webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
27 Chs

Ikalawang Kabanata

Jerome Manalastas

Ikalawang Kabanata

FLASHBACK

August 4, 2041.

Lahat ng ito ay naganap noong first year high school ako. Dose-anyos pa lamang ako noong una akong makatapak sa eskwelahang ito. Normal lang naman ang lahat noong unang pumasok ako dito. Napakaganda ng eskwelahang ito dahil napapalibutan ito ng magagandang bulaklak. Sikat 'din ito sa pagkapanalo sa iba't ibang kompetisyon sa ibang bansa.

Isa akong player ng ice hockey noon. Suportado ako ng aking mga magulang dahil ito ang gusto ko. Ipinasok nila ako sa eskwelahang ito dahil ayon sa kanila ay deserve ko 'daw ang mapunta dito. Ayaw ko silang paasahin sa wala, kaya pinagsisikapan ko ang lahat. Hindi naman mababa ang nakukuha kong mga marka, sumakto lamang ito sa with honors. Sapat na sakanila iyon. Iyon na ang nagpapasaya sa kanila.

Nagtungo ako sa locker upang kunin ang safety gears at ilang gamit para sa paglalaro namin ng ice hockey. Tinawag kami ng aking coach dahil kailangan namin ng puspusang training dahil sa susunod na linggo na ang aming kompetisyon. Ito'y magaganap sa ibang bansa kaya hindi ko maitago ang aking tuwa dahil iyon ang unang beses na makakasakay ako ng eroplano kasama ang aking mga magulang.

Nag-ayos na ako at sinuot ang damit na ice hockey. Nagtungo ako sa lugar kung saan kami nag-eensayo. Isa iyong malaking kwarto, kung saan ang flooring ay gawa sa yelo, makakapal ang mga dingding kaya hindi nalulusaw. May mga nakabukas na air condition na mas lalo pang nagpapalamig ng temperatura dito sa loob.

Naglakad na ako upang salubungin ang aking mga kaibigan na sina Keisha at Kairish. Magkapatid at kambal silang dalawa. Mapapanguso ka nalang talaga kapag babanggitin mo ang isa sa pangalan nila. Malilito ka 'din kung sino ba sa kanila si Keisha at sino si Kairish dahil sobrang magkamukha sila kung wala lamang nunal si Kairish malapit sa dulo ng kanyang mata.

"Handa ka na bang mag-ensayo, Becca?" tanong ni Kairish. Nakilala ko siya dahil nakita ko ang nunal sa mata niya. Kung nasa malayo ako at isa sa kanila ang tumawag saakin, tiyak malilito ako. Magkamukha sila pero may kakaibang personality. Si Kairish ay napakamasayahing tao at palakaibigan habang si Keisha naman ay kabaligtaran ni Kairish. Napakatahimik at napakaseryoso, pero siya 'yung tipo na napapansin lahat ang nangyayari sa buong paligid. Nginitian ko siya at tumango.

Naglakad na kaming lahat papalapit sa aming coach. Sinalubong kami nito na may maaliwalas na ngiti. "Magposisyon na kayo sa inyong mga lugar." bigkas ng aming coach atsaka itinuro ang bawat posisyon. Bago kami nag-umpisa, hinintay muna namin ang isa pa naming kasamahan. Xavier ang ngalan niya. Gwapo, matangkad at magaling maglaro ng ice hockey. Kahit na sinasabi ko ang mga bagay na ito, wala akong interest sakanya.

Si Xavier ang pinakahinahangaan ni Kairish. Minsan nga ay binibiro niya kaming dalawa ni Keisha na mahal na niya daw ito. Sa totoo niyan ay natotorpe si Kairish at ayaw niyang aminin kay Xavier na may gusto siya sakanya. Pero madalas ay nag-uusap 'daw sila ni Kairish. Kasing-ugali ni Keisha si Xavier sa personal ngunit pagdating sa chat ay sobrang hyper nito. Kaya sobrang nagustuhan siya ni Kairish.

