webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 24

Chapter 24

Gus

Natigilan ako nang makita kong nagulat si Chan pagkakita sa akin. Malaki ba ang ipinagbago ko at ganyan siya kamangha sa harap ko?

Hindi pumayag si Ate na hindi niya ako ayusan. Ilang oras din ang ginugol niya sa make-up at ayos ng buhok ko. When I looked at the mirror, I could say that she's a pro. Pinaganda niya ako. Bumagay sa dress ko ang ayos ko.

I'm wearing an off shoulder satin cocktail dress with lace appliques red biege navy knee length. Pinuri nila ako dahil magaling raw akong pumili ng mga damit. I mean, duh? That's really my cup of tea. Bukod sa magaling akong pumili ng damit, magaling din ako magdala ng kahit na anong damit.

Tanging earrings lang ang sinuot ko. Ginawang bun ni Ate ang buhok ko. Nag-iwan lang siya ng ilang hibla sa magkabilang gilid para raw magandang tingnan. I paired my dress with an elegant stiletto. Hindi ako pala ayos kaya siguro nanibago si Chan ngayon sa harap ko.

I snapped my fingers. "Hoy!"

Napapikit siya. Tipid siyang ngumiti sa akin pagmulat niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" I asked him with wide eyes.

"You look stunning. Ang ganda mo," aniya. Sumayaw sayaw pa ako hawak ang laylayan ng damit ko.

"Ngayon mo lang ba napansin?"

"Oo eh. Ang pangit mo kasi kahapon."

"Tsk! Kainis ka naman. Insecure ka na naman sa akin, Channing bebe!" Tumawa siya.

"Magkakandarapa na naman mamaya ang mga lalaki sa'yo sa school."

"Hindi ako interesado sa kanila." I scoffed. Natigilan na naman siya habang nakatingin sa akin. Palagi kong napapansin na minsan natitigilan siya kapag may sinasabi ako o di kaya ay tatawa. Hindi ko na lang pinapansin.

"Let's go?" Bigla siyang sumeryoso. Iniumang niya ang bisig sa akin. Inilagay ko naman ang kamay ko sa kanya habang nakangiti. Naglakad kami papunta sa kotse niya.

"Wala yata ang motorbike mo?"

"Alam ko kasing babae ka ngayon kaya kotse ko ang dinala ko." Hinawakan niya ang kamay ko na nakakapit sa bisig niya. Okay lang naman.

"Dapat lang noh! Baka may makitang hindi dapat makita ang mga madaanan natin." Natawa lang siya. Agad kaming umalis nang makasakay siya sa driver's seat.

Kinakabahan ako habang papalapit sa school namin. Inaasahan ko nang makikita si Hec at si Andy na magkasama. Alam kong masasaktan na naman ako. Iniisip ko pa lang, nadudurog na ang puso ko.

"Are you ready on our show later?" tanong ni Chan sa akin.

Oo nga pala, may show nga pala kami mamaya. Nawala na sa isip ko 'yon. Hindi na pinadala sa amin ni Gng. ang mga gamit namin kasi raw may mga gamit naman sa school. Gagamitin raw namin ang mga instrumento ng bandang inupahan para tumugtog ngayong gabi.

Marami ng tao nang makarating kami. Nang i-park ni Chan ang kotse niya sa parking lot ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Nasa loob na raw sila. Sa socio hall ginanap ang party. Inalalayan ako ni Chan pagkababa. Maliit na sling bag lang ang dala ko kaya hindi gaanong hassle.

Naka-abrisyete pa rin ako kay Chan. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa hall ay marami nang nakatingin at nakalingon sa amin. Chan is wearing a formal suit. Napakagwapo niya sa suot niya ngayong gabi. Kaya maraming babae ang napapalingon sa kanya. May mga babaeng naiinggit habang nakatingin sa akin. Mayroon din namang humahanga sa ganda ko ngayong gabi.

Magsisimula pa lang ang programa nang makarating kami. Agad naming hinanap ang mesa namin.

