webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 32

Chapter 32

Gus

Inihatid kami ni Manong Romy sa hotel. Maging doon ay marami ring tao na naghihintay sa amin. Kabi-kabilang pagbati at pagsigaw ng pangalan ko. Mahal ko ang mga tagahanga ko kaya naman hindi ko sila pwedeng hindi pansinin. May mga lalaking nakaputing polo at itim na slacks na nakaharang sa mga tao at binigyan kami ng maluwang ng daan.

Naunang lumabas si Chan kasama ang mga bodyguard namin. Lumakas ang sigaw at tilian ng mga tao nang makababa ako ng sasakyan. Pinalibutan agad kami ni Chan ng mga bodyguard namin. Bigla kasing sumugod ang mga fans ko. Thanks to the men in white polo dahil hindi sila bumitaw sa isa't isa para protektahan kami.

Tumingin ako sa mga tao, ngumiti  kumaway sa kanila. May mga babae, lalaki, matanda, binata, dalaga at may isang bata karga-karga ng isang babae na kasing edad ko lang. Bakit may bata? Baka masaktan at maipit sila sa mga nagdudumugang mga tao. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang ina marahil ng bata. Sa hinuha ko ay nasa tatlo o apat na taong gulang na ang batang karga ng isang babae malapit lang sa kinatatayuan. Panay ang sigaw ng babae sa pangalan ko. Nginitian ko siya at nilapitan.

"Where are you going?" Humigpit ang pagkakaakbay sa akin ni Chan.

"Wait. I have to do something." Nagpumilit akong kumuwala sa higpit ng hawak niya sa akin. Lumapit ako sa bata. Maging ang mga bodyguard namin ay lumapit din sa akin.

"Gus! Diyos ko ang ganda-ganda n'yo po pala sa personal!" Tumili ang babaeng may karga na bata. Tumalon-talon pa siya kaya naman parang naalarma ang bata.

"Don't jump, Miss. Is she your daughter?" Nakangiti ko siyang sinaway.

"Oho, Ms. Gus! Naku namimili po kami ng marinig ko nga na narito kayo!" Tumawa na naman siya na animo ay kinikilig. Nginitian ko siya pati na rin ang mga kalapit niyang tagahanga ko. Sigaw sila ng sigaw kaya pinatahimik ng bodyguard.

"How are you, baby?" Babaeng bata ang karga niya. Nahihiyang ngumiti sa akin ang bata at hindi nagsalita.

"Hon, can you please get my chocolates in the car? Iyong isang pouch ha?"

"Totoo ngang marunong pa rin kayong magtagalog, Miss Gus! Hehehe! Naku huwag na po. Nakakahiya naman!"

"No, it's okay." Nanatiling nakaharang pa rin ang mga bodyguard na nakaputing polo. Sinisiguro nila na hindi ako dumugin ng mga fans ko. Dumating ang inutusan ni Chan para kunin ang mga paborito kong tsokolate.

"Thank you." Bumaling ulit ako sa bata at

inabot ko iyon sa kanya na namilog ang mga mata pagkakita. "Here, baby. Take it. Sa'yo na ito." Natawa ako sa reaksyon ng bata pero ngumiti rin ng nasa kamay na niya ang isang supot ng tsokolate. It's my favorite brand of chocolate na sa New York lang mayroon. Eating chocolates is my stress reliever. Bahala nang wala kong makain mamaya mabigyan ko lang ang bata na akay ng kanyang ina sa masayang pagsalubong sa akin.

Hindi nila alam kung ako ang epekto ng ginawa nilang pagsalubong sa akin ngayon. Napakasaya ko. Sobra.

"Maraming salamat sa pagpunta. Mahal ko kayong lahat!" I shouted para marinig ng lahat, sana. Pero masigabong palakpalakan at mas lalong lumakas na hiyawan ang narinig ko mula sa kanila. Saying how they love, adore and cherish me. Ang sarap sa pakiramdam.

Inalalayan na ako ni Chan at ng ibang bodyguard upang pumasok sa loob ng hotel. Biglang tumahimik ang paligid ng isara ng mga guard ang entrance glass door ng hotel.

Nginitian kami ng mga crew at staff ng hotel. Pagpasok namin sa elevator, narinig pa namin ang pagtili ng mga staff at crew ng hotel. Nagkatinginan kami ni Chan at sabay na natawa. Hindi pa rin niya ako binibitawan. Mahigpit pa rin ang akbay niya sa akin.

"Nagmumukha akong personal bodyguard nito," aniya.

"May personal bodyguard ba na halos pisain ako ng yakap?

"Para hindi ka masaktan." Napailing na lang ako. Ganoon siya ka protective sa akin.

Chineck muna ng ilang bodyguards namin ang loob ng suite. Pagkaraan ng ilang sandali, pinapasok na nila kami ni Chan. Iyon ang palagi nilang ginagawa kapag tumutuloy kami sa ganitong klase ng lugar.

