webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
56 Chs

The Flame

"Nugu ya? (Sino siya?)" tanong ni Wonhi kay Rain habang papalapit sila sa may kubo.

"Who?"

"That guy! With your sister," sagot nitong nakatingin sa gwapo at matipunong binata na masayang kakwentuhan ng dalaga.

"Ah... that's Archie. Jei's bestfriend!" saad ni Rain ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.

"Ah... Tarzan!"

"Tarzan?"

"He taught Jei to climb up and down trees with ease... like Tarzan!"

Napahalagpak ng tawa si Rain sa sinabi ng kaibigan lalo na't kaswal lang ang pagkakasabi nito.

"Kuya Rain..." sigaw ni Archie kay Rain habang bumababa ang magkaibigan sa kani- kanilang kabayo.

Nag- fist bump ang dalawa saka masayang nagyakapan.

"Long time no see! Musta ang pag- aaral?"

"Okay naman po, kuya. Sa wakas gagraduate na rin," tugon ng binata kay Rain.

"Siya nga pala, kaibigan ko. Si---"

"Holy shite! Wonhi Park? Kuya... siya ba to?" tanong ni Archie na bakas ang excitement at pagkagulat sa kanyang mukha. Tumango si Wonhi bilang pagsang- ayon.

"Wow! I can't believe it. You're a real deal!" humahangang saad ni Archie sa binata.

"What do you mean?" amused na tanong ni Wonhi.

"Well, you look great even without any makeup on unlike some petty models who needed photoshop to look good," di mapigilang saad ni Archie na ikinatawa ng tatlo.

"Hope that's a compliment!"

"Sure is! No wonder Jei---"

"Archie... di ba may gagawin pa tayo sabi ni itay!" sigaw ni Jei sa kaibigan. Napangiwi ito ng biglang tadyakan ng dalaga ang kanyang paa. Alanganing ngumiti si Jei sa kanyang kuya at kay Wonhi bago niya hilain si Archie palayo.

"What was that?" takang tanong ng modelo.

"Molla! (Ewan/ Malay ko)" kibit- balikat ni Rain.

Nang makalayo sila sa dalawang binata ay pinagpag ni Archie ang kamay ng kaibigan.

"Aha! Hindi pa ba nila alam na number one fan ka ni Wonhi?" nanunuksong tanong ni Archie sa dalaga.

"Alam nila! Di naman sekreto yun!" nakangusong tugon nito.

"Hmmmm.... hindi niya alam na pinagnanasahan mo siya at ang kwarto mo ay puno ng pictures niya," tukso ulit nito.

Tumahimik lang siya kaya naman nagtuloy- tuloy ang pang- aasar nito sa kanya. "Alam mo, bagay kayo. Siguro kung di lang mag- bestfriend sina kuya Rain at Wonhi, baka suportado ka ng kuya mo!" dagdag nito.

"Tigilan mo nga ako!" inis na sabi ng dalaga.

"Ang cute mo kasi pag naiinis ka!" sagot ni Archie habang ginugulo ang buhok niya. "Kung di lang kita bestfriend, jinowa na kita!"

"Che! Jowahin mo mukha mo!" Padabog niyang sabi saka mabilis na naglakad palayo kay Archie patungo sa kanyang ama na pinapakain ang mga alagang isda. Nainis si Jei hindi dahil sa sinabi ng kaibigan ngunit sa lantarang pagsasabing di siya nito gusto. Naninikip ang kanyang dibdib habang naglalakad.

"Jei! Hoy! May nasabi nanaman ba akong di mo nagustuhan?" tanong ni Archie ng maabutan niya ang dalaga.

'Kung alam mo lang!' bulong ni Jei sa sarili. Hindi niya ito pinansin. Sige pa rin siya sa paglalakad hanggang marating ang kinaroroonan ng ama.

"Hi po, tito!" masayang bati ni Archie sa matanda. Magiliw namang tumugon si mang Liam. Nagkamustahan ang dalawa.

"Tay! Tapos na po kayo?"

"Siyempre! Buhatin mo yang basket ng isda at nang makauwi na tayo."

