webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
156 Chs

Kayleen's POV

Hindi talaga ako magaling sa math. Kahit kailan pagdating sa numbers naba-blanko ang isip ko lalo na kung may kasamang letters yon at kailangan i-solve. Siguro yon ang dahilan kung bakit di ako masyadong tumitingin sa tamang sukat ng mga ingredients sa paggawa ng cookies at cakes. Naging guide ko lang sila noong una, pero may sarili na akong sinusunod na recipes ngayon na ako mismo ang gumawa. Siguro yon ang dahilan kung bakit iba ang lasa ng gawa ko sa mga binebentang cakes sa mga cake shops. Siguro yon din ang dahilan kung bakit ba naadik si Gio sa mga gawa ko. Hindi ko naman alam na magiging issue pala yon sa amin ni Ashton.

"Sorry, late na ba ako?" tanong ko kay Ashton nang makaupo ako sa harap nya. Nasa isang sweet shop kami na napapaligiran ng libro. "Kanina ka pa ba?"

Umayos sya nang upo. "H-Hindi naman."

Sinungaling. Dumating ako rito nang nine-thirty pero nauna parin sya sa akin. Balak ko pa naman na panoorin syang pumasok mula sa pinto. Ang aga nya pero mabuti nalang di nya ako nahalata kasi nagtetext sya sa akin non. Nakaupo ako sa tagong parte ng shop kanina pa at pinapanood syang maghintay sa akin.

Gustong gusto ko talagang syang pinapanood. Kahit na hindi sya tumutugtog ng gitara, gusto kong pinapanood ang bawat galaw ni Ashton. Hindi ko alam kung creepy yon kasi gusto ko naman sya kaya magandang excuse yon sa pagtitig ko. Ginagawa naman yon ng ibang tao diba?

"Anong gusto mong orderin?" Sumenyas sya sa isang waiter.

Tinignan ko ang cup ng hot chocolate sa lamesa namin. Nakita kong inorder nya yon kanina, halatang lumamig na ito ngayon.

"Vanilla shake at peanut butter oreo pie nalang."

Inulit ni Ashton ang sinabi ko sa waiter at umalis na ito para asikasuhin yon. Umikot ang tingin ko sa buong shop. Kulay puti ang mga lamesa, makukulay naman na pink, purple, yellow, green, blue at orange ang mga silya. Sa unang tingin parang may sumuka ng rainbow sa buong shop pero it worked naman dahil enjoy tumingin-tingin at hindi intimidating. Gusto ko rin ng shop na ganito balang araw.

Bumalik ang tingin ko kay Ashton na pinapanood pala ako. Napaiwas pa sya ng tingin nang mahuli ko. Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nya. Hindi ba sya nakatulog?

"Paano mo naisip na kami ni Gio?" umpisa ko. "Sya ba ang nagsabi sa'yo?"

Nakita ko syang napangiwi sa tanong ko. Hindi nya ako tinignan. Tinutok nya ang mata nya sa malamig nang chocolate drink.

"May na-receive akong pictures nyo ni Gio habang nasa supermarket kayo. Meron din kayong kuha na magkasama hanggang sa bahay nyo."

"At naniwala ka kaagad?"

This time tumingin na sya sa akin.

"Alam kong dapat nagtanong ako pero di kita malapitan. Tumigil ka na sa pagpunta sa bahay namin, hindi mo sinasagot ang texts ko pati narin nang pumunta ako sa bahay nyo umiwas ka. Tinanong ko si Ashleen pero wala rin syang alam. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kaya nang makita ko ang mga pictures, naisip ko na sya ang dahilan. Na baka sya na ang gusto mong kasama at hindi ako. Na nahihirapan ka lang siguro na sabihin sa akin na tigilan ka na kaya iniwasan mo nalang ako."

Nakita ko sa mga mata nya ang halo-halong emosyon. Nandon yung mga tanong, tampo at frustration. Nagsasabi sya ng totoo. Kasalanan ko rin naman kasi talaga. Hindi ko sinadya pero kasi kahit naman sino mahihiya na humarap sa taong nakabasa ng diary nila. Lalo na kung halos lahat ay tungkol sa taong yon ang laman ng diary mo.

Pero wala na akong magagawa dahil tapos na yon. Nabasa nya na lahat ng sikreto ko. Alam nyang gusto ko sya. Pero sa kabila ng pagbabasa nya ng diary ko bakit iniisip nya na may gusto ako kay Gio?

Dumating na ang order ko at naghintay ako ng ilang minuto bago muling magsalita.

"Hindi ko sya gusto."

Pinakatititgan nya ako. May hinahanap sya sa mukha ko. Siguro proof na hindi ako nagsisinungaling sa kanya. Attractive si Gio, gwapo rin sya in a lazy way nga lang. Cute sya kapag nanghihingi ng cookies sa akin. Mukha syang pusang ligaw minsan na nakasunod sa akin kapag nagugutom. Pero hanggang doon lang yon. Nacu-cute-an ako sa kanya, oo. Pero hindi ko sya gusto nang higit pa sa isang kaibigan.

"Hindi ko sya gusto as in gusto. Kaibigan ko rin sya."

Hindi parin sya masaya sa sinabi ko dahil kunot-noo syang nagtanong. "Since when?"

"Simula nang magdala ako ng desserts sa bahay nyo." Uminom ako ng shake. "Kaibigan ko rin si Warren. Hindi kasing close nyo pero dumidikit din sya sa akin minsan."

"Dumidikit si Warren sa'yo?" Mukhang di rin nya nagustuhan yon.

"Ashton."

"Sorry."

"Kung binabasa mo ang diary ko bakit mo iniisip na may gusto ako kay Gio?" Napasinghap sya at namula. "Ikaw lang naman ang nilalagay ko doon diba? Maliban kay Ryan, pero alam mong hindi ko na sya gusto kasi nilagay ko na yon sa diary entry ko. Wala na akong sikreto pa na maitatago. Alam mo na lahat."

"H-hindi lahat." Nasuklay nya gamit ang isang kamay ang buhok nya. Sinalubong nya ang mga mata ko. "Hindi ko binasa lahat. Tumigil ako."

Nalaglag ang panga ko. Tumigil sya sa pagbabasa? Pwede kayang di nya nabasa na gusto ko sya?

"Hanggang saan ang binasa mo?"

Naging kasing pula ng sili ang mukha nya. Mabilis syang umiwas ng tingin sa akin. Uminom sya saglit at nakayukong sumagot.

"H-hanggang sa s-sinabi mo na..." Sinilip nya ang mukha ko bago muling yumuko. "g-gusto mo ako."