webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Teacher_Anny · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
54 Chs

You Are Not a Kid Anymore

Magkahawak-kamay na naglalakad sina Theo at Rina sa hardin ng mansion. Dapit-hapon na kung saan ay nakangiti nilang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang makausap ni Rina si Theo at sa oras na iyon, tingin naman ni Rina ay unti-unti nang nakaka-recover ang lalaki.

"Darating mga magulang mo ngayon, dito sila kakain."

Napansin ni Rina ang paglalaho ng ngiti sa labi ni Theo.

"Then, I'll stay in my room."

"Ha? Bakit naman? Ayaw mo ba silang makausap?"

"I'm not in the mood."

"Hindi mo ba sila bibigyan ng pagkakataon man lang na magpaliwanag sa 'yo?"

"I don't know."

"Theo, alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon...pero ayaw mo ba talagang subukan na pakinggan sila? Mahal ka nila pero minsan sa ibang paraan lang nila pinapakita iyon sa 'yo. Kung bibigyan mo lang sila ng pagkakataon, sigurado akong mauunawaan mo rin kung bakit kinailangan nilang gawin iyon."

Hinawakan ni Rina ang kamay ni Theo kaya nagbaba ng tingin ang lalaki sa kanya. "Theo, please. Gusto kitang maging masaya. Hindi ka sasaya kung palaging galit na lang ang nangingibabaw riyan sa puso mo. Kailangan mo ring matutunan na magpatawad kasi katulad nga ng sinabi ko sa 'yo noong una, walang taong perfect. Lahat nagkakamali but hindi iyon nangangahulugan na hindi na nila deserve ng kapatawaran. Magulang at pamilya mo sila...at ano man ang nagawa nila sa 'yong pagkakamali, sa huli sa kanila ka pa rin lalapit o sila pa rin ang malalapitan mo."

"I'll try because you said so...but promise me that you will be on my side."

"Okay, promise."

"Thank you, Rina. I love you."

"I love you too, Theo."

Sumapit ang alas otso ng gabi at dumating na sina Armando at Caridad sa mansion. Napilit ni Rina na sumalo sa hapunan si Theo kaya nga lamang, nabalot na naman ng katahimikan ang hapag. Lahat ay nahihiyang magsimulang magsalita. Natapos na nga lang silang kumain ay tanging tunog ng kutsara at plato lamang ang maririnig doon.

Nagliligpit na noon si Rina kaya tumayo na rin si Theo nang tawagin siya ng kanyang ama na si Armando.

"Theo, anak...pwede ka ba naming makausap?"

Nilingon ni Theo si Rina samantalang binigyan naman ni Rina nang makahulugang tingin si Theo kung saan ay pinaparating niya sa lalaki na bigyan ng pagkakataon ang mga magulang. Tumango naman si Theo nang marahan kaya nakahinga rin siya nang maluwag.

"Sige."

"Sa sala tayo."

Nagpatuloy si Rina sa pagliligpit ng pinagkainan at saka sumingit. "Ipagtitimpla ko ho kayo ng mainit na maiinom."

"Tsaa na lang sa akin, Rina," sabi ni Armando.

"Iyon na lang din ang akin," si Caridad.

"Sige po."

Nagtungo sina Armando, Caridad at Theo sa sala. Magkatabi ang mag-asawa at katapat ang anak. Hindi naman makikitaan ng emosyon si Theo kaya may pagdadalawang-isip pa sa mag-asawa kung paano uumpisahan ang kwentuhan.

"Anak," simula ni Armando.

"Patawarin mo kami," dugtong ni Caridad.

"Tell me, why should I forgive all of you?"

"Anak, nagawa namin 'yon dahil iyon ang akala naming makabubuti sa 'yo," si Caridad.

"Alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo bilang ama mo. Aminado ako na naging masama akong ama sa 'yo pero maniwala ka sa akin anak. Lahat ng ginagawa ko ay para din sa inyo ng mama mo..."

Mababanaag ang nangingilid na luha sa mata ni Armando habang nagsasalita. Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy.

"Anak, you are important to us. Alam mo ba noong mawala ka sa amin noon? Halos mabaliw ako at lahat na ata ng tauhan natin ay pinagbuntunan ko na ng galit. Ayoko nang maulit pa ang pangyayari na 'yon kaya masyado na akong naghipigpit sa mga taong papasok at lalabas sa mansion."

"You did that because you are too afraid that they might see your son having a psychological condition. Alam kong wala nang ibang mahalaga sa inyo kundi ang hotel at ang pangalan ng pamilya natin."

