webnovel

Chapter9

"bakit biglang naginit ang rooftop?" Rara asked at napansin nga namin na biglang naginit ang rooftop

"tignan niyo ang boung siyudad!" sigaw ni Lissy at nakita namin na puno ng nagtatakbuhang mahikero at ang mga gusali ay nasusunog at tinutupok ng apoy

bigla akong nakaramdam ng kaba

"kailangan natin makababa dito" sabi ni Meriam kaya napatango kami at dumiritso sa hagdan. hindi naman kasi kami marunong tumalon pababa kasi hindi nga taga Sky lang kami

napaubo ako sa hagdan dahil sa usok na nagmumula sa apoy. ramdam ko rin ang pananakit ng mata ko. ano bang nangyayari? bakit biglang nagkaroon ng apoy

tinapik ni Lissy ang balikat namin ni Meriam at Rara kaya nagumpisa na kaming tumakbo pababa ng hagdan. panay naman ang ubo ko at pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga. napasigaw kami nang bumagsak ang kisame sa hagdan. napahiyaw sa sakit si Meriam at naluha luha dahil nahulugan ito ng kisame sa paa

agad naming tinulungan si Meriam pero hindi namin mabuhat ang kisame dahil mabigat

nagpalabas si Meriam ng tubig at pinagsasaboy sa apoy pero mukhang kulang yun dahil sobrang laki ng apoy

"Meriam naman wag mong ubusin ang lakas mo" sigaw ni Lissy

"anong gagawin natin?" naluluhang tanong ni Rara

nagpalabas si Lissy ng isang magandang espada at inumpisahang hiwain ang kisame. kita ko sa mga mata ni Meriam ang takot dahil takot siya na baka mahiwa ang binti niya kaya hinawakan ko ang kamay niya

napasigaw ulit kami nang mahulog ang mga debris sa hagdan at tumama ito sa likuran ko. napangiwi ako at halos maluha luha dahil sa sakit at parang nahilo ako saglit

"Aryanah ayos ka lang?" tanong nila Lissy at Rara kaya tumango ako at pinilit na tumayo

natapos naman ang paghiwa ni Lissy ng kisame kaya tumayo na si Meriam at nagumpisa kaming tumakbo pababa ng hagdan. nakarinig kami ng mga hiyawan kaya napatigil kami saglit

"Aryanah saan ka pupunta?" sigaw ni Lissy dahil tumakbo ako sa hallway

"tutulungan ko lang sila" sabi ko

"wag na Aryanah unahin natin ang sarili natin" sabay hawak ni Lissy sa braso ko

"Lissy paano mo nasasabi yan? may nangangailangan ng tulong!" sabi ko

"superhero ba tayo hindi naman ah? estudyante palang tayo anong magagawa natin!" sigaw ni Lissy

"bakit ganyan ka!" sigaw ko kaya nabigla siya. "Lissy sarili mo lang iniisip mo!" sabi ko

"kung sarili ko lang ang iniisip ko dapat pinabayaan na kita at si Meriam pati si Rara! bahala ka sa buhay mo! iligtas mo sila kung gusto mo" sigaw nito at bumaba ng hagdan

"Lissy!" sigaw ni Rara at Meriam at napatingin sa akin

"sumama na kayo sa kanya" sabi ko

"Aryanah tulungan natin sila" sabi ni Meriam kaya napangiti ako. napatango na lang si Rara na halatang gustong sumama kay Lissy. nagumpisa na kaming tumakbo sa hallway

merong batang babae ang umiiyak at namukhaan ko kung sino siya

"Miya?" gulat kong tanong

"ate Aryanah?" sabi nito

"ayos ka lang ba?" tanong ko at tinignan ang sugat niya sa binti at hiwa sa pisngi niya. niyakap ko agad siya kaya napayakap siya sa akin habang umiiyak. "sinong kasama mo bakit nandito ka?" tanong ko

