webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 25

Here's Gus' favorite music. Ito ang una nilang kinanta sa stage. 😍

And here's their second song. 😉

Chapter 25

Gus

Nagkanya-kanya silang puwesto at kuha sa mga instrumentong naroon. Wala na akong choice kundi kunin ang gitara at harapin ang audience.

Mga kapwa ko estudyante ang nasa harap ko ngayon. Pero ang mas nakapagpakaba sa akin ay ang isang pares ng mata na malalim ang pagkakatingin sa akin. I am nervous as hell. Pero kailangan kong gawin it. For the sake of us, our members, for the sake of our projects and exams, for the sake of our teachers reputation, ika nga niya.

Naghiyawan ang mga kapwa ko estudyante. Some are giving us support, cheering us and some are laughing at us. Natatawa dahil raw kinakabahan kami.

"Channing!"

"Channing!"

Sikat talaga ang kaibigan ko. Siya ang hinihiyawan ng mga kababaihan. May mga naririnig rin akong tinatawag ang pangalan ko. Lahat 'yon ay mga lalaki. Tsk! Ayaw ko sa kanila.

Hinanap kong muli ang isang pares ng mata na pailalim kung tumingin sa akin. There, sitting exactly right in front of me, he crossed his arms and focused his attention only to me. Sa akin lang siya nakatingin tila hinihintay ang bawat galaw na aking gagawin. Nag-init ang kabuuan ng mukha ko. Ngayon ko lang siya napansin na ganoon kung tumingin sa akin.

"One.. Two.. Three.. Four.."

I heard Chan's voice counting gaya nang sa mga pagsasanay namin. Hudyat na magsisimula na kami. Naunang pumalo ang drummer namin. I haven't checked the microphone yet. But thinking about the vocalist who just sang earlier, napanatag ako.

I strummed the guitar, kasabay nang pagtutog ng mga kasama ko. Sa pag-angat ko ng tingin, siniguro kong siya agad ang makikita ko. Ang lalaking pag-aalayan ko ng kantang kakantahin ko ngayon. For the first time in my high school journey, I will heartily sing in front of many people. And this song is dedicated to the person I love the most.

Kinaskas ko ang intro ng kanta. Ang dating gitara ko lang ang naririnig ko ay nahaluan ng ibang tunog ng instrumento. Tumapat ako sa mikropono at inihanda ang sarili sa pagkanta. While doing that, hindi ko tinantanan ng tingin ang baby ko.

There was a time some time ago

When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day

Tumahimik ang lahat. Tila may dumaang anghel dahil sa namayaning katahimikan. Tanging tugtog lang namin ang maririnig sa buong socio hall.

But now when the morning light shines in

It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay

I used to thank the Lord when I'd awake

For life and love and the golden sky above me

But now I pray the stars will go on shinin'

You see in my dreams you love me

Siniguro kong mararamdaman ng lalaking mahal ko ang bawat katagang sasambitin ko, ang bawat lirikong kakantahin ko.

Daily brake is a joyful time

Just listen to the songbird harmonies, oh the harmonies

But, I wish the dawn would never come

I wish there was silence in the trees, oh the trees

If only I could stay asleep

At least I could pretend you're thinkin' of me

'Cause nighttime is the one time I am happy

You see in my dreams

We climb and climb and at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me

In my dreams

Nanubig ang mga mata ko. Kung hindi ko pipigilan ay tiyak na maiiyak na ako. Makikita ng lalaking mahal na mahal ko.

I keep hopin' one day I'll awaken

And somehow he'll be lying by my side

And as I wonder if the dawn is really breakin'

He touches me and suddenly I'm alive

And, we climb and climb and at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me

In my dreams

And, we climb and climb and at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me

In my dreams, oh oh oh oh

In my dreams

Alam kong mahal niya rin ako. Mahal niya ako sa panaginip ko. Pero mananatili na lang kaya sa panaginip ko ang paghangad ko na 'yon? Magagawa niya kaya akong mahalin kapag ganitong gising na gising ako?