"Anak totoo na mahalaga sa akin ang hotel pero hindi ako nagsisikap na palaguin ang hotel natin para sa sarili ko lang kundi para sa kinabukasan ng pamilya ko. Kung hindi ko 'yon gagawin, ano ang ipapakain ko sa inyo. Anak, hindi kita kinakahiya sa lahat...mahal kita at mahalaga ka sa akin kaya ganoon na lang din kita protektahan sa lahat. Oo, aaminin ko na hindi kita binabanggit noong una sa mga kakilala at kaibigan ko, hindi dahil kinakahiya kita kundi dahil ayokong marinig na hinunusgahan ang anak ko dahil masakit din 'yon para sa akin bilang ama mo."

"Kung totoong mahalaga ako sa inyo, bakit hinayaan ninyo akong mag-isa sa mansion nang mahabang panahon?"

"Anak, alam mo ba noong nawala ka? Malaki-laking pera din ang nawala sa atin na kailangan kong pagtrabahuan—"

"I knew it. Ako ang may kasalanan ng lahat."

"Hindi kita sinisisi, Theo. Patawad kung nagkulang kami ng oras sa 'yo but that time, bumabangon pa lamang ang hotel natin...kailangan magdoble effort para hindi tayo malugi. Hindi rin namin gusto na hayaan kang mag-isa sa mansion pero wala kaming ibang choice, Theo. Gusto ka sana namin bigyan ng makakasama kaso natatakot din kami na baka ikasama mo iyon lalo pa't sa tuwing may makikita kang tao noon ay tinataguan mo. Tanging mom mo nga lang ang nilalapitan mo noong oras na 'yon," ani ni Armando na lumingon kay Caridad.

"Patawad, Theo...patawad kung nagawa rin namin ang plano na 'yon sa 'yo."

Huminga nang malalim si Armando at tumigil sandali. Doon ay dumating si Rina dala-dala ang tray ng tsaa para sa tatlo. Nang maibaba na ni Rina ang tsaa ay hinawakan ni Theo ang kamay niya at pinaupo sa tabi nito.

"Aminado akong mali 'yon. Sorry anak. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako kahit ano'ng gawin kong paliwanag."

"Let me hear your explanation."

Huminga muli nang malalim si Armando. "Dahil gusto kong gumaling ka na para..."

Umiling-iling si Theo at saka tumayo na. "Gusto mo akong gumaling na para matulungan na kita sa hotel."

"Oo, isa 'yon sa—"

"Enough." Pagkasabi noon ni Theo ay naglakad na ito palayo sa mga magulang. Sigurado naman siya na iyon ang dahilan ng mga magulang kung bakit naisipan ang plano na iyon. Hindi niya nga malaman sa sarili kung bakit naisipan niya pang magtanong. Okay na sana dahil kahit papano ay narining na niya ang paliwanag ng mga magulang tungkol sa pangyayari dati. Kahit papano ay nabigyan na siya ng linaw kung bakit hinayaan siya ng mga ito na mag-isa sa mansion pero bumigat na naman ang pakiramdam niya dahil sa sumunod na tanong niya sa mga magulang.

"Theo," tawag ni Armando subalit hindi na iyon nilingon pa ni Theo.

Mayamaya pa, habang si Theo ay humahakbang sa hagdan paakyat, naramdaman niya ang paghawak ng isang kamay sa kamay niya. Nilingon niya kung sino iyon kaya nakita niya ang nagmamakaawa at nakikiusap na mata ni Rina sa kanya.

"Please, Theo...pakinggan mo muna ang dad mo."

"No, ayoko na."

"Please, Theo. Buksan mo ang puso mo at lawakan mo ang isip mo! Hindi ka na bata!"

Nagulat si Theo sa paglakas ng boses ni Rina. Bago sa kanyang pandinig iyon. Samantala nang lingunin niya muli si Rina, napansin niya rin ang gulat sa mga mata nito kung saan ay napatakip pa ito ng bibig.

"I'm sorry, Theo." Garalgal ang boses ni Rina nang humingi nang paumanhin.

Napayuko si Theo habang paulit-ulit na rumirihistro sa utak niya ang mga huling sinabi ni Rina. Lawakan ang isip at buksan ang puso. 'Hindi ka na bata!' Sinusubukan naman niya subalit tinatalo pa rin siya ng alalahanin na baka masaktan siya sa huli.

Mariin siyang napapikit. Masyado na nga bang nagiging makitid ang utak niya? Masyado na nga bang nakukulangan siya sa pang-unawa? Dapat niya ba talagang intindihin lahat ng paliwanag ng mga magulang sa kanya?

Huminga siya nang malalim at saka umikot muli. "I'm sorry too, Rina. Okay, papakinggan ko sila," aniya at muling bumaba ng hagdan.