webnovel

Fly High, Love Thy

The Air Force: Captain Xyth Xodriga Xyth Xodriga decided to broke up with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. He became a successful Captain of an air force unit in the Philippines and has been serving the country for years. But his love was again tested when another batch of trainees came, yet again, he did not expect to see his beloved ex. ------------------------- FLY HIGH, LOVE THY is a story of fiction. Names, places, businesses, organizations, and incidents are HYPOTHETICALLY ASSUMED by the author. Any resemblance to actual persons, living or dead, actual places and events are purely coincidental. Schools and organizations mentioned in the story are NOT ASSOCIATED with this. Do not distribute, reproduce, publish, or any acts of copying the story without the prior consent of the author/writer. Without permission from the source may lead to plagiarism.

jicigi · Võ hiệp
Không đủ số lượng người đọc
8 Chs

CHAPTER 4

Bwisit!

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Pinagtinginan naman ako nang dumating kami sa area nila. Argh! Nakakainis! Mamaya magugulat nalang si Dennis na hindi na niya ako kateam.

"Bakit ako ang kinuha mo? You can choose anyone except me."

Nakatayo na siya sa harap ng mga trainees samantalang ako nasa tabi pa rin niya. Bigla niya akong hinarap at kitang-kita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya.

"Are you ordering your Captain?"

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. I am not ordering him! Sinasabi ko lang naman na ang dami dami niyang pwedeng kunin pero bakit ako pa?

"No, sorry."

His expression changed. His face softened. "Samahan mo na sila." Saad niya na tinutukoy ang mga kapwa ko trainees.

Tahimik akong tumungo sa kanila. Hindi nagtagal may mga sumabak na rin sa pagpapalipad ng eroplano pero iilan lang muna ang pinasubok nila at nakapagtatakang hindi pa ako roon kabilang.

Pinabalik kami sa aming quarter saka kami pinagpahinga. Pagabi na rin at maya-maya lang may pa'welcome daw sa'min. Myghad! Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit gusto nilang i'welcome pa kami pero siguro gusto lang nilang makilala kami. Pinagbibihis lang naman kami ng simpleng damit at ngayong kakatapos ko lang maligo, pinag-iisipan ko pa kung ano ba ang susuotin ko.

Habang namimili sa mga damit na nakalatag sa kama ko, may nagsipasukan namang iba. Ang iingay nila kanina pero nung nakita nilang may tao, bigla nalang silang tumahimik. Saglit ko silang tiningnan saka nginitian. Wala naman akong balak magpaka'badass dito 'no, pwera nalang kung susubukan nila ako, hindi ako marunong umatras.

"Hi. Magdress ka mamaya?"

The other girl shyly approached me. Nakita siguro nilang namimili pa ako ng damit. Nakatapis pa ako ngayon at hindi naman ako naiilang, they are all girls naman na kapwa trainees ko. Hindi ako naiilang na ipakita sa kanilang ganito lang ako.

"Ahm, yeah. Pinag-iisipan ko nga kung magje'jeans nalang ba ako o skirt."

Napansin kong nagkatinginan silang tatlo. "Let's just wear dresses. Nakajeans na naman kasi ang mga boys kaya para maiba naman talaga tayo, let's just wear skirt. Actually, ready na ang mga isusuot namin. Ahm… you want help in picking up your dress for later?"

"I really appreciate it but I am not comfortable with people chosing what I wear." Bahagya silang nagulat sa sinabi ko kaya agad akong napatakip ng bibig.

"Oh my. Sorry, sorry. It doesn't mean anything. I was just trying to say na hindi ako kompartableng may pumipiling tao para sa susuotin ko. I've always wanted my own decision." And I smiled at them

"Ahh. Sorry din, but mamaya pwede bang sama-sama nalang tayo pumunta sa venue? Para naman hindi nakakahiya. Kaunti lang kasi tayong babae, e."

I nodded at them as I picked my navy blue dress that is above the knee and sleeveless. It has the v-neck line and it hugged my curves perfectly as it is. Dumaan ako saglit sa maliit na mesang nasa gilid ng kama ko saka tiningnan sa relo kung anong oras na ba.

