webnovel

Prologue

Minsa'y hindi ko maitanggi sa sarili kong, labis akong nababahala sa kung anong pagkatao ba ang mayro'n ako noon. Napakahirap tanggapin kung ano ang kalagayan ko ngayon. Hindi ko alam ang nakaraan ko, walang ideya kung bakit naandito ako, hindi ko alam kung sino ba talaga ako, at ang pinakamalala?! Wala akong maalala na kahit ano. Ni isang piraso mula sa nakaraan, wala. Tanging kwintas lang ang naiwan sa akin. Paano ko pa mahahanap ang sarili ko? Gayong, wala talaga akong maalaa?

***

"Pota..." naiusal na lamang ng bus driver kaya napatingin sa kaniya ang estudyanteng lalaki na malapit sa kaniyang inuupuan.

"B-Bakit, Kuya? May problema po ba?" tanong ng estudyanteng lalaki sa bus driver at nahahalata niyang namumutla na ito. Natinag naman ang katabi niyang babae.

"Anong problema? Mayroon bang problema?" nagtatakang tanong no'ng babae pero hindi kumibo ang dalawa. Tutok na tutok naman ang bus driver at tila nahihirapan sa pagmamaneho. Nagtataka naman ang hitsura ng estudyanteng lalaki nang tignan siya ng babaeng estudyante. Nang lingunin niya ang dinadaanan ng bus ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata. "K-Kuya driver! May bangin! Lumiko ho kayo!" naisigaw na lang ng babaeng estudyante. Agad namang natinag ang kasama niyang mga kaklase at napasinghap nang makita nilang malapit na sila sa tulay.

"H-Hindi gumagana ang preno!" naibulalas ng bus driver. Ilang beses at diin niya pang tinatapaktapakan ang preno pero wala talaga. Nanlaki naman ang mga mata ng babae.

"A-Anong ibig ninyong sabihin?" natutulirong tanong ng babae.

Tila ba alam niya na ang mangyayari. Naisip niya ang nakita niya kanina bago sila bumyahe, ngunit hindi niya ito pinansin dahil akala niya'y wala lamang iyon. Mas lalong kumabog ang dibdib ng babae sa kaniyang naiisip kung anong posibleng mangyari sa kanila ngayon.

"OH MY GHAAAAAD! MAHUHULOG TAYO!"

"JUSKUUUUUUUPOOOOOO!!"

"WAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!"

"SHIT! KUYA, ILIKO MO!!!!!"

"IPRENO MO POOOOOO!!!"

"WAAAAAAAHHHHHH!!!"

At ang sumunod na nangyari ay nahulog ang bus sa bangin at hindi malaman kung anong nangyari sa mga pasahero nito.

° ° °

AUTHOR'S NOTE:

This Book is a work of Fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the Amateur Writer's imagination and are use fictitiously.

Any resemblance to actual events, places, ir persons, living or dead, is entirely coincidental.

This story is written by an Amateur Writer, so expect there is some typos, misused of grammars, conflicts and other writer's mistakes.

Your Votes, Comments, Share and adding this story to your Reading Lists is highly appreciated.

©All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mecahnical means.

PLAGIARISM is a crime!