webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 15

Chapter 15

Gus

"I was busy playing violin on Saturday when you called," ani Rochel. Nasa library kami at abala sa ginagawang assignment. Isang oras ang vacant namin kaya napagkasunduan namin na dito sa library gawin ang takdang-aralin para bukas.

"When she called us," wika ni Vaneza.

Bago ako matulog noong Sabado ay tinawagan ko muna sila. Conference call ang ginawa ko para isang chikahan lang.

"What happened ba?" Tiningnan ko si Rochel.

"You heard what happened. Wala na akong balak ulitin ang mga sinabi ko, Chel."

"Ang suplada mo naman. Mainit yata ang ulo mo ngayon," sagot niya.

"Paano, hindi niya nakita maghapon ang baby loves niya," ani Donna.

"Kaya naman pala," sabi naman ni Vaneza na nakatingin na sa akin.

"Kahit nakita ko siya kanina wala na talaga akong balak ulitin pa iyong sinabi ko noong Sabado." Nagbubulongan kami. Bawal kasing lakasan ang boses dahil siguradong pagagalitan kami.

Malawak ang library ng school namin pero dahil sa sobrang tahimik ay maririnig pa rin kami kahit nasa dulong bahagi pa kami. Kaya hina-hina ng boses rin 'pag may time.

"Speaking of your baby loves," ani Donna na nakatingin sa may bandang kaliwa namin.

Pagkakita ko sa tinitingnan niya ay biglang lumakas ang dagundong ng dibdib ko. Para akong matatae na ewan. Tila maraming paro-paro ang nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

Napakagwapo niyang tingnan kahit na nakakunot ang noo niya. Nagbabanggaan ang malalago niyang mga kilay. His lips is pouting na para bang naghihingi ng halik. How is that possible? Na kahit abala sa binabasa ay ang gwapo-gwapo pa rin. Nakatayo pa sa harap ng book shelves.

"Lumipad na si Darna!"

"Tange! Ang isip lang ni Darna ang lumipad."

"Mga gaga! Nag ala darna na ang isip nitong si Gus. Kitam, halatang patay na patay sa baby loves niya."

"Ngayon lang kasi niya nakita kaya ayan sinusulit ang pagkakataon. Baka kasi hindi na naman niya masilayan mamaya. Hehehe!"

"Quite!!!"

"Ay kabayo!!!"

Natahimik ang mga kaibigan ko ng sigawan sila ng librarian na lumapit na pala sa mesa namin.

"Kayo ha, natatandaan ko kayo. Ang iingay n'yo 'pag narito kayo sa library. Kung mag-uusap lang kayo mas mabuti pang lumabas na kayo. Doon sa labas kayo mag-usap! Huwag dito!"

'Lagot! Galit na ang librarian.'

Kung bakit naman kasi ang iingay ng mga kasama ko.

"Pasensya na po, ma'am. Hindi na po mauulit," sabi ko.

"Talagang hindi na! Last warning, papalabasin ko na kayo!"

"Opo, ma'am. Sorry ho," nakatungo kaming lahat. Nakakahiya sa mga naroroon. Siguradong lahat sila ay nakatingin sa amin. Pati na rin siguro ang baby ko.

Pagkaalis ng librarian ay nasapo ko ang aking noo nang bumungisngis ang tatlo ng walang tunog. Na para bang walang pakialam kahit na pinagalitan na kami. Panay kibot pa ang mga bibig. Nag-uusap na sila-sila lang ang nagkakaintindihan.

"Manahimik kayo," namamaos na bulong ko. Sumenyas lang ang mga itong e zi-zipper na ang mga bibig nila. Nagpatuloy na sila sa pagsagot ngunit hindi ako. Hinanap ng mga mata ko ang baby ko ngunit hindi ko siya makita.

Where the hell is he? I could not find him. Tumayo ako at hindi pinansin ang mga nagtatanong na tingin ng mga kaibigan ko.

Pumunta ako sa shelves kung saan ko huling nakita ang baby ko. Ano ang binabasa niya kanina? I scanned the shelves and found the cooking books. Magaling siyang magluto? Nagluluto ba siya? Mahilig ba siyang magluto?

Mga tanong sa isip ko na walang ibang makakasagot kung hindi ang lalaking hinahanap ko. Nagpatuloy ako sa mabagal na paglalakad. Takot na baka makagawa ng ingay ang takong ng sapatos ko.

