webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Bitter 6

Dear Diary,

Valentines na naman.  Maglalabasan na naman mga malalantod at pabebe na mag jowa. Maglilitawan na naman mga bulaklak sa daanan.  Duh. 

Malalanta rin naman.  Taenis sila.

Sunod-sunod na naman ang mga post na LSM o Long Sweet Message sa facebook.  Kadiri kaya. Naalala ko na naman si Ricardo. Bwisit talaga. Nakakapunyeta, diary.

Pero dahil mabait ako tapos maganda pa, babawasan ko muna pagkabitter ko ngayon,  sa ngalan ng pag-ibig by December Avenue — charot! Sa ngalan naman ng Valentines.  Kase kahit papaano naranasan ko naman magcelebrate ng valentines kahit na mukhang kuko yang si Ricardo.  Yun nga lang,  sa fishballan.  Di man lang ako dinala kahit sa karinderia man lang.  Ang poor talaga nakakapunyeta na nama.  Binigyan din ako ng kukong yun ng mga love letters,  yun nga lang--

'Happy Valentines Day' lang nakalagay.  Wala talagang ka effort effort yang hampaslipa kong ex-jowa.  Binigyan din ako ng mga chocolate,  kaya nga lang sa sobrang kacheapan magbigay ni Ricardo Kuko,  ang binigay sakin yung mga tig-pipisong chocolate.  Yung mga starcup, chooey choco,  saka yung curly tops ata yun.  Sumatotal,  nakaranas ako ng Valentines pero cheap dahil nga galing kay Ricardo.  Ano pang aasahan ko dun?  Nga nga.  Bwiset.  Napabuntong hininga na lang ako diary. Kaawa awa pala talaga ako noon diary noh? Pumatol ako kay Ricardo. Parang bigla naman akong nanlumo. Hmp.

Tapos kanina naman sa school may pa program na naman ang Student Council.  Mga kaek-ekan nanaman nila. Bitter ko pa rin ba? Well, sabi ko lang naman babawasan ko, di ko naman sinabing tatanggalin ko. My ghad. May pa blind date,  marriage booth,  jail booth,  photo booth,  at marami pang booth.  Bwiset na yan.  Nagsasayang lang sila ng pera. 

Pero 'wag ka diary,  may naka blind date ako hihi.  Si Asphyx. 

Oo. 

Si Asphyx. 

Alam na alam ko ang amoy ng balahurang lalaking yun. Pagkatapos nun di ko na siya nakita.  Landi nung lalaking yun.  Hmp.  Etong si Mimi naman,  ubos na yung pera niya kakapalista nung pangalan niya saka yung gusto niyang makablind date.  Eh pano?  Tinatakbuhan siya. How sad naman Mimi. Inggit na naman iyon sa'kin dahil ako may naka-blind date siya wala. Utot niya no, duh.

Ang boring na naman diary.  Wala sila Nanay at Mumoy dito sa bahay.  Kumain sila sa labas.  Naiwan nnanaman ako.  Minsan nga napapaisip nalang ako kung mahal ba ako ng mahadera kong nanay?

So ayun nga diary. Mag- isa ko dito sa bahay.  Ano kaya pwedeng gawin? Tapos na kasi akong maglinis. Ayokong dumating sa puntong magdumi ako at linisan ulit. Ayoko rin  na dumating ako sa puntong paghiwalayin ang 3 in 1 na kape. At mas lalong ayokong dumating sa punto na magbangs ako. Never.

Ah alam ko na!  Ang talino ko talaga. Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa park. Malapit lang kasi iyong park dito diary. Medyo malapit kasi kami sa bayan kaya may mga ganitong lugar dito. Nadedemonyo nanaman ako.  Namulot na ako ng mga bato saka naghanap ng pagtataguan.  Alam niyo na siguro gagawin ko 'no?

Operation: Mambato ng magjowa!