Ilang saglit lamang ay iniluwal ng pintuan ang napakagwapong nilalang. Napaharap kaming tatlo kabilang ang aming coach. Sabay sigaw ni Coach kay Xavier na umalingawngaw sa buong kwarto. Hindi ko alam at bigla na lamang aking nakaramdam ng pagtaas mg balahibo at nakarinig ng malakas na tirling saaking tenga. Kaagad namang lumapit saakin si Kairish upang kamustahin ako ngunit sinabi ko sakanya'y ayos lamang ako.

Matapos mapadpad ni Xavier sa kanyang posisyon, tinuon na namin ang aming pansin sa laro. Kakampi ko si Keisha habang katunggali ang dalawang magkatandem. Nakikita ko ang kilig sa mga mata ni Kairish ngunit ilang beses niya akong sinenyasan gamit ang mata upang sabihin 'wag ko na lamang 'daw siyang pansinin.

Nag-umpisa na ang laro atsaka ko ipinasa ang bilog kay Keisha, itinulak niya ito gamit ang kanyang hockey stick, at naipasok niya ito sa goal. Napakati ng ulo si Xavier. Napangiti naman ako. Muli, ang bola ay nasaamin at pinagpasa-pasahan namin ito ni Keisha para malito ang aming kalaban, hindi ko inaasahan ay nadulas ako bigla at bumagsak sa yelo.

Mabuti't hindi ganoon kalakas ang impact sa aking ulo dahil suot ko ang hockey helmet. Hindi naman ako siguro nagkaroon ng malalang sugat. Siguro naman ay galos lang sa kamay ang natamo ko. Pero bago ako tuluyang makatayo, nakaramdam ako ng pangangalambot na naging dahil upang bumagsak uli ang aking ulo. Isang imahe ng babae ang papalapit saakin. Naka-puti itong dress at sadyang napakaganda niya. Wala akong ibang narinig kundi ang tinig nito. Napakaganda niya, ngnuit nakakapangilabot ang kanyang tinig. Naramdaman kong tumaas ang aking balahibo sa narinig.

Nagising ako sa katotohanan nang lapitan ako ng mga kaibigan ko. Itinayo nila ako ng maayos. Ang nakita kong babae kanina ay naglaho na. Ang katawan ko'y hindi ko magalaw na para bang ito'y naparalyze. Sinubukan ko ngunit hindi ko talaga ito maramdaman. Lumapit na saamin ang coach, dahil hindi ako magalaw ay binuhat niya ako at dinala kaagad sa clinic upang hindi lumala ang kondisyon ko.

Habang bitbit ako ng aking coach, nakalaglag lang ang mga kamay at ulo ko. Nakita kong muli ang babaeng iyon na nakamasid saakin ng mataimtim. Nakatayo siya sa likuran ng aking mga kaibigan. Napansin ko 'din ang mukha nila na nag-aalala.

Simula noong araw na iyon, hindi na ako pinayagan ng mga magulang ko na sumali pa sa paglaro ng ice hockey. Matapos ang araw kasi na iyon, hindi ako nakapasok dahil hindi ko parin magalaw ng maayos ang aking katawan. Kinausap nadin ako ni coach, at kahit na gusto kong sumali, ay hindi ko naman magalaw ang katawan ko.

Sa araw ng kompetisyon, hindi na ako napunta. Nabalitaan ko nalang mula kay coach na pinalitan na nila ako. Paminsan-minsa'y dumadalawang ang mga kaibigan ko dito kasama si Xavier para kamustahin ako. At habang palipas ng palipas ang mga araw, unti-unting nalayo ang loob nila saakin. Naging mas malapit pa sila sa ipinalit nila saakin.

Ngunit mula noon, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinausap ni Xavier. Araw-araw ay nag-uusap kami ng mas madalas, at naramdaman ko ang pagpaparamdam sakin ni Kairish na kesyo mang-aagaw 'daw ako o ano. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin. Inilayo ko na rin ang loob ko kay Xavier at baka ano pang mangyari saamin. Matapos kong sabihin na tantanan na nila ako, hindi na niya ako kinausap.

