webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
156 Chs

Entry #54

Dear Future Boyfriend,

Wow. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko 'yon sa'yo. Kahit ako, hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko pala 'yon para sa kanya. Pero ito ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko ngayon; gusto ko lang ba si Ashton dahil alam kong gusto niya ako? At nandyan pa 'yung big question mark sa katauhan ni Mr Creeper. Nagustuhan ko lang ba siya kasi gusto niya ako? O naging aware lang ako sa feelings ko kasi nalaman kong gusto niya pala ako? Itinanggi ko nang itinanggi pero 'yun naman pala gusto ko siya?

Nilista ko yung mga pagkakataon na nagpapatunay na sya nga si Mr Creeper.

1. Tatlong beses nag-vibrate ang phone nya nang mag-text ako kay Mr Creeper (first time sa coffee shop, second and third sa vacation house nila).

2. Hindi ako masyadong tinetext ni Mr Creeper noong alam ko na busy si Ashton sa graduation nya.

3. Pareho silang lilipat ng school. Enough evidence na kaya 'to? Mag-iisip pa ako ng iba.

Love,

Kayleen