"wala" sabi nito

kaya naman binuhat ko na siya sa likod ko dahil mukhang hindi niya kayang maglakad. tumakbo na kami papunta sa hagdan. mabilis ang pagtakbo namin pababa ng hagdan dahil ayaw namin ulit mahulugan ng debris o kisame

nang makarating sa ground floor ay tinulak ni Rara at Meriam ang pinto pero hindi mabuksan kaya sinipa nila ito pero hindi pa rin kaya nagkatinginan kami

agad sinilip ni Meriam ang sirang doorknob pagkatapos ay napatingin sa akin

"sana nakalabas ng ligtas si Lissy dahil mukhang natrap tayo ng nahulog na bakal at sa harap ng pinto ito nahulog" sabay iyak ni Meriam

"pasensiya na Rara at Meriam kung niyaya ko kayo ditong pumunta" sabi ko at bumakas ang lungkot sa mukha ko. bigla naman hinawakan ni Meriam ang dalawag balikat ko

"Aryanah kaibigan kita at hindi kita sisisihin" sabi nito kaya naiyak ako at doon niyakap niya ako ng mahigpit

"Oo nga Aryanah" sabi ni Rara at niyakap rin kami ni Meriam

naglabas ng tubig si Meriam sa palad at sobrang laki ng agas nito tila sirang gripo. tinapat niya ito sa pinto at kita ko ang konting paggalaw mg pinto kaya tumulong na si Rara sinipa sipa ito pero wala pa rin. hindi ko naman magawang sipain ito dahil buhat ko si Miya

napaupo si Meriam at pawis na pawis na halatang pagod. malaki rin kasi ang nailabas niyang mahika pero nagulat na lang kami dahil bumukas ang pinto

"Lissy?" sabi ko

"Lissy!" sabay yakap ni Rara kay Lissy na mukhang hindi nagkita ng isang taon. kanina lang naman naghiwalay

"matitiis ko ba kayo?" nakangiti sabi ni Lissy at tumingin sa akin kaya napangiti ako. "may mga kasama akong nagalis ng bakal sa pinto" sabi ito at nakita ko ang mga grupo ng kalalakihan na mukhang membro ng council

"Lissy ha nakipagdate ka ba?" pagbibiro ni Rara

"ikaw kaya ang i date ko?" pagbibiro rin ni Lissy kaya parang kinilig si Rara at pareho silang natawa

agad na kaming lumabas ng gusali at buti nakalabas kami ng buhay. pinaalis na kami ng council dahil rebelde daw ang may gawa ng sunog sa siyudad kaya naglakad na kami kung saan man kami pwedeng makarating dahil malaki rin ang siyudad at sobrang daming gusali

"hindi talaga titigil ang mga rebelde na yun no?" sabi ni Rara

 napatingin naman si Lissy sa bata sa likuran ko na halatang nakatulog kaya hinaplos niya ang buhok nito

"siya si Miya mula sa baryo ko" sabi ko

"kaya pala kilala mo na siya" sabi ni Meriam

habang naglalakad kami ay biglang may batong apoy na lumipad patungo sa harapan namin at sumabog ito kaya tumilapon kami. nasugatan tuloy ako dahil sa pagtilapon ko pero pinilit ko pa ring tumayo

"buti buhay pa kayo?" sabi ni Rhea at may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin ng masama

tumayo naman agad si Lissy, Rara at Meriam kaya naman napatingin ako kay Miya at niyugyog siya pero hindi siya gumigising kaya niyakap ko na lang siya habang nakaluhod

"Maya ikaw na bahala sa tatlong babaeng yan dahil akin lang si Aryanah!" sabi ni Rhea at napatingin naman ako kay Maya na walang emosyon ang mukha

"bata ipapalaban mo sa amin?" inis na sabi ni Lissy

"sige baka isang suntok ko lang siya" sabi ni Rara

"halata namang mas malakas si Maya kaysa sa inyong tatlo" mapangasar na tumawa si Rhea