When I reached my favorite place, my favorite shelve kung saan nakalagay ang mga librong palagi kong pinanabikang mabasa, I felt my heart shook of anticipation as my eyes darted at the back of a person.

Kilalang kilala ko ang likod ng lalaking nakatayo sa harap ng mga librong palagi kong binabasa. Nagpalinga-linga ako. Checking if somebody is looking or following me. Tiningnan ko kung may mga estudyanteng malapit si kinaroroonan namin. Ngunit wala. Iilan lang ang nakatayo at naghahanap ng mga libro. Sa bandang ito ay kami lang ng baby ko.

Naglakad ako ng walang ingay palapit sa kanya. Iniiwasan kong maagaw ang atensyon niya. Nang malapit na ako ay para akong sabik na nilalang na inamoy ang likod niya. Para akong leon na kapag naamoy kung pagkain ay handa akong lapain siya.

Damn his scent! Nakaka-inlove. Pumikit pa ako at ninanamnam ang hatid ng pabango niya. Sana malaman ko kung ano ang pabango niya. Bibilhin ko talaga at iyon ang gagamitin ko. Nang sa gayon ay iisipin kong  araw-araw ko siyang kasama.

Baliw ka, Gus!

Yeah, right! Matagal na. At sa kanya lang ako ganito kabaliw. Nagmulat ako ng mga mata at halos mapatalon ako sa gulat nang nakatutok na sa akin ang mga mata niya.

Jusko! Nakakahiya!

Nakatingin lang siya sa akin. Nagtatanong na mga tingin.

"Hi, babe!" bulong ko. I stepped closer to him. Upang hindi marinig ng iba lalo na ng librarian namin na nilagyan yata ng antenna ang dalawang tenga.

"What is it this time?" Supladong sabi niya.

"I haven't see you this morning. Saan ka galing?"

"Wala kang pakialam." Hindi ko pinahalata na nanlumo ako.

"Tss. Sinusupladohan mo na naman ako, baby eh."

"Leave me alone." Tumalikod siya sa akin. Lumipat ako sa harap niya at muling tiningnan ang kanyang mukha.

"I thought we are okay. Ang nangyari sa pool niyo, akala ko okay na tayo?" Hopes can be heard in me.

"What do you mean by okay?" natigilan ako. Paanong okay nga ba? Okay as friends? Okay as what?

"Okay.. as in okay." Okay na hinahabol ko siya? Ganoon ba? We are not even friends. At ayoko na hanggang kaibigan lang niya ako. Ayokong sundin ang sinabi ni Chan na kaibiganin ko muna siya. Gusto ko girlfriend agad.

"Gusto kitang ligawan," iyon ang namutawi sa bibig ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"Hell, no!"

"Bakit?"

"Ikaw ang manliligaw sa akin?"

"Alangan naman ikaw, eh hindi mo nga ako gusto di ba? Kaya ako na lang ang manliligaw." I told him smiling.

"Don't stoop down your level, Gus." He said my name. And it's like a melody in my ears. Kay sarap pakinggan kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Madalang pa sa eclipse kung banggitin niya ang aking pangalan. Parang once in a blue moon, ika nga nila.

"I don't care. Kahit kailangan ko pang sumisid makuha lang kita, I don't really care."

"Hibang ka na."

"Hibang na hibang sa'yo, baby ko."

He stiffened. Is it because of what I have said? I naughtily smiled and stepped closer to him again.

"You are blushing, baby ko." namamaos na bulong ko.

"I did not. Sinungaling ka!"

"Sshhh.. Don't shout. Pagagalitan tayo nito, eh."

"Stay away from me! I said leave me alone!" He pushed me, hard. Kaya napaupo ako sa sahig.

Ouch!

Masakit ang puwet ko pero hindi iyon ang ininda ko. Ang puso ko. Masakit na masakit. He just pushed me. I look at him. And I can see nothing. Walang pagsisisi sa itsura niya. He turned away and leave me sitting on the floor. Ni hindi man lang niya ako tinulungang tumayo. Ni hindi man lang nag-sorry sa akin.

Wala ngang pagsisisi, ang mag-sorry pa kaya? I moved back at sumandal ako sa shelve na nasa likod ko. My heart is bleeding again. I need to stay calm or else my tears will pour down hastily. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong may makakita sa akin na umiiyak sa isang sulok. Pag-uusapan ako hindi lang sa loob ng library kundi maging sa buong school.

The famous, Gus, was crying in the corner of the library. Diyahe naman!

I stand up, look up and search for a book that I currently reading. When I found it, I got it and turn the pages. Pumunta ako sa parte kung saan ako huling nagbasa.

