webnovel

IKALIMANG KABANATA:

Sa wakas, matapos ang napakahabang araw ng trabaho ay makakapagpahinga na sila.Diretso sa paghiga si Zyra sa kaniyang papag at doon nagpagulong-gulong.

"Na-miss kong humiga kahit na matigas 'tong papag,"sabi ni Zyra habang nakadapa yakap-yakap ang papag.

"Kanina ka lang hindi humiga diyan," pambabara naman sa kaniya ni Raphael.

Wala na itong pake sa kapatid dahil masakit na talaga ang katawan mas lalo pang dumoble ng magtrabaho maghapon.

Bago humiga si Zyra at inunat muna niya ang katawan dahil kung sumakit ang katawan niya sa papag at mas dumoble pa ng maghapon silang nagtrabaho.

"Oh gosh?"daing niya habang ini-strech ang kaniyang katawan."Bakit pa kasi dito pinabakasyon,"reklamo pa niya.

"May choice ka ba?"giit ng kapatid niya. "Diba wala naman."

"This house is so ugly!"padabog na sabi Zyra, agad namang tinakpan ni Raphael ay bibig niya baka may makarinig pa sa kaniya.

Zyra pulled Raphael's hand away from her mouth.

Kinabukasan, lumapit siya sa kabinet para kumuha ng damit niya at pabagsak-bagsak na lumakad papunta sa banyo.Paglabas niya ng banyo at nagulat nanaman ang kapatid sa suot nito.

"Your outfit again, it too sosyal,"insulto ng kapatid."Ate sa bukid lang tayo pupunta hindi sa mall."

"Anong bang pake mo?"taas kilay na sagot ni Zyra."Di gumaya ka," buwelta pa niya sa kapatid.

Kagaya ng lagi niyang ginagawa ay hinahayaan niya na lang ang ate dahil ayaw na nitong makipagtalo pa sa kaniya para hindi na humaba pa ang usapan.

Pagpunta nila ng kusina ay nadatnan nila ang tita na nagluluto ng pang-almusal ng mga nagtatrabaho sa kanilang bukid.Ang iba naman na naluto na ay nailagay na sa mga container.

Nang maluto na ang lahat at pinabantay sa kanila ang mga ito dahil tatawagin lang ng tita sina Diego at Ethan para sila ang maghatid.

Pagdating ng dalawa sa kubo ay nadatnan nila sina Zyra at Raphael na naka-upo habang nakabantay sa mga pagkain.Kinuha ni Diego ang mga pagkain at nilagay sa malaking basket at si Ethan naman ang nagbuhat ng tubiga.Samantalang ang dalawa ay pinadala na lang sa kanila ang mga baso't pinggan.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Zyra ng makita niya ang dadaanan nila.Maputik ito at makitid lang na pilapil at nakita din niya ang isang kalabaw na naliligo doon.

Hindi ma-imagine ni Zyra na dadaan talaga sila doon at iniisip kung anong mangyayari sa suot niya.Sinupalpal naman siya ni Ethan na kung ayaw niyang dumaan doon ay humanap na lang siya ng ibang daan.

"I told you,"buwelta ng kapatid niya."Bahala ka na, kasalanan mo din yan ehh,"sermon pa nito.

"Alam kasing sa bukid ang punta nagsuot ng ganiyan,"pag-insulto sa kaniya ni Ethan.

"Inggit ka lang,"malditang sabi ni Zyra sa kaniya."Wala ka sigurong pambili."

"Ako maiingit, para saan,"taas kilay na sagot naman ni Ethan na parang natatawa pa.

Bago sila maglakad sa pilapil ay sinabihan sila ni Diego na tanggalin ang kanilang mga suot na tsinelas dahil madulas ang daan at baka matumba sila.

Sa kaartehan naman ni Zyra ay hindi siya sumunod ay tumapak sa pilapil ng naka-suot ang tsinelas.

"Oh gosh!"tanging nai-sigaw ni Zyra ng mai-stock ang paa sa putik.Subukan man niya itong igalaw at itaas ay hindi niya maalis.

"Hindi kasi marunong sumunod,"walang pake na sabi ni Ethan.

Ginalaw lang ng ginalaw ni Zyra ang paa hanggang sa medyo lumuwag at na-itaas ang paa.Hindi na niya nakuha ang tsinelas dahil lumubog na ito kaya wala siyang choice kung maglakad ng nakayapak.

Ang kaso lang ay pagkataas ng paa nila ay bigla niyang naramdaman na may kumagat sa paa niya dahilan para mapadaing siya.