"ako ang kalabanin mo wag si Aryanah!" sigaw ni Lissy

"si Aryanah ang gusto ko"

"bakit?" kinakabahan kong tanong

"ikaw pala ang gusto ni Jinn Gemslock kaya naman gusto ko malaman kung ano ang nagustuhan niya sayo" sabi ni Rhea kaya biglang nagunahan sa pagtambol ang puso ko

"siraulo ka!" sigaw ni Lissy at tumakbo papunta kay Rhea pero wala pang isang segundo ay mabilis na tumakbo si Maya at tinuhuran sa sikmura si Lissy kaya napasuka ng dugo si Lissy

"Lissy!" sigaw namin ni Rara at Meriam

dahil sa galit ni Meriam ay nagpalabas siya ng tornado at papunta na ito kay Rhea pero mabilis na itinaas ni Maya ang kamay niya hawak ang bulaklak at lumipad ang mga petals nito patungo kay Meriam at malaki ang naging hiwa nito sa katawan ni Meriam. kita ko ang mga dugong tumalsik sa katawan ni Meriam kaya napahawak ako sa bibig ko. si Rhea naman ay tumalon lang at iniwasan ang tornado habang tumatawa

si Rara naman ay mukhang hindi alam ang gagawin kaya naman tumitig sa kanya si Maya at mabilis siyang sinipa sa ulo

napatingin ako kay Miya na walang malay at muli napatingin ako kay Maya. bakit ang laki ng pagkakahawig nila? at naalala ko na Maya ang pangalan ng ate ni Miya noong kinwento niya ito sa akin

agad kong niyugyog si Miya

"Aryanah bitawan mo nga ang batang yan" ngiti ni Rhea at napacross arm. "kung ayaw mo sige ako lalapit" sabi nito habang tumatawa at naglakad palapit sa akin

"Maya hindi mo ba naaalala kung sino ka?" sigaw ko kaya napatingin sa akin si Maya

"ano bang pinagsasabi mo Aryanah" sabi ni Rhea

"Maya ang batang babaeng ito ay kapatid mo! siya si Miya" sigaw ko kaya tila umikot ang bilog sa mata ni Maya

anong nangyayari? naaalala niya na ba?

"walang hiya ano bang pinagsasabi mong babae ka! papatayin kita!" sigaw ni Rhea at mabilis na tumakbo sa akin at hinila ang buhok ko at sinipa ako sa sikmura at sa lakas ay tumilapon ako sa gusali at tumama yung likod ko

napahiyaw ako sa matinding sakit

"M-miya?" nauutal na sabi ni Maya at napaupo sabay takip sa tenga habang nagsisigaw

pinilit ko namang tumayo at pinilit na maglakad papunta sa kanila habang may ngiti sa labi ko

"tandaan mo Rhea! tandaan niyo rebelde! hinding hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan! light always win than the darkness" sabi ko

"anong pinagsasabi mong babae ka gusto mo tapusin na kita?" sabi nito at nagpalabas ng apoy sa palad

"may tanong lang ako. ikaw ba talaga ang mate ni Jinn?" tanong ko kahit alam kong pumiyok ang boses ko

"i killed Jinn's mate and now he doesnt know about this" Rhea smirked so my face is now filled with anger

"bakit mo yun ginawa!" sigaw ko at balak siyang suntukin pero nahawakan niya ang kamay ko at binalibag ako sa kalsada

