webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 4

Gus

"Why are you laughing?" napabaling ako kay Vaneza ng kinalabit niya ako

Agad kong itinikom ang aking bibig. Hindi ko napansin na hindi lang pala ako natatawa sa isip. Naaaliw talaga ako. Kapangalan pa ng bago naming kaklase ang idol ko. Magkahawig pa sila.

"Why are you laughing?!" pabulong ni Vaneza sakin

"Inulit pa talaga. Hehehe. Wala! May naaalala lang ako." sabi ko

"Tss. Akala ko pa naman kinikilig ka na dyan." ininguso pa niya ang bagong kaklase

"Ano?! Of course not. Mas gwapo pa rin ang bebe Hector ko uy!" bulong ko rin sa kanya

"Sus.. Parehas lang naman sila. Magka level sila ng ka gwapohan. Hehehe!"

"Pareho silang gwapo pero mas ma appeal ang bebe ko."

"Tsk" aniya na inirapan ako at umupo na ng maayos

"Okay you may sit down. Doon ka nalang umupo sa bakanteng upuan." narinig kong sabi ni Ms. Zenai

Walang ibang bakanteng upuan kundi sa likuran namin ni Vaneza. Naglakad papalapit sa gawi namin ang bagong kaklase. Hindi ako tumingin dito taliwas sa ibang classmates ko.

Siniko ako ni Vaneza kaya nilingon ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Naguguluhang napailing nalang ako sa kanya.

Umupo sa likod namin ang transferee at nagsimula nang mag discuss ang teacher namin.

Nag discuss lang si Ms. Zenai at binigyan kami ng notes. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at tiningnan.

'Sabay daw tayong mag lunch dyan sa Italian restaurant malapit sa school nyo. Tumawag si Mommy.'

Ang Ate niya ang nagtext.

'Ok.' tugon ko sa kanya

Natapos ang ikalawang subject namin at sumapit ang lunchtime. Lumapit sakin ang mga kaibigan ko habang nakatingin sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang 'Channing' na nakatayo na at nakatingin din.. sakin?

Agad kong ibinalik ang tingin sa mga kaibigan ko. Nagulat talaga ako sa tingin niyang iyon. Nakita kong dumaan siya sa amin at hinabol pa rin siya ng tingin ng mga kaibigan ko.

'Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.'

"Aherm." tawag pansin ko sa mga ito kaya lumingon sila sakin

"Hindi ako makakasabay pag lunch sa inyo kasi nagtext si Ate, sasabay daw kaming mag lunch nila Daddy at Mommy diyan sa malapit na restaurant."

"Ay ganoon ba?" ani Donna

"Sasama nalang kami sa iyo."

"Oo nga. Doon nalang din kami magla-lunch. Right friends?" si Vaneza

"Naku 'wag.. nakakahiya naman sa mga magulang ni Gus."

"Sa ibang table naman tayo. Hindi tayo makiki join sa kanila."

"Oo tama." ani Rochel

"Okay sige. Sumama na kayo sakin. Doon nalang din kayo maglunch." sabi ko sa kanila

"O'right! Sige sige." ani Vaneza na tuwang-tuwa

"Nakakasawa na rin naman ang mga pagkain diyan sa canteen."

Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot.

"Kotse ko nalang ang gamitin natin." sabi ko sa kanila

"Okay." magkapanabay na wika nila

Agad akong nagmaneho nang makasakay kaming lahat sa kotse.

Tinatahak na namin ang daan papunta sa restaurant ng mag ring ang cp ko. Hindi ko na sinagot dahil paniguradong si Ate iyon.

Nakarating kami sa restaurant at agad naming nakita ang mga magulang ko at si Ate. Kinawayan naman nila kami.

"Oh hello baby." salubong sakin ni Mommy sabay halik sa pisngi ko, ganoon din si Daddy.

"Mabuti at sumama kayo kay Gus." Sabi ni Mommy sa mga kaibigan ko

"Yes Tita, ayaw pa nga sana niya kaming is ama eh." reklamo ni Rochel

"Bakit naman?" Ani Mommy na bumaling sakin

Nagkibit balikat lang ako at umupo na sa tabi no Ate

"Come on beauties maupo na kayo dito. Kasya naman tayo sa iisang table." Yaya ni Daddy sa kanila

Alam kong ganito ang mangyayari at alam kong alam din nila na hindi papayag ang parents ko na sa ibang mesa sila uupo.

Napairap ako sa kanila at nagtatawanan lang sila sa reaksyon ko. Nagkanya kanya sila ng upo. Nagpadagdag pa ng pagkain sina Mommy.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang maingay na lunch namin. Pag kausap ni Mommy ang mga kaibigan ko ay siguradong walang oras na hindi maingay ang paligid. Nag eenjoy sila sa company ng isa't isa. Kaya naman nagtataka ako kung nakakain pa ba sila ng maayos.