"Ouch!"daing niya, saka tinignan ang paa kung saan niya naramdaman ang kagat at pagkakita niya ay may nakadikit sa kaniya ng isang insekto kaya mas natakot siya at napatalon.

"What kind of insect is this?"natatakot na sabi niya, hindi niya mahawakan ang paa dahil sa takot.

"Sus, linta lang 'yan,"walang paki-alam na sabi sa kaniya ni Ethan."Pagpagan mo kasi para maalis."

"Ikaw na lang,"malditang pagkakasabi niya. "It looks so terrifying kaya."

Binitawan naman ni Ethan ang dala niyang tubigan at hinawakan ang paa nito. Napakagat na lang ng labi si Zyra ng kuhanin iyon ni Ethan.Hanggang sa hindi namalayan ni Zyra na naalis na pala ito.

"Wala na, oa ka lang kasi ehh,"sabi ni Ethan sa kaniya saka na kinuha ang tubigan at tumayo.Iginala lang ni Zyra ang mata sa kaniya at muling naglakad.

Sa wakas ay nakarating na din sila sa kinaroroonan ng mga magsasaka.Pumasok sila sa kubo na nasa gitna ng bukirin.

"Halina na po kayo dito kumain na kayo," pagtawag ni Diego sa mga magsasaka.

Isa-isa nang pumasok ang mga ito sa kubo at kaniya-kaniya na sila ng kuha ng pagkain nila na nasa lamesa.

"May bago pala kayong kasama,"sabi ng isa sa mga magsasaka ng mapansin ang dalawa.

"Mga pinsan po namin 'yan,"pakilala naman ni Diego sa mga ito.

"Oh god! My feet was so dirty,"maarte na sabi ni Zyra dahil nasayang lang ang lotion na nilagay niya.

Pagkatapos kumain ng mga magsasaka ay nagpaalam na ito na mag-uumpisa na sila sa trabaho.Naiwan naman si Zyra sa kubo mag-isa kaya no choice siya na magligpit ng mga pinaggamitan.

Dahil ang tatlo ay sumama sa labas para humakot ng mga binhi na pananim.Nang makita ni Zyra ang kapatid ay enjoy na enjoy ito na nakasakay sa kalabaw.

"Ate!! sakay ka dito sa likod ng kalabaw,"aya ng kapatid ng matapat sila sa kubo.Umiling naman ito at kita sa mukha niya ang pandidiri.

Nanatili lang na nasa loob ng kubo si Zyra para maiwasan niyang tumapak sa putik. Nandoon lang siya nanonood sa mga nagtatanim hinihintay ang kapatid na bumalik.

Nang malapit na ang oras para sa meryenda ay bumalik na sina Raphael.Sumakay na lang sila sa panghakot para mabilis na lang sila maka-uwi.Natuwa naman si Zyra dahil hindi na niya kailangan maglakad pa sa madumi, madulasbat mabahong pilapil.

Ang kaso ay nang sasakay na dapat siya sa panghakot ay bigla siyang nakakita ng palaka kaya napasigaw ito ay biglang na-out of balance kaya ayun natumba sa putik na pinandidirihan niya.

"What the...,"uminit na ulong sabi ni Zyra habang nakababad sa bukid na basang-basa at balot na balot ng putik ang kalahati ng katawan.

"Ano bang ginagawa mo ate?"hindi alam ng kapatid kung ano ang magiging reaksyon niya habang inaalalayan ang ate na makatayo.

"Hindi pwede 'to,"sabi niya habang pinipiga ang mga damit niyang nabasa."This is branded."

Nang makasampa ito sa panghakot ay parang abot hanggang langit ang galit nito kung makatitig sa mga kasama.

"Ganyan ka makatingin kasalanan mo naman 'yan,"sabi sa kaniya ni Ethan.

"Shut up!"naiinis at napipikon na sigaw nito sa kaniya.

"Maarte ka kasi kaya ayan putik na mismo ang lumapit sayo,"pang-iinsulto nitong si Ethan.

"Ohh tama na ha,"pagpigil naman ni Diego sa kanila bago pa lumalala ang away nila.

Ang dalawa naman ay hindi na mapigilan ang tawa habang nakikita ang itsura nito kaya napahalakhak sila ng hindi sinasadya.

"What is funny?"nagngingit-ngit sa galit na sabi ni Zyra at tinulak ang kapatid at Ethan ngunit hindi naman ito nahulog dahil may hinahawakan sila.