"Ako na po, tito!" saad ng binata habang kinukuha ang bitbit ni Jei na basket.

"E ikaw naman ang sinasabihan ko!" ani ni mang Liam. Natawa lang si Archie habang tahimik na nakamasid si Jei sa kanila.

"Ang kuya mo?" tanong ng kanyang tatay na pumukaw sa nalilito niyang diwa.

"Huh? Pinapakain po ang mga kabayo sa kanilang kwadra."

Mag- aalas singko na ng makarating sila sa kanilang bahay. Agad na naghanda ng hapunan si Jei. Nagsaing siya ng kanin at nagsigang ng isda. Saka ito pumanhik sa kanyang kwarto para maligo.

"Anong ginawa mo doon?" narinig niyang tanong ng kanyang kuya kay Archie ng paakyat siya ng hagdanan.

"Ewan ko nga po kuya. Baka napikon nanaman sa sinabi ko kanina tungkol sa idolo niya!" sagot ni Archie.

Mula pag- uwi hanggang sa matapos silang kumain ay tahimik lang si Jei. Naninibago man ay hinayaan lamang siya ng kanyang kuya at ama. Ni hindi siya bumaba ng magpaalam si Archie.

"Hey, kiddo. Want some?" lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Wonhi na artistahin pa rin sa suot niyang pajama. Pinagpalit- palit niya ang kanyang tingin sa binata at sa hawak nitong canned beer.

"Don't worry. No poison in it!" natatawang saad ni Wonhi habang inaalok si Jei. Napangiti lang ang dalaga saka umiling.

"No, thanks. Why are you here anyway?" tanong ni Jei sa binata.

"Can I join you?"

"Sure. Be comfortable," sagot ng dalaga. Umupo si Wonhi sa tabi nito saka uminom.

"I noticed how beautiful the stars tonight are. I've never seen so many stars in Korea!" saad nito habang nakatingin sa langit. Tumingala rin si Jei saka huminga ng malalim.

"Hmmmm... one of the reasons why I've always wanted to come home!" pilit ang ngiting sabi ni Jei.

"Are you talking about the stars above or the brightest star down here?" nanunuksong saad ng binata.

"Huh?" maang na tanong ni Jei. Humarap si Wonhi sa kanya kaya kitang- kita niya ang gwapo nitong mukha na nasisinagan ng ilaw mula sa kanilang veranda.

"You like him, don't you?" nakangising tanong nito bago lumagok ng beer.

"Kuya!"

"Pretty obvious, Jei!"

"Dunno exactly what you mean!"

Natawa ang binata sa patuloy na pagtanggi ni Jei sa kanyang tunay na nararamdaman.

"Oh c'mon! Tarzan seems like a fine guy!"

"Tarzan?!"

"You're bestfriend!"

"He's name is Archie!"

"I know! You don't have to shout. Anyway... you like him and we know it!" natatawang saad nito.

"Whatever! Does it even matter?!" may pait na sabi ng dalaga saka tumingala di para tumingin sa nagkikislapang butuin kundi para itago ang namumuong luha sa mga mata.

"Hmmm?"

"He likes me as a sister. Nothing more!" bulong nito at tuluyang bumagsak ang mga luhang pilit ikinukubli sa dilim.

Napabuntong hininga si Wonhi sa nakikitang reaksiyon ng dalaga. Saka niya ginulo ang nakalugay nitong buhok.

"That's enough. Have you talked to him about it?" tanong nito. Umiling si Jei.

"Then... that's unfair!" saad ni Wonhi saka inubos ang laman ng hawak na serbesa.

"What do you mean?" maang na tanong ni Jei habang nagpupunas ng kanyang pisngi at ilong.

"Hmmmm... you are hurting because you ASSUMED that he doesn't requite your feelings towards him. But... don't you think that's quite unfair?"

"It's obvious! I don't have to ask for any validations."

"Ah! What if he thinks the same way?"

Natahimik ang dalaga saka siya nag- angat ng tingin.

"Sometimes, we let go of opportunities and waste our time... because... we are afraid of being rejected and being hurt."