webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 9

Gus

WALA na akong nagawa ng hindi ko mapigilan si Vaneza na lumapit kay Chan. Napatigil sa pagtutog ang huli dahil may sinabi ang kaibigan ko sa kanya. At base sa mga kilos ni Vaneza na itinuturo ako, ako ang pinag-uusapan nila.

I was about to glance at the counter when I saw may babe looking at me. Nagsalubong ang mga tingin namin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan. I'm sure nagkataon lang na napatingin rin siya sa akin. Huwag assuming, Gus.

A minute later, bumalik sa table namin sina Marky at Hector. Halos kasabay rin lang nila sina Vaneza at Chan. Dahil malaki naman ang mesa namin ay pinaupo na ng mga kaibigan ko si Chan.

"Guess what, guys?" ani Vaneza na nakaupo na.

"What?" Hindi man lang ako tumingin sa kanya dahil nahinuha ko na ang sasabihin niya.

"Pumayag si Chan na turuan ka, Gus!" Hindi na ako nagulat subalit ang mga kaibigan ko ay tila nakakita ng sikat na artista dahil sa kilig.

"Turuan sa alin?" singit ni Marky.

"Mag-gitara." si Rochel ang sumagot.

"Oo nga, hindi ka na marunong 'di ba, Gus?" Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"Gus, talk to Chan," Donna whispered to me.

"Are you sure? Willing ka bang turuan ako?" I asked him not looking in front of me. Kay Chan lang ako nakatingin.

"Yes. It's my pleasure, really. At tsaka sabi ni Vaneza marunong ka na naman dati nakalimutan mo lang."

"Ah, oo."

"So, hindi ka na mahirap turuan n'yan."

"I hope so."

"Don't worry. You're in good hands," aniya.

"Uyyyyyyy....."

"Oiiiiiiiiiiiii....."

Nagsipagtuksuhan sa amin ang mga kaibigan ko.

"You're in good hands daw, Gus oh!" ani Marky.

"Tse! Kumain ka na nga lang," sabi kong nahihiya. Iniisip ko ang iisipin ng kaharap ko. Baka sabihin nito na lumalandi na naman ako. At tsaka bakit ba umaasta ang mga kaibigan ko ng ganito? Alam naman nilang si Hector ang gusto ko.

"E-inform na namin mamaya si Gng."

"Isasabay na rin namin ang pangalan mo Nickolas?"

"Sure. Thank you."

"Kailan naman kayo magsisimula ni Gus?" Donna asked.

"As soon as possible. Malapit na ang acquaintance party, hindi ba?"

"Oo."

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Tinatapos ko na ang pagkain ko upang makalayo na kina Marky at Hector. Hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kahapon.

"Saan naman ang balak n'yo n'yan?" Vaneza asked.

"Balak na ano?"

"Na mag-practice," ani Vaneza na nakatingin sa akin.

"Anywhere. Kung saan pwede. Magkaklase naman kami ni Chan," sabi ko.

"Can I have your number?" biglang tanong ni Chan na ikinatahimik ng mga kaibigan ko.

"Para kung sakaling may time ako sa weekend, tatawagan kita."

"Naku, hindi pwede si Gus sa weekend, Nickolas," singit ni Rochel.

"Why?"

"Family day na kasi iyon. May dinner party, lunch party at kahit breakfast. Depende sa usapan ng mga magulang nila."

"Okay lang. Hindi naman whole day 'yon. Pwede tayo sa bahay every weekend," sabi ko kay Chan. Gusto kong matuto agad nang sa gayon ay makapagperform ako sa acquaintance party. Wala nang exam at project akong alalahanin.

"Deal. Meanwhile sa room na lang muna tayo o di kaya ay sa bleachers. What do you think?" Chan asked me.

"Sure! Sure!"

"Okay. Are you done? We can start now," nakangiti siyang nagtanong sa akin. Napakagwapo talaga ng mokong na ito. Ngiti pa lang ulam na. Tsk!

"Yeah. Done." Nagmadali akong tumayo at binitbit ang bag ko.

"Ahm guys, una na kami. Tuturuan pa niya ako. Sa bleachers lang kami," paalam ko sa kanila. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa amin si baby ko. Nakasimangot na ewan. Samantalang ang mga kaibigan ko naman ay pawang naiihi dahil sa kilig. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Tara?"

"Sige, tara!" sagot ko kay Chan.