Hector

Sumama ako kina Marky papunta sa canteen upang mag lunch. Siguradong nasa canteen na ngayon si Gus. Hindi ko pa rin makalimutan ang kasalanan niya sakin. Pinagalitan ako ng teacher namin dahil sa kanya. At hindi ko pwedeng palampasin iyon.

Nakarating kami sa canteen habang nag-uusap sina Marky at ako ay tahimik lang. Lagi naman. Pasimple kong inilibot ang aking paningin sa loob ng canteen pero wala akong Gus na nakikita. Tiningnan ko pa ang mesa na palagi nilang inookupa pero wala rin ang mga ito. Iba ang mga naka-upo doon.

Baka hindi pa tapos ang klase nila. Tiningnan niya ang relong pambisig at 12:15 na.

Gusto niyang magtanong kay Marky kung nakita ba nito sila Gus subalit nahihiya siya baka kung ano ang isipin nito. Pinilit nlang niya ang magsawalang kibo at hintayin ang mga ito dahil baka may klase pa.

Nakahanap kami ng puwesto at agad na umupo. Nagpresenta sina Reden na sila nalang ang order kaya naiwan kami ni Marky sa mesa. Kinuha niya ang cellphone niya at nagpipindot doon. Inilibot kong muli ang aking mata baka sakaling dumating na sila pero wala pa rin.

"Hello Gus?" napatingin ako kay Marky

"Nasaan kayo?" anito na tumingin pa sa paligid

"Bakit diyan kayo nag lunch?" kapagdaka ay sabi niya. Sandali siyang tumitigil upang sana ay pakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya

Nakatingin ako sa kanya at naghihintay sa bawat sa sabihin niya.

"Malapit lang pala. Kasama mo ba si Donna?" nakakunot ang noo nito at biglang napatingin sa akin

Agad akong nagbawi ng tingin at tumingin sa counter. Ayaw kong makita niya na interesado ako sa bawat sasabihin niya. Na interesado ako sa kung nasaan man si Gus.

Bakit nga ba ganoon na lamang ang kagustuhan niya na makita ito?

'May atraso siya sakin kaya gusto ko siyang makita'

Kanina ng hindi ko siya makita sa pagpasok pa lang namin inaamin kong nakaramdam ako ng panghihinayang. Pero batid kong nanghihinayang ako dahil hindi ko siya magantihan sa ginawa niya. Gusto ko lang siyang kausapin na tigilan na ako.

"Ah ganun ba? Babalik pa ba kayo dito?"

Pasimple akong nakinig kay Marky

"Hahaha! Nagtatanong lang. Baka ikaw ang engot."

Nag aasaran na naman ang dalawa.

Nakakainis!

"Oo nandito ang babe mo. Nakabusangot kasi hindi ka niya nakita. Hahaha."

Tiningnan ko siya at pakiramdam ko ay nag init ang mukha ko. Yumuko ako at eksakto na ang dumating sina Reden dala ang mga pagkain namin.

"Okay. Bye. See you. Hahaha!" ani Marky na tatawa tawa pa

"Whew! Ang haba ng pila." Ani Reden at inilapag ang mga pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap.

"At nagkakagulo pa doon sa counter."

"Bakit bro?" tanong ni Marky

Nakatingin at nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain.

May itinuro ito sa mga nakapila.

Sabay kaming tumingin doon at nakita nga naming maraming estudyante ang nagpipila at nagkukumpulan malapit sa matangkad na lalaki.

"May bagong salta kasi. Gwapo kaya nagkakagulo ang mga babae at binabae doon." Sabi niya na iiling-iling pa.

"Oo. Balita ko ngayon lang daw yan pumasok galing pang Davao."

"Gwapo bro. Yung tipong tall, dark and handsome."

"Nababakla ka na naman pre." Sabi ni Marky kay Reden

"At kaklase pa nina Donna at Gus. Hehehe."

"Ano?!" napalakas ang boses ni Marky

'Tsk. Ang OA'

Muli kong tiningnan ang bagong pinagkakaguluhan. Eksaktong naka order na ito ng pagkain, dala dala ang tray at nakaharap na sa amin.

Gwapo nga. Pero hindi maputi gaya ko. Tisoy ako. Matangkad, matangkad rin naman ako. Malaki ang katawan, macho rin naman ako.

Tumingin sakin ang lalaki at tiningnan ko rin naman siya. Naghahanap siya ng mauupoan. May baklang lumapit dito at tinuro ang bakanteng mesa na iniwan ng bakla.

"Hi. You can sit there." Sabi ng baklang hindi niya kilala.

Tumango ito sa bakla at nagpasalamat. Para namang kiti-kiti ang bakla habang kinikilig.

'Walang modo. Hindi man lang nagpasalamat.'

Umupo na ito sa bakanteng mesa at nagsimulang kumain.

"Mga gwapo rin naman tayo ah." biglang sabi ni Reden

Tuimingin ako sa kanya at naiiling na ipinagpatuloy ang pagkain.

"May kanya kanya tayong ganda pare, hahaha!"

"Kabahan ka na bro! Kaklase pala yan nina Donna baka hindi kana pansinin non."