"because in the first i had no match with her! she's pretty and innocent like you, bakit napakainosente mo?" sigaw ni Rhea at lumuhod habang nakahiga ako. agad niya akong sinakal kaya napahawak ako sa kamay niya. "why Jinn wants a girl like you, even you have innocent face you are so weak so die bitch!" she shouted at diniinan ang pagkakasakal sa akin

halos mamula ang mukha ko at nagviolet ang labi ko habang hawak ang kamay niya at patuloy naman sa pagunahan ng paa ko

isang luha ang tumulo sa mata ko

ito ba ang pakiramdam na mamamatay ka na? bakit dito pa? bakit ngayon pa? gusto ko pang mabuhay pero alam kong hindi ko na kaya

unti unti ng pumikit ang mga mata ko at ramdam ko na kukunin na ako ng fairy god mother dahil ako ay isang fairy flower at lahat ng mga uri ng fairy ay mapupunta sa heavenly fairy

ako si Aryanah Beverly isang weak na fairy at malalagutan na ng hininga

napamulat ako nang maramdamang wala na ang kamay ni Rhea sa leeg ko at nakita ko na lang siya na tumilapon sa malayo. napaubo ubo ako saglit. teka ano bang nangyari?

nakita ko si Maya na madilim ang mukha at nakakuyom ang kamao. mabilis na magpalabas ng dragon fire si Rhea na halatang kabado ang mukha. halos sakupin ang boung katawan ni Maya dahil sa mahika ni Rhea kaya napahawak ako sa bibig ko

naglaho ang apoy at kita ko naman na nagising na sina Lissy, Rara at Meriam kaya lumapit sila sa akin

"bakit nagaaway sila?" tanong ni Meriam kaya hindi ko nasagot dahil hindi ko rin alam. hindi kaya naalala na ni Maya ang lahat? talaga bang siya ang ate ni Miya?

nang maglaho ang apoy at usok ay nakayuko pero nakatayo pa rin si Maya at ngumisi siya nang unti unting humarap kay Rhea. halata na kabado si Rhea pero hindi niya pinahalata

"Maya lets talks!" Rhea said but Maya laughing. nakakatakot nakakapanindig ng balahibo ang tawa niya

wala pang segundo ay nasa harapan na ni Rhea si Maya at doon sinubukang suntukin ni Rhea gamit ang nagliliyab niyang kamay sa mukha ni Maya pero hinawakan lang ito ni Maya at binalibag si Rhea at tinapakan ang leeg ni Rhea

"Maya" sabi ni Rhea

"naalala ko na kung sino ako Rhea bakit tinago mo ito sa akin bakit niyo ako nilayo sa kapatid ko?" Maya said and tears flowing in her one eyes

"si pinuno! siya ang sisihin mo wala akong alam dito" sabi ni Rhea na halos magmakaawa na

"ganoon ba kalakas ang batang yan kaya halos matakot na si Rhea?" tanong ni Meriam na sariwa pa rin ang sugat sa katawan niya

"halatang nagmamakaawa siya" sabi ni Rara

"nagawa niya nga tayong patulugin diba?" sabi ni Lissy

"oo nga no?" sabi ni Rara at Meriam

"sa tingin ko naalala na ni Maya ang sarili niya at sa tingin ko rin magkapatid sila ni Miya" sabi ko sabay tingin sa walang malay na si Miya kaya natahimik si Lissy, Rara at Meriam

Maya smiled kaya napangiti rin ng alanganin si Rhea

"okay tatanungin ko siya pero papatayin muna kita" sabi ni Maya at biglang humaba ang kuko niya at mabilis na hiniwa ang leeg ni Rhea at doon umagos ang dugo nito hanggang sa malagutan ng hininga

"nakakatakot pala siya" sabi ni Rara

"mabuti hindi niya tayo napatay" sabi ni Meriam

naglakad si Maya papunta sa amin kaya naman napaatras si Meriam at si Lissy at Rara naman ay napatago sa likuran ko habang buhat ko si Miya

"Miya.." sabi ni Maya habang nakatingin kay Miya na unti unting nagising at nakatitig kay Maya

"ate?" hindi makapaniwalang tanong ni Miya at mabilis na niyakap si Maya habang umiiyak at umiiyak rin si Maya habang yakap si Miya

nagkatinginan kami nina Lissy at Meriam at napangiti