Isang araw, bigla na lamang akong kinausap muli ni Xavier. May ilang pinagusapan kami tungkol sa ilang pagbabago sa ugali ni Kairish. Para bang ibang tao ang kaharap nito tuwing makikipag-usap siya. Madalas ay panay ang pang-snob niya sa mga taong kinakausap ni Xavier, na medyo malayo sa ugali niya. Sabi ni Xavier ay nag-umpisa ang lahat ng ito, simula nang maparalisado ang katawan ko.

Matapos kaming mag-usap ni Xavier ay umuwi na ako. Patuloy parin ang panggugulo saakin ng mga sinabi ni Xavier. Hindi kaya may kinalaman ito doon sa babaeng nakita ko noong mauntog ako? Naramdaman ko ang pagkabog ng mabilis ng puso ko. Isang malakas na busina ang nagpagising saakin mula sa aking malalim na pag-iisip. "Hoy! Ano ba? Magpapakamatay ka ba!?" galit na sigaw ng driver ng isang jeep. Napaatras ako. Yumuko ako at humingi ng tawad sa driver at sa hindi inaasahan ay may nabangga ako mula sa aking likuran.

Nang humarap dito, doon ko lamang napagtanto na isa pala matandang babae. Nakaupo ngayon ito sa sahig at sunusubukang tumayo. Tinulungan ko ito upang makatayo. Nang makatayo na ito, marahas na binitawan nito ang aking kamay. "Masamang espirito. Isang masamang elemento!" sigaw niya na nagpagulat saakin.

"Ano po iyon?" tanong ko. Nakaramdam ako ng takot at pangamba. "Sila ay nagambala. May sumusunod na itim na aura sa iyo, hija. Kinakailangang mag-ingat ka. Napakalakas na elemento." bulong nito saakin. Ang nakita ko ba ang tinutukoy niyang masamang elemento? Hindi kaya isang kaluluwa ang sumanib sa katawan ni Kairish kaya siya nagkakaganito?

"Ano po bang kailangan kong gawin?" tanong ko sa matanda. Malalim itong nag-isip bago naisipang mangalkal sa kanyang bayong. Isang papel ang iniabot niya saakin kung saan may nakasulat na address at nakapangalan dito ang Consolacion De Le Vara. Nang lumingon ako upang magtanong ay doon kolang napansin na wala na pala ang matanda.

Matapos ang pangyayaring iyon, sobrang kakaiba na ang pakiramdam ko. Para bang may nakamasid saakin, para bang may nakakita ng bawat kilos ko. Lahat ng sinabi ng matanda, totoo nga ba ang lahat ng iyon? Dapat ba akong maniwala? At sa mga panahong ito, alam kong iisa lang ang makakausap ko. Ang taong nakapansin 'din sa pagbabago ni Kairish, si Xavier.

Sa sumunod na araw, pagkatapos ng klase ko ay kaagad ay pinuntahan ko si Xavier. Kinausap na 'din namin si Keisha. Kaya pala maging siya ay hindi ako kinakausap dahil matagal na 'din akong sinisiraan ni Kairish, o ang kaluluwang sumanib sakanya. Nagtulong-tulong kaming tatlo upang dalhin si Kairish sa lugar na nakasulat sa papel na binigay ng matanda kahapon.

Kahit pilit itong nagpumiglas ay nagpatuloy pa 'din kami. Napakalakas ng katawan niya, maging kaming tatlo ay hindi namin siya mapigilan. Papalapit na lamang kami sa lokasyon na iyon ng makatakas samin si Kairish, at sa hindi inaasahan ay tumumba ito nang may bigla na lamang siyang naamoy.

Nakita namin ang isang matanda na may hawak na isang bote, nasa harapan niya si Kairish na nawalan ng malay. "Huwag kayong mag-alala, nakatulog lamang siya." bigkas nito. Lumuwag ang aming pakiramdam. "Kayo po ba si Ms. De Le Vara?" tanong ko. Nginitian lang kami at nag-umpisa na itong maglakad.

