webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 23

Chapter 23

A/N: A heartfelt thank you para sa mga nag-comment, sharing their thoughts and ideas. Salamat po at na-appreciate at nagustuhan n'yo ang story nina Gus at Hec. Thank you so so much po. You're one of my inspirations. Ginaganahan po akong magsulat sa tuwing mababasa ko ang mga comments n'yo. I love you all 😘😘😘

PS. here's my fb page: Marypaulette

You can follow me for more updates. Thanks much 😘

Chapter 23

Gus

"Mamaya na pala ang acquaintance party n'yo?" tanong ni Daddy sa akin habang nananghalian kami.

"Opo, Dad." Wala kaming pasok ngayong araw dahil nga mamayang gabi na ang party namin. Ang party na inaabangan ng lahat. Ang gabing kinasasabikan ko noon. Ngunit ikinalulungkot ko na ngayon.

Ilang araw na ang nakalipas magmula nang marinig ko ang pagyaya ni Hector kay Andy na maging date nito. Gumuho ang mundo ko nang gabing iyon. Ang mga plano ko na yayaing sumayaw si Hec ay wala na at baka hindi na matuloy. My plans are ruined and it's also because of him.

Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Ayoko muna siyang makita. Nagtatampo ako sa kanya. When he kissed me akala ko okay na at may nararamdaman na siya sa akin. Subalit mali pala ako. Hindi raw niya maalalang hinalikan niya ako. Nakakasakit na talaga siya ng damdamin ko. He's so insensitive. Tapos niyaya pa si Andy sa harap ko? As in sa harap ko pa? Gagong 'yon!

"May susuotin ka na ba?" Umangat ang tingin ko kay Ate.

"Meron na," matamlay kong turan sa kanya. I wanted to act normal in front of them pero ewan ko ba, hindi ko magawa. I am hurting at kahit itago ko ay kusang sumusungaw ang kalungkutan sa'king aura.

I saw them looking at each other. Si Daddy, Mommy at Ate. Tila nag-uusap sa pamamagitan ng tingin. Binalewala ko lang sila.

"Is something bothering you, baby?" Hindi na nakatiis si Mommy at tinanong ako. She even touch my shoulder.

"W-wala po, Mom."

"Bakit matamlay ka yata? May sakit ba sa'yo?"

"Wala, Mom. Napagod lang po siguro ako sa rehearsal namin."

"Iyon ba 'yong sinabi ni Chan? Iyong show n'yo mamaya?"

"Opo."

"Naku, anak. Masaya kami at marunong ka na uling mag-gitara." Nagumiti lang ako kay Mommy. Tapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako sa kanila.

"Mauna na po ako sa inyo. Mag-eensayo pa po kasi ako."

"Ganoon ba? Oo sige, baby." Iniwan ko na sila kahit na kumakain pa. Ramdam kong pinapanood nila ako habang paakyat sa hagdan.

When I reached my room, I immediately close the door and locked it. Baka maabutan pa nila akong umiiyak. Kinuha ko ang gitara ko sa sofa at umupo ako sa harap ng terrace. Nakaharap ako sa itaas ng puno namin. Maaliwalas pero hindi ko na-appreciate ang kagandahan ng kalikasan sa ngayon.

Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong nakatingin sa kawalan. Minsan wala akong iniisip pero most of the time ay inaalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin ni Hec. Tumipa ako sa gitara ko pero wala akong balak na kumanta. Thanks to Chan at muli kong nasa-ulo ang pagkaskas ng gitara.

Nagsimula kami sa rehearsal namin last week. Magkasama kaming tumugtog nina Donna, Rochel, Vaneza, Chan at tatlo pang students sa ibang section sa auditorium ng school namin. I played well, we played well. At maging ang mga kaibigan ko ay nahalatang may dinaramdam ako. Chan told them why kaya hindi na sila nagtanong sa akin.

They both know that I need time and space. Although hindi nila ako kinakausap ay pinaparamdam naman nila sa akin na nand'yan lang sila. Mula noon ay iniiwasan kong magtagpo ang landas namin ni Hec. Pero may mga pagkakataong nagkakasabay kami at nagkakasalubong. Dahil iyon kay Marky.

He's always with Marky at dahil palaging pinupuntahan ni Marky si Donna kaya palagi kaming nagkakasabay. Ngunit hindi naman nagtatagal iyon dahil palaging dumarating si Andy at sinusundo siya. Baliktad na talaga ang mundo ngayon.

Alam ko lahat ng iyon kahit pa hindi ko siya tinitingnan. Sa tuwing nagkakasabay at nagkakasalubong kami ay hindi na ako tumitingin sa kanya. Para na lang siyang hangin na biglang dumaan sa tabi ko. It hurts but sometimes I couldn't feel it. Namanhid na yata ako. Alam ko rin namang wala siyang pakialam sa akin so why bother myself to look at him? Masasaktan lang ako kung makikita kong magkasama sila ni Andy.

