webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 17

Chapter 17

Gus

"Let's go?" Tumango lang ako at sumabay sa paglalakad niya. Nang makarating kami sa court ay naroon na ang mga ka-teammates niya.

I was about to scan the place when he warned me.

"I can't help it." Matagal siyang nakatingin sa akin at pagkaraan pa, "Okay, you can look at him but you can't go near him. Nakuha?"

"Ginagawa mo naman akong bata niyan."

"Bata ka pa naman talaga. Bawal pa sa iyo ang mga ganyan."

"OA naman nito," ani ko.

"Huwag kang lumapit sa kanya, for your sake."

"Fine!" Hindi naman ako galit. Wala rin naman akong balak na lumapit sa kanya ngayon. Baka bukas siguro. Wala kasi akong kadala-dala.

Hinawakan niya ang siko ko na hindi ko na ipinagtaka. Papalapit na kami ng mamataan ko si Hec na nakaupo katabi sina Jay sa itaas na bahagi ng bleacher. Nakatungo siya na tila malalim ang iniisip. Nang makarating kami ay agad na tumayo si Marky pagkakita sa amin ni Chan.

"Bro!" He patted Chan's shoulder. "Teammate na pala tayo ngayon. Hindi ko alam na nagtry out ka pala," aniya.

"Sinubukan ko lang. Mabuti at natanggap ako," ani Chan.

"He really loves to play basketball. Just like you," singit ko sa kanilang dalawa.

"Good to hear that. I hope we will have a great year playing together."

"Me too." Nagkamay ang dalawa at pawang nakangiti sa isa't-isa. Ang cute nilang tingnan.

"Maupo na kayo doon sa amin." Tinuro ni Marky ang bleacher kung saan nakahelirang nakaupo sina Jay, Reden at ang baby ko. Na walang pakialam sa presensya ko. Kausap nito ang dalawang lalaki at hindi man lang tumitingin sa gawi namin.

Is he that insensitive? Kung kumilos ito ay parang walang ginawang masama sa akin. Kapag nalaman ni Marky ang ginawa niya ay tiyak na hindi kami nito aayain ni Chan na maupo malapit kay Hec. But I choose not to tell him. I told Chan not to tell Marky too about what Hec did to me.

"Let's go?"

Chan nod at me silently saying that it's okay. Sumunod kami kay Marky na nanatiling nakahawak si Chan sa braso ko.

"Hi, Gus!" Napalingon ako sa bumati sa akin. Walang iba kundi ang notorious playboy ng campus, si Jasper. I simply nod at him and continue to walk with Chan beside me.

"Hello, Gus!" and the other playboy Francis also greeted me. Of course I know them. They are both handsome but they are not my type. Ayoko sa mga playboy na gaya nila. Nagpapalit-palit ng girlfriend every other month. Tapos minsan pinagsasabay pa. Mga feeling din, noh!

Tumango lang din ako kay Francis. Marami pang bumati sa akin pero hindi ko na sila pinansin. I was known to be a snob in every boy who greeted me. Kaya noong magsimula akong maghabol sa baby ko ay marami ang nagulat. Halos yata buong students ng school na ito. Hindi sa pagmamayabang pero totoo ang sinasabi ko.

May mga natuwa, napaismid, hindi makapaniwala, at kung ano-ako pang reaksyon na hindi ko na alam. I don't care and I don't give a damn about them. Sana silang si Marky lang ang nakakalapit na lalaki sa akin noon. Ngayon na si Chan naman ay usap-usapan na rin ang pagiging malapit namin sa isa't-isa.

"I didn't know that you are famous here," bulong sa akin ni Chan ng makaupo na kami. Nasa dulo ako katabi ni Chan na katabi ni Marky na katabi naman ng baby ko. Kung titingin ako sa kanila ay makikita ko na rin si Hec. Na abalang-abala sa pakikinig kay Reden.

"Now you know," wika ko.

"Wow, ang hangin!" Biglang singit ni Marky sa aming dalawa. Narinig pala nito ang usapan namin.

"Ipo-ipo yata," ani ko nalang na ikinatawa naming pareho.

"Ah, Gus?" Sabay kaming napatingin kay Jasper. Hindi ako sumagot bagkus ay itinaas ko lang ang dalawang kilay ko.

"Boyfriend mo na ba iyang kasama mo?"

The heck na 'to!

"Soon, bro. Soon!" Si Marky ang sumagot sa kanya na pareho naming ikinalingon ni Chan.

"Ah, so MU?" Nakikita ko sa mukha ni Jasper ang pagkadismaya. Parang ayaw niya yatang magkaboyfriend ako.

"Yeah," agad na sagot muli ni Marky. Hahampasin ko na sana siya ng pigilan ako ni Chan. Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas. Ipinakita sa lahat na naroon. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.

'Anong drama na naman 'to?' ani ko na dinaan ko lang sa tingin.

