Oliver's POV
"How's Tito Ralph?" tanong ni Kristan habang kausap ko siya through video chat.
Nandito ako ngayon sa may rooftop ng hospital at kararating ko lang mula sa pagkain ng breakfast.
After kong kumain kanina ay pumunta ako dito sa hospital para hatiran ng pagkain sila mama. Nagpaalam rin akong maglalakad na muna dito sa hospital para matunaw yung kinain ko kanina.
"Hindi pa tapos yung operation eh. But I'm sure he'll survive. After all he's Ralph Ramos." Sabi ko hindi para magmayabang kundi para pagaanin yung loob ko.
"Yes, I agree with you." Sabi ni Kristan at tumahimik siya saglit. Nag-aalangan sa kung anong sasabihin niya.
"Kung tatanungin mo ako kung okay lang siya, sabihin mo na agad." Sabi ko sa kanya. "Huwag mo akong gayahin na pilit pang dinedeny yung feelings ko noon. Tapos ngayon ang hirap ko nang aminin."
"Alam ko naman iyon Oliver. Pero kasi parang iba itong feelings kong ito." Sabi niya at itinuro yung parte kung nasaan yung puso niya. "Kahit na expert na ako sa romantic relationships, parang nagback to zero ako pagdating sa kanya...bigla akong nakaramdam ng hiya."
"Bakit hindi mo siya tanungin?" tanong ko sa kanya. "Kung gusto mo siyang kumustahin, kailangan ikaw mismo yung gumawa."
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
After ng mahigit dalawang oras naming pag-uusap ay bumaba na ako mula sa rooftop. Bigla rin kasing nagtext si kuya Marco na bumaba na raw ako.
Pagbaba ko doon ay nakita kong kinakausap na ng doctor sila kuya Marco.
"Ililipat na namin siya sa private room para maobserbahan na natin siya. I think bukas ay magigising na rin siya." Sabi ng doctor at pinaabot sa nurse na kasama niya ang isang chart.
"Sige, I have to change my clothes. Mag-waward pa ako mamaya." Sabi niya.
Kinamayan naman siya ni Kuya Marco at ni mama. "Thank you po doc." Sabi ni Kuya Marco.
Ngumiti lamang yung doctor at naglakad na papalayo sa amin. Ako naman ay lumapit na kila mama.
Bakas kay mama na parang nabunutan siya ng tinik sa kalooban niya.
"Oliver andito ka na pala." Sabi ni Kuya Marco.
"Anong sabi ng doctor kuya?" tanong ko sa kanya. "Successful ba yung operation?"
"Yes, Oliver. nasurvive ni papa yung operation." Sabi ni Kuya Marco at napatigil dahil biglang nag-ring yung phone niya.
Pagkatingin niya sa caller ay nakakunot yung ulo niyang napatingin sa akin. Pero bigla niya ring ibinalik ang tingin niya sa phone niya at sinagot yung tawag.
"Hello?" sabi niya at lumayo ng bahagya sa amin. Pero naririnig ko pa rin yung pag-uusap nila.
"Bakit ka napatawag?"
"I'm okay! Successful kasi yung operation ng papa ko."
"Oh Please! Bakit hindi na lang yung kaibigan mo yung kinukulit mo?"
"Bahala ka diyan! Ikaw ang ganda na ng araw ko ngayon sinisira mo." Rinig kong sabi niya at inis na ipinatay yung tawag.
Napailing na lamang ako habang nakangisi at umupo na sa may upuan sa waiting area. Hinihintay pa kasi naming lumabas si papa sa operating room para mailipat na sa isang private room.
"Ma, okay na po ba kayo?" tanong ko kay mama. Ang tahimik niya kasi pero nakangiti siya.
Napailing naman siya at bahagyang kumurba ang mga labi niya.
"Yes anak. I'm okay." Sabi niya at tumingin sa akin. Matamis akong ngumiti sa kanya at yinakap siya.
"Papa never left us." Sabi ko.
Hinaplos naman ni mama yung buhok ko.
"Yes, hindi tayo iniwan ng papa mo....at tinupad yung pangako niya sa atin."