Kagaya na lang isang araw nang magtungo kami sa library. I could still remember one week after the incident in the parking lot.

Kailangan naming mag-research para sa reporting namin sa Araling Panlipunan. Broken hearted ako pero hindi pwedeng pabayaan ko ang pag-aaral ko. Nakakatamad pero kailangan kong pilitin ang sarili ko. Pagagalitan rin ako ng mga guro namin kung wala akong assignment at project. Ang babait pa naman nila.

We were busy copying the important information from different books to our notes. Kaya tahimik kaming lahat na ipinagpasalamat ko. Wala ako sa mood makipag-kwentuhan ngayon.

Kailangan ko palang kumuha ng Encyclopedia. Tumayo ako at walang pagmamadaling naglakad patungo sa bookshelves kung saan nakalagay ang Encyclopedia. Napatigil ako sa paglalakad nang sa pagliko ko ay nakita ko si Hector.

Sandali akong natigilan. Nakaharap siya mismo sa shelves na nais kong puntahan. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Ayokong tingnan siya.

Nag-dalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba o hindi na lang. Pero nang maisip ko ang guro namin na umuusok ang ilong sa galit ay nagpatuloy na lang ako. Kailangan kong tapusin ngayon ang research ko dahil bukas na ako magre-report.

I walked fast. Nagtatampo ako sa kanya. O mas tamang sabihin na galit ako sa kanya. I didn't glanced at him. Nakatutok lang ang tingin ko sa shelves. Right straight to the book I wanted to get. When I reached the shelves ay agad kong inabot ang Encyclopedia. Nahirapan pa ako sa pagkuha dahil may librong nakapatong sa ibabaw. I acted like I didn't saw him. Kinuha ko ang libro na parang walang tao sa gilid ko. I totally ignored him.

When I finally got the book, narinig ko ang pagtawag ni Andy sa kanya.

"Hec," ani ng babae.

Agad akong tumalikod at naglakad pabalik sa mesa namin. Wala akong maramdaman. I continued writing not minding the people around me.

Kinagabihan, matapos ang rehearsal namin ay agad kaming nagligpit para umuwi na.

"Nandiyan na naman 'yong jowa mo sa labas, Donna," wika ni Rochel. Naglalakad na kami palabas ng auditorium noon. Masuwerte si Donna dahil palagi siyang sinusundo ni Marky.

"Oo nga. Buti ka pa palaging sundo at hatid ni Marky. Hayyy.. Kailan kaya ako magkaka-jowa ng kagaya mo, Don," ani naman ni Vaneza.

"Para ka kasing nagbibihis lang kapag nagpapalit ng boyfriend, noh! Kaya ngayon wala nang nanliligaw sa'yo." Nakikinig lang ako sa usapan nila. Kung normal lang ang pakiramdam ko ngayon baka sumali na ako sa biruan nila.

"Nagsalita ang parang nag-to-toothbrush lang kung magpalit ng boyfriend."

"Hoy! Tumigil na kaya kayo. Malaman ng iba diyan na playgirl kayo masyado," saway ni Donna sa kanila.

Nang makarating kami sa pintuan ay tumili pa si Rochel.

"Sinasabi ko na nga ba. Nand'yan na ang jowa mo!" aniya kay Donna na ikinakilig naman nito.

"Ay." I saw Vaneza's disappointed face. Nasa bukana na siya ng pinto ng auditorium. Maging si Rochel ay ganoon din. They both looked at their side. Nakita ko si Vaneza na umirap pa at saka ako tiningnan.

"I think Hector is outside," ani Chan na katabi ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ngunit agad akong nanlumo ng maalala ko ang nangyari sa parking lot. Maybe he's with Andy again. I hate him! Nagtatampo ako sa kanya.

Nang makalabas kami ay hindi na ako tumingin kina Marky. Alam kong kasama na naman niya si Hector. Hindi pa kasi nito alam ang nangyari four days ago. Sinabi ko rin kay Donna na huwag nang ipaalam sa kanya.

Nilagpasan namin sila. In my peripheral vision, I saw them looking at me. Apat na lalaki at isang babae, that was Donna. Si Marky, si Hec at ang dalawang kasama nila na hindi ko na alam kung sino. Nagpaalam sina Rochel at Vaneza kay Donna. Hindi na ako lumingon pa.

"Gus!" That was Marky who called me. Wala akong choice kung hindi ang tumigil. Tumigil na rin si Chan sa tabi ko. Dalawang gitara ang dala niya, his and mine. Tiningnan ko si Marky na nakangiti sa akin.

"Uuwi na ba kayo ni Nick?"

