webnovel

“Uninvited Guests (4)”

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Hi… Hindi siya nagalit?

"Iyan lang ba?" Sagot ni Wu Xie sa dalawa, na parang wala itong halaga sa kaniya.

Patuloy sina Jun Qing at Mo Xuan Fei sa kanilang pagkabigla sa kahinahunang ipinapakita ng dalaga. Tunay na hindi nila ito inaasahan.

Nang nais niyang mapakasalang ang ikalawang Prinsipe, ginawa nito ang lahat, na maging ang katungkulan ng kaniyang Lolo ay ginamit niya, mapilit lang ang binata. Subalit ngayong ipinahayag niya ang pagpapawalang-bisa ng kasunduan, umaasal siya na tila wala itong kinalaman sa kaniya.

"Jun Wu Xie, maghiwalay na tayo. Hayaan mong gamutin ka ni Yun Xian at pagkatapos nito ay wala na tayong utang na loob at ugnayan sa isa't isa." Nakakunot na sabi ni Mo Xuan Fei, dahil hindi niya maunawan ang dalaga. Ano na naman ang balak niya sa pagkakataong ito?

Tinitigan ni Jun Wu Xie si Yun Xian mula ulo hanggang paa nang may pagkilatis ang ngumiti ito.

"Ang mundo ay isang malawak na lugar, bakit hindi mo subukang lumabas at magmasid?" Mapaglarong tanong ni Jun Wu Xie.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Yun Xian.

Tumawa lang si Jun Wu Yao at sinabing, "Sa tingin ko, ibig niya lang sabihin sa inyo na oras na para lumayas kayo." Ang kaniyang mga mata'y naluluha sa pagpipigil nitong tumawa mula sa 'maalalahanin' nitong pagpapaliwanag sa dalawa.

Hindi maipinta ang mukha ni Mo Xuan Fei. "Jun Wu Xie, kahit na hindi ka sumang-ayon sa pagpapawalang-bisa ng ating pakikipag-ugnayan, kailangan mo itong tanggapin. Naghanda na ang Kamahalan ng kautusan at ipahahayag ito sa buong mundo kinabukasan."

Si Bai Yun Xiao na nananatiling tahimik sa kabila ng kaguluhan ay nagsalita. Ang kaniyang tinig, magiliw at banayad. "Miss Jun, minsan ay nabanggit ng aking guro na ang bawat buhay ay may katapusan. May mga bagay na hindi nating maaaring ipilit. Sa iyong kasalukuyang suliranin, hindi makabubuti kung ipipilit mong matuloy ang kasal."'Payo' nito sa dalaga, ngunit maririnig sa kaniyang mga salita ang panlalait.

Sa medaling salita, huwag kang makapal ang mukha at ipagsiksikan pa ang sarili kay Mo Xuan Fei.

[Sino siya para pagsalitaan ka ng ganito! Mistress! Binabastos ka ng babaing ito!] Galit na galit ang munting pusang itim sa mga mapangalunyang panauhin.

"Pagod na ako." Lumingon si Jun Wu Xie kay Wu Yao na tila pagud na pagod at nanghihina. Hindi pinansin ang dalawa kahit na nasa harapan niya lamang ang mga ito.

Agad na tumayo si Jun Wu Yao, inabot si Wu Xie, binuhat ang maliit nitong katawan sa kanyang mga bisig at saka tuluyang umalis sa bulwagan nang hindi lumilingon.

Lalong sumama ang mukha ni Mo Xuan Fei sa bawat segundong nagdaan. Ni minsan ay hindi siya binalewala ni Jun Wu Xie noon, ngunit ngayon, halos hindi niya ako pinansin.

"Lumalalim na ang gabi, maaari na po kayong umalis." Sabi ni Jun Qing. Kung hindi dahil sa kanilang pagkakakilanlan, matagal niya na silang pinalayas!

Nais magsalita ni Mo Xuan Fei ngunit pinigilan niya ito nang makita niyang tumayo na si Bai Yun Xian na masama ang loob. Wala siyang magawa kundi tahimik na sumunod sa dalaga.

Namumutla sa galit na naiwan si Jun Qing sa bulwagan. Bakit kinakailangang magparaya ng mga Tahanan ng Lin sa mga panlalait nila? Sa takbo ng mga nangyayari ngayon, ang kaniyang tumatanda nang ama, at walang angkop na maaaring humalili sa Hukbo ng Rui Lin, nagsisimula nang kumilos ang pamilya ng Kamahalan. Mula sa mga ikinilos ni Mo Xuan Fei ngayon, makikitang hindi na nila iginagalang ang Tahanan ng Lin.

Bakas sa mukha ngWu Yao ang ngiti habang akay-akay nito ang dalaga sa kaniyang mga bisig.

"Hindi ka ba galit?" Tanong ng niya sa dalaga. Malinaw sa kanilang lahat na hindi maganda ang pakay ng Ikalawang Prinsipe sa pagbisita nito na may kasamang ibang dalaga.

Gayunpaman, walang bahid ng anumang galit ang makikita sa kaniyang mukha.

Tumingala ng bahagya ang dalaga. Walang kibo at puno ng mga tanong ang kaniyang mga mata.

Hindi maiwasan ang lubusang pag-ngiti ng binata at makikita ang kislap sa kaniyang mga mata. Walang makapagsabi kung ano laman ng kaniyang isipan.

"Wu Xie, kaaya-aya ang iyong kahinahunan."