webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 14

Chapter 14

Hector

'Damn!'

Sinundan ko ng tingin ang paglabas ni Gus sa pinto. Tiningnan ko ng masama si Yaya dahil sa matabil nitong dila. Kung bakit ba naman kasi hindi ko muna siya kinausap. Hindi ako umakyat sa kwarto. Pumunta lang ako sa patio upang magpakalma. Nakita kong pumasok si Gus at kinusap si Yaya.

Nang malaman kung hinahanap niya ako ay biglang napawi ang galit ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit galit na galit ako. Ang landi-landi niya! Una si Chan sunod si Marky tapos si Chan ulit. Ano ba siya?!

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganyan siya kakeringking. Kahit mga kaibigan niya ang mga iyon ay mga lalaki pa rin ang mga iyon. Bakit siya sumasakay sa mga balikat ng mga ito? Nagpapahawak sa kamay, sa tuhod, pati na rin sa binti.

'Walanghiya talaga! Sana nakita siya ng mga magulang niya sa ganoong gawi!'

And I couldn't believe why am I acting this way? Nang makita kong magkasama si Gus at si Chan ay na bad trip na ako. Akala ko pwede kaming nah simula. Pwedeng maging magkaibigan pero sa nakikita ko ngayon mukhang malabo ng mangyari. So I called my cousin, Helena. Upang mawala ang atensyon ko kay Gus ay si Helena na lamang ang inasikaso ko. Ngunit ang taksil kong mga mata ay palagi na lamang nagnanakaw ng sulyap sa kanya.

Binabantayan ang bawat galaw niya. Ang paghawak kay Chan, ang pagngiti, ang paghalakahak na parang walang pakialam sa paligid.

'Nakakabwesit'

'Ang landi!'

Ang sarap niyang tirisin dahil sa kalandian. Naghubad ba naman sa harap ng dalawang kaibigan niya? Kung hindi ba naman ubod ng landi.

Tinatawag pang 'bebe' ang Chan na iyon?! Tapos tatawagin akong 'babe'?

'Lintik rin noh! Ang sarap nilang pagbuhuling tatlo!'

Galit na galit ako. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Tapos itinulak pa ako para lang makada an siya. Huh! Para ano? Para makipaglandi na naman doon sa mga lalaki niya!

'Haliparot!'

Gus

"Did he hurt you?" Salubong na tanong ni Chan sa akin. Pilit akong ngumiti at umiling sa kanya ganoon din kay Marky. Kahit magtanong si Marky ay alam kong nag-alala din siya sa akin.

"Did he?" ulit niya na hindi naniniwala. Nakita kong nagtatakang nakatingin lang sa amin si Helena kaya naman pinilit ko ang sarili na maging kaswal. Hindi naman ito ang una pero bakit mas masakit ngayon? Bakit tila gusto kong maglupasay ng iyak ngayon?

"Dali na maglaro na tayo. Subukan naman natin iyong tulak-tulakan. Kung sino ang unang maghulog, siya ang talo," wika ni Helena na excited pang tumingin sa amin. Walang ideya sa pinagdadaanan ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"I'm fine. Sanay na ako." Iyon lang ang hinintay nina Marky at Chan. Nginitian ko rin sila upang hindi na mag-alala. Nag-uunahan silang makatalon sa pool. Dahil ako ang huli ay nahuli rin ako sa pagtalon.

Handa na sana kaming simula ang laro ng biglang magpaalam si Chan.

"Wait! Mag-CR lang ako."

"Ano?!"

"Wrong timing naman 'yan, bro," wika ni Marky.

"Sandali lang 'to." Nagmamadali na siyang umahon sa pool at tinalunton ang daan papasok ng bahay. Malapit na ito sa pinto ng biglang lumabas si Hector. Nakita kong masama ang tingin nito kay Chan. Habang ang huli naman ay walang pakialam na pumasok na.

"Hec! Come here!" kinawayan ito ni Helena.

Tumalon ito sa pool at lumapit nga sa amin.

"Join us," ani Helena.

'Ano raw?'

"No!" supladong tanggi naman niya.

"Sige na, bro! Huwag kang KJ kanina ka pa nagmumokmok."

"Please, Hec? Madali lang naman." Ang arte talaga ng babaeng ito. Maarte ring ipinaliwanag kay Hector ang mechanics ng laro.

