webnovel

Prologue

WARNING!

Hindi dinudungisan ang pangalan ng SIMBAHAN at hindi binabanggit sa akdang ito ang kalapastanganan at pagmamalupit sa ano mang kaganapan na nangyayari sa totoong buhay

FATHER LOUIE:

NANG dapuan ng malalang sakit ang mga tao sa bayan ng san christian agustin. Daan daan ang namatay dahil sa hindi matukoy na sakit,ayon sa mga doktor isa lamang ubo na nakahahawa ang dumapo sa mga tao.

Si father art pa noon ang kauna-unahang pari ang siyang nagmesa sa san christian church kung saan ako nakatira. Nabalitaan ko ang tungkol sa ginawa ng paring iyon noong may sakit na lumalaganap sa bayan.

"Father!sino ho itong nasa litrato?at ang mga madreng ito?nasaan na po sila?"

Tanong ng sakristan ko habang tinitignan ang lumang larawan na nakapatong sa mesa.

"Ang mga madre ay kasama sa mga namatay dahil sa sakit,ang babae namang iyan ay ang kaisa-isang anak ni don prado arnaldo!"

Sinagot ko ang mga tanong niya hanggang sa matapos ang aming pag-uusap.

Ang anak ni don prado arnaldo na si cecelia arnaldo ay biktima ng panggagahasa ng mga taong hindi pa nakikilala.

Labis ang galit ni don prado arnaldo sa sarili dahil hindi niya nabigyan ng hustisya ang kanyang anak na dalaga.

Isinumpa ni don prado arnaldo ang pamilya del gado. Pinagbintangan ni don prado arnaldo ang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na dalaga.

Nakita ng mga pulis ang isang pendant, ang pendant ay galing sa pamilya del gado. Nagtaka ang pamilya del gado dahil hindi nila alam kung bakit nakarating sa anak ni don prado arnaldo ang pendant.

"Ama!si kuya!kasintahan niya si cecelia arnaldo ang anak ni don prado!"

"Noel!may kinalaman kaba sa nangyari?"

"Ama!!!Wala po akong alam sa nangyari kay cecelia!maniwala ka!"

"Ako na ang bahala anak!"

Dahil sa yaman at lawak ng impluwensya ni don ven del gado pinapatay niya ang mga pulis na nag-iimbistiga sa kaso at pinatahimik niya rin ang mga taga lungsod na abugado.

Ang mga taong nakasaksi sa pangyayari ay hindi na nakita sa bayan ng san christian agustin.

Ang hustisya na gusto ni don prado arnaldo ay hindi niya nakuha kaya't inilagay ni don prado arnaldo ang batas sa kanyang mga kamay.

Sa malawak na maisan ng hacienda del gado pinasok ng mga tauhan ni don prado arnaldo ang teritoryo ni don ven del gado.

May sariling lakad noong mga gabing iyon si don prado, hindi alintana ang panganib dahil ang nasa isip ay paghihiganti.

Kinabukasan natagpuan ang bangkay ng apat na lalaki sa labas ng maisan ng mga del gado. Nakasabit sa bakod na gawa sa alambre ang mga leeg nito habang ang kanilang mga bituka ay nakasayad sa lupa.

"Si papa?nasaan?hindi siya umuuwi!"

Pinaghahanap ng mga arnaldo ang kanilang ama ngunit hindi na nila mahagilap ang katawan ni don prado arnaldo.

Ang dalawang pamilya na may alitan sa isa't isa ay patuloy sa sakitan at gantihan.

Makalipas ang anim na taon ang bayan ay nabalot pa ng mga kababalaghan,marami ang nagbago at dumami ang krimin sa bayan.

Sa gitna ng gubat ng san christian agustin mayroong isang lumang kumbento ng mga madre ang nakatayo. Matagal na silang nagsisilbi sa bayan at isa sila sa mga ginagalang ng mga tao.

Napapagitnaan ng dalawang hacienda ang malaking simbahan ng bayan,dito ako namalagi sa loob ng ilang dekada.

Marami na akong nasaksikhan na krimin at alam ko kung ano ang mga nagaganap sa bayan.

