webnovel

Chapter 8

Kinabukasan na discharge na rin ako sa Hospital di naman na daw Kasi lumala yung kundisyon ko kaya pwede na daw akong umalis. Pinaghatian nila Tito yung bill ng Hospital medyo nakakahiya kasi wala man lang kami maiambag ni Kuya.

"Buti naman ayos ka na" Sabi ni Kuya Janel. Ngiti na lang ang sinagot ko sa kaniya, di naman ganun kalala sakit ko pero medyo nanghihina ako.

'Zagan'

Tumingin ako sa paligid ko kung sino man yung nagsabi nun. Pero lahat sila busy, o kaya guni guni ko lang yun.

'Zagan'

Tumingin ulit ako sa paligid ko pero ako lang yung tao na nasa pwesto na ito.

"Ayos ka lang?" Lumapit si Nicole sa aking pwesto.

"Ayos lang ako" Sagot ko sa kaniyang tanong. Nagpaalam muna ako para magpahinga dahil sa pagod.

'Zagan'

'Zagan'

'Zagan:

'Zagan'

Patuloy ko ito naririnig, paulit ulit parang ayaw nito tumigil tinakapan ko ang aking tenga at pumikit. Pero patuloy pa rin ito.

'Zagan'

'Zagan'

'Zagan'

"TAMA NA!" isang malakas na sigaw ang aking binitawan. Pero—

NICOLE'S POV

Busy kaming lahat na nag aayos samantala si Kin ay umuwi muna para magpahinga. Medyo nag aalala ako sa kaniya dahil mag isa siyang umuwi.

Pero sabi ni Mama hayaan ko na daw. Baka ayaw niya lang kaming abalahin. Habang nag aayos kami ng bahay isang malakas na tunog ng nabasag na baso ang aming narinig.

"AHHHH!" kasunod nun ang malakas na boses na nanggagaling kay Kin. Hininto namin ang aming ginagawa at pumunta sa kinalalagyan niya.

"AHHHHH!!"

"WAGG!!"

"WAGGGG!"

Patuloy siyang nagsisigaw habang tinatakpan niya ang magkabila niyang tenga gamit ang kamay. Napansin ko na may mga gasgas ang kaniyang mga braso.

Para itong mga kalmot. Tumakbo si Aj para tawagin si Tito Juan. Di siya tumitigil sa kakasigaw, nag aalala na kami sa kaniya dahil ngayon lang namin siya nakitang ganito.

"Ano nangyari sa kaniya?" Dumating si Tito Juan at kasunod nito si Aj na tumawag sa kaniya.

"Bigla na lang po siyang nagkakaganiyan" Sagot ni Angeline sa kaniyang Ama. Hinawakan ni Tito Juan at Papa si Kin, pero pumapalag siya at patuloy pa rin sa pag sisigaw.

"Ma...?" nagulat kami ng tumigil Siya sa pagsisigaw at binanggit ang mga salitang iyon.

"Kin!!" Sigaw ni Janel.

"AHHH!" Sumigaw ulit siya at patuloy sa pagpalag. Hanggang sa nawalan siya ng malay.

KIN'S POV

'Mamatay ka'

'Mawawala ka na sa mundo na ito'

'Mamatay ka'

'Alam mo ba kung bakit ka iniwan ng Pamilya mo?'

'Kasi wala kang kwenta'

'Di ka nila mahal'

'Walang kwenta'

Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ng tao na matagal ko ng hinihintay.

"Ma....." Ang aking Ina.

"Ma....."

"KIN!!" Isang sigaw ang aking narinig mula sa aking Kapatid. Diko alam kung anong nangyayari sa akin hindi Ko talaga alam kung ano ba ang nangyayari.

Biglang nandilim ang aking paningin. Diko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

'Anak.....'

'Magsasama na tayo'

'Mahal ka namin'

'Anak.....'

JANEL'S POV

Dinala ulit namin ng Hospital si Kin ng patuloy ang pagdugo ng kaniyang ilong kaya nag alala na kami at dinala na ulit siya sa Hospital.

Nagulat ako ng binanggit niya ang mga salitang 'Ma...'. Matagal tagal na rin ng namatay na sila Mama at Papa.

