webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
24 Chs

Kabanata 14 (Pag-eensayo)

[Kabanata 14]

Nagising ako ng may ngiti sa labi. Simula nang makabalik kami ni Hadrian sa palasyo ay hindi na na ala ang aking ngiti.

"Sabi na nga ba namin at nakangiti ka nanaman. Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ni Hadrian? Bakit lagpas langit ang iyong kasiyahan?" Makulit na tanong ni Lolita habang niyuyugyog ako, nagtakip naman ako ng unan at pumihit sa kabilang direksyon.

Nagulat na lang ako nang makaramdam ako ng paglubig sa kama ko, nagtatatalon na pala ang dalawa para lang ituon ko ang attention ko sa kanila.

"Tama na nahihilo ako!" Sigaw ko.

Para naman wala silang narinig at patuloy pa din sila hanggang sa pagyugyog ng kama, kaya umupo na ako ng padabog. Tsaka naman ila sabay huminto at naupo pareho sa aking harapan. "Magkwe-kwento ka na ba?" Tanong ni Irithel habang malapad ang ngiti sa kaniyang labi.

Tinignan ko muna sila pareho bago ako nagpakawala ng isang malalim na bugtong hininga.

Atsaka ko ikinwento ang nangyari kahapon, dahilan kung bakit hindi maialis ang ngaiti sa labi ko.

"AAAAAAHHH!!" Malakas na tili nina Irithel at Lolita, habang hindi ko naman alam kung ano ba ang jna kong tatakpan. Ang tenga ko ba o ang mga bunganga nila?

"Sshh... tumahimik kayo, huwag kayo maingay pakiusap." Pakikiusap ko sa kanila pero parang wala naman silang narinig dahil patuloy pa rin sila sa paghiyaw.

Parang nagsisi tuloy ako na sinabi ko sa kanila.

Habang patuloy pa rin silang kinikilig, tumayo na ako at dumiretso sa palikuran upang maligo. Hindi naman nila ako napansin dahil naghaharutan pa rin sila. Hays.

Maski naman ako, hindi ko maikakaila na kinikilig din ako. Yun nga lang hindi ko dapat ipahalata, lalo na kapag nasa harap ni Favian, ang hirap.

Nang matapos ang pag aayos ko kasama ang napaka kulit at kilig na kilig kong mga kaibigan sa panahong ito, ay dumiretso kaming tatlo sa hardin. Doon ay nakita namin ang magkapatid na sina Favian at Hadrian na nag eensayo ng paggamit ng espada, habang sina Eros at Era ay nanonood sa kanilang dalawa. Lumapit kami sa kambal at nakinuod sa dalawa nilang kuya, magiliw ngunit seryosong nag iisparing gamit ang espada.

Nang matapos sila ay dumiretso sila kinaroroonan namin para uminom ng tubig, nagulat pa nga sila nang makita kami nina Lolita at Irithel.

"Cyndriah, sa tingin ko ay kaylangan mo na rin matutong gumamit ng armas panglaban. Hindi natin alm ang maaring mangyari, lalo pa at aalis ako at baka matagalan ang pagbabalik ko." Sabi ni Favian. Na ikinagulat naming lahat. Ako? Hahawak ng espada? Wushu nga hindi ko matutunan eh.

"P-pero, hindi ako marunong humawak ng espaxa. Ni-hi.di ko nga alam kung ka--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana dahil pinagtawanan na ako ni Faviat at ni Hadrian. Kaya, wala na akong ibang nagawa kundi pagtaasan sila ng kilay. Porket magkasundo sila ngayon, tatawa-tawanan lang nila ako.

"Hindi ko naman sinabing espada ang pag aaralan mo, pero kung gusto mo ay maari rin naman. Ang gusto ko sanang pag aralan mo ay ang pag gamit ng pana't palaso." Bigla naman akong nakaramdam ng pagka sabik. Padang princess diary, mararanasan ko na humawak ng pana!

"GAME! Kailan ako mag uumpisa?" Sabik kong tanong, yun nga lang ay may bakas ng pagtataka sa mga mukha nila. "Bakit?" Tanong ko. Nagkibit balikat nalang sila at sumenyas sa isang kawal, siguro ay ipinakuha na ang mga gagamitin ko. May nasabi ba ako kanina? Hindi ko nalang masyadong papansinin dahil excited ako!

Nakita ko pa na nakangiting nakatingin si Hadrian sa akin kaya nama ay nginitian ko na rin siya.

___

"Sa pag gamit ng palaso, dapat ang hawak mo ay tama lang. Hindi ka puwedeng manginig Ang siko mo ay dapat kasing taas lamang ng iyong balikat." Paliwanag ni Favian.

Magaling siya sa pag gamit ng iba't ibang armas, kaya naman siya na ang bagturo sa akin.

Matapos ko pakinggan ang paliwanag niya ay agad ko nang ipinusisyon ang sarili ko. Ama naman siguro ang ginagawa ko hindi ba?

Mayamaya pa'y naramdaman ko na may umalalay sa braso ko. "Masyadong mataas ang siko mo, at ipanatag mo lang ang iyong loob. Ramdam ko ang panginginig mo." Sambit ni Favian.

Sige ang paliwanag niya pero hindi ko na siya pinakinggan, abala ako mag aral paano manarget.

