webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 3

Hector

TODAY IS FRIDAY. Natutuwa ako dahil sa wakas makakapagpahinga na ako kinabukasan. Weekend na naman. Pagpapahinga at paglalaro ng basketball ang libangan ko kapag weekend.

Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako para mag agahan. Nasa hapag-kainan na ang mga magulang ko at kumakain.

"Good morning Mom, Dad." sabay upo sa harap ng mommy ko

"Good morning." magkapanabay na bati ng mga magulang ko

"We will be late son, baka gabi na kmi mkauwi ng mommy mo." my father grew up in California pero matatas siyang magsalita ng tagalog. Ganoon din ako. Dahil sa impluwensya ni Mommy.

"May meeting kami mamaya ng mga bagong investors."

"I already told Yaya Matilda na ipagluto ka mamaya. It will be a dinner meeting so kumain ka nalang anak ha?"

"Okay." mag isa na naman akong kakain ng hapunan mamaya

Simula nang tumira kami dito sa Pilipinas ay naging abala masyado ang mga magulang ko.

I grew up in California. My father is an American who lived in California while my mother is a Filipina. Nagkakilala ang mga magulang ko sa Hawaii nang magbakasyon ang mga ito doon. At sa Hawaii nagsimula ang love story nila.

My father's a businessman while my mother's a plain housewife. May sariling shipping lines ang pamilya ng Daddy ko at sa kanya ito ipinamana ni Lolo. Masaya ako dahil hindi gaanong busy si Dad at nasa akin naman ang buong atensiyon ni Mom eventhough I am not a Mama's boy. Until such time came nang tumawag ang Lola ko, my mother's Mom.

Nalulugi na raw ang business nila dito sa Pilipinas at kailangan ang tulong niya. Hindi pumayag si Daddy na si Mommy lang ang uuwi ng Pilipinas kaya naman sumama kami. Ipinaubaya muna ni Daddy ang business namin kay Uncle Clark pansamantala at tinulungan si Mommy.

Kaya nalulungkot ako dahil halos mawalan na sila ng oras sakin. Kahit naiintindihan ko ay di ko pa rin maiwasang magtampo. Pero hindi ko ipinapakita sa kanila dahil nahihiya ako. Sasabihin ni Daddy na para akong babae and he wouldn't like that.

"We have to go. Baka ma late tayo hon." sabi ni Mommy kay Daddy at tumayo na

"Finish your food son, we need to go. See you this evening." Ani Daddy

"Bye. Behave and be good." hinalikan pa ako ni Mommy sa pisngi bago sumunod kay Daddy

Agad kong tinapos ang pagkain at lumabas na ng bahay pagkatapos magpaalam kay Yaya.

School.

Dumeretso ako sa building namin pagkatapos kong e park ng maayos ang kotse na niregalo ni Dad sakin.

Nakita ko si Reden, Jay and Marky sa labas ng room namin. Kapag hindi pa nagsisimula ang klase ay tumatambay muna kami sa labas. Mga kaklase ko sila at naging malapit na kaibigan rin.

Pilyo lang sila pero mababait rin kaya nakapalagayang loob ko.

"Hey bro." bati ni Jay nang makita niya ako

Tinanguan ko sila at ngiti naman ang iginanti nina Marky at Reden.

Gaya nang nakagawian ko na, inilagay ko muna ang gamit ko sa desk at bumalik sa kanila. Nakatayo lang kami sa labas ng room at nag-uusap.

"Sana naman hindi muna mag quiz si Sir Delfin ngayon." sabi ni Jay

"Hindi pa naman ako nakapag-aral kagabi." napailing si Reden

"Jeff bro, sasali ka ba sa practice natin mamaya?" tanong ni Marky sakin

"Oo. Wala na naman akong lakad mamaya. Hindi ako naka attend kahapon kasi may lakad ako."

"Buti hindi nagalit si coach. Istrikto pa naman iyon."

"Hindi, nagpaalam naman ako sa kanya."

"Eherm.. Your babe is coming."

Kinabahan agad ako bigla nang marinig ang sinabi ni Marky. Napatingin ako sa hallway at nakita ko ngang naglalakad papunta sa direksyon namin sina Gus kasama ang mga kaibigan niya.

"May sweet na 'good morning babe' na naman para sayo bro! Hehehe!"

"Tsk. Tsk. Sinasadya ka talaga dito para bumati lang. Malakas talaga ang tama sayo niyan tol." natawa pa si Jay

Kinapa ko ang bulsa ko ngunit kumunot ang noo nang wala akong makapa.

Shit! My phone..

Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko pinahalata sa mga kasama ko ang nararamdaman ko. Tiningnan ko sila Gus at ilang metro nalang ang layo nila sa amin.

