webnovel

Chapter17

nagising ako dahil sa ilang pagsabog ang narinig ko. nagising rin ang mga kaibigan ko kaya naman nagkatinginan kami

"anong nangyayari sa labas?" tanong ni Rara

biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kalleis sa kwarto namin

"ang mga council sumugod dito sa academy" sabi ni Kalleis kaya napasigaw kami sa gulat

"paano yun nangyari? sinong sumira sa barrier?" tanong ni Lissy

"sa lakas ni Anikka hindi niya ba masisira yun?" sabi ni Dari

"pero hindi ba mahina lang si Anikka dati pero bakit ang lakas niya na ngayon?" tanong ni Rara

"kailangan nating iligtas ang mga bata" sabi ko kaya doon lang nila naalala ang mga bata na estudyante ng fairyries

madali kaming lumabas ng kwarto at halos takbuhin na ang dorm papalabas para makarating lang kami malapit sa gate. pagtingin ko lahat nasusunog at hindi ko mahagilap si Seph

nagkaroon ng pagsabog sa harapan namin kaya tumilapon kami palayo at naghiwalay ang pwesto

napatingin ako sa itaas kung saan may isang modernong teknolohiya ang may gawa ng pagsabog. patuloy ito sa pagpapalabas ng bomba para sumabog kaya madali akong tumayo

napatingin ako sa mga master na nakikipaglaban. si Lissy may kalaban na council at si Kad yun kaya napakuyom ako ng kamao at balak silang lapitan pero nakaramdam ako ng mabilis na bumulusok sa akin kaya madali akong humarap sa likuran at mabilis na sinalo ang patalim na papunta sa akin

isang babae na maganda ang naghagis ng patalim sa akin at kilala ko kung sino siya. siya yung laging kasama ni Kaela. ngumiti siya sa akin at nagpalabas siya ng usok na may mukha

its looked like a monster fog human-eater

mabilis itong lumipad patungo sa akin kaya nagpalabas ako ng carnivorous plant

naglaban ang plants ko at ang human-eater fog. naglaban sila kung sino ang mananalo siya ang kakain

pero natalo ang plants ko kaya mabilis sa akin sumugod ang human-eater fog. they screaming

agad akong nagpalabas ng matitinik na dahon dahilan para magkaputol putol ang mga katawan ng human-eater fog

akala ko mananalo na ako pero biglang bumalik sa dati ang katawan ng mga human-eater fog at pasugod na sa akin kaya tumalon ako ng malakas kaya napasubsob sila sa lupa at nakita ko kung anong nangyari sa lupa

parang tinapunan ng asido ang lupa dahil sa kumukulong laway ng human-eater fog

napalunok ako at hindi alam ang gagawin kaya dahil land and earth fairy rin ako ay nagpalabas ako ng sumasabog na lupa kaya nagkaputol putol ulit ang katawan ng human-eater fog pero bumabalik rin sa dati

mabilis na lumipad patungo sa akin ang human-eater fog kaya hinanda ko na ang sarili ko kung ano ang mangyayari sa akin pero isang kidlat ang tumapos sa buhay ng babae at naging abo ang katawan nito at naglaho rin ang mga human-eater fog

napatingin ako sa langit kung saan galing yun at nakita ang isang lalaki na mabilis naglaho sa kidlat

biglang tumibok ng malakas ang puso ko. kilala ko kung sino ang mayari ng mahikang yun. tinulungan niya ba ako?

mabilis kong hinanap ang mga batang umiiyak at tinulungan silang makalabas ng academy pero hindi ko alam kung saan kami dadaan kaya napayakap na lang ako sa isa sa kanila

"Aryanah"

napalingon ako sa nagsalita at nakita si nurse Kylie. agad akong napayakap sa kanya at niyakap niya rin ako

buhay pala si nurse Kylie? masaya akong makita siya

"tutulungan ko ang mga bata makalabas" sabi nito at napatingin sa kasama niya. si Rara

"wala akong maitutulong dito Aryanah kaya sasamahan ko na lang si nurse Kylie! ipaubaya mo na sa amin ang mga bata Aryanah" sabi ni Rara kaya tumango ako

teleportation pala ang mahika ni Rara kaya naglaho sila agad

napatayo ako ng tuwid nang maramdaman ang malakas na enerhiya mula sa labas ng gate

sobrang lakas ng enerhiya na yun at hindi ko alam kung kanino galing yun at sa naramdaman kong alam kong dalawang tao yun

madali kong pinuntahan yun at nakarating ako malapit sa kagubatan. nakita ko mula sa malayo si Sephein at Anikka na nakatayo lang habang pinapalibutan ng mahika

kinabahan ako bigla. ganito ba kalakas si Anikka?