Nakahinga ako maluwang ng makalayo na kami sa canteen. I feel like suffocated every time Hector is around. Dahil lang naman sa ginawa ko kahapon. Napahiya ako ng ipagtulakan niya ako pagkatapos ko siyang halikan sa baba niya. Kaloka talaga!

"Tahimik ka yata?" Binabaybay namin ang daan papuntang bleachers nang magsalita si Chan. Magkatabi kaming naglalakad.

"Do you find me attractive?" Tila nagulat siya sa tanong ko.

"Saan naman galing 'yan?" Natatawang tanong niya.

"Wala lang. May nagugustuhan kasi ako. Pero ayaw niya sa akin." Wala akong maintindihan sa sarili ko kung bakit ko sinasabi kay Chan ito. Lalaki rin siya, siguro naman may ideya ito sa mga pinagdaanan ko.

"A one-sided love?"

"Oo, eh."

"Naku, masakit 'yan."

"Sobra."

"Tsk. Tigilan mo na habang maaga pa. Habang hindi pa gaanong masakit."

Nag-isip ako. Kaya ko bang pigilan? Kaya ko bang kalimutan na lang ang nararamdaman ko para kay Hector?

"Nope. Hindi ko kaya," sabi ko.

"Malalim na ba?"

"Ha? Anong malalim?"

"Haha! Malalim na ba ang nararamdaman mo para sa kanya?"

"Maybe?"

"Not sure?"

"Yes. Yes, malalim na nga yata. Siya na lang palagi ang naiisip ko. Nasasaktan ako sa mga pambabalewala niya sa'kin."

"Is it the guy kanina sa mesa n'yo? Iyong kaharap mo?" Napatingin ako kay Chan.

"Yeah."

"Oh. Kaya pala."

"Kaya pala, ano?"

"Kaya pala ang sama kung makatingin sa'kin."

"What?" Nabuhayan ako ng loob.

"Masama ang tingin niya sa akin. Hindi lang kanina. Napapansin ko na siya dati."

"Ganoon talaga siya. Suplado masyado."

"I think he likes you too."

"What?!" Hindi ako bingi pero gusto ko lang e confirm.

"Palagay ko gusto ka rin niya."

"Gago 'to! Wag mo nga akong binibiro. Hahaha."

"Ang saya mo, noh?"

"Gago!" Hinampas ko si Chan sa balikat. Bigla akong sumaya dahil sa narinig ko sa kanya.

"Hehehe! Seriously, I think he likes you too."

"Huwag mo nga akong paasahin, Channing!"

"Base sa nakikita ko sa kanya. Pero kung ayaw mong maniwala, bahala ka."

Totoo nga kaya ang sinasabi niya? Na gusto rin ako ng baby ko?

"Paano mo nasabi?" Excited kong tanong sa kanya.

"Ewan ko. Feel ko lang." Hinampas ko siyang muli sa braso.

"Nakakainis ka!"

"Hahaha! Makikita natin mamaya."

"Ewan ko sa'yo. Binobola mo lang ako, Channing."

"To see is to believe, ika nga."

Marami pa kaming pinag-usapan ni Chan tungkol sa amin ni Hector. Kung paano ko siya nakilala, kung paano nagsimula ang naramdaman ko sa kanya. Tahimik lang na nakikinig si Chan sa mga kuwento ko.

Minsan sumisingit siya para turuan ako pero madalas ang ikinukwento ko. Mataman lang si Chan na nakikinig sa akin. Tila aliw na aliw sa one-sided love ko kay Hector.

"By the way, ano nga palang kakantahin mo?" he asked me.

"In my dreams ni Reo Speedwagon."

"Really? Maganda 'yon. I like that song."

"Yeah, me too! Alam mo tugtugin 'yon?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Yeah!" Kinuha niya ang gitara at nagsimulang tumipa. Nakakahawa ang pagtutog ni Chan maging ang pagkanta niya. Kaya naman sumabay na rin ako sa pagkanta.

There was a time some time ago

When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day

But now when the morning light shines in

It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay

I used to thank the Lord when I'd awake

For life and love and the golden sky above me

But now I pray the stars will go on shinin'

You see in my dreams you love me

Just listen to the songbird harmonies, oh the harmonies

But, I wish the dawn would never come

I wish there was silence in the trees, oh the trees

If only I could stay asleep

At least I could pretend you're thinkin' of me

'Cause nighttime is the one time I am happy

You see in my dreams

Nakatingin kami ni Chan sa isa't-isa habang kumakanta. Ang tingin niya ay tila nagsasabi na 'alam ko na kung para kanino ang kantang ito' na sinasagot ko lang ng ngiti habang kumakanta pa rin.

