"Mica Ella!!!!!" Isang malakas na sigaw Ang aking binitawan. Makita Ang iyong kaibigan na walang Malay ay isang pangyayari na diko Matanggap.
"H-hin-d-i" nanginginig Ang aking boses.
Patuloy Ako sa pag sigaw at pag iyak. The feeling of the agony strikes me. The word suffering must be like me.
Patuloy Ako sa pag iyak Hanggang sa kumalma Ako. Di pa Rin Ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Kakatawag niya lang sa akin tapos malalaman mo na patay na siya. Sabi ng nurse kanina nahulog siya sa building, pero Wala naman siyang pinagdadaanan para magpakamatay.
Naguguluhan ako, diko alam kung pano nangyari to. Bakit nangyayari to.
"Ms. Dela Cruz ayos lang po ba kayo?" Tanong ng doctor sa akin. Tumango ako sa kaniya at uminom ng tubig.
Di maganda takbo ng araw ko ngayon. Tinawagan ko ng aking Pinsan upang ipasundo ako dahil diko alam kung kaya ko pa mag drive dahil sa panginginig ng aking buong katawan
"Grabe mga nangyayari ngayon" Sabi ni Angeline.
"One of our distance-kamag-anak namatayan ng anak, di rin nila alam kung ano nangyari."
"Nakita na Lang din nila na wala ng hininga yung bata" Sabi niya habang ang tingin niya ay nakabaling sa daan. Huminto muna kami sa isang kainan.
Tinignan ko ang oras at maghahating gabi na. Umorder kami at hinintay kaning tawagin ng isa sa mga staff.
Sa isang karinderya lang kami Kumain. Habang kumakain kami isang pulubi na bata ang lumapit sa akin.
"Ate barya lang po"
"Hoy sinong tinitignan mo diyan?"
"Yung bata..." Humarap ako para tignan kung nasan ang bata. Pero wala ito dito.
"Juskk pagod lang yan kumain ka na para maka uwi na tayo" Diko na inisip ito at baka nga dahil lang ito sa pagod.
"Sige salamat sa paghatid" Kumaway siya at umalis na, ako naman ay pumasok na sa loob.
Naghilamos ako at pumasok na sa kwarto ko para magpahinga. May mga naririnig ako naglalakad sa labas mg kwarto pero baka hangin lang yun o sa pagod na naman ito.
Pamaya maya pa ay lumalakas ang mga yapak na iyon. Lumabas ako para tignan pero walang tao. Halos ligaw na pusa man lang wala.
Bumalik ako sa aking pagtulog, di na mga yapak ang aking mga naririnig kundi mga katok. Tinakpan ko ang aking tenga. palaks ito ng palakas, Katok ito ng katok hanggang sa tumigil ito.
Isang parea ng kamay ang aking naramdaman sa aking paa. Ang higpit ng hawak niya sa aking mga paa, Diko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Pinikit ko ang aking mata at nagdasal.
"Hoy gising!!!!" Minulat ko ang aking mga mata. Isang panaginip lang Pala iyon. Pero may mga pasa ako sa aking paa.
"Tumagawag ako sayo para sunduin ka, Pero dika sumasagot kaya pumasok na ako"
"Oh eto tubig wag ka kaya muna pumasok ngayon" Tumango ako sa kaniya. Tinawagan ko ang aking employer upang ipaalam na di muna ako papasok ngayon.
"Patambay muna ha" Sabi ni Angeline at lumabas na ng aking kwarto. Niligpit ko ang aking pinaghigaan at lumabas na rin.
Nadatnan ko dun si Angeline na naghahalughog sa aking ref. Sa tuwing pumupunta siya o tumatambay sa aking bahay, Siya lagi nagluluto. Ginawa niya na atang kusina niya tong kusina ko.
Pamaya maya pa ay tinawag na niya ako para kumain. Nagluto siya ng adobo na may kasamang itlog.
"Dika papasok ngayon?"
"Nirerenovate kasi yung Office kaya wala muna kaming pasok" Sagot niya sa aking tanong.
"Kuha kang juice Dali" Utos niya sa akin.
"Pati na rin baso"
Tumayo ako sa akin kinauupuan at kumuha ng juice sa Ref. Sinunod ko yung baso pagkatapos kong kunin ang juice.
May time na masipag siya may time rin na mas tamad pa siya sa tamad. Diko rin alam kung ano ba nakain neto at ganun ang ugali niya.
Dahil sa sobrang bait ko sinalinan ko siya ng juice sa baso. Mukhang uhaw na uhaw eh.
"Oy magpaalam ka na sa Boss mo 3days after uuwi na tayo sa Nueva Ecija" Sabi niya at sumubo ng kain.
"Oo na oo na, tsaka sinabi ko na sa kaniya Nung isang araw pa" Saad ko sa kaniya at ininom ang juice.
"Si Lola masarap magluto ng Adobo" Sabi ni Angeline. Totoo naman eh masarap talaga magluto si Lola ng mga putahe.
"Lalo na yung Puto nun, sa tuwing may event sa bahay lagi siyang nagluluto nun" Pagkatapos namin kumain, nanuod naman kami ng TV. Actually hapon na late na kasi akong nagising, tsaka late na rin siya nung ginising niya ako.
'isang bata patay matapos sagasaan ng isang kotse, di malaman laman kung kanino ang may nagmamay ari ng kotse'
"Yan yung batang namalimos sa akin kagabi" turo ko sa screen ng TV.
"Ha?! pano nangyari yun? wala naman namalimos sayo ah"
"Pero siya yun" Bigla na lang siyang nawala nung gabing yun. Bibigyan ko sana siya ng barya, bigla na Lang siyang naglaho.