"There they are." Si Chan ang nakahanap sa kanila. Our friends are waving at us. Malapit lang pala sila sa stage. Naglakad kami papaunta sa kanila. Maraming tao sa loob ng socio hall. Puno ang mga mesa na halos umabot na yata sa labas. Marami nga kasing estudyante ang school namin.

"OMG! Ang ganda mo, Gus!"

"Hindi ka namin nakilala," ani ni Rochel.

"Ang OA n'yo. Ganoon na ba talaga ako kapanget?"

"Hindi naman. Mas lalo kang gumanda ngayon!"

Iyan ang mga turan nila ng makarating na kami sa mesa namin.

"Ang gaganda n'yo din," sabi ko sa kanila. Totoo naman kasi. Lumabas ang itinatango nilang ganda dahil sa ayos at suot.

"Oo nga. Para kayong mga diwata sa karimlan," biro ni Vaneza sa amin.

"Karimlan talaga?"

"Ay, hindi!"

Nagpatuloy lang sa bangayan ang mga kaibigan ko. Habang ako ay inilibot ang paningin sa paligid. Hinahanap ko siya.

"Bakit nga pala dito tayo nakaupo? Hindi ba mga kaklase natin ang mga 'yon?" Itinuro ko ang mesa hindi kalayuan sa amin.

"Sabi ni Gng., dito raw tayo para hindi na magtagal kapag oras na ng presentation natin."

"Gan'on ba?" Nakita ko nga ang tatlong lalaki na kasama namin sa mesa. Kasama rin namin sila na tutugtog mamaya.

Umupo ako sa tabi ni Chan. May malaking espasyo sa gitna ng hall sa harap lang namin. Ganito rin ang set up last year.

"Nasaan si Marky?" Pasimple kong binulungan si Donna na katabi ko.

"Nasa harap natin sila."

Ha?

Kinabahan ako. Agad kong tiningnan ang kaharap na mesa namin. Pero wala sila. Wala si Marky at si Hec.

"Pumunta sila sa comfort room." Tila nahiwatigan ni Donna na hinanap ko sila.

"Si Marky lang ang hinahanap ko."

"Alam ko." Nahiya naman ako sa kanya. Nagagalit kasi ang mga kaibigan ko kapag nalaman nilang hinahanap ko rin si Hec.

"Narito na pala sila," ani Donna na nakatingin sa likod ko. Nanigas ako bigla. Ayaw ko siyang tingnan. Galit pa rin ako sa kanya.

Weh, Gus! Tapos hinahanap mo kanina! Lokohin mo pa ang sarili mo.

Nabigla na lang ako ng gagapin ni Chan ang kamay kong nakapatong sa mesa namin. Mainit ang kamay niyang nakapatong sa nanlalamig kong kamay. Alam ko kung bakit niya ginawa iyon. He smiled when I looked at him. Hindi ako makangiti. Nakikita ko kasi sa gilid ng mata ko na nasa likod lang namin si Marky at Hec.

"Hi, Gus!" bati ni Marky sa akin. Wala akong choice kundi lingunin siya.

"Hi!" Kay Marky lang ako nakatingala.

"Wow! You look lovely tonight, Gustaniana."

"You look lovely tonight too, Markimiano."

"I'm serious!"

"Seryoso rin ako. Gwapo ka ngayon."

"Isasayaw kita mamaya ha?"

"Ayoko nga! Si Donna ang isayaw mo."

"Eto naman! Naging kaibigan mo lang si Chan hindi mo na ako pinapansin. Nakaka-hurt ka na ng feelings ha, Gustaniana!"

"Nagseselos ka ba? Ikaw nga naging kayo lang ni Donna nakalimutan mo na ako!"

"Nagtatampo ka ba?"

"Hindi!"

"Babawi ako sa'yo mamaya. Isasayaw kita."

"Ayoko nga!"

"Arte nito. Sweetie oh, ang arte ng kaibigan mo." Pabebe pa ito kay Donna na agad namang nilambing ng isa. Sus.. ang kokorni!

Umirap ako. Ngunit napadpad ang tingin ko kay Hector. Nagkatinginan kami. Gosh! Ang gwapo-gwapo niya!

Napalunok ako. May nakita ako sa mga mata niya na hindi ko mabigyan ng pangalan. Agad akong nagbaba ng tingin at muling humarap sa mesa namin. Parang may nagwawalang mga kulisap sa dibdib ko.