Magmula noon hanggang ngayon tanging paghihiganti ang nais ng mga arnaldo, nais nilang ipaghiganti ang kanilang ama at kapatid na si cecelia arnaldo.

"Madam! sino po ang nasa painting?"

"Siya ang panganay na anak ni don prado arnaldo!si donya cecelia arnaldo!"

Ang mga tao sa bayan ay takot lumabas ng gabi at walang naglakad sa labas dahil sa kinakatakutang mga boses.

Ang bayan ay napapaligiran ng matataas na puno at malawak na hacienda na pag-aari ng dalawang pamilya.

Ayon sa mga haka-haka mayroon daw nagpapakitang babae sa hacienda ng mga del gado, lagi raw ito naroroon at nag-aabang sa mga taong dumadaan at humihingi ng katarungan.

Nakalutang sa damuhan ang ang mga paa ng babae at nakasuot ito ng uniporme,dahil nang gahasain si cecelia arnaldo ay nakasuot pa ito ng pang estudyanteng kasuotan.

Nagpapakita ang kaluluwa ng dalaga sa mga taong dumadaan sa hacienda del gado. Hinahanap ang mga taong pumatay sa kanya,nais niyang maghiganti.

"Father louie!!father louie!!father!"

Sunud-sunod na pagkatok ang ginagawa nito sa pintuan ng simbahan,sinasara ko ang simbahan tuwing gabi dahil may mga bandidong dumadaan sa harapan ng simbahan at pinapakialaman ang altar.

"Oh bakit?ang lakas ng ulan!ano ang ginagawa niyo sa gitna ng gabi?"

"Father!father!si nelia inaatake na naman po ng kanyang sakit!pinapapunta po kayo ni aling pasing sa bahay niya!"

"Oh siya sandali lang sisindihan ko lang ang altar bago tayo umalis!"

Sa tingin ko ay inaatake na naman ng epelipsi si nelia,ang batang iyon ay wala na sa sarili simula nang mamamatay ang ama nito.

Magkabilaan ang haciendang dadaanan namin. Ang hacienda ng mga del gado ay napupuno ng mga mais samantala ang hacienda ng mga arnaldo ay napupuno naman ng mga tubo o sugar cane.

"Father!tignan niyo hating gabi na po pero may mga tao pa rin sa gitna ng hacienda ni don ven!"

"Huwag mo na lang silang pansinin at bilisan na natin ang paglalakad!"

Nang makarating ako sa bahay ni aling pasing naramdaman ko ang kakaibang enerhiya ng demonyo. Ang dalagang si nelia ay sinasaniban ng demonyo gaya ng mga naunang biktima nito.

"Kailan kaya mawawala ang sakit na ito!"

Hinawakan ng dalawang lalaki ang dalaga ngunit itinulak ni nelia ang mga ito. Nagpagulong-gulong sa hagdan ang dalawang lalaki dahilan upang mabagok ang ulo ng dalawa.

"Nelia! Tama na!"

Nagboses lalaki ang dalawa habang nakatayo sa bintana,kinuha ni aling pasing ang rosaryong nakasabit sa santo ngunit nang ilagay niya iyon sa leeg ng dalaga ay biglang nawalan ng malay si nelia.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bigla itong nagising,may mga tali sa kamay at paa ang dalaga dahil malakas itong pumiglas.

"Sindihan mo ang altar pasing!at sindihan mo ang lampara sa bawat sulok ng silid!"

Nagsusumigaw ang dalaga, dalawang katauhan ang siyang bumabalot dito. Kinuha ko ang banal na tubig at binuhusan ito at naramdaman ng demonyo ang pagdaloy ng tubig sa katawan ni nelia.

Labis na nasaktan ang demonyo dahilan upang sumuka ng itim na likido ang dalaga,ang demonyo ay bigla na lang naglaho.

"Pagpahingahin niyo siya! kailangan ko ng bumalik sa simbahan bago ako abutan ng umaga dito!"

"Mag-iingat po kayo father louie!"

"Salamat iha!"

Hindi pa nagsisimula ang kanyang pagbabalik sa mundo ng mga buhay,bago sumapit ang eklipsi ay kailangang pigilan ang pagkakatawang tao niya at kailangan niya ng manahimik.

-FINDING RESEARCH-