"Huh! Mas gwapo ako doon uy! Hindi siya type ni Donna. Tingnan mo nga ang kutis. Kulay chocolate. Hahaha! Itong akin bro creme latte. Hahaha!"

Nagtawanan sila at natawa na rin sa biro ni Marky

"Hindi type ni Donna ang mga moreno bro." Sabi nito sabay lunok at uminom ng soda

"Si Gus kamu.. ganyang ganyan ang mga type niya."

Bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Marky.

Type ni Gus ang mga ganoon?

Bakit sakin siya lumalandi?

Hindi naman ako moreno ah?

Mga tanong na gusto ko sanang itanong kay Marky pero nahiya na naman ako.

"Uyyyy.. Talaga? Ngayon lang namin nalaman iyon ah."

"Magkababata kasi kami kaya marami akong alam sa kanya."

"Oh eh moreno pala ang type niya bakit naghahabol siya kay Jeff?"

"Baka naman pinagtitripan ka lang noon pre. Hehehe!" Ani Reden

"Iyan ang hindi ko alam. Nagulat na nga lang ako ng biglang nagka ganoon iyon kay Jeff." Sabi ni Marky na tumingin pa muna sakin.

"Type pala ng 'babe' mo ang mga ganyan pre. Naku! Baka mawala na ang atensiyon ni Gus sa iyo nyan bro."

"Baka hindi ka na pansinin nun bro. Mas malapit sa kanya ang isang yun malay natin mabaling sa morenong iyon ang pagkahumaling niya sa iyo."

Hindi ako makalunok bigla. Pakiramdam ko may bumikig sa lalamunan ko. Uminom ako ng tubig binalewala ang nararamdaman kong iyon. Itinigil ko muna ang pagkain tsaka nagsalita.

"Wala akong pakialam sa kanya. Buti nga mabaling sa isang iyon ang atensiyon niya ng sa gayon ay tigilan na niya ako."

Tumatawa lang ang mga ito. Kaya nagsalita na naman ako habang nakatungo at nakatingin sa pagkain ko.

"Kahit maglupasay pa siya sa harap ko hinding hindi ko siya magugustuhan. Hindi siya ang tipo ko. Kasing pangit ng pangalan niya ang personalidad niya."

Napatigil ang mga kasama ko sa pagkain at parehong nakatingin sakin.

"Paano no naman nasabi na pangit ang personalidad niya Jeff? Hindi mo pa siya gaanong kilala." si Marky na halatang naiinis sakin

Hindi ko pinansin ang reaksyon niya.

"Hindi maganda sa babae ang nag e initiate sa lalaki. Hindi ko na nga siya pinapansin, sige pa rin ng sige. Minsan naiisip kong mag transfer sa ibang school. Ayaw kong may nambubwesit sakin araw araw." mahabang saad ko na ikinatahimik nila

Nag angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin sila sa bandang gilid namin. Sinunandan ko ang tingin nila.

Si Gus

Pero hindi siya nakatingin samin bagkus ay sa iba nakatingin. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Sa bagong kaklase nila. At nakatingin din sa kanya.

Ibinalik ko ang mga mata ko kay Gus at nakatingin pa rin siya sa lalaking iyon.

Kinakabahan ako. Narinig kaya niya ang mga sinabi ko?

Bigla siyang lumingon samin.

Ngumiti siya sakin at..

"Hi babe.." sabi niya

Natigilan ako at napalunok. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Nakabalik na pala kayo. Nasaan ang mga kasama mo?" si Marky na seryoso pa rin ang mukha

"Nag cr lang. Natapos agad kami dahil may meeting sila Daddy." hindi na ako makatingin sa kanya

"Nandito na pala sila eh." sabi niya

"O saan sila pupunta?" tanong ni Reden

"Gus, come over here." lumingon din ako sa nagsalita at nakita kong naka upo na ang mga kaibigan niya sa mesa ng bago nilang classmate.

"Gus! Bakit nandoon si Donna?" inis na tanong ni Marky

"Baka mas gusto niya doon. Baka ayaw na niya sayo kasi hindi mo siya pinapansin." unti unti kong inangat ang ulo at tiningnan siya. Hindi siya nakatingin sakin

"Sige, I have to go. Maiwan ko muna kayo. Enjoy your lunch." sabi niya at tumalikod na. Hindi man lang ako tiningnan. At hindi man lang nagpaalam sa akin.

'Why Jeff? Dapat ba siyang magpaalam sa iyo? Di nga ba at ayaw mo sa ginagawa niya?'

Ipinilig ko ang aking ulo at inalis sa isipan iyon.

Tinatawag niya akong babe tapos hindi man lang marunong magpaalam!

Naiinis ako. At naiinis ako dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ito pero talagang hindi ko ito gusto. Sumisikip ang dibdib ko at sumasakit hanggang sa lalamunan.

Inis kong nilingon ang mesa kung saan sila naka upo. Nakangiti siya sa harap ng lalaking iyon?

Huh! At may bago na namang lalandiin ang Gustinianang iyon!

Malandi talaga!