webnovel

Chapter 9

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Binuka ko ang aking mga mata at natagpuan ang sarili sa aking kwarto. Paano ako nakapunta dito? Anong nangyari pagkatapos kong hinimatay? Hindi natuloy ang aking pag-iisip nung umilaw ang pulang bato galing sa aking kamay. Napakunot ako ng noo. Paano ito napunta sa kamay ko?

Nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Agad kong hinimas ito gamit ang kanang kamay, kinuyom ito at nilagay sa ilalim ng kumot. Si Skyme, Demen Ian, Demen Universe at si King Demen Arthur.

"Kamusta ka na?" agad na tanong ni King Demen Arthur pagkatapos umupo sa maliit na sofa na nasa kanan ng aking higaan. Si Skyme at Demen Universe naman pumunta sa likod ni King Demen habang si Demen Ian umupo sa aking higaan ng nakaharap sa akin.

"Paano ako nakarating dito?" takang tanong ko sa kanila. Tinignan ko sila isa-isa pero wala akong mabasa sa isip nila. Maybe Demen Universe blocked the connection. Mas naging mahigpit ang paghawak ko sa bato nang maramdaman kong namamasa na ang aking kamay. Alam kong may alam sila.

"Saan ka ba galing?" deretsong tanong ni Skyme habang nakaderetsong tinignan ako sa mata. He's trying to read me. Mas lalong namasa yung kamay ko sa tanong niya at sa paraan ng pagtitig niya sa akin. I can't let them know. Nilabanan ko ang mga titig niya, hanggang sa iniwas na niya ang kanyang mga mata sa akin.

"Sync, can you tell us what happened?" malumanay na tanong ni Demen Ian habang hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. He's hypnotizing me. Nagsimula nang manginig ang kamay ko pero nilabanan ko pa rin ang mga titig niya. Bistado na ba ako? Ilang sandali ay dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay sabay buntong hininga.

Tumingin ako kay Demen Universe. Nakakunot ang kanyang mga itto tila ba naguguluhan sa nangyayari. Tinitigan niya ako ng itt kaya tinitigan ko rin siya. Wala akong mabasa, wala akong itto o marinig sa utak niya. Pero nararamdaman kong parang inaantok ako. Unti-unting sumirado ang aking mga mata at agad na nakatulog ulit.

Pero bago pa man ako tuluyang makatulog, I performed Astral Projection. Unti-unting humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan at itto ko nalang ang sarili kong nakahiga na sa kama at natutulog.

Pero sa di inaasahang pangyayari, itto kong nakatitig si King Demen sa akin. Hindi sa aking katawan ngunit sa aking kaluluwa. Agad na iniwas niya ang kanyang tingin at napatingin sa kamay ng aking katawan. Umiilaw ito!

Lahat sila ay napatingin itto. Hindi ko namalayan na natanggal ko pala ang kanang kamay ko sa ilalim ng kumot! At sa isang iglap, bumalik ako sa aking katawan. Minulat ko agad ang aking mga mata at agad na bumangon. Nakita kong nakatayo na silang lahat at akmang lalapitan ako pero agad rin akong nagteleport papunta sa kinaroroonan ni Queen Demen.

*

Agad na bumagsak ako sa lapag at hinawakan ang dibdib. Masakit, ang sikip. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako nabasa ni Skyme at hindi rin ako nahipnotismo ni Demen Ian. Ngunit sigurado akong napatulog ako ni Demen Universe at mas sigurado akong nakita ni King Demen ang kaluluwa ko.

May nakita akong dalawang paang papunta sa aking kinaroroonan. Pag-angat ko ng tingin ay agad na sumakit ang aking ulo at mas sumikip pa ang aking dibdib.

Naaninag kong kasunod niya si Queen Demen bago pa man ako nakapikit. Bago pa man bumagsak ang aking katawan sa lapag ay inalalayan ako ng lalaki sa likod at agad na kinuha ni Queen Demen ang pulang bato sa aking kamay ay nilagay ito sa aking noo. Unti-unting nawala ang sakit ng aking ulo at lumuwag ang aking dibdib ngunit nakapikit pa rin ako at naghahabol pa rin ng hininga.

"It's okay." dinig kong sabi ng lalaki. Dumilat naman ako at tumingin sa kanya, seryoso ang kaniyang mukha at napakapamilyar nito sa akin na para bang nakita ko na siya noon. Bumaling ang tingin ko kay Queen Demen at agad siyang ngumiti at inayos ang aking buhok.