Pinagtulungan namin na buhatin si Kairish at sinundan ang matanda. Dinala niya kami sa isang lumang bahay, kung saan ang eksaktong address na nakasulat dito. Isang matandang bahay na gawa sa kahoy. Ang daan patungo doon ay natatakpan ng mga dahon ng mangga. Napalilibutan kasi ng halaman at puno ang lupaing ito.

Inihimlay namin ang katawan ni Kairish sa mesa. Narinig naming tumikhim si Ms. De Le Vara. "Alam ko ang sinadya niyo dito." saad nito habang ibinubukas ang mga kandila sa harapan ng altar. Lumapit ito sa amin. "Hindi ito ang unang pagkakataon na dalhin ang ligaw na kaluluwa na sumanib sa inyong kaibigan." bigkas ni Ms. De Le Vara.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Keisha. Hindi ko inaasahan na magsasalita siya. Siguro'y sobrang nag-aalala na siya sa kapatid niya kaya gusto niyang malaman kung ano ang nangyari. "Bago tayo, may nauna ng lupon ng mga estudyante na napagdaan ang kaparehong problema natin." sabi ni Xavier.

"Paano mo nalaman, Xave?" tanong ko sakanya. Napatingin siya kay Kairish. "Abala ako sa pagreresearch noong isang araw nang mabasa ko ang isang article tungkol sa isang estudyante nagngangalang Clein. Ang buong pangalan nito ay Erzeclein Solomon. Namatay ito ng dahil sa isang sakit. Ngayon, ang bali-balita ay ang katawan niya ay nakatago sa kung saan sa university. At ang tanging nakakaalam no'n ay ang kanyang Ama na si Erginald Solomon. Isa siyang scientist at former teacher sa Dandelion University. Matapos ang dalawang araw, nawala ang article na 'yon. Nang huling i-check ko 'yon ay labing dalawa lamang ang reads nito. At ang 12 taong iyon ang tanging nakakaalam kung ano nga ba ang nilalaman no'n.

"Kabilang ako 'don." bigkas ni Keisha. Napatingin kaming lahat sa direksyon niya. "Nabasa ko 'din ang article na 'yon, pero 3 months ago pa 'yon." kwento ni Keisha. Nanginginig ang buong katawan ko. "Binasa ko 'yon sa pag-aakalang isa lamang 'yong fiction story na ginawa ng mga students sa university. Akala ko hindi totoo 'yon." saad ko sakanila.

"Totoo si Mr. Erginald. Nasa records ang mga pangalan niya. At ayon sa binasa ko, napatalsik siya sa school dahil..." hindi niya naituloy ang sinasabi niya. "Dahil ano?" tanong namin ni Keisha.

"Dahil siya ang sinisisi sa pagkawala ng mga estudyante niya. At isang patay na katawan ang natagpuan nila." pagkasabi ni Xavier sa mga linyang iyon, bigla na lamang humangin ng malakas. Napatingin kaming lahat sa direksyon sa labas. Ang mga dahon ay nagpaikot-ikot at bumuo ng isang maliit na ipo-ipo. Mabilis na isinarado ni Ms. De Le Vara   ang mga bintana.

"Maghawak kamay tayo." bigkas nito at ginawa namin ang sinabi niya. "Kahit anong mangyari ay walang bibitaw." Lalo pang tumindi ang hangin sa labas. Naririnig namin ang pagkaluskos ng mga dahon sa labas. Malakas na pagkalabog sa mga bintana kasabay ng mabilis na pagtibok ng mga puso namin. Sa mga panahong iyon, nakaramdam ako ng takot at pangamba.

Namatay lahat ng kandila. Dumilim pa dito sa loob ng bahay. Lahat kami ay ipinikit namin ang aming mga mata. Narinig namin ang pagsasalita ni Ms. De Le Vara ng ilang salita sa isang lengguwahe. Sa tingin ko'y sa wikang Espanyol. "Señor, sálvanos de todo desastre. No dejes morir a este niño. A través de nuestra oración, sálvanos de los espíritus malignos." ilang ulit na ibinigkas ni Ms. De Le Vara iyon. Natahimik ang paligid at nawala ang ingay ng mga dahon.