Pinilit kong hindi magpakita ng interes sa kanila at ibinaling ang atensiyon sa ibang dumaraan.

Kasabay nang pagtigil ni Gus sa harap ko ay ang pagtigil din ng hininga ko.

'What's with her?!'

Kinunot ko ang noo at tiningnan siya. Wala akong choice kung hindi ang tingnan siya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapupula niyang labi. Kasabay ng ngiting iyon ay dahan dahan kong pinakawalan ang naudlot kong hininga.

"Good morning babe.."

Mas lalo kung ikinunot ang noo ko at hindi siya sinagot basta't tiningnan ko lang siya hanggang sa tumalikod at naglakad palayo sakin.

Hinabol ko siya ng tingin at nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hindi ako komportableng kaharap siya. Ayoko sa kanya. Masyado siyang showy sa mga nararamdaman niya at hindi ko gusto ang ganoong babae.

Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kahapon sa canteen. At inaamin kong hindi agad ako nakatulog sa epektong idinulot ng paghaplos niya sa braso ko pababa sa kamay ko.

Nagdulot ng kakaibang pakiramdam ang ginawa ng babaeng yun sakin. Tumayo ang mga balahibo ko at  nanuyo ang lalamunan ko dahilan ng paglunok ko ng maraming beses.

Iyon ang pinaka unang beses na hinawakan niya ako ng ganun. Nakipagkamay ako sa kanya dati at ang lambot ng kamay niya. Pagkatapos noon ay nagsimula na siyang pansinin ako. Binabati niya ako dahilan ng pagkamangha ko.

I grew up in a different country and different culture. Maraming liberated sa bansang pinagmulan ko at hindi na bago sakin ang may bumati at magpapansin. Ngunit pagdating kay Gus ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pagkagulat, galit, inis at pagkairita. 

Nagbago ang pakikitungo niya sakin. Kung noon ay halos hindi niya ako tingnan ngunit ngayon ay parang wala siyang ibang nakikita kundi ako.

Maganda si Gus ang she's oozing with sex appeal, katangian na una kong napansin sa kanya. I first saw her last year in library, bagong salta palang ako dito sa school. Nakaupo siya sa tabi ng shelves at walang pakialam sa dumadaan habang nagbabasa ng Readers Digest. Kaharap ko siya at palihim na tinitingnan. Nag angat siya ng tingin at nakita niya ako pero walang pakialam na ibinalik lang ang atensiyon sa binabasa. Walang boses siyang tumatawa, she's weird. I found her cute and funny. Kung ang ibang babae ay tumatawa ng mahinhin habang kaharap siya, ito naman ay walang pakialam na tumatawa at pumapalakpak pa ng walang boses at tunog. Parang tanga, bruha at gaga. Naalala pa niyang natawa rin siya habang nakatingin dito.

Simula noon ay palagi na niya itong nakikita at napapansin pero iniiwasan niyang magkasalubong ang mga mata nila. There's something in here that I feel intimidated. Maraming nagpapapansin na mga lalaki sa kanya pero denideadma lang niya, minsan tinataasan ng kilay, iniirapan at minsan naman ay tinitingnan lang.

Kaya naman laking gulat ko ng magkita kami sa library at binati niya ako. At dumoble ang gulat ko ng batiin niya ako araw-araw.. na naging tripleng gulat ng batiin niya ako at tawaging babe!

'nababaliw na sya..'

"Hoy! Takpan mo nga yang bunganga mo baka mapasukan ng langaw bro! Hahaha!"

Bumalik ako sa kasalukuyan ng may timapik sa balikat ko at marinig ang boses ni Marky.

"Natulala na naman ng dumaan at binati ni Gustaniana.Hehehe!"

'Bakit ang pangit ng pangalan niya?' napailing ako ng maisip ko yun

"Tara na bro. Sa dami ng inisip mo hindi mo na napansin na dumaan na si Sir."

"Lagot ka kay Gustaniana.. pag na inlove ka sa kanya. Hahaha!"

Napatigil ako at napamaang. Inlove? Bakit ako maiinlove sa kanya?

"Inlove my ass! That will never happen.. Tsk!" hindi magandang pakinggan at nagpoprotesta ang puso't isip ko

Umupo na rin ako at handang makinig sa guro namin. Habang nagsasalita si Sir Delfin ay di sinasadyang napalingon ako sa may bintana.. dumaraan sila Gus. Nakatingin siya sakin na may nanunuksong ngiti sa mga labi.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Kapagdaka ay.. kinindatan niya ako.. at nag flying kiss pa!

Animal!

Kainis..

Naramdaman kong sumikdo ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon.

