webnovel

Fallen for you (Gabriel dela Torre)

Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan ang nararanasan ni Ella hanggang sa dumating sa kanya ang isang Gabriel dela Torre. Isang kilalang magaling na doktor si Gabriel dela Torre idagdag pa na kilalang mayaman ang angkan nila. Gwapo, matangkad at maputi si Gabriel kaya naman ay maraming kababaihan ang nagkakagusto dito. Paano kung may darating sayong isang taong katulad ni Gabriel na mamahalin ka ng buong ikaw at ipagtatanggol ka hanggang sa kanyang makakaya. Magagawa mo pa bang magtiwala kung lahat ng taong minahal mo ay nasaktan ka na? *Gabriel and Isabella story* -Dela Torre brothers series 1

Jade_N_5959 · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
20 Chs

Chapter 14

Gabriel's Pov

Bumili ako ng alupihang dagat sa kakilala ko. Mabuti na lang at may kakilala ako na may ari ng isang tindahan ng seafoods. Actually kakilala ni mama ito dahil sa palaging nabili si mama dito at naging kaibigan nya na ang may ari nito. Pagkatapos ay dumiretso ako sa bahay. Pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko si mama na nasa sala kasama si Seb.

"Oh bakit nandito ka? Bakit mo naman iniwan si Ella? Sino ang bantay nya?" sunod sunod na tanong ni mama.

"Dumating po ang grandparents at ang kuya nya. Ma, paluto naman po ako nitong alupihang dagat. Nagrerequest po kasi si Ella at gusto nya daw po ay madaming butter." sabi ko kay mama.

"Ah ganun ba. Akina yan at nang maluto ko na. First time kong magbuttered alupihang dagat hahaha." sabi ni mama sabay tawa. Kinuha nito sakin ang alupihang dagat at saka pumunta ng kusina.

Umakyat ako sa kwarto ko para kumuha ng mga gamit ni Ella. Napahiga ako sa kama namin dahil sa sobrang pagod. Nataranta ako ng isugod sa ospital si Ella kanina. Mabuti na lang at walang nangyari sa kanya at sa anak ko. Napapikit ako sa galit ko sa mag asawang iyon. Naalala ko na naman ang sinabi ni Jordan.

Kakatapos ko lang ng isang operasyon at kakalabas ko lang ng operating room nang may lumapit sakin na nurse.

"Doc, pinapatawag po kayo ni Dra. Rosales sa opisina nya. Sabihin ko daw po agad sa inyo na need daw po kau dun asap. Isinugod daw po ang girlfriend nyo." sabi ng nurse.

Napatakbo naman ako at hindi na sinagot pa ang nurse. Nagpunta ako sa kwarto ni Faith. Dali dali kong binuksan ang opisina nya at naabutan ko na nilalagyan ng dextrose si Ella. Nandun din ang mga kaibigan ni Ella. Napansin ko na may mga dugo si Alex.

"Anong nangyari? May nangyari ba sa mag ina ko?" natatarantang tanong ko.

"Okay na ang mag ina mo. Kailangan ko lang obserbahan pa ito kaya kailangan pa muna nya magstay dito ng atleast 3 days para masigurado ko na walang komplikasyon ang nangyari kay Ella." sabi ni Faith.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ko sa mga kaibigan ni Ella.

"Pumunta kasi dun si Mark at nagmakaawa na balikan siya ni Ella. Naistress si Ella kasi ayaw umalis ni Mark. Nasampal nga ni Ella si Mark eh. Tapos dumating ang bruhildang Karen na yun. Sinundan pala ang asawa nya. Sinabunutan ni bruhilda si Ella, nahirapan kaming awatin ang ate nya. Hanggang sa itulak si Ella at malakas na napaupo ito sa sahig." paliwanag ni Jordan. Sobra ang galit ko sa ginawa ng mag asawang iyon. Lumabas ako ng opisina ni Faith at  tinawagan ko agad si Tony.

"Hello?" tanong ni Tony.

"Kailangan ko ng tulong mo bilang abogado. May papasampahan ako ng kaso. Gusto kong masampahan sila ng kaso at gusto ko hanapan mo ng butas para makulong ng matagal. Isa pa gusto kong masira ito sa mga trabaho nito." galit na sabi ko.

"Aba mukhang sobra ang galit mo. Ano ba ginawa nila?" tanong ni Tony.