I missed him...

Did he feels the same way kaya? Ano 'yong nakita ko sa kanya?

"Good evening everyone!" Naagaw ang atensyon namin ng magsalita na ang emcee. Walang iba kundi si Ms. Zenai. Siya naman palagi ang emcee namin kapag may mga ganito sa school.

"Everybody, take a sit. We will begin the program now." Nag-ingay ang paligid. Ilang sandali pa ay tumahimik na ang lahat. Maganda ang pagkakadesenyo ng stage.

Naroon rin ang mga miyembro ng banda. Mga bata pa sila. Sa pakiwari ko ay nasa early twenties pa lang. Dalawang babae at limang lalaki. Ang aastig nilang tingnan. They're all in black. Pansamantala kong nakalimutan si Hec.

Pinatayo kaming lahat para sa prayer at pagkanta ng national anthem. Pagkatapos ay muli kaming umupo. Agad na nagpasikat ang dance troup ng school namin. Lahat sila ay magaling sumayaw. Nakakatuwang panoorin.

Ang school principal ang nagsimula ng program. Pagkatapos ng speech niya ay mayroon pang iba't ibang presentasyon sa iba't ibang year level.

"Before we proceed to our next presentation, let us all eat and enjoy our food. May mga buffet tables sa bawat sulok ng hall. Feel free to eat and enjoy." Iyon lang at bumaba na si Ms. Zenai.

"Ikukuha na lang kita ng pagkain," ani Chan na bumulong pa sa akin.

"Sure. Thank you." Mas pabor ako doon. Kasi ayaw kong rumampa sa harap ng maraming tao kapag ganito ang ayos ko. Siguradong pagtitinginan na naman nila ako. Artista lang ang peg? Tsk!

"Sweetie, ikukuha na lang kita ng food. Gusto mo?" Lumapit si Marky kay Donna. Agad namang tumango si Donna na ikinatuwa naman ni Marky.

"Ikaw, Gus?" baling sa akin ni Marky.

"Huwag ka ng mag-abala. May kumukuha na ng pagkain ni Gus, Marky," turan ni Rochel.

"Ay ang daya! Paano naman kami ni Rochel nito?" himutok ni Vaneza na nakasimangot pa.

"Ikaw kasi, nakipaghiwalay ka agad sa boyfriend mo, 'Yan tuloy wala kang tagakuha ng pagkain."

"Kung hindi ako nakipaghiwalay, Chel, sino ang kasama mong kukuha ng pagkain doon?"

Kapwa kami natawa ni Donna. Wala na pala si Marky sa likod namin. Gusto kong lumingon sa table nila pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Nang magsimula ang program ay natutukso na akong tingnan siya sa harap. Mabuti na lang at ibayong pagpipigil ang pinairal ko. Unlike those past few days, wala akong gana kahit na tingnan siya. Nagtatampo nga kasi ako. Subalit ngayon, nagkasalubong lang ang mga tingin namin ay para na naman akong nagayuma. Gusto kong balik balikan ang mga mata niya.

Abala na kaming lahat sa pagkain. Habang kumakain kami ay tumutogtog naman ang banda sa itaas ng stage. Gusto ko ang mga inilagay ni Chan sa pinggan ko. Hindi na rin tumayo sina Rochel at Vaneza dahil sina Marky at Chan na ang kumuha ng mga pagkain nila. Di ba, mga gentlemen!

Abala ako sa pagkain ng fresh lumpia ng di sinasadya, sa pag-angat ko ng tingin ay muli na namang magkasalubong ang mga mata namin ni Hec. He's looking at me. Nang makita niya ako na nakatingin sa kanya, agad niyang iniwas ang tingin sa akin. Yumuko siya at sumubo ng pagkain.

Ano 'yon?

Is he avoiding my gaze?

Muli kong hinarap ang pagkain. Sarap na sarap ako sa kinakain ng bigla ay sinubukan ko siyang tingnan ulit. He's looking at me again! Ngunit gaya noong una ay inilihas lang niya ang tingin. Hinimas niya ang batok niya at muling yumuko.