'pag na inlove ka sa kanya..'

'pag na inlove ka sa kanya..'

'pag na inlove ka sa kanya..'

Naloko ako ng magpaulit-ulit sa isip ko ang sinabing iyon ni Reden. Napailing-iling ako. Hindi ko matatanggap iyon. Hindi maaari! Hindi!!!!!

"What is wrong with you Guzman?!!!"

Napatalon ako sa gulat ng marinig ang malakas na boses na iyon.

"S-sir?"

"Anong nangyayari sa iyo?! Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot! iling ka ng iling. Bakit ba?!" galit pa ring tanong sakin ni Sir

"Nothing sir.. I'm sorry."

Hindi ko na maintindihan ang sinabi ni sir. Naiinis ako sa babaeng yun. Walang pakundangan kong makakindat. Hah! Nag flying kiss pa.

'Humanda ka sakin babae ka. Namumuro ka na talaga! Napamura pa ako ng dahil sayo!'

Gus

Halos sumakit ang panga ko sa kangingiti ng maalala ko ang hitsura ni Hector.

Really shocked.

Tsk. Hindi na nasanay ang babe ko. But that was my first na mag flying kiss sa kanya. Pero imbes na mahiya ako ay kinikilig pa ako.

Ako ang nagpakilig, ako din naman ang kinilig. Ano? Sariling sikap teh?

Napahawak ako sa baba at iniisip kung ano kaya ang maaari kong gawin sa kanya mamayang lunch.

Paniguradong magagalit sya dahil sa flying kiss ko.

Bakit ba ang sungit-sungit niya at ang suplado pa. Mag-iisang taon na ang nararamdaman ko sa kanya pero wala pa ring katugon. Wala rin naman akong nababalitaang may girlfriend siya so bakit ang aloof niya?

'Sheyt! Baka bakla ang babe ko!'

Naku! Hindi maaari.. Lalaking lalaki siya. Baka wala siyang type sa mga tao dito o baka wala pa sa isip niya ang mag girlfriend. Bata pa naman siya.. mga bata pa kami. Tama! Baka iyon ang iniisip niya.

Bakit Gus? Iniisip mo na baka ikaw ang hinihintay niya pero dahil bata ka pa ay hindi ka pa niya liligawan. ani ng kontrabida kong isip.

Tseh!! Nag-iilusyon na naman ako. Ni hindi nga ako pinapansin nung tao ligawan pa kaya? Gaga talaga si ako...

Pero marami naman nang kaklase ko ang may mga nobyo at nobya na. Katunayan ay ang mga kaibigan ko ay meron na rin. Si Donna nalang at ako ang wala.

Bakit kaya wala pang gf ang babe ko.. Ayoko rin namang magka gf siya ng iba. Dapat ako lang. Hindi ako makakapayag na magka nobya sya.

"Good morning class."

Naagaw ang atensiyon ko ng biglang magsalita si Ms. Zenai.

"Before we start, I would like to introduce to you your new classmate. Transferee ang magiging kaklase nyo. He came from a prestigious school in Davao so umayos kayo."

Nagulat kaming lahat ng marinig ang sinabi ni ma'am. May transferee? Bakit late naman yata.

"Sandali. Dumaan pa kasi siya ng CR."

"Ma'am bakit po ngayon lang sya papasok? Late naman yata masyado?" Sabi ng isang kaklase ko

"Wag kayong masyadong mausisa. Pinayagan pa rin naman siya na mag transfer dito ni Dean."

"Oo nga Alicia. Wag ng magtanong. Hindi naman makakapasok yun kung hindi pumayag si Dean Diba?"

"Okay class. Keeo quite. Nandito na siya." bumalik si ma'am sa mesa niya at pareho naming hinintay ang kaklase kamu namin

Ilang sandali pa ay napatingin kaming lahat sa pintuan ng biglang bumukas iyon.

Pumasok ang napakagwapong lalaki... na anak ni Adan...

Adonis pala...

" Oh.."

"Wow.."

"OMG!"

"Ang gwapoooo.."

"Waaaaa..."

Kanya kanyang saad ng mga kaklase ko. Maging ako ay natulala sa kagwapuhan niya.

Tall, moreno, and handsome.. very handsome. Para akong nakakita ng replica ni Channing Tatum bebe..

Just exactly my type..

"Ahermmmm...." biglang tikhim ni Vaneza na katabi ko lang. Hindi ko sya nagawang lingunin dahil nagsimulang magsalita si Channing Tatum.

"Good morning. I am Channing Nickolas Padilla."

Napanganga ako sa narinig.

Really?

Channing?

Channing?

Hahaha.... Channing bebe!