Hindi ko namalayang tapos na pala ang kanta, na kusa nang tumigil ang mga daliri ko sa pagkaskas ng gitara. Pero ang mga mata ko ay hindi pa humihiwalay sa kanya. Pareho kaming nakatitig pa rin sa isa't-isa.

Malakas na malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa loob at labas ng socio hall. Hiyawan at palakpakan ng mga estudyante pati na rin ng mga guro at mga bisitang naroroon. Naririnig ko sila pero ang mga mata ko ay nasa iisang tao lamang. I give him my simple sweetest smile na sa kanya ko lang naipakita.

"More!"

"More!"

"More!"

Napatingin ako sa mga nagsisigawan at humihiling ng isa pang kanta. Masaya ako at makikita sa mga kilos at mga mukha nila na nagustuhan nila ang presentation namin.

"Ms. Marquez!" Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Si Gng. na umakyat na pala sa entablado. Lumapit kami sa kanya.

"Tumugtog pa kayo." Nagulat kami sa sinabi niya. Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita.

"Kumanta ka pa, Ms. Marquez."

"Ho? Ano Hong kakantahin ko?"

"Kayo na ang bahala. Nag-request ang may-ari ng school natin. Isang kanta pa raw." Nagkatinginan kami. "O sige, maiwan ko na kayo ha. Mag-usap kayo." Umalis na nga ang guro namin. Iniwan kaming nagkatinginan lang sa isa't-isa.

"Ano'ng kakantahin natin?" Vaneza looked at me. Ako ang kakanta kaya dapat ako ang mag-isip.

"Alam n'yo ba ang kanta ni Laura Pausini?" I asked them.

"Iyong, It's Not Goodbye?" Tumango ako kay Chan. That's a famous song nowadays.

"Oo alam namin 'yan." Lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ko. Kaya iyon ang napagdesisyunan naming kantahin. Pagkatapos mag-usap ng ilang sandali pa ay nagkanya-kanya na kaming balik sa puwesto namin.

Mangangapa kami nito. Hindi pa namin na-rehearse ang kanta na 'yon. Sana lang makatugtog kami ng maayos. Sabi nila ay nakatugtog na daw sila ng kanyang 'yon minsan. That's one of my favorite songs also kaya saulo ko ang mga chords.

Nagsimula ang drummer namin, sumunod ang bass guitar at pagkatapos ay sabay-sabay na kaming lahat. Magpapasalamat talaga ako kay Chan mamaya dahil matiyaga niya akong tinuruan. Lumapit ako sa mikropono upang simulan ang pagkanta.

And what if I never kiss your lips again

Or feel the touch of your sweet embrace

How would I ever go on

Without you there's no place to belong

Well, someday love is gonna lead you back to me

But 'till it does I'll have an empty heart

So I'll just have to believe

Somewhere out there you're thinking of me

'Til the day I let you go

'Til we say our next hello

It's not goodbye

'Til I see you again

I'll be right here rememberin' when..

As I am singing Laura Pausini's song, I can't help but to cry. Ewan ko ba parang ang bigat sa dibdib na kantahin 'yon. Lumalabo ang tingin ko sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita pa. I need to stop crying, masisira ang make up ko. Magiging pangit ako sa paningin niya. Kaya kahit mabigat ang dibdib ko, I choose to hold back my tears. Itinigil ko ang pagda-drama ko and decided to enjoy singing.

Lumingon ako sa mga kasama ko. I smiled at them. We are doing good, we're playing better. Humarap ako ulit nang kailangan ko na namang kumanta. I look at him again. Eyes to eyes.

Hindi nagtagal ay nakita kong lumapit sa kanya si Andy at bumulong. Sobrang lapit niya halos mahalikan na niya si Hec. Agad bumangon ang kirot sa aking dibdib.