Simula Nung namatay sila halos isang Linggong walang kain at pahinga si Kin. Mukhang natrauma siya sa pangyayaring iyon.

Nahospital rin siya Nung araw na iyon dahil sa pagbaba ng dugo niya at Malnutrition. Akala ko mawawala na siya nun, dahil sa sobrang payat at putla niya.

Siya na lang kasi ang meron ako. Kaya diko kaya mawala ang kaisa isahan kong pamilya.

'Ingatan mo Kapatid mo ah"

Yun ang huling bilin sa akin ni Ama. Bago kami makasidente. Sinakripisyo ni Mama at Papa ang Buhay nila para sa amin.

'Wag mong pababayaan ang isa't isa'

Bago mahulog sa balon si Mama, yun ang huli niyang sinabi sa amin. Nahulog ang kotse na sinasakyan namin pero tanging kami lang dalawa ang naligtas.

"JANEL!!!" Sigaw ni Ate Gladys mula sa kwato ni Kin.

"Nawawala si Kin" Pagkasabi ni Aj Lumabas agad ako ng kwarto na iyon para hanapin si Kin. Inikot ko ang buong floor upang hanapin kung asan siya.

"Asan ka?"

"Kin!!"

"Kin!"

Sigaw ako at patuloy sa pagtakbo para hanapin siya.

"Anong ginagawa niya dun?" narinig kong sabi ng isang nurse mula sa labas. Nagkumpol kumpol ang mga tao dun.

Lumabas ako para tignan kung anong meron dun. Isang lalaki na nasa pinaka mataas ma building. Pero.... mukhang pamilyar siya sa akin. Hindi....

"KIN!!!!!!!" Sigaw ko ng mapansin ko na kapatid ko iyon.

"KIN!!!! BUMABA KA DIYAN"

"BUMABA KA DIYAN, PLEASE!!!!"

Pumunta si Ate Gladys, Ate Grace, Aj, Nicole at Angeline sa pwesto ko upang tignan kung ano ang nangyayari. Si Tito Juan at Tito Miguel naman ay pumunta sa kinaroroonan niya. Nakita ko na humakbang ang isa niyang paa.

"KIN!!!!!! PLEASEEE WAG KANG TUMALONN!"

"KIN! NAGMAMAKAAWA AKO"

"WAG!!"

Diko alam na pupunta ang araw na mawawala ang isang tao na natitira sa akin. Nanigas ako sa aking kinalalagyan, diko alam kung bakit nangyayari ito.

"KIN!!" Isang malakas na sigaw ang aking binitawan at kasabay nun ang pagtulog ng aking luha.

"b--ba-k-ki-t?" Nanghina ang aking mga tuhod habang akap akap ang katawan niyang puno ng dugo.

"K-ku-y-a" pagkatapos nun nawalan na siya ng hininga.

"Hindi!!!!!"

"Gumising ka!!"

"Kin!!"

"Gumising ka"

Bakit?, bakit ganito. Siya na lang ang tao na natitira sa akin pero bakit. Diko alam kung ano ang rason kung bakit niya ginawa iyon.

Dumating na ang ibang staff ng hospital para kunin ang katawan ni Kin. Tinulungan ako nila Ate tumayo dahil sa panghihina ng aking katawan.

Umupo ako sa bench at nakatingin sa malayo. Habang iniisip ang mga nangyayari.

'Kuya'

'Para sayo'

'Wag mong iwawala yan ah'

Naalala ko ang araw na iyon. Birthday ko nung araw na iyon, dahil busy ang aking mga magulang di nila kami binabati ko pinaghahanda sa kaarawan namin.

Niregaluhan niya ako ng Araw na iyon. At iyon ang singsing na suot ko ngayon.

'Ginawa ko to'

'Tignan mo'

'Ang ganda diba'

'Bagay sayo'

Yun ang mga salitang sinabi niya sa akin. At hindi mawawala sa memorya ko iyon. Habang inaalala ang mga araw na iyon diko mapigilan na umiyak.

What do you think of my Story? Let me know at the Comment section. Don't forget to Vote and Support me. It really helps me.

Missviolexxcreators' thoughts