"Pfft. Marahil nga'y handa ka na. Hadrian!" Malakas niyang pagtawag kaya naman naapatingin kaming lahat sa kaniya.

Kanina laang ayos sila, ngayon galit nanaman yata siya kay Hadrian?

"Kuya." Tanging sagot ni Hadrian habaang palapit sa amin. Napangiti naman ako, walang halong tensyon ngayong araw sa pagitan nilang dalawa. Sana ganito nalang lagi.

Pero pag nalaman ni Favian ang kahapon, sigurado akong pati buhay ko matatapos.

Bakit naman kasi dito pa ako lumandi, kung kaylan napaka sahol ng parusa sa tao.

"Tumayo ko banda roon, at ilagay ko itong mansanas sa iyong ilo. Kailangan matamaan ni Cyndriah iyan." Sabay saba na nanlaki ang mga mata namin at para naman din akong nakalunok ng mansanas sa sinabi ni Favian.

Seryoso ba siya?

"K-Kuya, s-seryoso ka? Hindi pa hihasa si Cyndriah sa pag---" Hindi na naituloy pa ni Hadrian ang sinasabi niya nang bigla siyang tutukan ni Favian ng espada sa leeg.

Seryoso nga siya.

Walang nagawa si Hadrian kundi sundin ang utos ng kapatid, habang ako naman ay nanginginig na't parang gustong himatayin. Ano ba itong napasok ko?

Nang nakaayos na si Hadrian kung saan siya'y dapat pukwesto, ako naman ang hindi magkanda ugaga sa kilos. Tinignan ko pa si Favian at umaasa na sabing nagbibiro lamang siya, pero bigo ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Wala na akong pwedeng gawin pa kundi ang subukan na tamaan ang mansanas. Pumosisyon ako ng maayos at dahan dahan iniangat ang palaso, seryoso kong inaasinta ang mansanas. Nang pakiramdam ko ay asintado ko na, binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa palaso at biglang pumikit.

"AARGH!" Isang malakas na daing ang narinig ko at agad nagpamulat sa mata ko.

Doon ay nakita ko si Hadrian na hawak-hawak ang duguan niyang binti, tinignan ko pa ito ng maigi at nakitang nakatusok doon ang palaso. Tinamaan siya.

"Pasensyana Hadrian, h-hindi ko sinasadya!" Mangiyak-ngiyak kong sambit.

Sa halip na magalit, ngumiti lang siya sa akin atsaka tumayo ng tuwid. Animo'y walang sakit na iniinda.

"Ano ka ba, isang pana lang ito sa binti. Hindi ko ikamamatay ito, kung ang lumaban nga para sa palasyo buhay pa rin ako, heto pa kaya?" Aniya.

"P-pero---" Hindi ko naituloy ajg sasabihin ko ng biglang nagsalita si Favian.

"Bakit ka pumikit?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya bago sumagot, "natakot kasi ako."

"Porket ba natakot ka, ipipikit mo na ang mga mata mo? Ayaw mo ba harapin kung ano ang nasa harap mo dahil lang sa takot ka?" Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Nagbaka sakali lang naman ako, isa pa takot ako makita ang kalalabasan.

"Kung magbubulag-bulagan ka nalang dahil sa takot ka, sa tingin mo ba ay maganda ang kalalabasan? Halimbawa nalang ang kanina. Pumikit ka kaya hindi mo tinamaan ang mansanas, paano pala kung hindi ka pumikit? Baka sakaling natamaan mo. Nauna ang takot sayo kaysa mag-isip ka ng tama. Ikapapahamak o ikamamatay mo ang ganyang ugali." Nanatili akong tahimik matapos ang mahaba niyang litanya.

Kasalanan ko naman talaga, natakot ako kaya pumikit ako. Hindi ko nilabanan ang takot ko kaya masama ang nangyari.

"Minsan sa buhay natin Cyndriah, hindi maaaring panay takot ang pairalin mo. Kaylangan mo rin harapin ang takot na iyon, kahit na ba ano ang maging resulta. Baka kasi sa takot na iyon, hindi mo alam na ibang tao na pala ang masasaktan mo. Kasi naging duwag ka." Sabi pa ni Favian bago sinabi na tapos na ang pag eensayo at bukas nalang daw ulit ipagpapatuloy.

Para naman tuloy akong bata rito na umiiyak dahil napagalitan.

Ang mga salita niya ay parang kutsilyong tumutusok sa akin.

"Huwag ka ng umiyak, sa umpisa lang yan masasanay ka rin." Sabi ni Hadrian na nasa harapan ko na ngayon.

"Hadrian, sige na. Kami na ni Lolota rito, pumunta ka na kay Sero." Sabi naman ni Irithel, si Sero ang mangagamot. Siya rin ang naging manggagamot ko rito.

Hindi naman na nakipagmatigasan si Hadrian.

"Huwag mo na intindihin ang sinabi ni Favian, nag uumpisa ka palang kaya ganiyan." Sabi ni Irithel.

Tama siya, marahil ganon pang siya magsanay.

Tumayo na kami para sana mag ikot ikot ng bigla akong makaramdam ng pagtusok sa likod ko.

Unti-unting nanlabo ang paningin ko at ang pandinig ko.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari at bakit sila nagkakagulo, ang huli kong nakita ay ang iika-ikang si Hadrian na bumuhat sa akin atsaka biglang dumilim ang paligid.