Mukhang hindi ko mapapangatawanan ang sinabi ko kanina diary, mukhang magiging bitter talaga ako ngayo. Kasalanan talaga 'to ni Ricardo. Siya talaga ang may kasalanan nito.

Dito na ako nagtago sa likod ng malaking paso malapit sa swing.  Nakita ko yung target ko eh.  Magkaholding hands ang mga gaga.  Eh yung swing dito sa'min,  may bubong siya.  Tapos medyo makalawang na.  Kinuha ko yung pinakamalaking bato sa pinulot ko kanina saka binato sa bubong.  Matangkad yung lalaki saka maliit yung babae kaya nakatingala siya.  Sakto yung pansandal niya ng ulo sa balikat nito habang nakatingin sa mata nung lalaki.  Kulang nalangabalian ng buto to eh.  Pagkabagsak nung bato,  naglaglagan yung mga kalawang ng bubong kaya napuwingan yung babae. 

One Point, Milan!  Ang galing mo! Pasimple akong umalis doon diary dahil narinig ko nang umiiyak iyong babae. Bahala ka jan. Agad akong tumakbo at naghanap ulit ng target. Namataan ng maganda kong mga mata ang mga malalantod na mga estudyante.  Imbis na umuwi ng maaga naglalandian pa rito.  Nakakakulo ng dugo ang mga 'to ah! 

Bale two pairs ng magjowa na estudyante ang nandito.  May inabot na balloon yung Lalaki kay ate girl.  May naisip nanaman ako haha.   Buti nalang talaga at katabi ko ang basurahan.  Kinuha ko ang isang disposable na kutsara saka nilagay yung matulis na bato na napulot ko kanina.  Tinarget ko na yung balloon.  Sakto hinahalik halikan pa nung babae. Isasinta ko yung ballon and then!  Poof!  Pumutok yung balloon sa bibig nung babae.

Two Points, Milan.

"Aray ko bebe!  Yung bibig ko!  Huhu! " naiiyak na sabi ni ate gurl. Napaka-arte mo. Suntukin ko nguso mo jan eh.

Sinunod ko naman yung katabi nila. May laman yung basong katabi ni kuya boy.  Pasimple kong binato ulit yun kaya nabasa yung palda saka slocks nila. 

3 points for Milan!

"Oh my god bhie!  Yung palda ko huhu!" Pag iinarte ni ate gurl. 

Napaka arte naman nito.  Basagin ko mukha mo jan.  Makaalis na nga. Next target ulit diary.

Lumipat ako ng pwesto diary.  Naghanap na naman ako ng target. Wala na pa akong namamataan na target nang may humawak sa braso ko.  Paglingon ko si Asphyx lang naman pala. 

"Problema mo? Ano pala ginagawa mo dito?" Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa'kin. 

"Nakita ko yung mga ginawa mo kanina."

"Oh?  Tapos?  Anong problema dun?"

"Bat mo ginagawa yun?  Masaya ba yun para sa'yo? " hindi niya inaalis ang tingin sa akin. 

"Ano bang pakialam mo?  E sa yun ang gusto ko eh.  Anong magagawa nila? Duh. Dun ka na nga!  Panira ka ng trip talaga kahit kailan! " Inirapan ko nalang siya ng mata saka kinuha yung braso ko saka nauna nang naglakad.  Iniwan ko na siya dun.  Bahala siya sa buhay niya.  Potanis.

"Sumama ka na lang sa'kin.  Kain tayo sa restaurant o kahit sa mga turo-turo.  Wag ka lang manira ng relasyon diyan.  Di ka uunlad jan."  Sabi niya kaya napalingon agad ako.  Binitawan ko na rin ying natitirang bato sa kamay ko.  Yak.  Ang dumi ng kamay ko.  May pagka dugyot pala ako minsan. Ngayon ko lang napansin.

"Sige game! " sabi ko saka pasimpleng kapit sa braso niya.  Naka longsleeve siya na damit tapos shorts.  Pasimpleng punas na rin ng kamay syempre. Ang brainy ko talaga. Bibihira lang talaga ang mga taong kagaya ko na maganda tapos matalino na medyo dirty.  