"Nagugutom na ako." Konti lang ang kinain ko sa plane dahil natulog lang ako nang natulog.

"Magpapaakyat ako ng pagkain."

Narinig ko pa siya bago pumasok sa loob ng banyo. Gusto ko munang maligo bago matulog. Paglabas ko ng banyo, nasa hapagkainan na ang pagkaing inorder ni Chan.

"Wow. Is these Filipino cuisines?"

"Yes, honey. There are Italian dishes if you like to eat."

"Hindi. Itong pagkaing pinoy muna ang kakainin ko. What do we call this again?" Itinuro ko ang pagkaing may oil at soy sauce. There's a lot of garlic and onion on top of the food.

"That's adobong manok, hon."

"Ah oo! Tama, adobo nga ito. Naalala ko noon palaging nagluluto ang yaya ko nito. I forgot the name kasi naman hindi marunong ang cook ko nito."

"Hindi naman kasi siya pinoy." Nakabathrobe lang ako pero ibig ko nang kumain. Natakam na kasi ako sa mga nakahain sa mesa

"This one here is kare-kare." Tinuro ni Chan ang kulay dilaw o custard na pagkain. "Ito naman ang bagoong, partner ng kare-kare."

Tumango lang ako at kinaykay sa isipan kung nakakain na ba ako ng kare-kare dati. Pero wala akong maisip. Kaya naman sumandok na lang ako at tinikman.

"Hmm. This is good." Nanunoot ang lasa ng bagoong at kare-kare sa lalamunan ko. Mapaparami yata ako ng kain nito. Tinikman ko rin ang adoboat napaungol na lang ako sa sarap. Bakit hindi nagluluto si Mommy nito? Magpapaluto ako sa kanya pagkauwi ko sa New York.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng tumawag si Mommy Anita. May dinner meeting daw kami mamaya sa ibaba. Kaya kailangang makapagpahinga muna ako.

Agad akong natulog pagkatapos naming kumain. Hinayaan naman ako ni Chan kasi hindi rin naman kami pwedeng mamasyal. He didn't even tell me na ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Ayaw ni yata.

When evening came, nagsuot ako ng blue sleeveless bodycon dress. Hindi naman raw formal ang dinner kaya okay lang itong suot ko. Naglalakad na kami papunta sa elevator kasabay ang mga bodyguard namin ni Chan.

"May kababata ako rito, hon. Gusto ko sana siyang makita." Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong tumigil siya. Ilang hakbang na ang pagitan namin kaya kailangan ko pa siyang lingunin. Kunot noo ko siyang nilapitan at tinanong.

"Hon? Something wrong?" Kumurap siya at umiling.

"May nakalimutan nga pala ako. Tatawagan ko na lang si Art mamaya." Si Art ang kasosyo niya sa negosyo na nakabase sa Los Angeles. Akala ko kung ano na.

Hinawakan ko siya sa braso at pinisil. Muli kaming naglakad at pumasok sa elevator. "Iyong sinasabi mong kababata mo, ano ang pangalan niya?"

"His name is Marky. Markimiano Mac Asuncion. Nakangiti ko siyang binalingan. "Matagal ko na siyang hindi nakikita, hon. The last time I saw him was on my sixth grade."

"Is that so? Paano mo siya makokontak?"

"Naalala ko pa naman ang bahay nila. Di kaya ay hahanapin ko siya sa Instagram. Oo nga pala bakit hindi ko 'yon naisip noon?"

"Because you're too busy."

"Yes, that's it. Mamaya after dinner I will search for him."

Marami nang tao sa restaurant ng hotel. Ang mga bodyguard ay nakatayo sa labas at mayroon din sa loob sa bawat sulok ng restaurant. Sa hinuha ko ay mga kasamahan ko lang din sa set. Wala namang ibang tao kasi ang sabi ni Mommy Anita, pag-aari ni Isaac Morin ang hotel na ito at walang ibang guests kundi kami lang.

"Gus, darling. Come over here." Nakita ko si Mommy Anita kasama si Lance at Isaac sa iisang lamesa. Doon niya kami pina-upo. We've met Isaac when we had our script reading. Kasama ko rin si Chan nang panahong iyon.

"Hello, lovers. How's your suite? Are you comfortable enough?" Isaac asked while holding his wine glass.

"Yes, of course! Thanks to you," ani ko at umupo nang ipaghila ako ng upuan ni Chan.

"I want my guests to feel comfortable especially you, guys."

"That's the least you could offer, bro. We traveled for how many hours." Chan joked na ikinatawa ng kasama namin sa lamesa.

"Blame Seb, bro. He have an appointment here in the Philippines."

"And we'll be delayed if we postpone the shoot," ani Lance.

"It's okay. We clearly understood that, Lance."

"Yeah, I know. You should eat. Wait, waiter!" Tinawag ni Lance ang waiter at inutusang dalhan kami ng pagkain. Patuloy kaming nag-usap tungkol sa shoot na gagawin namin dito. Bukas ng hapon kami magsisimula at ang unang scene ay sa penthouse dito sa hotel ni Isaac.