'Wow mechanics? Seryosohan, girl?'

"Game, bro! Usungon mo na si Gus!"

"Ha?! Ako?!" Nagulat ako ng marinig mula kay Marky na si Hector raw ang uusong sa akin.

'Seriously?'

"Gus, sige na. Huwag kang Maarte," ani Helena.

'Huh! My God! Ako pa talaga ang maarte? Bwesit na 'to!'

"Gus, sige na. Kay Jeff ka na lang sumakay," ani Marky.

'Sakay talaga?'

My baby walked closer to me. Deretso ang tingin sa akin. Tumalikod at lumubog sa tubig. Tinanguan ako ni Marky. Kung bakit ba naman kasi kuntodo kabog ang dibdib ko. Well, excitement fill in deep within me.

'Grab the opportunity, Gus!'

Kaya bago pa maubusan ng hininga ang baby ko ay sumakay na ako. My skin automatically touched his. Damn! I can feel a tingling sensation deep down my body.

'Jesus, Gus! Focus please. Ang laswa mo na talaga!'

Kaya naman isinantabi ko muna ang malalaswang pakiramdam sa isip ko. Sinisikap kong ituon iyon sa nakatawang mukha ni Helena. Nang tumayo siya ay napahawak ako sa ulo niya.

'My first.. time touching his hair, his head.'

Bakit ganito ang pakiramdam? Ang sarap hawakan ng ulo niya, lalong lalo na ang buhok niya. Ibang-iba kung ang buhok nina Marky at Chan ang hawakan ko.

I could feel his body tensed as well as mine. Lalo na nang kinuha niya ang mga kamay ko at itaas ang mga iyon. Which is not necessary, really. Libo-libong boltahe ang naramdaman ko nang magkahawak ang mga kamay namin.

When Helena forward her arms to touch mine, binawi ko ang mga kamay ko mula sa hawak niya. And his hands automatically touched my legs.

'Oh my God!'

Libo-libong kiliti ang nadama niya lalo na nang higpitan nito iyon. Bakit ba ganito ang iniisip ko? Binibigyan ko ng malisya ang bawat dantay ng kamay niya sa balat ko.

Namalayan ko na lang nang hawakan na ni Helena ang mga kamay ko at itinutulak ako. I gripped her arms and pushed her. Natumba silang dalawa ni Marky. Wala sa sariling natawa ako at maging ang baby ko. Ngunit hindi siya nag-angat ng tingin sa akin.

Muling nakatayo sina Helena at Marky. At muli ay nagtutulakan na naman kaming dalawa ni Helena. Nararamdaman ko na mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Hec sa itaas ng tuhod ko. Ang mas lalong nagpatigil sa akin ay nang umakyat ng bahagya ang isang kamay nito patungo sa hita ko.

Dahil iyon ang napansin ko ay hindi ko inaasahang matutulak ako ni Helena. Nahulog ako sa tubig maging si Hec ay natumba rin pala. Nabitawan niya ako. Agad akong umahon at hinanap siya. But then I found him standing right in front of me. Looking at me.

"Are you okay?" He asked me.

'OMG! Is this real?'

"Hey, okay ka lang ba?" ulit nito.

"Ahm, yeah. Okay lang. Ikaw?" Mabuti at nakabawi ako agad.

"Good."

"Guys, sige na!" Marky called us kaya naman agad na tumalikod si Hec at muling lumubog sa tubig. Agad naman akong sumampa sa likod niya. Without realizing that one of my most private part just touched his nape!

'Ginoo ko!'

Napaatras ako pero malapit naman akong mahulog nang ginawa ko iyon. Hinawakan ng mga kamay niya ang beywang ko upang mapigilan ako sa pagkahulog. Kiliti after kiliti ang naramdaman ko. He is so thoughtful. Sana naman dahil hulog na hulog na rin ako kanya, saluhin rin naman sana niya ako. Hindi 'yong lalampasan lang ako at hindi papansinin ang paglagapak ko sa ibaba.

Nanatili lang siyang nakahawak sa beywang ko kahit na nagpapambuno at nagtutulakan kami ni Helena. She is laughing loud at ganoon rin ako. Ayoko nang mahulog. Baka mangyari na naman ang pagdampi ng hindi dapat madampi.

"Ahhh! Hahaha!"