"Mukha ka talagang pagkain na baluga ka. Wag ka ngang kapit ng kapit!  Mukha ka na ngang tuko,  kapit ka pa ng kapit!  " sabi niya saka tinanggal yung braso niya sa kamay ko. Napaka-arte rin ng isang to eh. Kanina seryoso ngayon kung makalait sa'kin kala niya ako na pinapangit na tao. Duh, nandyan pa si Mimi. Walang tatalo jan.

"Ito naman!  Kakapit lang.  Kala mo naman mawawala yang braso mo.  Ano ka chicks? Pabebe neto. " inirapan ko nlang siya.

Kumain nalang kami sa barbeque-han. Matagal na kasi akong hindi nakakatikim ng ganito eh. Hindi ko na nga maalala kung kailan. Maraming kainan dito diary, bale nakahilera silang lahat. May mga nagtitinda ng barbeque, shawarma, mga kwek-kwek at marami pang street foods. Feeling ko mabubuosg ako ngayon. Hindi kasi ako dinadala dito ni Ricardo dati, alam niyo na, cheap. Hmo.

Habang kumain diary, may naisip na naman ako.  Syempre,  ano pa ba aasahan mo sa matalinong gaya ko?  Nagpa-ihaw ako nang nagpaihaw kay ateng tindera.  Tapos pinamigay ko ulit.  Hindi alam ni Asphyx yun dahil busy siyang nagcecellphone. 

"Ah miss 500 lahat. Yung bayad hah? " kinalabit ako nung tindera.  Ano akala sakin,  poor?  Poor naman talaga ako. 

"Sa kanya mo na lang kunin ate. Salamat." sabay nguso kay Asphyx.  Nilapitan siya ni ateng tindera.

"Ah ser,  500 po lahat." Napa-angat naman agad ng tingin si Asphyx at tiningnan yung mga kumain dito. 

"Pre salamat sa libre hah! Sa uulitin! " tambay 1

"Oo nga!  Sana lagi kang andito para libre lagi kami. Hahaha!" Tambay 2.

Kanina habang kumakain sila, sinabihan ko sila na huwag na lang mag-ingay. Kaso matitigas ang ulo nila at tinawag pa ang atensyon ni Asphyx.

Tiningnan naman ako ni Asphyx kaya sinubo ko nalang yung natitirang betamax sa  mangkok ko.  Yung mga titig niya na nakakapatay.  Nakow!  Lagot ka day! 

"Tara na Asphyx.  Pinabalot ko na yung ibang binili natin hehe." Sabi ko sa kanya sabay talikod. 

"Eto na po yung bayad.  Salamat po ate. " inabot niya yung bayad kay ateng tindera saka umalis na rin. 

Maya maya,  may kumutos sakin diary! 

"Ikaw!  Nakatalikod lang ako may kalokohan ka nanamang ginawa! " nanggigigil niyang sabi sakin. Medyo masakit iyon diary.

"Peace bruh!  Nyeta ka ansakit ng kutos mo! " sinuntok ko yung tiyan niya pero ako rin lang ang nasaktan.  Paking inamers, may abs si koya diary. 

Kinain nalang namin yung barbeque sa may waiting shed sa'min. Nagkwentuhan lang kami tapos nilait lait na naman ako ni Asphyx. Hindi ko na lang pinatulan dahil baka ipaluwa lahat ng kinain ko, eid naloka na naman ako. Pagkatapos naming kumain,  hinatid niya ako sa malapit sa bahay namin tapos umalis na siya. 

Nakakapagod diary,  pero masaya kahit  papaano. Pagdating ko ng bahay panigurado bubungangaan nanaman ako. 

Nakakatakot pa naman si Nanay ngayon dahil Valentines. Alam niyo na, miss niya siguro si Tatay.

Sige na diary,  sa susunod ulit. 

Mautak na,  maganda pa,  Milan.

***