Kanina pa ba siya tumitingin sa akin?

"May s-sauce ka sa.." That's Chan. Hindi na niya tinapos ang sasahin. Kinuha niya ang tissue at idinampi sa gilid ng aking labi. Nagulat ako. I could feel his hand brushed my chin. Natigilan rin siya at napatingin sa akin.

There's something in his eyes. Naroon na naman ang minsan kong napapansin sa kanya sa tuwing natitigilan siya. I don't know what to call that emotion.

"A-ah.. Hehe! Thank you," sabi ko sa kanya. Ibinaba niya ang kamay at itinabi ang tissue. Nakangiti na rin siya sa akin. He's awkward though.

I felt a sudden urge to look at Hec again. And I was halted when I saw him looking at me again. This time, hindi na niya iniwas ang tingin sa akin. Hindi na siya yumuko. He's staring at me nonstop. Ganoon din ako sa kanya. Until I felt his stare was so intense. Hindi ko na kinaya. Ako na ang kusang tumigil at yumuko.

Sunod-sunod na tumahip ang puso ko. Hanggang sa sumakit ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok niyon.

"Okay, let's continue our magnificent evening!" Napatingin ako sa stage nang muling magsalita si Ms. Zenai. "At this venture, we may call on, the Musikeros!"

"Tayo na 'yon!" Nagsitayuan ang mga kasama ko sa mesa.

Musikeros?! Kami ba 'yon? Bakit hindi yata ako na-inform?!

Huli akong tumayo kaya nahuli rin ako sa paglalakad papunta sa gilid ng stage. Naroon na si Gng. at nakatayong naghihintay sa amin.

"Okay, class. Pagbutihan n'yo," aniya nang makalapit na kami. "Gusto ko ang kanta n'yo kaya bumirit ha!"

Ano?

"Po?" Halos magkapanabay na tanong ng mga kasama ko.

"Anong po?" natigilan si Gng. "Bumirit sa pagkanta!"

"Ho? Sino po ang kakanta?" tanong ni Vaneza.

"Aba malay ko sa inyo. Di ba sabi ko dapat may singer kayo!"

"Eh, ang sabi n'yo ho tumugtog lang po kami, Gng.!"

"What?! Kung tutugtog kayo, natural na may kakanta!" Nangangalaiteng sabi niya sa amin.

Lahat kami ay natulala sa sinabi niya. Ang sabi niya tugtog lang. Wala namang sinabi na kakanta! Sana sinabi niya kanina pa lang.

Lagot.. paano na?!

"Musikeros!" Muling umalingawngaw ang pagtawag sa amin ni Ms. Zenai. Nagkatinginan kami at tila hindi alam ang gagawin.

"Ano pang hinihintay n'yo?! Akyat na! Huwag n'yo akong hiyain!" gigil na bulong sa amin ni Gng.. Galit na nga siya. Disappointed marahil dahil sa hindi inaasahan na problema. Kung kailan naman tinawag na kami saka naman nagkaproblema.

"Let's go!"

"Tara na!"

Umakyat na nga kami. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin. Mas lalo kaming kinabahan dahil doon.

"Sino ang kakanta?" Napatigil kami sa gitna ng magtanong si Donna. Nagkatinginan kami. Hanggang sa sabay silang napatingin sa akin.

"A-ano?" sabi ko na kinakabahan.

"Ikaw ang pumili ng tugtog, alam naming alam mong kantahin 'yon," wika ni Vaneza.

"Ha? A-ayoko.."

"Oo, Gus. Tama si Vaneza. Ikaw na lang ang kumanta."

"You know the song. Kaya mo 'yan, Gus," ani naman ni Donna. Parang nang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko sa lakas ng kaba ko.

"Gus, wala na tayong oras. You need to sing." Chan told me. He held both my hands and gripped it. Pinapalakas niya ang loob ko.

Ano pang magagawa ko? Pinagtulungan n'yo na ako!

"O-okay." Nagkanya-kanya silang pulasan sa pagtitipon namin. Si Chan na muling pinisil ang mga palad ko ay tinanguan niya akong muli.

"You can do it!"