Ngayon ko lang nakita ang babae. Napakaganda niya sa suot na blue cocktail dress. Naputol ang titigan namin. Tumayo siya at naglakad kasabay si Andy palayo sa mesa. What happened? Saan sila pupunta? Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

I continued singing and strumming my guitar. When we finished playing the song, hindi pa rin sila bumabalik. Nanlumo ako. Tuloy ay hindi ko ma-enjoy ang papuring ibinibigay ng mga tao sa amin. Pati ang banda ay pinuri kami. Nagpakilala pa sila sa amin ngunit hindi ko na maalala ang mga pangalan nila.

Hilaw na ngiti lang ang iginanti ko sa kanila. Hindi ko lubusang magsaya dahil hindi ko pa nakikita ang dalawa. Kung si Hec siguro ang pupuri sa akin, baka ma-appreciate ko pa.

Bumalik kami sa mesa namin na panay pa rin ang papuri ng mga estudyante. Maging si Marky ay lumapit pa sa amin. Masaya at proud siya sa akin lalong lalo na kay Donna.

"You did a really good job," wika ni Chan sa akin. "Akala ko nga kukunin ka nang vocalist ng bandang 'yon." Inginuso niya ang banda na tutugtog na sa stage.

"Thank you pero hindi ako bagay d'yan." Uminom ako ng tubig mula sa baso ko.

"Bakit naman? May potential ka. You will be a good singer."

"Singing is only my hobby. Wala akong balak na gawing propesyon 'yon." Nagkanda haba-haba pa rin ang leeg ko sa kakahanap kung nakabalik na ba sina Hec at Andy.

"Ang galing mo, Gus!"

"Oo nga!"

"Imagine, on the spot tayo pero para kang pro kung kumanta. With matching kaskas pa sa gitara."

"Para kang si Avril Lavigne kanina, Gus! Grabe! Bilib na Bilib talaga ako sa'yo! Ang mga lalaki kanina halos tumulo ang laway sa kakatingin sa'yo!" wika ni Marky na hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi.

"Masayang masaya ka ah!" ani ko sa kanya.

"Pero sa iisang tao ka lang nakatingin. Kaya 'yong isa hindi rin matanggal-tanggal ang tingin sa' yo." Langya! Nakakainis naman 'tong si Marky! Binuking pa ako!

"Owwsss?" Hindi makapaniwalang wika ni Vaneza.

"Kaya pala titig na titig sa'yo ang Hector na 'yon kanina. Hindi mo pala nilulubayan ng tingin," turan naman ni Rochel.

"Hindi totoo 'yan. Huwag nga kayong maniwala dito kay Marky," sabi ko na lang sa kanila. Nahihiya ako lalo na at nang-uusig ang mga tingin nila sa akin.

"Pupunta lang ako sa comfort room," paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Basta na lang akong tumayo at naglakad palabas ng hall. Isang building pa muna ang lalakarin ko bago ako makarating sa CR. Iyon ang pinakamalapit na comfort room sa socio hall.

"Hi, Gus! Ang galing mo kanina!" Dalawang babae ang nakasalubong ko. Pareho silang nakangiti sa akin kaya ginantihan ko rin ng simpleng ngiti.

"Maraming salamat."

Nagpaalam agad ako sa kanila. Somehow masaya na rin ako dahil na-appreciate nila ang presentation namin. Wala nang tao nang makarating ako sa comfort room. Hindi naman talaga ako naiihi. Gusto ko lang tingnan ang ayos ng mukha ko sa salamin. Wala kasi akong dala at nahihiya akong humiram sa mga kaibigan ko.

Agad kong sinipat ang mukha at ayos ko sa salamin. So far, wala namang nagbago. Good thing at meron nang waterproof mascara, eyeliner at eyeshadow ngayon. Naalala ko pa ang pasimple kong pagpunas ng aking luha kanina. Wala naman sigurong nakapansin dahil medyo madilim.

Nang makuntento ay lumabas na ako. Tahimik na paglabas ko. Wala kahit ni isang estudyante akong namataan. Naririnig ko lang ang tugtog na nagmumula sa hall. Nag-umpisa na ang sayawan.

Mabagal akong naglalakad pagbalik sa hall. Nandoon na kaya sina Hec at Andy? Saan kaya sila nagpunta? Ano kaya ang ginawa nila?