"Umupo ka muna dito." sabi niya sabay kuha ng isang silya gamit ang mahika patungo sa aking harap at inalalayan nila akong makaupo.

Tinignan ko ulit yung lalaki, may pulang bato rin siya na kapareha ng akin na nakasabit na parang pendant ng necklace sa kanyang leeg. We have the same hair color, same eye color, same skin color, kung tutuusin papasa siya bilang kapatid ko. Mas kamukha ko pa siya kesa sa kay Skyme pero mas mataas siya sa akin.

Sinuri ko ng maayos ang kanyang kabuuan. Magkapareha kami ng suot ngunit magkaiba ang kulay, itim sa kaniya at ginto naman ang sa akin. Meron rin siyang halo kapareha ng akin ngunit kulay puti ito at ginto pa rin sa akin.

Pagkatapos ko siyang suriin nang madalian, binaling ko kay Queen Demen ang aking paningin.

"Paano ako nakabalik sa bahay namin?" takang tanong ko sa kanya. Nagbugtong-hininga muna siya bago sumagot.

"Hindi ko alam. Pagkatapos mong bumagsak ay lalapitan na sana kita ngunit bigla ka na lang nawala. Kaya siya na lang muna ang nilapitan ko para tulungan at agad kitang tinawag." sagot niya. Wala akong naiintindihan. Paanong nawala ako bigla? Pagkatapos kong bumagsak dito ay pagkamulat ko nasa kama na ako ng aking kwarto. Anong nangyayari?

"Sino siya?" agad na tanong ko sabay tingin sa lalaki. Hindi pa rin niya inalis ang paningin niya sa akin.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Napakaraming nagsasalita na aking naririnig, masyado siyang maraming iniisip. Ngunit may isang tunog na nangingibabaw, ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso.

"Vowel. My name is Vowel." sagot niya. Naririnig ko pa rin ang tibok ng puso niya, habang naririnig ko rin ang akin. Ang bilis, magkatibok ang aming mga puso.

"Consonant." sagot ko naman. Hindi ko sinabi ang totoo kong pangalan dahil nararamdaman kong hindi rin Vowel ang totoo niyang pangalan. Bahala na!

"Your name is Consonant?" nakangiti niyang tanong. Hindi ko ipagkakaila na gwapo siya.

"Yes."

"We have a very opposite name. By the way, nice to meet you." nakangiti niyang sabi habang nilahan niya ang kanyang kanang kamay. Tinitigan ko ito ng ilang segundo.

"Same." tugon ko habang inabot ang kanang kamay ko. Biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya agad ko na rin itong binawi. Ngumiti na lang ako sa kanya saka ulit na tumingin kay Queen Demen.

"You both are the hearts of your dimensions." seryosong tugon ni Queen Demen.

"WHAT?!" sabay naming sabi ni Vowel. Napatayo ako sa gulat at agad na lumayo sa kanya habang gumawa ng isang bola ng apoy sa aking kamay. Agad rin siyang napalayo at gumawa ng isang bola ng hangin.

"Andito kayo para sa isang importanteng misyon and please no using of powers." seryoso pa ring sambit niya habang pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Sabay naming nilaho ang aming kapangyarihan at tumayo ng maayos.

Isang misyon? Ano naman kaya ito?

"Bakit kami pa? Can't you see?! Magkalaban ang aming dimensyon kaya tinuturing namin na kalaban ang isa't isa and you are telling me na may gagawin kaming isang importanteng misyon? Are you insane?!" galit na sabi ni Vowel.

"Don't you dare raise your voice to our Queen." banta ko sa kanya.

"Your Queen? Really? Are you sure about that?!" pasigaw na sabi niya sa akin.

"Ano ba! Pwede bang huminahon muna kayo at makinig? Hindi ba pwedeng ako muna ang magsasalita? Huwag niyo naman ako pangunahan!" nanggigigil na sambit ni Queen Demen.

"Your Queen? Really? Are you sure about that?!"

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Paano ako hindi makakasigurado sa puntong iyon? Anong gusto niyang iparating?

"I am the Queen of both dimensions." mahina pero seryosong tugon ni Queen Demen or should I say also Queen Croa? OMG, what is happening?!

"Ano? Paano nangyari iyon?" nagulat kong sambit sabay tingin kay Vowel.

"And you know about this since hindi ka man lang nagulat?" irita kong sabi sa kanya.