Pagkarating sa tabi ng daan ay bumababa na sila dahil hanggang doon lang pwede ang panghakot.Nagmadali namang tumakbo si Zyra pabalik sa kubo.Hindi sumama pauwi sina Diego at Ethan kaya si Raphael lang ang kumuha ng meryenda at maghihintay na lang ang dalawa.

"Anong nangyari sa'yo?"tanong ng kaniyang tita makita itong tumatakbo.

Walang naman itong kibo na dumiretso sa kwarto para kumuha na kaniyang pamalit na damit.Ikinuwento naman ni Raphael ang nanyari sa kaniyang ate habang medyo natatawa.

"Ay naku naman,"naawang sabi ng kaniyang tita.Pagkatapos ay agad na din tinanong ni Raphael kung nasaan ang meryenda dahil 'yon naman talaga ang kukunin niya.

Kinuha naman ito ng kaniyang tita sa kusina at sa ini-abot sa kaniya.Pagkakuha niya nito ay agad na itong nagpaalam para umalis dahil baka mainip na sa paghihintay sina Diego at Ethan.

Hindi na niya hinintay ang kaniyang ate dahil siguradong matagal itong maliligo lalo na't nahulog siya sa putik.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya sa banyo at agad naman siyang tinanong ng tita kung maayos ba ito dahil nag-aalala ito.Tumango naman si Zyra at pumunta na sa kaniyang kwarto para magpahid ng kaniyang mga skincare.

Habang nagpapahid siya ng lotion ay nakita niya na medyo madami na pala ang mga damit niyang madumi.Kaya naisip nitong ipalabhan na muna ang iba.

"Where is the laundry shop here?"tanong niya sa tita.

"Huh, Laundry....ano?"tanong ng tita dahil hindi niya alam kung ano ang laundry shop at wala naman ganoon dito sa probinsya.

"Paano ko lalabhan 'tong mga clothes ko," nag-aalalang sabi niya.

"Maglalaba ako bukas baka gusto mong isama ko na lang,"sabi sa kaniya ng tita, pero hindi siya pumayag dahil ang iba sa mga damit niya ay hindi basta-basta nilalabhan.

Sinabi naman sa kaniya ng tita na dito sa probinsya ay halos sa ilog lang naglalaba ang mga tao.Hindi naman makapaniwala si Zyra sa narinig, sa ilog talaga na naglalaba?

Pagdating niya sa tabi ng ilog ay nadatnan niya na meron din ibang naglalaba doon.

"What should I do?"tanong niya sa sarili, nalilito na siya kung anong dapat niyang ilagay sa tubig.Kaya ang ginawa niya ay pareho niyang hinalo sa tubig ang sabon panlaba ang isang bote ng zonrox.

At saka na niya kinusot, hindi na niya alam kung tama pa ang ginagawa niya.Tinuloy-tuloy niya na lang 'yon hanggang sa matapos na siya kaya naman binanlawan na niya 'yon sa mismong ilog.

"No....,"sigaw niya nang makita niyang inagos ng tubig ang damit niya.

Sa pagkataranta niya ay lumusong na lang bigla siya sa ilog at hinabol ang damit, halos hindi na niya ito makuha dahil sa bilis ng agos, mabuti na lang ay sumabit 'yon sa isang bato kaya nakuha niya pa.

"Arghhh! Kakaligo ko lang,"naiinis na sabi niya hawak ang damit pabalik sa lugar niya.

Umuwi siya sa kubo ay basang-basa dala ang mga nilabhan niyang damit, at pumunta muna siya sa sampayan.

Nang kunin na niya ang mga damit ay nakita niyang nag-iba na ang kulay na mga ito nagkaroon kasi 'yon ng puti-puti.

"Oh my god, what happened to my clothes?" nagulat na reaskiyon niya sa nangyari sa mga damit.

"Oh anong nangyari sa mga damit mo?" nagulat din na reaksiyon ng tita."Bakit nagkaganyan?"

Kibat balikat lang ang naging tugon ni Zyra.

Nang tignan ng tita ay nakita niya na wala ng laman ang zonrox at ang sabong panlaba.

"Nilagay mo ba lahat 'to?"naka-bungisngis na tanong ng tita habang hawak ang bote at pinakita sa kaniya.

Tumango naman si Zyra.

"Kaya naman pala,"sabi ng tita, wala na siyang magagawa dahil hindi 'yon pwedeng tanggalin.

Napasimangot lang si Zyra sa ginawa dahil mamahalin ang mga damit niyang iyon.

Thank you for reading, I hope you like it and feel free to suggest anything for the improvement of the story.

STRAWBERRY_FACTORYcreators' thoughts