webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

Chapter 13

Chapter 13

Gus

Lumangoy ako papunta sa ilalim. Mahilig akong magtampisaw sa tubig kaya kahit nagseselos ako ay unti-unting nawawala iyon. Lumangoy ako papunta sa gawi nila Marky at Chan. Pag-ahon ko ay abala sila sa pag-uusap. Nagtatawanan na para bang matagal na silang nag-uusap.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" agaw pansin ko sa kanila.

"Nagkukwento lang si Marky tungkol sa'yo."

"Sinasabi ko sa kanya na mahilig tayong maligo sa dagat noon kaya para kang uling sa sobrang itim," nakatawang ani ni Marky.

"Grabe naman sa itim, noh?! Morena ang tawag doon." Ako pala ang pinag-uusapan nila.

"Ang Morena, Gus, kayumanggi hindi itim. Hahaha!"

"Okay lang naman. Ang importante nag-enjoy ka ng mga panahong iyon," ani Chan na nakatingin sa akin.

"Oo nga. Di bale nang maitim. Mabuti pa si Chan mabait sa akin. Ikaw, naku, makakaganti rin ako sa'yo," binibiro ko lang si Marky nang sabihin ko iyon.

"Besides maganda ka kahit maitim, morena o maputi ka," ani Chan.

"Nayyyy! Kafeeling ni Gus!" Napalakas ang tawa ko dahil sa sinabi ng dalawang lalaki. Nakakaaliw talaga kapag may kaibigan kang katulad nila.

"Usongin kita, Gus. Katulad ng dati."

"Sige! Sige!" Tuwing naliligo kami sa dagat o di kaya ay sa pool, palagi kaming naglalaro ni Marky. Inuusong niya ako at naglalakad siya papunta sa ilalim. Inihahagis niya ako sa tuwing hindi na siya nakakahinga sa ilalam.

Lumubog si Marky at sumakay naman ako sa balikat niya. Tawa ako nang tawa ng malapit na kaming matumba.

"Bakit ang bigat mo na? Tumaba ka ba, ha?" ani Marky na natatawa na rin.

"Hindi mo na namalayan kasi palaging si Donna na lang ang nakikita mo. Hehehe!"

"Nagtatampo ka ba?" biro nito.

"Hindi noh!"

Tawa lang ang iginanti niya sa akin. Naglakad na siya papunta sa ilalim at inihanda ko na ang sarili ko sa paghagis niya sa akin.

Konti na lang at lulubog na siya. Tawa naman ako nang tawa dahil sa bigat ko ay hindi niya nababalanse ang katawan niya. Nang nakalubog na ang ulo niya sa tubig ay walang sabi sabi niya akong inihagis. Tumatawa akong lumubog sa tubig at lumangoy papunta sa ibabaw.

Tawa pa rin ako nang tawa nang makaahon sa harap ni Chan. Noon ko lang napansin na masyado na pala akong malapit sa kanya. Umatras ako ng bahagya na natatawa pa rin. Lumapit si Marky sa amin.

"Grabe! Ang sakit ng balikat ko, Gus. Lamon ka kasi nang lamon!"

"Buti nga sa'yo," wika ko.

"Can I join you?" ani ng boses babae malapit sa amin. Si Helena pala 'yon.

"Sure," ani Marky. "Where is Jeff?"

"Papasok raw muna siya. May kukunin lang sa loob," ani naman nito. Sasali siya? Sasakay siya sa likod ni baby mamaya?

'Huhu! Nakakabwesit naman 'to!'

"Okay. Let's wait for him."

"Sa kanya na lang muna ako sasakay." Itinuro nito si Chan.

"Sige. Tara! Let's start again," mungkahi ni Marky. Lumapit siya sa akin at akmang lulubog na sa unahan ko nang..

"Gus, come here." Napalingon ako kay Chan nang tawagin niya ako. Maging sina Mary at Helena ay ganoon din.

"What?" Wala akong ideya kung ano ang kailangan ni Chan.

"Dito ka sa'kin."

'Huh?'

'Paano si Helena?'

"Helena, dito ka na lang sa akin," tawag ni Marky sa babae na nakatingin pa rin kay Chan.

Gusto ko sanang pingotin ang tenga nito. Obvious naman na sa kanya gustong umusong ni Helena nananawag pa. I came closer to him.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Gusto niyang umusong sa'yo."

"Ayoko sa kanya."