"Muntik nang malaglag ang pinagbubuntis ng magiging asawa ko." sabi ko.

"Putsha ka Gab, magkakaanak ka na? Ikakasal ka na din?" tanong ni Tony.

"Oo at hindi kita iimbitahan sa kasal ko at hindi rin kita gagawing ninong ng anak ko kapag hindi mo nagawa ng maayos ang pinapagawa ko sayo." pananakot ko sa kanya.

"Huwag naman ganun. Sige na magtatrabaho na ako. Basta ninong na ako ng anak mo ha." sabi pa ni Tony bago nya ibaba ang tawag.

Tinawagan ko din sina mama at papa at ang mga kapatid ko para ibalita ang nangyari kay Ella. Agad naman silang nagsabi na pupunta sila ng ospital. Pumasok ako sa opisina ni Faith at agad akong lumapit kay Ella. Hinawakan ko ang kamay nito. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa mag ina ko.

"Kuya Gab, pwede na natin siyang ilipat sa private room." sabi ni Faith.

Sinabihan ko ang nurse in charge na ayusin ang VIP room ng ospital katabi ng opisina ko. Nirereseve ko kasi yun para sa mga pamilya ko incase na mangailangan silang magstay sa ospital. Inilipat namin agad si Ella ng kwarto. Nagsidatingan naman agad ang pamilya ko.

"Kamusta si Ella at ang baby nyo, anak?" tanong agad ni mama.

"Maayos na daw po sabi ni Faith pero kailangang manatili siya ng 3 araw para masiguro na walang komplikasyon." paliwanag ko.

"Sino daw ang may gawa nito?" tanong ni papa.

"Ang kapatid ni Ella." sagot ko.

"Anong plano mo?" tanong ulit nya.

"Sinabihan ko na si Tony na sampahan ng kaso at para makulong. Muntik nang mawala ang anak ko kaya kailangang pagbayaran nila ito." sagot ko ulit.

"Dapat lang kuya sumosobra naman sila. Alam nilang buntis si ate Ella tapos gagawan nila ng masama." sabi ni Seb.

"May magagawa ba kami para makatulong sa inyo kuya?" tanong ni Joseph.

"Di ba ang kaibigan mo ay may ari ng isang broadcasting company? Gusto kong ibalita nila ang eskandalong ginawa ni Karen Garcia Molina. Gusto kong masira ang pangalang iniingatan nya." sabi ko.

"Ikaw naman Migs, puntahan mo ang modeling company na pinagtatrabahuhan ni Karen at ipaterminate mo ang kontrata nya. Kung kinakailangang gumamit ako ng pera ay gagawin ko. Sabihan mo na lang ako kung magkano." sabi ko.

"Ikaw naman Seb, puntahan mo ang bangko na pinagtatrabahuhan ni Mark Molina at ipatanggal mo din sa trabaho. Sabihin mo bigyan ng bad record para hindi na makapaghanap pa ng trabaho." sabi ko naman kay Seb.

"Okay kuya!" sabay sabay nilang sabi. Nagpaalam na ang mga ito at nagsialis para gawin ang bilin ko.

"Anak kung kailangan mo ng back up nandito lang ako. Alam ko hindi madali ang babanggain mo." sabi ni papa.

"Sabihan ko na lang kayo papa kung kailangan na. Ang importante sa akin ngaun ay ang kaligtasan ng mag ina ko." sabi ko kay papa.

"Siya sige babalik na lang kami bukas para makapagpahinga. Ipagluluto ko na lang kayo ng pagkain bukas ni Ella. Tawagan mo ako kung may irerequest siyang ipapaluto." sabi ni mama. Tumango na lang ako.

Umalis na sina mama at papa. Natira na lang kami ng mga kaibigan ni Ella.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ko sa kanila.

"Gusto muna namin makitang magising si Ella." sabi ni Jordan.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko.

"Hindi pa nga eh. May canteen naman dito diba? Bababa na lang kami." sabi ni Alex.

"Huwag na alam kong napagod kayo sa pagdala kay Ella dito sa ospital. Ako na ang bibili ng pagkain. Pasasalamat ko na rin sa inyo." sabi ko.

"Huwag kang mag alala samin. Mahal namin si Ella at gagawin namin yun kahit ano pa ang mangyari." sabi ni Alex.