"One of the celebrities noted that the best way to keep your relationship in spark is reminiscing the past. Think about how you have met. Always remember the days you have dated and how you fall in love with each other... " Hindi ko na mabasa ang kasunod pa. Napuno na ng luha ang aking mga mata. Namalayan ko na lang na nababasa na ang librong binabasa ko. I wiped my tears in the book through my hand. Nang hindi pa rin matanggal ay ang uniporme ko na ang ipinampunas ko.

"Hey," I heard someone called me. I knew who it was. Before I knew it, nakayakap na ako sa kanya. Impit na umiiyak. Gusto kong magsumbong ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Baka mapalakas ang boses ko malalagot na naman ako at madadamay pa si Chan.

"I saw what happened," aniyang hinahagod ang likod ko. Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa pag-iyak na nakayakap sa kanya. Hindi ako gumagawa ng ingay.

Matagal kami sa ganoong posisyon. Magkayakap, ako na umiiyak at siya na hinahagod ang aking likod.

"This is so awkward," ani kong tumahan na. Nakita kong nabasa ko ang uniporme niya.

"Sorry, nabasa ka tuloy."

"It's okay. Mapapalitan naman ang damit ko.  At least nailabas mo ang sakit d'yan sa dibdib mo." Napatitig ako sa kanya. Chan is such a nice friend. Such a nice and good person.

"Sana ikaw na lang ang minahal ko," I told him that without even thinking first. Nasabi ko agad ang nilalaman ng isip ko habang nakatingin sa kanya.

"Hehe. Sana nga. Pero hindi natuturuan ang puso, Gus. Kusa mo iyong maramdaman kung talagang magmamahal ka."

"We are so cheesy. Ang awkward ng topic natin." Nakatawa kong sabi sa kanya.

"At least nakatawa ka na. Masakit pa ba ang puwet mo?"

"Hindi na." Sinabayan ko ng iling. "Thank you for coming. Kung hindi ka dumating baka nagmukha akong kawawa rito hanggang ngayon."

"That is what are friends are for. Right?"

"Hehe. Right!"

"Okay, ayusin natin ang mukha mo. Halatang galing ka sa pag-iyak. Baka isipin nila na ako ang nagpa-iyak sa'yo kahit na hindi naman," aniyang nakangisi. Nakikisimpatya siya sa nararamdaman ko.

Pinahid niya ang basang mukha ko. Pinatuyo pagkatapos ay inayos ang buhok ko.

"Ayan, maganda ka na ulit," aniyang nakasapo pa rin sa magkabilang pisngi ko ang dalawang kamay niya. "Hindi bagay sa'yo ang pag-iyak. Pumapangit ka, girl."

"Hehe. Loko. Sino bang maganda kapag umiiyak?"

"Si Kate Winslet," aniya.

"Natural! Hollywood actress kaya 'yon," wika kong tinampal ang baso niya.

"Pero kasing ganda ka niya kapag hindi ka umiiyak," seryoso niyang hayag.

"Bolero ka!" Muli ko siyang tinampal.

"Hahaha! Nagpapabola ka naman!"

"Quite!!!"

Sabay kaming napalingon nang marinig ang pagsaway ng librarian na nasa likod na pala ni Chan.

"What happened to you?" Imbes na pagalitan kami ay iyon ang tanong niya sa akin. She is concerned. Mabait naman pala ang magandang librarian namin.

"Nadapa lang po siya, Miss," wika ni Chan.

"Ganoon ba? Mag-iingat ka sa susunod. Nabalian ka ba? Nasugatan ka ba?" anitong tiningnan ang kabuuan ko.

"Ah, hindi po, ma'am. Wala po."

"Mabuti. Huwag kayong maingay naririnig kayo ng lahat. Nakakaistorbo kayo sa kanila," anito.

"Sorry po, Miss."

"Sige. Check on her. Baka kailangan siyang dalhin sa clinic."

"Okay po." Iyon lang at iniwan na kami ni Chan. Tumawa kami ng walang ingay. Napakamot pa ang kaibigan ko sa batok niya. Lalo siyang gumwapo sa itsura niyang iyon.

Swerte talaga ang magugustuhan niya. Sayang at taken na ako, taken na ang puso ko. Malas at umiibig sa walang pusong lalaki.

Author's Note:

Thanks again for reading. Birthday ng anak ko kahapon kaya hindi ko natapos ang chapter na 'to.

Pls follow me. ☺️❤️