webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 30

Chapter 30

Gus

"Honey?" Kung hindi po ako tinawag ni Kaye, hindi ko pa mapapansin na tumatawag na pala si Chan sa akin. I was too preoccupied by the person who just sent me the flowers.

"How are you?" His low voice sounds so husky kaya naman biglang napanatag ang loob ko.

"I'm good. I'm good. How about you? How are you? How's the Philippines?"

"Philippines is still wonderful. Malaki na rin ang ipinagbago. Nasa set ka pa ba?"

"Yeah. But we're already done. Pauwi na nga kami." Nagda-dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa mga bulaklak na natanggap ko.

"Sumasakit ang ulo ko dito. My parents won't let me decide what to do. Gusto nilang ipa-manage ang hospital sa akin. That's not my forte for God's sake!"

And so I just decided not to tell him. Marami nang iniisip ang boyfriend ko at kung dadagdagan ko pa, baka mag-burst out na siya.

"Baka naman kasi pinangunahan mo ng init ng ulo, hon. Hindi dapat ganyan," ani ko sa malambing na boses. Nagsimulang magsialisan ang mga bodyguard ko at si Kaye. Pero alam kong hindi naman sila lalayo at d'yan lang sa labas ng tent ko.

"You don't know them. Kahit lambingin ko sila, hindi pa rin magbabago ang desisyon nila. Pero hindi na ako katulad ng dati. I won't follow them now."

I haven't met his parents yet. Abala daw kasi ang mga ito sa pamamalakad ng hospital at hindi man lang nagagawi sa New York upang bisitahin ang anak. Nalulungkot ako para kay Chan. He's alone and lonely. Pinapadalhan lang ng pera ng mga magulang niya pangsuporta sa pag-aaral niya. Maybe isa iyon sa mga rason kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya.

"When are you coming back here?" tanong ko na lang sa kanya.

"Baka sa Saturday na, hon. Mag-uusap pa naman kami mamaya."

"Okay. I will call you again pagkauwi ko."

"Okay. You take care."

"Yes, hon. I will."

"I love you."

"I love you too, honey." Nakangiti kong pinatay ang tawag. Subalit agad napalis iyon nang makita ko na naman ang mga bulaklak sa ibabaw ng mesa.

"I need to get rid of this." So I called Kaye.

"Can you please throw this away." Itinuro niya ang bouquet at ang card sa ibabaw.

"Okay." Agad namang kinuha iyon ni Kaye at lumabas na. Kung sino man ang nagpadala n'yon sa akin, hindi ko hahayaang makalapit siya sa'kin. Mag-iingat na ako ngayon para naman hindi mag-alala ang mga taong mahal ko.

HINDI ako umuwi sa bahay ko dahil na rin sa takot. I went to my parent's house. At heto nga kami ngayon, abala sa pag-uusap. They kept on asking about my career. Pagkatapos kong makapagbihis, ay agad nila akong inaya sa dining area para maghapunan.

"Hindi na nagagawi ang boyfriend mo dito, anak. How is he?" ani Mommy.

"He's fine, Mom. Abala lang po siya sa business niya kaya ganoon." When I called my mother na dito ako uuwi sa bahay, agad siyang nagpaluto ng mga paborito kong ulam. So now, I'm happily eating not minding if I gain weight.

"You're as busy as him too. It's almost two months from the last time we see each other. You barely call. Samantalang narito lang naman kami ng Mommy mo sa New York." Here comes my Daddy. Palagi na lang niya akong sinusumbatan sa tuwing natatagalan ako ng uwi.

"And what's this rumor? Na doon ka na raw umuuwi sa bahay ng boyfriend mo?"

"Dad, we didn't do anything. We just talk and sleep after."

"Darling, hayaan mo na ang mga bata. They're old enough to mind their own business. And besides we're in New York baka nakakalimutan mo."

"Darling naman. Kahit dito na tayo nakatira, I won't tolerate that liberated issue here. Hindi dapat sila gumaya sa mga magnobyo rito."

"Daddy? Hindi kami gumagawa ng milagro. He respects me and my decision. We both agreed to do that the night of our wedding. So please, stop this topic right now." Jezz!

"Iyon naman pala, darling. Stop overacting. Your daughter knows what's to do and she knows what is right and wrong," ani Mommy na hinaplos pa ang balikat ni Daddy.