We reached the chorus and I knew that we both waited for this part. Alam kong kapwa namin gusto ang chorus ng kanta, ang tono at ang liriko nito. Dahil nakikita ko ang saya at excitement sa kanyang mga mata.

We climb and climb and at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me

In my dreams

Nangingiti pa rin kami sa isa't-isa nang matapos namin ang chorus. Nababasa ko sa mga mata niya.. 'really?' and I answered him with  'yeah, really' look.

We continued singing na parang hindi nakikita ang mga tao sa paligid namin. Nag-eenjoy ako sa presensya ni Chan lalo na at pareho kami ng hilig. I like him being a friend, just a friend.. wala ng iba. Dahil ang puso ko ay may pangalang naka-ukit na. Hector. And this song is dedicated only to him.

I keep hopin' one day I'll awaken

And somehow she'll be lying by my side

And as I wonder if the dawn is really breakin'

She touches me and suddenly I'm alive

And, we climb and climb and at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me

In my dreams

His face suddenly looked serious. Na para bang may nasabi akong hindi maganda. What's wrong? Nais kong itanong sa kanya subalit nakahiyaan ko na.

And we climb and climb and at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me

In my dreams, oh oh oh oh

In my dreams

Ngunit nang matapos namin ang kanta ay muling bumalik ang masigla niyang mukha. Kaya naman nawala ang pag-alala ko.

"You have a brilliant voice," saad niya.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang turan ko.

"Yeah. You can change the she, her or whatever to him, he. You know."

"Yah, I get it. Pero ayaw ko." Wala akong babaguhin kahit na isang liriko.

"Why? Para naman sa kanya ang kantang 'to, di ba?"

"Oo. Pero ayoko 'yong obvious."

"Hahaha! Talaga lang ha, Gus?"

"Hehehe. Stop laughing. Para kang tanga."

Tawa pa rin siya nang tawa. Kaya naman natatawa na rin ako. Hindi lang ang pagkanta niya ang nakakahawa maging ang pagtawa niya. Muli siyang tumipa kaya naman naghintay ako sa kung ano ang kakantahin niya.

"Your dream guy is passing by. And he seriously looking at us, looking at you."

Tumaas ang kilay ko. Parang hindi ko pa naririnig ang kinakanta niya.

"You seemed like you didn't understand. May pagkatanga ka pala, Gustaniana, oh oh."

Ha?!

Muli niyang narinig ang kinanta nito at hindi na siya mapakali nang mag-sink in sa utak niya ang kanta nito.

My baby is here?

"Don't look at him. Baka malaman niyang sinabi ko sa'yong dadaan siya." Patuloy pa rin niya sa pagkanta.

"Tumigil ka na nga. Hindi na magandang pakinggan," asik ko.

"Hehehe. Look at his face." Sa sinabi niyang iyon ay dahan-dahan akong lumingon. Pasimple kong hinawi ang buhok ko at inipit iyon sa tenga ko.

And here comes my gorgeous baby. He's alone, wala siyang kasama. Nakasimangot siyang naglalakad papadaan sa amin. Saan naman kaya siya pupunta?

Aburido ang mukha niya. Kaya naman nag-alangan akong batiin siya. Lumampas siya sa amin na hindi man lang lumingon sa gawi ko.

Galit pa rin yata siya sa nangyari kahapon. Tsk! Hindi makapag-move on. Hindi ko tuloy siya mababati.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong umupo siya di kalayuan sa amin.

"What is he doing there?" tanong ko sa sarili.

"Binabantayan tayo," ani Chan na narinig pala ang sinabi ko.

"Bakit naman niya tayo babantayan?" naguguluhan ako.

"Kasi nagseselos siya?" Malakas akong natawa ng magproseso sa utak ko ang sinabi niya.

"Bakit naman siya magseselos?"

"Kasi gusto ka niya?" natahimik na naman ako.

"Wag mo nga akong pinagloloko!" Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Possible kaya?

"I told you," aniyang tumitipa pa rin.

Sinilip ko ang kinaroroonan ng baby ko. He's busy looking at his cellphone. Gusto lang siguro nito ng privacy kaya pumunta rito. Sila-sila lang kasi ang tao rito sa bleachers ngayon.

Binabantayan sila?

Imposible!