The welcoming party will start at 6:30 pm and it's already six so I've decided to fix myself already. I don't want to look like a lost dog later. Anyways, simple lang naman daw ang gagawin. We'll just have toast and dinner then I guess that's it. Pero baka magpasayaw pa sila o ano pero baka rin hindi na. Job is their priority.

I blow dried my waist-length of hair. Maglulugay lang ako since nakasleeveless nga ako mamaya. I don't wanna expose too much skin because there's a lot of men there and I basically don't know them. I shaped my eyebrow again kasi tinubuan na naman ng mga buhok. Then naglagay na ako ng cream saka sinunod kong inayos ay ang mga mata ko. I want to wear a simple make up kaya light eyeshadow lang ang nilagay ko saka nagmaskara na rin. I also put blush on and lipstick. So to keep my lips shining, I applied lipgloss and hola, I'm done with myself.

Lumingon ako sa mga kasamahan kong todo ayos pa rin sa kanya-kanyang salamin nila at napansin ko pang naglalagay sila ng mga pilikmata. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin, maglalagay pa ba ako no'n?

Lapit.

Layo.

'Yan ang ginagawa ko sa salamin ngayon. Nilalapit at nilalayo ko sa mukha ko habang kinakausap ang sarili. Napansin yata nila kaya tumingin sila sa'kin.

Nagkatitigan kaming anim.

"Bakit?" tanong ko sa kanila

"You look lost."

Naguluhan ako sa sinabi nung babaeng maikli ang buhok, iyong gupit panlalaki. Titibo-tibo kasi siya, hindi siya babaeng babae base na rin sa mga kilos niya. I'm judgding too fast again, well, we never know.

"What?"

She smiled. "You look lost, princess."

Kung lalaki lang siya baka namula na ako. Nagsitawanan sila samantalang ako naman natahimik. Damn. Hindi ko 'yon napaghandaan.

"Sa lahat ng trainees, masasabi kong ikaw ang pinakamaganda. Bakit pala pumasok ka rito?" tanong naman ng isang babae.

"This is my dream. Tsaka hindi lang naman ako ang maganda rito ah, mayroon namang iba." Oo kaya, may nakita nga ako kanina e pero mukhang hindi na siya trainee. She has this poise on her body that made her look like a high official in this unit. Maitim at shoulder length lang ang haba ng buhok niya.

"But you look soft, mabibigat at nakakatakot pa naman ang mga training dito. That's what I heard from my uncles." Another girl with her curled hair.

I shrugged my shoulders. "Looks always deceive people."

Magsasalita pa sana sila nang may kumatok sa pinto namin. A girl near opened the door for us. I looked at my watch and saw that it's already 6:25. Oh, we've got 5 minutes only. I took my phone and stood up. Ganoon din ang iba kong mga kasamahan.

"Captain."

I wasn't able to move when I heard that word and when I slowly turned, my teammates saluted to the man in front of us and he's inside our room. I don't think he's allowed here?

"Leave us and proceed to the venue." He's saying that while staring intently at me. His voice is so cold and I got nervous when I saw the girls moving their asses out of the room.

I heard the door closed.

"Anong ginagawa mo rito?"

He slowly walked towards me and I can't step my feet backward. Why?!

"You didn't even saluted to me. How would I be able to respect you if you can't do it properly?"

We're not breaking eyecontact so I saw how he's serious right now. And finally, I walked backwards while he's continuously walking straight to me.

"You barged in on our room. You call that respect?" tumigil ako sa pag atras at iyon naman ang panahon na nakalapit na siya sa'kin ng tuluyan.

Mahina siyang tumawa at bahagyang yumuko pa. Ang dalawa niyang kamay' nasa likod niya. I don't know why but I felt annoyed when he lowly laughed.

Sinalubong niya ang mga tingin ko.

"I see, hindi ka pa nga sanay sa ganito. You are only training, you still have to learn a lot and if that means you can't do it, you better leave and pursue another career."

This time, ako naman ang pagak na tumawa. "Why are you people so eager to push me away from my dreams? I can't really fucking believe I'm living this life." Saka ko siya nilagpasan pero bago pa man ako makalayo nakuha niya na ang braso ko.

"What do you mean?"

Saglit akong natahimik pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Mas matangkad siya sa'kin kaya bahagya akong nakatingala.

"No one really wants to be on my side."

