ganon, kahit na makapangyarihan, ay hindi nararapat na bigyan niya ng respeto!

Nanatiling tahimik si Yan Bu Gui. Nakatitig lamang siya sa malamig na ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie. Parang nagyeyelo ang mga tingin nito at pakiramdam niya ay nilulunod siya noon sa nagyeyelong lawa.

Ikinagulat naman iyon nila Qiao Chu.

Tumalikod na si Jun Wu Xie ngunit biglang nagsalita si Yan Bu Gui: "Master na katulad ko? Anong ibig mong sabihin?"

Humarap naman muli si Jun Wu Xie at tinitigan si Yan Bu Gui: "Bilang master, kung hindi nila kayang protektahan ang kanilang mga disipulo, o di kaya'y hayaan ang kanilang disipulo na malunod sa kahihiyan dahil sa panghahamak ng iba, mas gugustuhin ko na lang na mawalan ng master kaysa sa magkaroon ng master na katulad non."

Mahinahon ang boses ni Jun Wu Xie ngunit tumutusok sa puso ang mga sinasabi nito.

Lumalim naman ang tingin ni Yan Bu Gui ngunit itinago ng kaniyang bigote at balbas ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Agad namang nagsalita si Qiao Chu at tumayo sa harap ni Jun Wu Xie. "Little Xie! Hindi mo naiintindihan! Hindi ganoon ang mga bagay dito tulad ng inaakala mo! Ang aming master...ginagawa niya ang kaniyang makakaya para protektahan kami!"

"Kung palagi akong lalapitan ng ganoong tao at pipilitin akong tiisin lang iyon, kahit na sa huli ay nagawa ko ang gusto ko, hindi ko mararamdaman na nanalo ako at hindi ako matutuwa. Para mabuhay, kailangan mong mabuhay ng matagumpay. Kahit na pagsakluban ka ng lang it at lupa, hindi ka dapat aatras! Magagawa mo iyon nang hindi nagyayabang, ngunit hindi dapat matatapakan ang iyong puri!" Ang pagtitimpi ay hindi ibig sabihing magpapaapi.

Masasabing naikulong si Jun Wu Xie sa loob ng mahigit isang dekada at wala itong kalayaan ngunit kahit kailan hindi ito yumuko sa mga gumawa noon sa kaniya.

Kahit na madurog pa ang kaniyang mga buto, lalaban siya hanggang kadulo-dulohan!

Ginulat sila Qiao Chu at Hua Yao sa mga sinabing iyon ni Jun Wu Xie at nagpaisip-isip kay Yan Bu Gui.

Ang mamuhay na parang aso at ipahiya ng kung sinuman ang gustong mamahiya sa kanila, pagpapahalaga ba iyon sa sariling buhay?

Maaaring tama nga siya.

Ang mabuhay ng katulad ng ganito, ay parang mas mainam na lang kung sila ay mamatay na.

"Ikaw si Jun Xie hindi ba?" Nag-angat ng tingin si Yan Bu Gui at nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito.

Samantha lang ang nagyeyelong tingin ni Jun Wu Xie ay ganoon pa rin.

"Kung tingin mo ay dapat taong mamuhay ng magiging at maayos, wag mong bawiin ang mga sinabi mo. Hayaan mo akong makita ang kakayahan mo at mabago ang kapalaran nina Qiao Chu." Nakangiting saad ni Yan Bu Gui.