halos isang kurap lang ay nasa harapan na ni Seph si Anikka at sinuntok ni Anikka si Seph gamit ang nagliliwanag na kamay pero sinalo lang ito ni Seph gamit ang kamay na nagkukulay itim

napatingin ako sa kamay ni Seph na parang may kaliskis ng dragon ba o isda

hinagis ni Seph si Anikka palayo pero lumutang lang siya sa ere

may naramdaman pa akong isang malakas na enerhiya at hinanap ko yun sa paligid at nakita ang isang babae. nakita ko siya noong kasama ni Anikka noong unang dating niya dito

si Jianne

"hindi man kita tinapos dati pero ngayon sisiguraduhin kong tatapusin kita sa sarili kong mga kamay" sabi ni Seph kay Anikka pero si Anikka walang imik

nagulat ako dahil biglang humangin ng malakas at ramdam ko ang enerhiya ni Seph

unti unting nagiba ang anyo ni Seph. nagkaroon siya ng mga kaliskis sa katawan. naging pula ang kulay ng balat niya at nagkaroon siya ng sungay sa noo at ang mga mata niya nagiging kulay pula

"d-diyos ko" sabi ko at napaluhod

ito ba ang totoong lakas ni Seph? ramdam na ramdam ko ang lakas niya at kahit ang mga puno at bulaklak sa paligid sinasabi sa akin na napakalakas niya

ngumisi si Anikka kaya nabigla ako

si Anikka ngumisi?

ibang Anikka na ba ang kilala ko ngayon? nasaan na yung Anikka na mabait? nasaan na yung Anikka na hindi nagsasalita? lahat ba yun ay pagkukunwari lang?

mabilis na sumugod si Seph kay Anikka at halos hindi ko makita si Seph sa bilis. sumugod rin si Anikka at halos hindi ko sila mapanood ng maayos dahil sa bilis nilang kumilos

"Aryanah Beverly?" napalingon ako kay Jianne at napakuyom ang kamao. "nararamdaman kong isa kang fairy princess! nararamdaman ko rin ang kapangyarihan ng fairy god mother na nagmumula sayo"

sa sinabi niyang yun ay nagulat ako at naalala ang sinabi ng fairy god mother

"ikaw si Mytica"

ngumiti siya sa akin at tumingin sa maitim na ulap at itinaas ang kamay

"i am the goddess of Dark eye of heaven and the Light eye of heaven no one can defeat me! i am the most powerful goddess in heaven" she laughed and something terrible happened in the sky

"tama ako" sabi ko kaya napatingin siya sa akin

"what do you mean fairy princess?"

"iisa ang mananalo sa kanila at yung isa ay makukuha ang mahika ng natalo niya at kapag nangyari yun babalik sayo ang lahat ng kapangyarihan na napunta sa kanila"

"you are genius!" sabay tawa niya. "hindi nagkamali ang fairy god mother sayo"

"bakit mo ginagawa ito?" sigaw ko

"the fairy god mother she took out my eyes away and gave it to the two person to have a powerful creature and there have no one left of me that's why i snatched this woman body to have everlasting life!!" she shouted

pero isang mabilis na kidlat ang mabilis na tumama kay Jianne o Mytica. agad nasunog ang katawan ni Jianne at lumabas si Mytica sa katawan na yun

nanlaki ang mata ko dahil napakaganda ni Mytica at parang dalaga ang itsura

napalingon ako sa pinanggalingan ng kidlat at nakita si Jinn na nakalutang sa ere kung saan kumikislap ang mga paa nito

mabilis na naglaho paalis si Mytica at alam kong babalik ulit siya

sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Jinn at hinawakan ang kamay ko

tinanggal niya ang hood ng monk clothes niya at doon ko lang nakita na kinalbo niya ang buhok niya at maraming tattoo na nakasulat sa ulo niya

talaga bang isa na siyang monghae?

halos maduling ako nang magteleport kami at nakarating sa Dashi Temple kung saan maraming monk ang nagpapray

"ah.. Jinn?" sabi ko at napalunok. lumingon siya sa akin at ngumiti. "ikaw ba si Jinn?" tanong ko kaya ngumiti siya at tumango

yumuko siya sa akin at nagbigay galang bilang isang monghae

kaya mabilis ko siyang binatukan

"ibig bang sabihin niyang hindi ka na magaasawa?" naluluha kong tanong

hindi siya nagsalita

"sige wag ka ng magasawa kasi ako magpapakasal ako sa ibang lalaki at magkakaroon ng maraming anak" sabi ko at napahagulgol na ako

pero hindi pa rin siya nagsasalita

isang libro ang ibinigay niya sa akin at naglalaman ito ng mga gusto niyang sabihin sa akin

dinala niya ako sa isang silid upang magpahinga kaya binasa ko ang librong binigay niya