I saw how his expression changed from a cold one into a bit surprised. Maybe he never expected that from me. I took the chance to get out of the room and I breathe heavily as I felt no presence behind me.

Muntik pa akong maiyak kanina ng maalala ko ang sarili kong pamilya na hindi ako magawang suportahan sa bagay na gusto ko. Though Ayen, my friend supports me, pakiramdam ko may parte pa rin sa kanyang ayaw niya ako rito. I understand them. Alam kong ayaw lang nila akong mapahamak at alam ko ang ganoong pakiramdam na parang palaging nangangamba kaya hindi ko rin talaga magawang magalit sa kanila kung ayaw nila akong suportahan ng buo.

Pababa na ako sa hagdan nang makaramdam ako ng tao sa gilid ko. Ikiniling ko ang ulo ko sa kanya at muntik pa akong matapilok sa gulat nang masilayan kung sino iyon.

He was able to catch my waist and held it tighter. My eyes widened as I was stunned with his gestures especially when I looked down where people on their tables are waiting. They were looking at us and there are also people who pinted on us.

Nang makarating ako sa baba, pasimple akong lumayo sa kanya saka walang sabi-sabi na pumunta sa assigned table namin. Akala ko kikibuin agad ako ng mga kasamahan namin pero nakatanga lang sila sa'kin saka umiwas ng tingin.

"Nagsimula na ba?" paunang tanong ko sa kanila

"Ahmm. Hindi pa, hinihintay kasi ng ibang officers ang Captain nila."

"Oh." Umiwas agad ako tingin saka diretsong kinuha ang baso ng wine na nasa mesa namin saka iyon nilagok. Pakiramdam ko namula agad ako.

It started and I didn't know that they prepared a program. Tumangging magsalita ang Captain kaya iyong First Lieutenant nalang ang nagsalita saka pagkatapos tinawag naman ang pangalan ng mga bagong trainees. Akala ko aakyat pa kami ng mini-stage pero ang ginawa nalang ay tinatapat ang spotlight doon sa tao saka magshot siya ng isang basong wine while the spotlight is on him/her. Saan ka man abutan, either naglalakad or nasa lamesa ka lang, as long as abot ka ng spotlight, you will really have the exposure. At feeling ko mas nakakahiya ang ganito.

Panay tawanan sila kada may matatawag kasi kung ano ano pang kalokohan ang ginagawa ng ibang trainees.

"Huwag kang magagalit ha?"

Natuon ang atensyon ko kay Dennis na siyang nagsalita sa tabi ko. Bakit naman ako magagalit? Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Basta."

I rolled my eyes. "Kapag 'yan—

"Dennis Jon Aguilar."

Bigla nalang siyang tumayo kasabay ng pagtaas ng baso niya kaya nagsitawanan na naman sila. Tipid din akong ngumiti.

"Dennis, just Dennis mga kosa. At your service." And he overreactingly bowed to everyone

"I will be you future fighter at kung hindi papalarin, future nalang nitong katabi ko." and he winked

Bahagya kong hinarang ang kamay ko sa aking mukha nang may tumapat na ilaw sa'kin. And then I realized that Dennis just pointed on me telling that he will be my future.

Nagsihiyawan ang mga tao habang ako'y kinakalma lang ang sarili ko.

Dennis.

Tinampal ko ang kamay niya dahilan upang mag-ingay na naman sila.

"Stop it, Dennis. I'm serious."

Mahina siyang tumawa saka nagthumbs up nalang at doon nawala ang ilaw sa'ming dalawa. Napahinga ako ng maayos nang medyo dumilim na ulit. Masama ang tingin ipinupukol ko kay Dennis hanggang sa marinig ko siyang tumikhim at bahagyang niluwagan ang neck tie niya.

"Kapag hindi ka pa nawala sa tabi ko ngayon din, gagamitin ko 'yang necktie mo pangsakal sayo."

He seemed threatened as he stood up.

"Wooh! Init, tangina. CR lang ako mga bro." saka siya umalis

Nang lumingon ulit ako sa ibang direksyon, ibang pares ng mga mata na ang nakatitigan ko.

He's really unapproachable now. He's so cold. And the way he's gazing at me now is giving me uneasiness.

"Keisha Berrenzana."

A spotlight went to me again as I stood up and took my glass.

"Nice meeting you everyone. I hope we'll get along." I smiled a bit and waited for response but they were all silent.