"Oh my God! Hahaha!"

Salitan naming sigaw ni Helena. I don't like her at first pero sa larong ito ay tila nagugustohan ko na siya. Tawa nang tawa si Helena kaya naman sinamantala kong itulak siya.

Hulog na naman! Sa pagkakataong iyon ay tiningnan na ako ng baby ko. Smiling at me while holding my waist.

"Good job!" ani niya.

"Good job too!" sabi ko na abot hanggang mata ang ngiti.

"Kids! Tama na 'yan." Sabay kaming napalingon ng tawagin kami ni Tita Gwyneth. Malaki ang ngiti at nagniningning ang mga mata ni Tita habang nakatingin sa amin.

"Umahon na kayo at uuwi na raw kayo, Gus, Marky!"

"Okay po, Tita," sagot ni Marky. "Let's go, Gus!" Baling niya sa akin na nakasakay pa rin kay Hec.

"Put me down," I said. Naglakad pa siya papunta sa ilalim na ipinagtaka ko. Pero hinayaan ko lang siya. Ninanamnam ang pakiramdam habang nakasakay sa mga balikat nito. Ngunit hindi nagtagal ay dahan-dahan siyang lumubog kasama na ako.

Ayaw ko pa sanang bumaba ngunit baka magalit na siya. Mabagal kong tinanggal ang mga binti ko sa mga balikat niya. Nang makaahon ay hinintay ko pa siyang umahon din.

"Gus! Let's go." I saw Mom calling me. Paatras akong lumangoy habang nakatingin pa rin sa hindi pa umaahon na si Hec. I could see him only sitting at nakatalikod sa akin. Nakalubog lang siya sa tubig.

Nang sa wakas ay gumalaw siya at lumangoy paahon. Nginitian ko siya ng bahagya. But he seemed mad looking at me.

What is wrong with him again? Akala ko okay na kami bakit nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Be, come here." Wrong timing naman 'to si Chan. Kung kailan nagkakamoment kami ng baby ko saka naman niya ako tatawagin.

"Okay," ani ko na hindi ko inaalis ang tingin kay Hec. Hanggang sa maramdaman ko na ang hagdan sa paa ko. I need turn to baka mapatid ako. And so I did. Labag man sa loob ko ay tinalikuran ko ang baby ko.

Pero hindi nagtagal ay nasa tabi ko na siya at naglalakad.

'Talk to me, baby,' pipi kong hiling.

Nakarating ako kay Chan at kinuha ang mga damit na hinubad ko. Nauna nang maglakad ang baby ko papasok sa bahay nila.

"Anong nangyari doon?" Chan asked behind me.

"Wrong timing ka kasi. Kung kailan nagkatitigan na kami saka ka naman sisingit."

"Hahaha! Ganoon ba? Sorry ha, hindi ko kasi siya nakita. Akala ko ikaw lang mag-isa sa pool." Nakatawa pa ring ani nito. Nakabihis na ako at agad humarap kay Chan na nakatalikod pala sa akin.

"Oo. Next time pag mga ganyan, tingin-tingin din, bro. Okay?"

"Okay, bro. Hehehe! Sayang pala naudlot iyong moment ng pangarap mo," tudyo niya pa rin sa akin.

"Tse!" Mataray kong sabi.

Papunta na sana kami sa garahe nang mamataan ko si Hec sa gilid ng dining area.

"Mauna ka na," wika ko kay Chan.

"Bakit?" Inginuso ko ang baby ko.

"Ah, okay!" Malapad ang ngiting tango niya sa akin. Nang makalabas si Chan sa dining area ay dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng baby ko.

"Hi," bati ko.

Lumingon siya sa akin na may hawak-hawak na camera. Hindi siya nagsalita at basta lang nakatingin sa akin.

"Magpapaalam lang sana ako." Nakangiti ako sa kanya. Hindi pa rin siya nagsasalita.

"Okay, hehe! I have to go. We need to go." This is so awkward. Nasaan na ang malanding si Gus? Para akong na intimidate sa presensya niya.

"Okay. Bye." wika ko pa rin. Para na akong tanga.

"Bye, babe." I turn around and leave. Thinking what kind of person he is. Bipolar ba s'ya? Change of mood siya palagi.

'Hay naku, baby!'

A/N: Please do follow me and vote. Maraming salamat 😘❤️☺️