"Aryanah mahal kita"

natawa ako sa nabasa ko. yung lalaking yun talaga!

hindi ko alam ang gagawin nang malamang ikakasal ka kay Sephein Harmock. kung pwede lang sipain ang similar parts ng body namin ginawa ko na pero naisip kong baka minahal mo na si Seph kaya bilang nagmamahal sayo magpapaubaya na lang ako

noong masaksak ka ni Sephein ng espada niya ay balak ko na sana siyang patayin. pinagsusuntok ko siya hanggang sa dumugo ang ilong at labi niya. iyak lang siya ng iyak kaya umiyak na lang rin ako

noong mamatay ka ay umalis ako sa lugar natin at nagpakalayo layo. kung saan saan ako nakarating maraming babae ang gustong ikama ako pero hindi ako pumayag kasi gusto ko ikaw lang

Aryanah alam mo sa mga oras na ito kumakain ako ng isda na nahuli ko sa ilog. masarap pala na kainin mo ang pinaghirapan mo

Aryanah alam mo gusto ko ng mamatay mahirap pala kapag hindi mo na makita ang isang taong sobra mong pinahalagahan at minahal

noong araw na magpapakamatay na ako alam mo Aryanah sinagip ako ng isang monghae. dating tumira ako sa Dashi Temple pero hindi ko alam na magiging monghae rin ako pagkamatay mo

naisip kong ituloy ang pag monghae dahil hindi ko gustong magasawa at gusto kong ilaan ang buhay ko sa pag momonghae dahil wala ka na

habang binabasa ang lahat ng mga nakasulat ay panay ang iyak ko at paghagulgol. hindi ko alam na ganito pala ang napagdaanan ni Jinn noong mamatay ako

pinagpatuloy ko ang pagbabasa

Aryanah sinakripisyo ko ang boses ko upang maging tunay na monghae upang hindi magkasala

nagulat ako sa nabasa ko. kaya ba hindi siya nagsasalita dahil wala na siyang boses? hindi ko alam basang basa na pala ang libro dahil sa mga luha ko

Aryanah isa na akong ganap na monghae kaya nagpagupit ako ng buhok at nagpalagay ng tattoo. hindi ito simpleng tattoo lang dahil may mahikang nakapaloob dito

Aryanah may nakita akong babaeng kamukha mo na umalis sa council. tinanong ko ang pangalan niya ngunit nalaman kong hindi ikaw yun pero umaasa pa rin akong makikita kita balang araw

Aryanah ikaw ba ang nakita ko kasama si Sephein? halos durugin ang puso ko at hindi ko alam ang maramdaman. gusto kitang lapitan at tanungin kung ikaw ba si Aryanah at paano ka nabuhay pero walang imposible sa mahika ni Sephein

Aryanah nalaman kong buhay ka at halos araw araw pinagmamasdan kita mula sa labas ng academy. masaya akong buhay ka ngunit malungkot akong si Seph na ang mahal mo

iyak ako ng iyak nang isara ko ang libro. sobrang sakit ng puso ko. parang sinasaksak ng libo libong patalim. sobrang dami na rin ang luhang nailabas sa mata ko kaya napahilamos ako sa palad ko

"i'm sorry Jinn. i'm sorry Jinn"

wala pa rin tigil ang pagluha ko at parang gusto ko ng yakapin si Jinn at humingi ng sorry kaya naman lumabas ako ng silid at hinanap si Jinn

nakita ko siyang nakatayo sa harap ng puno at may hawak na mahabang tungkod para sa mga monghae

tumakbo ako papunta sa kanya at hindi na pinansin ang mga monghae na nakatingin sa akin

mabilis kong niyakap si Jinn mula sa likod at panay ang hagulgol ko

"i'm sorry Jinn! i'm sorry kung hindi ikaw ang una kong naalala noong mabuhay ako muli pero sisiguraduhin kong ikaw na ang huli kong alalahanin hanggang mamatay ako"

humarap sa akin si Jinn at ngumiti pero napansin kong lumuluha na ang mga mata niya. ngumiti siya sa akin ng mapait

"alam kong imposible dahil isa ka ng monghae pero gagawin kong posible!" sabi ko at halos pumiyok ako

hinawakan niya ang mukha ko at umiling sa akin kaya pakiramdam ko nasaktan ang puso ko. ganito ba kasakit ang naramdaman ni Jinn nang makitang kasama ko si Seph

napahawak na lang ako sa bibig ko habang umiiyak. kasalanan ko ang lahat. kung hindi nawala ang alaala ko baka hindi isinuko ni Jinn ang kaligayahan niya

"Jinn.." sabi ko habang umiiyak

hinalikan ko sa labi si Jinn at hindi ulit pinansin ang mga monghae nakatingin sa amin