"Yes. Pero hindi ko alam na ikaw ang heart of Dementia, ngayon lang." sagot niya.

"So, since pareho kaming puso ng dimensyon, magpinsan kami?" tanong ko kay Queen.

"First degree cousins to be exact." sagot ni Vowel. Hindi naman siya ang tinatanong ko pero siya yung sumagot. Tinititigan ko siya.

It means the children of King Croa and King Demen are half siblings and share the same blood from the Queen. Does this also mean that Demens have the same powers as Croas? And that also means that both Vowel and I have the same powers?

"Yes. From the four elements to teleportation to shield, you name it all. I can also read your mind and can hear your heartbeat." nakangising sabi niya pero naging seryoso siya bigla nung sinabi niya yung huling kataga. He can also hear my heartbeat, damn it!

Iniwas ko na ang paningin ko sa kanya at lumingon kay Queen na para naghahanap ng sagot.

Simula noong nakita ko ang lalaking nasa tabi ko, hindi ko na mabasa pa ang mga nasa isip ni Queen.

Hindi naman sa pinipigilan niya basahin ko siya, parang kusang sumirado ang isip niya para hindi ko mabasa. Si Vowel naman, nababasa ko siya pero magulo, maingay at hindi ko maintindihan ang mga iniisip niya. Sumasakit ang ulo ko kapag masinsinan ko siyang basahin.

"Hindi ko intensyon na itago sayo, pero hindi ko rin intensyon na ipaalam sayo dahil alam ko ang mga responsibilidad mo bilang puso ng Dementia. Pero si Vowel, simula bata pa lang, dito na siya sa akin tumira at lumaki. Simula bata pa lamang ay kinuha ko na siya sa kampon ng mga Croa dahil alam kong anong kaya nilang gawin sa kanya sapagkat alam nila kung ano ang magiging hahantungan niya sa hinaharap. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya ng mga Croas. Ngunit, hindi ko sinabi ang lahat dahil pinaniniwalaan pa rin niyang magkalaban ang Croatiania at Dementia. May alam siya sayo, ngunit hindi niya alam na kinikita rin kita dahil pinapaalis ko siya kapag andito ka." paliwanag niya. Hindi ako umimik kaya pinagpatuloy niya ang kanyang paliwanag.

"You are destined to be the heart of your dimensions and because of that, you are also destined to love each other." sabi niya.

"What?! Destined to love each other? This is crazy!" sigaw ko habang tahimik lamang si Vowel.

"Your minds, the stares, the heartbeats. Isn't it enough to show that both of you have this connection na kayong dalawa lang ang nakakaramdam?" tugon niya.

Hindi ako nagsalita dahil nag-iisip ako. Nakatingin ako sa kawalan. Malakas pa rin ang pintig ng aking puso. Halo-halo ang nasa isip ko, ang hirap intindihin lahat. Ramdam ko ang mga titig nila ngunit wala na akong pakialam.

Tinadhana kaming mahalin ang isa't isa kaya pinagtagpo kami. Pero hindi ko mawari kung saan ito hahantong, kung hanggang saan ang pagmamahalang ito, kung hanggang kailan namin ito mararamdaman.

Binaling ko ang paningin ko kay Vowel. Magkatibok pa rin ang aming mga puso. Magulo pa rin ang nasa isip niya. Pero may iba akong nararamdaman sa aking sistema. Ramdam ko ang pag-aalala, pagpapahalaga at pagmamahal. Ngumiti siya ng maliit, ang gwapo niya sa ngiting iyon pero iniwas ko lamang ang paningin ko at tumingin ulit sa kawalan.

Hindi lang iyon ang iniisip ko. Paano ako babalik sa pamilya ko lalo na ngayon na may alam na ako? Kaya ba nila ako tinago, hindi lamang para hindi ako makita ng mga Croa, dahil ayaw din nilang makita ko ang nakatadhana sa akin sapagkat takot sila na sa ikalawang pagkakataon ay nagmamahalan ang isang Demen at Croa? Kapag bumalik ako sa Dementia, ano ang mangyayari sa akin?

At ang misyon, anong klaseng misyon ang haharapin namin ni Vowel?

Hindi ko alam. Pero isa lamang ang nasa isip ko ngayon, natatakot akong bumalik pa doon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at ang magiging reaksyon nila.

Gusto ko munang manatili dito dahil kay Vowel, dapat ko munang siguraduhin ang nararamdaman namin sa isa't isa.