"Bakit nga?"

"Basta," iyon lang sagot nito. Ang weird din nito minsan. Pipikutin din ito, eh.

"Ano?" Napalingon kami kay Marky na usong na si Helena.

"Sige na. Tara!" Pumunta ako sa likod ni Chan at hinintay siyang lumubog. Nang makalubog ay agad akong sumakay sa balikat niya. Napasigaw pa ako nang bigla siyang tumayo. Tuloy ay napakapit ako sa ulo niya, nakasabunot sa buhok niya.

Tatawa tawa lang siya ni hindi alintana ang sakit ng pagkakasabunot ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinawakan pataas. Nasa ganoong tagpo kami nang sa pag-angat ng tingin ko ay magsalubong ang mga mata namin ni baby.

'Damn!' mura ko sa isip. Ang sama kasi niya makatingin sa akin.

"Oh, your dream is watching. Ituloy ang plano," wika ni Chan na nag-angat ng tingin at nginitian ako.

Oo nga pala, may plano nga pala kaming pagselosin ang baby ko. So what I did,

"Be, stand still!" I said laughing. Natural na tawa ang nagawa ko dahil malapit na kaming matumba. Ewan ko kung sinasadya ni Chan o hindi. Tuwid siyang naglakad papunta sa malalim. Nang lumubog ang ulo nito ay matagal bago ito kumilos. Inihanda na niya ang sarili kung sakali mang ihagis nito. Ngunit ang ipinagtaka ko ay kasama ako nang lumubog ito. Kusa na akong bumaba habang nasa ilalim kami ng tubig.

He is smiling at me while we are swimming to the shallow part of the pool. Kahit nasa ilalim kami ay gwapo pa rin siyang tingnan. No wonder at naging interesado si Helena sa kanya.

Sabay kaming umahon at lumangoy pa patungo sa hagdanan kung saan naroroon sina Marky at Helena.

"I am sure he saw us," aniya.

"You think so?" Oo nga pala, nakita kami ni baby na nakausong ako sa kanya.

"Pero nawala siya. Busy yata ang pangarap mo." Hindi ko na nagawang sumagot. I scanned the place but I couldn't find him. Marky and Helena are talking and I am too shy to approach them. Malalaman pa ng babae na hinahanap ko si Hector. Kahit na ba hindi ko alam ang relasyon nilang dalawa.

"Excuse me, punta muna ako sa bathroom," paalam ko sa kanila. Nakaupo na rin si Chan sa hagdan at nakikinig sa dalawa.

"Sure," aniya.

Nanlulumo akong naglakad papasok sa bahay. Hinanap ng mga mata ko ang baby ko ngunit nakarating na ako sa bathroom door ay hindi ko pa rin siya makita. Nang makita ko ang maid na naghatid sa akin noong pumunta ako rito, agad ko siyang nilapitan.

"Hi," bati ko. Naghuhugas siya ng pinggan.

"Uy! Hello po, ma'am," aniyang nahihiya pa. Mas matanda siya sa akin ngunit bakit ganoon siya umaasta. Magalang masyado si Ate.

"Ate, nakita n'yo po ba si Hector?" Mahina ang boses ng tanongin ko siya.

"Wala po ba sa pool?"

"Wala po, eh."

"Baka pumunta sa itaas. Sandali at titingnan ko."

"Naku, huwag na po, Ate. Okay lang," sabi ko ngunit hindi na siya nagpapigil pa.

"Okay lang. Walang problema kasi papunta na rin naman ako doon hinugasan ko lang ito."

Hindi na niya hinintay ang pagtanggi ko. Basta na lamang siyang umalis. Sasabihin ko sana na ako na lang ang pupunta sa itaas ngunit naunahan na niya ako.

"Masunurin talaga ang mga katulong ng baby ko. Tsk! Sayang. Akala ko pa naman masosolo ko ang baby ko sa itaas." Pumasok na ako sa bathroom. Kailangan ko ng magbawas kasi sumasakit na ang pantog ko. Nang makaraos ay agad akong nag-flush ng toilet bowl. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako.

Bahagya akong napasigaw nang sa paglabas ko ay eksaktong mukha ni Hector ang bumulaga sa akin. Nakatayo sa harap ng pinto at magkasalubong ang kilay. Agad akong nakabawi at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Hi, babe."

Nakatingin lang siya sa akin. Matagal. Ang ngiti ko ay napalitan ng pagkailang.