Sa pag-uusap namin ngayon, nalaman namin ni Chan na half Filipino at half Spanish si Isaac. That explains his physical appearance and how good looking he is. Sabi niya pa, madalang siyang pumarito sa Pilipinas sa mga nahdaang taon. Pero nang makilala niya ang girlfriend niya ngayon na isa ring negosyante, napadalas ang pagpunta niya rito.

"Why didn't you invite her?" Mommy Anita asked him.

"Nah, she's workaholic. In fact, she's still in her office right now. It's her own business at nagsisimula pa lamang siya. Kaya todo kayod ang isang iyon. She promised to come here when she's done."

"What's her business?" Tanong ko sa kanya.

"Women's apparel. Naghahanap nga siya ng modelo. I offered to help her pero ayaw niya. Masyadong ma pride ang isang 'yon. Oh, wait." May dinukot siya sa bulsa ng pantalon. At nakita naming lahat kung paano magliwanag ang mukha niya pagkabasa sa mensaheng natanggap.

"She's here!" Tumayo siya at nagmadaling lumabas. Napailing na lang ako sa nakitang pagkabalisa niya. Ganoon pala magmahal si Isaac Morin.

We're enjoying our food and Mommy Anita's joke when Isaac came back.

"People." Tawag pansin niya sa amin. Nakatayo siya katabi ang isang maganda at matangkad na babae. Morena at balingkinitan ang pangangatawan. She's one of the sexiest Filipina I saw ever since.

Nginitian ko siya nang makita kong sa akin siya nakatingin. Pero nagtaka ako dahil nanlaki ang mga mata niya at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Chan. Marahil ay isa rin siya sa mga tagahanga ko. Nilakihan ko ang ngiti sa kanya at tinanguan.

"I want you to meet my girlfriend, Vaneza Montes."

Isa-isa kaming pinakilala ni Isaac sa magandang girlfriend niya pero napansin ko na para siyang tuod na nakatayo at panay tango lang. Nang dumako si Isaac sa akin, nakita kong umawang ang mga labi niya.

"I forgot to tell you, Gus. Number one fan mo nga pala itong girlfriend ko dito sa Pilipinas. Lahat ng movie mo pinapanood niya."

"Talaga ba?" Nasorpresa ako. Hindi nga ako nagkamali. Kaya pala nagulat siya at ganyan ang reaksyon niya nang makita ako. Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. But I could feel her slightly shaking. Ganito ba siya kasaya na makita ako?

"And this gentleman here is her boyfriend, Channing Padilla." Tumayo ang honey ko at nakipagkamay rin sa kanya. Pinaupo siya ni Isaac sa tabi niya at pinagsilbihan. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Ngunit sinusuklian ko lang ng magiliw na ngiti. She's really beautiful. And she looks kinda familiar.

I look at my boyfriend when he grips my hand under the table. Tinaasan ko siya ng kilay, asking him what's wrong? Subalit nginitian lang niya ako. Looking at him, parang may mali.  Para siyang balisa at namumutla.

"Are you sick?" I'm worried.

"No. Medyo sumakit lang ang ulo ko."

"Ganoon ba?" Tinanguan niya ako. Sabay kaming napabaling kay Lance nang magtanong siya kay Isaac.

"By the way, where's your friend?"

"Smoking outside."

"I forgot to thank him earlier. His men helped us a lot and his didn't want us to pay him. He said their service is for free."

"Really?" Mommy Anita was a bit surprised. Who are they talking about?

"The money you would have given him is not a loss. He is already rich. He owns a security agency here, in New York and in California." Isaac said.

"Is he the owner of the famous HJG Security Agency?" Chan asked suddenly.

"Yes. He is."

"I hired our bodyguards from them."

"HJG? Sa kanila ba galing ang mga bodyguards natin?" Tanong ko kay Chan. I don't know pero parang familiar sa akin ang pangalan ng agency na 'yon.

"Yes. Why, hon? Have you heard about the agency?"

"No. It's just that it sounds familiar to me. Ewan ko kung saan ko narinig."

"Oh, he's here."

Sabay kaming napatingin kay Lance at sinundan kung saan siya nakatingin. Galing sa entrance ng hotel, naglalakad ang lalaking kasing tangkad ni Isaac. Malaki ang katawan at kung maglakad ay para bang pag-aari ang nilalalakaran. Maangas ang dating niya. Siya ba ang nagmamay-ari ng security agency? No wonder, para rin siyang bodyguard kung umasta at pumorma.

The man walking towards us seems strict and serious. Nakakunot ang noo at walang kangiti-ngiti. Parang pasan niya ang mundo sa bigat ng aura niya. Dagdagan pa ang humahabang bigote at balbas niya. But one thing is for sure. Hindi ako nilulubayan ng tingin ng lalaking ito.