Nakita naming unti-unting umangat ang katawan ni Kairish. Napahawak ng mahigpit saakin si Xavier na para bang binabalahan ako na huwag bibitaw. "Kairish!" sigaw ni Keisha at saka lumapit sa lumulutang na katawan.

"Huwag!" sigaw ni Ms. De Le Vara. Nang hawakan ni Keisha ang kamay ni Kairish ay nahulog ang katawan nito. Nag-aalalang tumingin si Keisha sa katawan ni Kairish. Naging mas mahigpit pa ang hawak nina Ms. De Le Vara at Xavier saakin. Tumayo si Kairish at lumutang patungo sa mesa. Isang kutsilyo ang naroroon ar dadakmain na sana ito ni Kairish nang pigilan siya ni Keisha.

"Kung sino kamang sumanib sa kapatid ko, tantanan mo na kami!" sigaw ni Keisha. Hindi ko inaasahan ay tumulo ang mga luha ko. Hindi na siya napigilan ni Keisha dahil napakalakas ng pagkalas nito, nagtagumpay siya sa paghawak ng kutsilyo atsaka ito itinutok sa kanyang leeg. "La Muerte!" sigaw ni Kairish sa kakaibang lengguwahe.

Nakitang kong maging itim ang mga mata ni Kairish. Itinaga niya ang kutsilyo sa tiyan ni Keisha. Napasigaw kaming lahat. Bumalagta ang duguang katawan ni Keisha sa sahig. Naiyak na ako. Hindi ko na kaya, kailangan ko silang tulungan. "Huwag kang bibitaw, Becca." bigkas nito pero bumitaw ako. Pero huli na nang itaga ni Kairish ang kutsilyo sa kanyang leeg.

Napasigaw ako. Kasabay no'n ay ang pagliwanag ng buong paligid. Naging normal ang lahat. Muling bumukas ang mga kandila. Lumapit ako sa katawan ng magkapatid. "Xave, tumawag ka ng tulong!" sigaw ko. Kaagad ay nangalkal siya sa kanyang bulsa at kinuha ang kanyang cellphone.

Habang abala siya sa pagtawag ng tulong, ako naman ay dinamdam ang pulso ni Keisha at Kairish. Hindi ko na naramdaman ang kay Kairish. Napaiyak ako at yumuko sa harapan ng kanilang mga katawan. Diniinan ko pa ang compression sa sugat ni Keisha. Lumapit saakin si Ms. De Le Vara na may hawak na isang bote na may kulay rosas na likido sa loob. Ibinuhos niya iyon sa sugat ni Keisha.

Unti-unting bumalik ang dugo sa loob ng katawan ni Keisha, hanggang sa matakpan pa nito ang sugat. "Bigyan niyo pa po ako no'n. Sige na po. Si Kairish, parang awa niyo na." bigkas ko kay Ms. De Le Vara. Ngumiti siya ng mapait saakin. "Iyon ang huling vial na natira sa mga ginawa ko." bigkas niya.

"Ginawa? Maari po tayong gumawa uli. 'Wag po tayong mawawalan ng pag-asa. Maliligtas pa si Kairish." bigkas ko. Umiling ang matanda. "Upang gawin ang lunas na iyon ay kinakailangan ng isang taon. Pasensya na hija." bigkas niya.

Tumulo ng tumulo ang mga luha sa katawan ni Kairish. Hindi ko siya nailigtas. Huli na ako. Hindi ko nagawang iligtas si Kairish. Bakit ba saakin nangyayari ang mga ito? Nagbabadyang dumilim ang aking paningin. Nang isara ko ang aking mga mata ay nawala na ako ng malay.

Pagkatapos no'n ay dumating ang mga pulis at mediks. Tinawag 'din ni Xavier ang mga magulang nina Keisha. Labis 'din ang pagluksa ng mga ito. Nawalan kami ng matalik na kaibigan. Nawalan kami ng masasandalan. Nawalan kami ng mapagkakatiwalaan. Nawalan kami ng isang Kairish, na ang tanging ginawa ay pasayahin kami, sa mga panahong wala kaming makakapitan.