"Ugali mo ba 'yang tawagin ang kahit na sinong lalaki ng ganyan?" sabi niya pagkaraan ng ilang minuto.

"Ang alin?" Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"You know what I mean. You bring that guy in here without my permission." Galit siya?

"Nagpaalam naman kami kay Tita at Tito bago ko siya dalhin dito."

"At sa akin hindi ka nagpaalam!" Kailangan pa ba iyon? At saka bakit ba siya ganito?

"Sorry, hindi ko na nasabi sa'yo." But wait..

"Hmm.. Mukhang alam ko na ang ipinagpuputok ng butse mo." Pinalambing ko ang boses ko at tiningnan ko siya ng nakakaakit.

"Baby, are you jealous?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Naka two-piece lang ako at siya naman ay naka swimming trunks lang.

'Ang halay mo, Gustiniana!'

"You kept on saying that kahit hindi naman. Nakakarinding pakinggan," aniyang masama ang tingin sa akin.

"Ohh.. nakakarindi ba?" Gusto ko siyang hawakan subalit pinigilan ko ang sarili ko dahil wala siyang damit pang-itaas. Ang baby abs niyang nahantad sa paningin ko ay tila inaanyayahan akong haplosin ang mga iyon.

"Stop watching me!" asik niya.

"Well, you can watch me, baby." Mas lalo kong iniliyad ang malulusog kong dibdib. Hindi naman gaanong malusog, sakto lang.

"You're not my type! So please back off."

"You're telling me to back off pero ikaw naman ngayon ang lumalapit sa akin," sabi ko.

"Kasi hinahanap mo raw ako! And I came here also to tell you na pauwiin mo na ang kasama mo!" Ang sama ng ugali niya.

"Nagsasaya pa sina Mommy at Daddy."

"Hindi sila! Goddammit!"

"Oh my God. Are you that mad? You're shouting," ani ko. Hindi ako natatakot bagkus ay nasisiyahan pa akong biruin siya.

"Pauwiin mo ang kasama mong lalaki."

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na nagseselos ka?"

"Shut up, Gus!" Lumapit ako sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

"Masyado kang obvious, baby." I whispered. Bumaba ang mga mata ko sa abs niya. "Can I.. touch your abs?"

"No!" agad na sigaw niya sa pagmumukha ko.

"So hindi ko pauuwiin si Chan." Hinawakan ng dalawa kong kamay ang dibdib niya. Malakas ko siyang itinulak. "Padaan," sabi ko.

Tila siya nagulat sa paghawak ko sa dibdib niya. Tumaas ang kilay ko at sarkastiko siyang nginitian. Lalampasan ko na sana siya nang may maalala ako.

"By the way, sino si Helena?"

I could see him smirked. Na para bang sinasabi niyang 'at last, you asked me'.

"Who is she?" Muli kong tanong kasi palagay ko ay wala siyang balak sagutin.

"You're heart will bleed if I tell you."

'Oh...'

"Don't worry, it is already bleeding. Hinihintay ko lang na maghilom." I did not wait for his answer. Tatalikod na sana ako nang lumapit sa amin si Ate, ang maid nila.

"Sir, mabuti at nagkita na kayo. Hinahanap po kayo ni Ma'am kanina pa."

'What? Akala ko kaya siya lumapit sa akin kasi sinabihan siya ng katulong nila na hinahanap ko siya. Papaanong?'

Sinalubong ko ang mga mata niya at pilya siyang nginitian.

"Damn, baby! Masyado kang in denial." Tumalikod na ako at iniwan siya.

'You're heart will bleed if I tell you.' Muling umalingawngaw ang sinabing iyon ni Hec sa akin.

'My heart will bleed, huh! Hindi niya alam na matagal nang nagdurugo ang puso ko. Hinayupak na 'yon!'

Keep bleedin'

Keep Keep bledin' in love

I keep bledin'

Keep keep bleedin' in love, oh

'Namputsa naman! Wrong timing talaga.'

Paglabas ko ay iyon ang tugtog na narinig ko. Nang makita ko ang dalawa kong kaibigan ay halos malaglag ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

'Marky..'

'Chan..'

Author's Note:

I hope you like it. Salamat sa mga nag-comment at sa mga sumubaybay. Sana patuloy n'yong subaybayan ang kuwento nina Hector at Gus.

Please do follow me and vote. Maraming salamat!

Hugs and kisses! ☺️❤️