webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
156 Chs

Entry #56

Dear Future Boyfriend,

Dapat talaga tigilan ko na ang pagsusulat dito tungkol kay Ashton kasi baka hindi ikaw sya eh di nasaktan ka pa. Dapat talaga Dear Ashton nalang 'to eh. Kasi naman may gusto akong sabihin sa kanya. Utang na loob Ashton! Tantanan mo na ako! Bakit di ka maalis sa isip ko?! Nandyan ka na nga sa Japan pero bakit iniisip kita? Namimiss ba kita?! Ito na ba yon? Ito na ba ang sign? Mababaliw na yata ako! Hindi naman ako ganito kay Ryan ah!

Nababaliw na ako sa iyo~ Ako'y litong lito, Naloloka, nahihibang Sa kaiisip sa'yo~ Sa'yooo~

Ito yung moment na makikinig na ako sa mga love songs. Hindi ko narealize na kumakanta na pala ako ng mga love songs! Natigil na ang pagkanta ko ng 2NE1 songs. Nababaliw na ako. Ito ang epekto mo! Bakit ba kasi? Bakit? Bakit ba kasi? Dati oo gusto ko ng boyfriend pero ngayon, ganito pala ang epekto non! Hindi ko talaga alam kung naiinis ba ako sa kanya? Hindi kasi nya ako tinetext! Bakit si Ashleen tinext ako? See? See? Di nya ako gusto! Ayoko na! Hindi ko na sya iisipin!

Itanong mo sa akin, At tatanungin ko rin, Kung ika'y aamin, Lahat ay gagawin~

Love,

Kayleen