"I just don't want her to get hurt again."

I look at him. Again? Why did he say again? Nakita ko rin ang pagiging balisa ni Mommy at ang paglilikot ng mga mata ni Daddy.

"What do you mean, Dad?"

"It's.. It's not. I mean, ang Ate mo ang iniisip ko kaya gan'on ang nasabi ko. Ayaw kong masaktan ka gaya ng Ate mo." I nod. Naalala ko pa ang mga panahong umiiyak si Ate dahil nagkahiwalay sila ng fiancé nito. Adrian cheated on my sister at labis na  nasaktan si Ate. That was two years ago. Ngayon, nasa Egypt pa rin si Ate at mas piniling doon na muna magtrabaho. My older brother is happily married now. Paminsan-minsan ay dumadalaw sila rito kina Mommy at Daddy. Unfortunately, madalang ko lang din silang makita at makasabay.

I want to be happily married like my brother. Kung ikakasal na kami ni Chan, titigil na ako sa pag-aartista. I will focus on our family. Aalagaan ko siya pati na rin ang magiging mga anak namin. Lumawak ang ngiti ko sa isiping iyon.

"Why are you grinning?" Mommy asked me.

"May naisip lang po ako." Tsk! Nakakahiya. Mabuti na lang at hindi na nag-usisa pa si Mommy.

When we finished our dinner, we had our tea while watching my movie. Ilang beses na raw nilang napanood iyon ngunit hindi pagsasawaan na ulit-ulitin. Iyon ang movie kung saan, nanalo ako nang Best Actress sa Hollywood. Marami akong kissing scene sa movie na ito and everytime we reached that part, namumula ang pisngi ko. Sino ba ang hindi? My parents are watching me kissing my leading man.

"Totoo ba ang halik na 'yan?"

Damn! Damn! Damn!

"Y-yes, Dad. But you know, it's just a professional kiss. Wala pong malisya." Hindi ako makatingin ng deretso kay Daddy kahit na ba totoo ang sinabi ko. Kung bakit naman kasi hindi na ako umalis kanina pa.

"When was your first kiss?" I could see my father's face went rigid. But I didn't expect the blurry vision of a girl kissing a boy. Biglang sumalit ang imaheng iyon sa mukha ng Daddy ko. Their blurry faces seemed to haunt me. Inaaninag ko ang mga mukha ng dalawang taong naghahalikan. Subalit biglang sumigid ang  kirot sa ulo ko.

"Ahh!!!" Nasapo ko ang ulo ko dahil sa kirot. Masakit na masakit. Parang binibiyak sa sakit.

"Anak!"

"Gus, baby!" Ang pagtawag ng mga magulang ko sa'kin ang huling narinig ko bago nagdilim ang paningin ko.

"IS it safe? Hindi ba makakasama sa kanya ang itinurok mo?"

"Hindi. Si Germa ang nagreseta n'yan, remember?"

"Nag-aalala ako, Thom."

"You shouldn't. The doctor said she's fine and he's not sure kung babalik pa ang alaala niya sa ilang taong iyon."

I can't open my eyes but I can hear my parents talk. I want to move my body but I can't. Kahit ang mga daliri ko ay hindi ko kayang igalaw. Hanggang sa unti-unti ko nang naramdaman ang paghila sa akin sa kawalan. Ngunit bago nangyari 'yon, narinig ko pa ang pinag-usapan nila.

"Ikaw naman kasi! Kung bakit tinanong mo pa 'yon!" Naninisi ang tono ni Mommy.

"I didn't know na ganoon ang magiging reaksyon n'ya. You think that guy kissed her?"

"Maybe. Baka may naalala siya kaya sumakit bigla ang ulo niya."

'You think that guy kissed her?'

Ano'ng ibig sabihin ni Daddy? Iyon ba iyong nakita ko bigla? A girl and a boy kissing each other? Who are they?

Iyon ang mga tanong sa isip ko nang tuluyan na akong hilahin patungo sa kawalan. But before that, muli ko na namang naramdaman ang kirot sa ulo ko.

ISANG mabining haplos ang nagpamulat sa akin. Nakangiting mukha ng honey ko ang bumungad sa akin. His vulnerable eyes exuding uneasiness and worries. I raise my hand to cup his subalit parang ang bigat ng kamay ko. I struggle to raise my hand kaya naman si Chan na ang umabot ng kamay ko.