"Bro! Makatanong ka naman parang mag-asawa 'tong dalawa na sa iisang bubong uuwi," ani ng kasama nila. Si Jay. Pagkatapos ko siyang tingnan ay ibinalik ko kay Marky ang tingin ko. Binigyan niya ako ng nagpapasensyang ngiti. I smiled at him. Totoong ngiti. Labis na pag-iwas ang ginawa ko para lang hindi mapadako ang mga mata ko kay Hec na napapagitnaan nina Jay at Marky.

"Sama muna kayo sa amin," wika ni Marky na hindi na pinansin ang birong iyon ni Jay. "Nick, bro?"

"Saan?" ani Chan.

"Mamasyal at kakain lang." Tumingin ako kay Chan nang hawakan niya ako sa balikat. Niyuko niya ako. Halos mapaatras pa ako nang inilapit niya ang mukha sa akin.

"Should we go?" He whispered. Nagulat ako pero nang makita ko ang pilyong pagtitig sa akin ni Chan, I knew that he's doing something like "pagselosin" thing he knew.

"Huwag na." Nakita kong sandali siyang natigilan. Tila hindi makapaniwala na tumanggi ako. Inilayo niya ang mukha sa akin at muling tumingin kay Marky.

"Ayaw niya, bro. Next time na lang siguro. Uuwi na kami," aniya.

Hindi ako nakaramdam ng kagustuhang tingnan si Hector. What for? Wala naman siyang pakialam di ba? Hindi siya magseselos dahil may Andy na siya. Ako nga 'tong selos na selos sa kanila.

Pagkatapos naming magpaalam sa mga kaibigan namin ay tumalikod na kami. Gaya ng mga nagdaang araw ay nakaramdaman rin ako ng katamaran. Katamarang tingnan siya. Ilang araw ko nang hindi nasilayan ang mukha niya. Nakikita ko lang siya sa gilid ng aking mga mata. Malabo, katulad ng nararamdaman ko ngayon sa kanya. Pinapalabo ng galit at pagtatampo.

Napapagod na ba ako? Ito na ba ang sinasabi nilang 'mapapagod ka rin sa kahahabol sa kanya'. Ito na ba 'yon?

I have this urge na ayaw ko muna siyang makita. The pain is still here, the love, the longing and the ache. Malabo pa rin kung alin sa mga iyon ang nangingibabaw sa akin ngayon. Hanggang sa dumating ako sa punto na ayaw ko nang maramdaman ang kahit na isa sa mga iyon.

My heart is numb, even my mind feels the same. Pakiramdam ko ay parang wala na akong gana sa lahat ng bagay. Wala akong ganang kumain, tumayo, pumasok sa paaralan.. lahat-lahat na. Nakakawalang gana. Kung hindi pa ako pinipilit ni Mommy ay hindi pa ako kikilos.

And because of those, my parents and my sister knew that there's something wrong with me. Ayaw lang nila akong kausapin. Kung bakit ay hindi ko na alam.

I strum the guitar and start to play again. I've decided to sing a song. A song that can release the numbness I am feeling right now. And I didn't realized na muli na namang bumalong ang masaganang luha sa aking mga mata. I cried again. Muli akong lumuha at tumingin sa kawalan habang kumakanta. I let my heart sing and cry to its contentment.

Channing

I am nervous while standing in front of their door. Kahapon ko pa napaghandaan ang sasabihin ko sa kanya ngayon.

I offered to be her date tonight na malugod naman niyang tinanggap. Kung hindi inaya ni Hector ang babaeng 'yon baka magmumukmok ako ngayon sa isang tabi.

Ngayong gabi ay sasabihin ko na kay Gus ang nararamdaman ko. Yeah, I like her. I like her so much. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta nagising na lang ako isang umaga na siya lang ang nais makita.

I like her smile, her craziness, her laziness. I like everything about her. Kahit pa ang nakasimangot niyang mukha ay pinanabikan ko pa ring makita. I even got jealous everytime she talked about that Hector guy. Nagseselos ako dahil mahal siya ng babaeng gusto ko.

Na kahit nasasaktan na siya ay minamahal pa rin niya ang lalaking iyon. Nahiling ko na sana ako na lang si Hector. Ang lalaking pinanabikan niyang makita araw-araw. Ang lalaking pinagtutuunan niya ng pansin. Binabati araw-araw at hinahabol. Kung ako ang mamahalin niya, aalagaan ko siya ng mabuti.

I was halted when the door suddenly swung opened. Tumalon yata ang puso ko. Hindi ko alam kung sino ang lalabas pero ninerbyos ako ng sobra.

When a very beautiful and charming Gus came out, nahulog na yata ang puso ko sa paanan niya. God, she's very beautiful! She's stunning. Nakakapanghina ang ganda niya. I swallowed.

"Hi." She said. Nakasimangot siya at nakita ko rin ang lungkot sa mga mata niya. I know the reason why. At handa akong iwaglit iyon. Sisimulan ko na ngayong gabi.