Iyon ang mga iniisip ko habang naglalakad. Napatigil ako nang mamataan ko ang nakabukas na room sa building bago ang hall. Hindi ko ito napansin kanina. Maliwanag ang daan ngunit nakapatay na ang ilaw sa bawat room ng building.

Bakit kaya nakabukas ito? Baka may name-make out na sa loob. My God! Palagi ko pa namang naririnig noon na kapag may ganitong party raw ay siguradong may mga mag-jowa ang nagmimilagro sa kung saan-saan.

Kinabahan ako ng sobra-sobra. Hindi kaya nagme-make out na sina Hector at Andy? Naku! Huwag naman sana!!!

Dahil sa kutob kong iyon ay naisipan kong silipin ang loob ng silid-aralan. Tahimik akong naglakad at sinikap na hindi makagawa ng ingay. Hindi naman gaanong madilim dahil sa liwanag na nanggagaling sa poste ng pathway. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa room. Wala akong naririnig mula sa loob. Baka nga may something na na nangyayari.

Agad akong sumilip ngunit ako pa yata ang nagulat nang may makita akong tao na nakaupo sa isang upuan. Nakayuko at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo na parang malalim ang iniisip. Sino kaya siya?

Halos mapatalon ako sa gulat nang kumilos ang taong iyon. Nag-angat siya ng mukha at kapwa kami natigilan ng mapagsino ang isa't isa.

Hector..

"Gus?"

Sandali kaming natigilan at nakatingin lang sa isa't isa. Nakakilos lang ako nang tumayo siya.

"What are you doing here?" His voice was so deep.

"A-ahm.." Ano bang sasabihin ko? Sasabihin ko ba na kaya ako pumunta rito ay dahil baka naglalampungan na sila ni Andy? Porbida!

"N-nakita ko kasing bukas ang pinto kaya s-sinilip ko lang." Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa akin. Para namang may sariling isip ang mga paa ko at kusang naglakad papasok ng silid. Huminto lang ako nang palapit na siya nang palapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Dahil malapit na siya sa akin, nababanaag ko na ang mga mata niya.

Tumigil siya nang ilang hakbang na lang papunta sa akin. Naaamoy ko na ang pabango niya. Ang pabangong namimiss ko nang amuyin. He looks so gorgeous. A ravishing view in front of me. Hindi yata ako magsasawang tingnan siya. Siya na ang taong hindi ko titigilan sa kakatingin lang.

"Bakit ka nag-iisa?" I could sense bitterness in his voice as he asked me that.

"Nag-CR kasi ako."

"Himala. Hindi mo yata kasama ang date mo." Bitter nga siya. Ang pait ng tono niya. Bakit kasi hindi mo na lang aminin? Hindi naman kita bibiguin, baby eh.

"Gusto kong mapag-isa." I lied.

"Huh! Nagsawa ka na rin ba sa kanya?" Saan galing 'yon? I was a bit shocked.

"What are you trying to say?" He smirked. Sasagutin na sana niya ako nang may marinig kaming nagtatawanan. Parang kidlat ang mga sumunod na nangyari. Kasing bilis ng kidlat dahil hindi ko na namalayan ang mga ikinilos niya. Na-realized ko na lang na nakasandal na ako sa nakasarang pinto at kaharap siya.

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Naririnig ko na may nag-uusap sa labas ngunit ilang saglit lang ay papalayo na ang mga boses nila.

Hindi ako makakilos sa pagkakasandal ko. Magkadikit ang katawan naming dalawa. I could smell his fresh mint breath. Kakaiba sa una kong naamoy sa kanya noong una. Parehas na nakakahalinang amuyin at parehas ring nakakapanindig balahibo.

Ang isang kamay niya ay nakatukod sa pinto sa gilid ko. Habang ang isang kamay naman ay nakayapos sa baywang ko. Nagkanda-buhol ang hininga ko nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin.

"You look fabulously gorgeous tonight." He whispered right exactly at my face. I was speechless when he said that. Iyon ang unang beses na pinuri niya ako.

A/N:

Hope you like it..