"How are your feeling, honey?" He kissed my palm.

"I'm tired." Bahagya ko siyang nginitian.

"You sleep for three days." Nagsalubong ang kilay ko.

"Three days? Bakit ang tagal?"

"Para daw makapagpahinga ka pa. You stressed yourself kaya napagod rin ang katawan mo, hon." Napabangon ako bigla pagkaalala sa schedule ko.

"Where are you going?" Pinigilan ako ni Chan. I was about to speak when the door in my room swung open. Iniluwa roon ang sopistikada kong Mommy Anita.

"Oh, you're awake, darling!" May bitbit siyang isang tray na naglalaman ng mga pagkain. "What do you want to eat?"

Inayos ni Chan ang pagkakaupo ko. Pinasandal niya ako sa headboard na may unan. I feel comfortable. Inilapag ni Mommy Anita ang tray sa paanan ko. Ngayon ko lang din napansin ang suwero na nakakabit sa kamay ko. Kaya pala nahirapan akong igalaw kanina.

"Tatawagin ko lang ang doktor mo," ani Chan na tumayo na. Ngunit bago siya umalis ay hinalikan pa muna niya ako sa mga labi. Nakangiting mukha ni Mommy Anita ang nalingunan ko.

"When he heard about what happened to you, he immediately flew here. He's really worried."

"He's like that. And I am so lucky to have him."

"Well, what can I say?" Iniusog niya ang tray palapit sa akin. "The shoot was postponed. I didn't told them the truth but they accepted my alibi. So you can rest for another three days."

"Three more days? Is it okay?"

"It's not but they are willing to wait for you. Don't exhaust yourself too much. We're all worried. Come on, eat these." Inilagay ni Mommy Anita ang tray ng pagkain ko sa ibabaw ng hita ko.

"Where's Mom and Dad?"

"They're downstairs. Do you want me to help you?" Akma niya akong susuboan subalit tinanggihan ko na.

"I can do it, Mommy Anita. Thank you." I genuinely smiled at her. Maraming pagkain ang iniakyat niya. She's like a mother to me. Masyadong maaalalahanin kaya labis ang tiwala ng mga magulang ko sa kanya.

She brought different kinds of fruits, a bowl of soup, vegetables, a glass of an orange juice and slice of custard cake. Biglang kumalam ang sikmura ko. Subalit bago pa ako makakain ay dumating na ang doktor ko. Dr. Emma San Francisco, a neurologist.

Una niyang tinanggal ang suwero ko. After that he examined me. He asked several questions regarding the time me and my parents talked. What did I feel that time at kung ano ang pinag-usapan namin noon. I explained everything and what happened to me. Because I also want to know why I reacted that way.

"You told me that the images you remembered was blurred. Meaning, you're not sure if that's you. However, there's a possibility that that was you." I was speechless. Did I kiss someone before? "If that will happen again, just call me. We will have a follow up check up next week. I will advice a CT scan if necessary.

In your case, there's a possibility that you will remember the missing pieces from your past. Don't pressure yourself, it will cause a severe headache."

Hindi na nagtagal si Doc. Emman. Pagkatapos niyang sabihin na okay na ako, agad na siyang umalis dahil may mga pasyente pa raw na naghihintay sa kanya. I started eating while Mommy Anita told me what happened in the set.

When I finished my food, I decided to stand up and look for Chan. Hindi pa kasi siya bumabalik simula kanina. Pero hindi ako pinayagan ni Mommy Anita.

"I will call him. Just stay there." She carried my tray of food and started walking towards the door. Ngunit bigla siyang tumigil at lumingon sa akin.

"I forgot to tell you, we will be shooting the next scene in the Philippines."

"Philippines?" Nagulat ako. Ang akala ko dito sa New York ang next set namin. "Why a sudden change?"

"Sebastian is having appointment there so we will shoot in that country first."

Kinaykay ko sa utak ko kung may set ba kami sa Pilipinas. Ngunit wala akong maalala. Tila nabasa naman ni Mommy Anita ang pag-alinlangan ko.

"Oh, there's a change in location. One of the movie sponsors suggested to shoot in the Philippines. So, Lance agreed to it."

"Is that so?"

"Yeah."

A/N: Thank you for waiting. Please don't forget to vote.