Umalis ako saglit at bumili ng makakain. Bumili na din ako ng damit na pamalit ni Alex dahil duguan ang damit nito. Buti na lang at may malapit na department store sa ospital.

"Kuya, luto na daw sabi ni mama." sabi ni Seb na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Natigil ako sa pagmumuni muni.

"Kanina ka pa ba diyan?' tanong ko.

"Oo kuya, nakalimang tawag na ako sayo. Kaso ang lalim ng iniisip mo kaya hindi mo ako marinig." sabi ni Seb.

"Kamusta na nga pala yung pinapagawa ko sayo?" tanong ko.

"Sisiw kuya, hindi na nagdalawang isip ang bangko na tanggalin ang Mark na yun. Madami na din pagkakamaling nagawa ang tao na yun at ang dami daw absent. Baon pa sa utang." sabi ni Seb.

"Good! Salamat Seb." sabi ko.

"No problem kuya." sagot naman nya.

Bumaba kami na kami at pinuntahan si mama. Kinuha ko agad ang niluto ni mama at saka nagpaalam na umalis. Mabilis lang akong nakarating sa ospital dahil malapit lang ito sa bahay.  Naabutan ko si Ella na tulog. Naghain ako at saka ko ginising si Ella. Nagpadala din ng ibang pagkain at cookies si mama ng malaman na nandito ang grandparents ni Ella. Gumising si Ella at kumain ng pagkaing dala ko. Hindi ko akalain na mauubos nya ang lahat ng dala kong alupihang dagat.

"Ang sarap talaga magluto ni mama Letty." sabi ni Ella.

"Naku apo, ang dami mong nakain ah. Hindi ba makakasama sa kanya yan Gabriel?" tanong ni grandma.

"Okay lang po yan kasi dalawa naman silang nakain. Kailangan din po kasi nyang bumawi ng lakas. Pero dapat bukas papakainin ko po naman siya ng gulay." sagot ko kay grandma.

"Naku Ella pagganyan ka ng ganyan kumain eh tataba ka. Magmumukha ka nang balyena. Hahaha." sabi Oliver. Napangiti ako dahil tawa lang ng tawa si Ella at mukhang hindi siya apektado sa sinabi ng kuya nya.

"Bwisit ka talagang babae ka! Nang dahil sayo nakakulong ang anak ko!" sigaw ng mama ni Ella na kakarating lang. Susugurin sana nya si Ella pero napigilan ko. Nandun din ang ama ni Ella at ang ate Monica nya.

"Subukan mong saktan ang apo ko at magkikita nyo ang hinahanap nyo. Matagal nyo na palang minamaltrato ang apo ko. Dapat lang yan sa anak mo! Hindi mo kasi pinalaki ng maayos." galit na sabi ni grandma.

"Hindi ba maliwanag sa inyo ang napag usapan natin? Ito na ang huli na babalaan ko kayo. Galawin nyo pa si Ella at babawiin ko lahat ng meron kayo." sabi ni grandpa.

"Hindi lang sila ang makakalaban nyo. Mag ina ko ang sinaktan ni Karen at Mark kaya gagawin ko ang lahat para pagdusahan nila ang ginawa nila." sabi ko.

"Ma, pa, ate Monica! Umalis na kayo. Pwede ba tantanan nyo na si Ella." sigaw ni Oliver.

Titig na titig sakin ang ama ni Ella. Alam kong nanggigigil ito sa galit. Ang mama naman ni Ella ay patuloy na nagsisisigaw ng masasamang salita kay Ella. Nagulat kami ang biglang sampalin ni grandma ang mama ni Ella.

"Hindi pa rin kayo titigil? Pwes umpisahan nyo nang mag empake at magsialis kayo sa bahay ko! Hindi ko akalain na ang inampon ko ay lalaki ng walang kaluluwa!" sigaw ni grandma.

"Gawin nyo para malaman ng paboritong apo nyo kung ano ang ginawa nyo." sabi ng papa ni Ella.

"Anong ibig nyong sabihin grandma?" tanong ni Monica.

"Pwede ba umalis na kayo, nanggugulo lang kayo sa ospital ko. Gusto nyo pa ba na tumawag ako ng security para kaladkarin kayo?" tanong ko. Umalis silang galit na galit.

"Grandma, ano ung sinasabi nyo? Ampon ba si papa at sino ang sinasabing apo ni papa?" tanong ni Oliver. Tango lang ang isinagot ng matanda.