Moments later, I heard a whistle coming from nowhere. I felt embarrassed.

Hindi ko nalang sila pinansin. I was about to drink my wine when someone took it from my hand and drank it right away.

"You can't have hangover." He said that I'm sure ako lang ang nakarinig

Kung kanina tahimik na, mas tumahimik pa ngayon. We're taking the spotlight and I hate this attention.

Ano nalang ang sasabihin nila sa'kin saka sa Captain nila? They will assume that something is going on between us when there's nothing.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya

Hindi niya ako sinagot. Sumenyas lang siya sa kamay niya at nawala na sa'min ang ilaw saka niya ako hinila paalis doon. Nakita ko pa si Dennis na sumuray suray na.

What?! Ang alam ko isang shot lang naman ang ginawa niya. Bakit lasing na agad siya?

Umakyat ulit kami at hindi nagtagal narating namin ang quarter ko. Binitawan niya ako at naramdaman ko naman sa likod ko ang pinto ng kwarto namin.

"I can dismiss that man instantly if I want to."

Kumunot ang noo ko. "Balak mo bang sirain ako rito?" binalewala ko ang sinabi niya

"Anong sinasabi mo?"

"Sa ginawa mo pag-uusapan ako ng mga tao rito at wala akong plano na maging laman ng tsismis kaya lubayan mo ako. Huwag ka ng lalapit sa'kin o kausapin man ako. Hindi tayo magkaibigan at mas lalong hindi tayo close." Tinalikuran ko na siya saka inabot ang knob ng pinto para buksan pero hindi ko magawa.

The door won't open so when I faced him again, I saw how he smirked.

Handsome.

Bwisit.

"Got no keys?"

Inirapan ko siya saka nilagpasan. Babalik nalang ako sa party nila dahil mukhang nasa kasama ko ang susi. Hindi pa ako nabibigyan ng spare key.

Akala ko tuluyan na akong makakalayo sa kanya ngunit hindi ko na naman nagawa nang hilahin niya ako pabalik. Nakakainis na ang lalaking 'to.

"Ano bang kailangan mo, ha?"

Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Hindi nagtagal binitawan na niya ako saka nilagay ang mga kamay sa bulsa niya at ngayon ko lang din na navy blue rin ang kulay ng coat niya at kulay puti ang pangilalim na T-shirt lang.

"Hindi kana babalik do'n kung ayaw mong magsisi bukas."

I raised an eyebrow because definitely, I did not get him.

"That liquor is strong and it can make you drunk with just one shot. And tomorrow you have an early assessment plus training so you can't have hangover. If you still want to insist, then go. Bet it with me."

Natahimik ako sa sinabi niya. Kaya ba ng nakita ko kanina si Dennis parang lasing na agad siya?

"Why are you doing this? Sa pagkakaalala ko, wala ka ng kinalaman sa'kin at maging ako sayo. Just treat me as your trainee not anyone."

I can't read his emotions.

"You won't like it."

Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin. Tuluyan na nga akong hindi nakapagsalita nang alisin niya sa kanyang bulsa ang kamay niya saka sa harap ko, nakita ko ang susing hawak niya.

I grabbed it from him and turned my back.

"You can't turn your back without saluting to your Captain, Ms. Berrenzana. You're just a mere trainee and having no manners is not what I tolerate."

Awtomatikong tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Maging ang pagbukas ko ng pinto'y natigil dahil sa sinabi niya. I felt a slight pinch on my heart as I heard him call me a 'mere' trainee. He's clearly belittling me.

I turned to see him again and this time, I saluted at him. "My apologies, Captain—

Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko nang talikuran niya na ako saka walang lingon lingon na umalis hanggang sa hindi ko na makita ang likod niya doon lang ako pumasok.

Wala naman akong ginawa sa araw na 'to but I feel so tired. Nagpalit nalang ako ng damit pagkatapos saka naghilamos para mabura na ang make up ko. Pagkatapos, dumiretso na rin ako sa aking kama at kahit isa, wala pang dumating na mga kasama ko.

Mag'ten pa lang naman ang oras kaya siguro nagkakasiyahan pa sila ngayon. I can even hear the loud music from here. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Bukas, panibagong araw na naman at hindi ko na alam ang mangyayari.