'Sumakay ka na lang.' He mouthed. Pinalaki pa niya ang mga mata niya as if telling me to don't ask anything and just go with the flow.

Iyon ang piping pag-uusap namin ni Chan. Sa mata lang kami nag-usap at tila totoo ngang mag-MU kami dahil kahit sa tingin lang nagkakaintindihan na. Sa muling pag tingin ni Chan kay Jasper ay eksaktong nagsalubong ang mga tingin namin ni Hec.

I am shock when our gazes met. Matiim ang pagkakatingin niya sa akin. Dumagundong ng napakalakas ang dibdib ko. I can see his emotion. Nanunumbat at tila hinahanap ang katotohanan sa aking mga mata. Kung tama ba ang mga narinig niya sa amin. Biglang naputol ang titigan namin at pumalit ang mukha ni Chan.

"Gus, hey!" Napakurap ako at pilit siyang nginitian. What I feel is like someone is twisting my heart inside my body. Masakit at mahapdi. He didn't even apologize kahit man lang ipakita niyang nagsisisi siya.

"Hey," ani Chan na hinaplos ang pisngi ko. Natauhan ako nang maramdaman ko ang malamig na kamay niya na banayad na pinisil ang cheekbone ko. "You seemed distracted. What is it?" I can sense his concern in his voice.

"Wala naman," ani ko. I can't tell him na nagkatitigan kami ni Hec at bigla na naman akong nawala sa kasalukuyan. Magagalit siya sa akin.

Napatingin kami sa unahan nang dumating si coach. Nakikita kong nagsasalita siya subalit hindi ko marinig ang mga lumalabas sa bibig niya. Ang dagundong ng puso ko lang ang naririnig ko. Lumalakas na naman ang tibok niyon knowing that the person who is the reason why it is beating fast is just a few meters away from me.

"Let us all welcome our new members in our team." Isa-isang tinawag ni coach ang mga bagong miyembro. Dalawang transferee at limang freshman ang bagong member ng basketball team. Isa na doon si Chan.

Pagkatapos ipakilala isa-isa ay muling umupo ang mga bagong myembro ng team. "Malapit na ang Intramural Meet kaya kailangang araw-araw na tayong mag-ensayo. Pagkatapos ng klase n'yo, inaasahan kong narito na kayo sa court. Maliwanag?"

"Yes, coach!" Sabay-sabay na sagot ng mga naroon maliban sa akin.

"What are you doing here, Marquez?"

"Ho?" Kanina pa ako nakaupo rito pero ngayon lang niya ako napansin. Si coach talaga!

"She is with me, coach," wika ni Chan.

"Is she your girlfriend?" Magkasama lang girlfriend agad? Tsk!

"MU raw, coach. Malapit nang maging girlfriend." Epal din 'tong si Francis. Sumasagot kahit hindi siya ang tinatanong.

"MU? Ano 'yon?"

'Seriously?' Hindi 'yon alam ni coach?!

"Mutual Understatement, coach!"

"Gago!" Humagalpak kami ng tawa nang sabihin iyon ng isang myembro. Maging si coach ay nahawa na rin sa mga players niya.

"Hinayupak ka, Aguilar!"

"Mutual Understanding, hayop na 'to!" Binatokan pa ng katabi niya ang Aguilar na tinawag ni Francis.

"Eh sa hindi ko alam!" Tatawa-tawa namang turan ni Aguilar.

"Ang dami mong chicks pero hindi mo alam ang MU!"

"Lumipat na yata sa baba ang utak, bro! Hahaha!"

"Uy! That's enough. May babae rito. Manahimik ka, Sebastian!" saway ni coach sa lalaking nakatayo.

Nagtukusuhan pa sila. Hindi ko mapigilan ang tumawa. Nakakaaliw silang pakinggan at pagmasdan. Gustong kong tingnan ang baby ko. Nais kong makita ang mukha niya kapag tumatawa. Ngunit pinigilan ko na lamang ang aking sarili.

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik sila sa pagiging seryoso ng muling magsalita si coach. Nag-usap pa sila saglit at pagkatapos ay tinapos na ang pagpupulong. Ngunit pinasunod sina Chan dahil may sasabihin pa daw si coach sa mga bagong members.

"Sa labas na lang kami maghihintay ni Gus, Nick!" ani Marky kay Chan.

"Okay." Tumango lang siya sa amin at sumunod na sa mga kasama.

Naglakad kami ni Marky papunta sa labas ng court malapit sa parking lot.

"May hindi ka sinasabi sa akin," pagkaraan ay sabi niya sa akin.

"Huh? Ano naman?"

"Hindi ka na nagsusumbong sa akin.Dahil ba nand'yan na si Chan?"

"Ano naman ang isusumbong ko sa'yo?" Kinakabahan ako. Alam na ba niya ang nangyari kanina sa library?