--**--

"You're leaving?" tanong ko kay Xavier. Pero sa halip na sagutin niya ako ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Sinuklian ko 'din ito. "Gusto nina Mama na sa Australia ako mag-aral at magtapos. Pasensya na, Becca." bigkas nito. Napangiti ako habang tumutulo ang mga luha ko.

"Ayos lang." sabi ko habang kayakap siya. Narinig ko ang paghikbi niya kahit na itinatago niya ito. "Basta huwag mo akong kakalimutan." sabi ko atsaka napangiti. Pumiglas na kami sa pagkakayakap. "Oo naman. Hinding-hindi kita makakalimutan." bigkas niya. Napatawa naman ako sakanya. "Osiya sige. Maghanda ka na. Mamaya na ang alis niyo, oh." natatawang bigkas ko sakanya kahit naiiyak na ako.

"Paalam, Becca." malungkot na bigkas. "Hindi pa ito ang huli, diba?" tanong ko sakanya. "Hindi pa." sabi niya. Bumitaw na kami sa isa't isa. Ngayon ay tuluyan na akong naging mag-isa. Si Keisha 'din ay idinala sa ibang bansa matapos ang mangyari sa kanyang kapatid. Naglakad na kami papalayo sa isa't isa. Bago pa man ako makalayo at lumingon ako para tignan siya. Nakita ko ang isang papel na nakadikit sa aking likod. Isang kota ang nakasulat doon.

"Babalik ako, Becca. Mahal na mahal kita..."

END of FLASHBACK

--**--

Nanginginig ang buong katawan ko. Natawag ang pangalan ko at hindi ko 'to inaasahan. Hindi ako lumabas upang magtungo sa harap. Nakaramdam ako bigla ng takot. "Ms. Rebecca Natividad, will you come forward?" bigkas muli ng Head. Nagdalawang isip ako kung kailangan nga ba akong pumunta doon.

"REBECCA!!" sigaw ng Head sa inis dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako lumalapit. Lalo pang tumindi ang panginginig ng katawan ko. Natatakot ako na baka kapag hindi ako lumapit ay maparusahan ako, kaya nagtungo na ako sa kinaroroonan ng iba pang natawag. Nakita kong ngumiti ang Head. Hindi ko inaasahan ay tinisod ako ng mga estudyanteng nadaanan ko.

Napatingin ako pabalik sa kanila. Lahat sila'y pinipigilan ang kanilang pagtawa. Naglakad na ako paakyat ng stage. The head gave me a cheeky smile. Isang tingin na para bang pinapatay ako sa isip niya. Mabagal na pumalakpak ito, at mabagal na sumabay naman sakanya ang lahat ng estudyante.

"Congratulations, Ms. Natividad." nag-alok ito ng pakikipag-kamay. Tinaggap ko ito at nang mahawakan ko ang kamay niya ay hinigpitan niya ito. Bumitaw na ako at hinawakan ang aking kamay. Sobrang sumasakit ito. Tumayo na ako sa gilid ng mga iba pang natawag kanina. Lahat sila'y proud na nakaharap sa mga kapwa namin estudyante.

"Maraming salamat. Abangan niyo na lamang ang information na ibibigay namin sainyo." bigkas ng Head atsaka na kami pinababa ng stage. Nakatingin parin saakin ang Head pero hindi ko na lamang iyon pinansin. Kakaiba 'din ang pakiramdam ko nang makaharapan ko siya.

"That's all for today. You may now get back to your classes." masayang bigkas ng Head. Nagpalakpakan muli ang mga estudyante at muli ng bumalik sa kanilang mga kanya-kanyang klase. Bago pa man ako makalabas ay may pumigil na saakin.

"Hi!" bati ng isa sa mga lalaking natawag kanina. "You're Becca, right?" tanong niya. Tumango lang ako habang naglalakad. Nag-alok siya ng kamay, "Jerome, your new friend." bigkas niya atsaka binigyan ako ng maaliwalas na ngiti.