"Kung hindi pa sinabi ni Reden sa akin kanina hindi ko pa malalaman."

"Sorry. Ayaw ko kasing magalit ka sa kanya. May rason naman kasi siyang kung bakit niya ako itinulak."

"But that was not a valid reason, Gus. Don't worry, I punched him already."

"You what?!"

"I punched him! Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa'yo. Mabuti na lang at naroon si Chan at tinulungan ka."

"Why did you do that? Iyan ang rason kung bakit hindi ko sinabi sa'yo. Kung bakit ayaw kong malaman mo."

"What? Hahayaan mo na lang siyang ganyanin ka?"

"Hindi naman sa gan'on," ani kong nasapo ang noo ko.

"Isang beses pa, Gus. Isusumbong ko na siya kay Tito. Sinasaktan ka na niya physically."

"Isang beses lang naman nangyari 'yon, Marky. Hindi na mauulit."

"Sigurado ka?"

"Oo." Napailing na lang siya sa tinuran ko. Animo ay sumusuko sa pag-uusap namin. Hindi ko napansin na nakita pala kami ni Reden. Nakita kaya ng iba? Baka malaman ng karamihan, nakakahiya.

"Kung alam mo na pala bakit mo kami niyaya ni Chan na maupo malapit sa kanya kanina?"

"Because he promised me one thing."

"Ano 'yon?" Umaasa ako. Pero hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko.

"Saka na." Gusto ko siyang pilitin subalit I know him that much. Alam kong hindi niya sasabihin sa akin.

Paglabas namin ay wala nang tao. Madilim na rin kaya wala nang mga estudyante. Tumunog ang cellphone ni Marky kaya agad niya iyong kinuha.

"Donna," bungad nito. Napabaling ako sa kanya nang marinig kung sino ang kausap niya. "Shit! I'm sorry nakalimutan ko. Ngayon pa lang kasi natapos ang meeting namin." Nakasapo siya sa kanyang noo animo'y napakalaki ng problema.

"Okay, okay. I'll be right there. No, pupunta na ako d'yan." Pinatay nito ang tawag at tumingin sa akin. Hindi magawang magsalita at nangungusap na tumingin lang sa akin.

"Sige na," wika ko. "I'll be okay. I'll wait for Chan. You need to go." Pinagtulakan ko siya dahil tila wala siyang balak na iwan akong mag-isa. Nag-alinlangan marahil na sabihin sa akin ang rason. Maliwanag naman dahil sa mga ilaw na nakakalat sa labas ng court.

"Are you sure?" aniya pa.

"Oo," nakangiting sabi ko.

"Sigurado ka?"

"Oo sabi. I'll be fine. Sige na umalis ka na!"

"Thank you, Gus. Sorry." Niyakap niya ako ng mahigpit na ikinatawa ko.

"Bye," ani ko.

"Bye. Pumasok ka na muna. Mag-iingat ka."

"Oo. Ikaw din!"

Matagal nang wala si Marky ngunit hindi pa rin ako pumasok sa loob ng court. Masaya ako dahil may pagkakaunawaan na ang dalawa kong kaibigan. Nagkikita at nagde-date na sila. I am happy for both of them. Tatalikod na sana ako ng may maaninag akong anino sa gilid ng mga halaman.

Kinilabutan ako dahil marami nang pumapasok sa isip ko. Multo? Aswang? Engkanto?

'Shit!'

Singbilis ng kidlat akong tumalikod at tatakbo na sana papasok ng may humila sa kamay ko.

"Gus."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Binitawan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

Ang kaninang malakas na tambol ng dibdib ko ay mas lalo pang lumakas dahil sa taong kaharap ko ngayon. Ang takot ay napalitan ng kaba. Kabang alam kong hindi ko ikakapahamak.

Hindi nga ba? Sinaktan pa lang niya ako kanina. Kahit pa sinabi ko kay Marky na hindi na mauulit iyon ay hindi pa rin ako sigurado. Nakakagulat ang makita siyang nakatayo ngayon sa harap ko. Nakatingin lang sa akin na parang hindi alam ang sasabihin.

May nakikita ako sa mukha niya ngunit ayaw kong tanggapin iyon dahil baka umasa lang ako sa wala. But I could clearly see that he is shy. And why is that, baby?

"A-ah, Gus," aniya sa mahinang boses. Hindi ako sumagot. Nanatili lamang ang mga mata ko sa kanya, sa mukha niya.

"I-I just want to say something." Nakikita kong nahihirapan siya. Maging ako ay ganoon din. Hindi pa rin tumitigil sa pagtambol ng malakas ang dibdib ko. Hindi kaya..

"Gusto ko sanang humingi ng paumanhin. I am sorry for what I did earlier."

'Nabibingi na ba ako?'

'Tama ba ang narinig ko?'